Totoo nga! Hindi mo kailangan maging tomboy o lesbiyana para ma-appreciate ang koleksyong ito ni Andyleen.
May umiiral na agency at empowerment na nakapaloob sa bawat kwento. Malaking kontribusyon at napakamakabuluhan nito para sa kontemporaryong panitikang malay sa kasarian/panitikang pangkasarian.
Sa simpleng pagsisimula sa panghalip—naibabalik natin ang pagiging inklusibo ng mga boses at diwa ng mga uri/anyo ng kasarian na madalas isinasagilid/isinasantabi. Nagkakaroon ng resistensya sa pamamagitan ng pagbisita’t pagwasak sa mga hetero-normatibong pamantayan, seksistang pananaw at patriyarkal na ideolohiyang lipos sa mga naunang literatura kung saan may pagbanggit o paglalagay man ng lesbyana/tomboy ay bilang tropo/paksa lamang para sa drama at komedya.
Mayroon itong 12 short stories at tunay na mararamdaman ng mambabasa ang boses ng pangunahing karakter sa bawat kwento. May variety yung mga kwento; may pambata, may heartwarming, may tungkol sa coming out, may ibang mga genre. Filipino queers, daughters/sons, parents, friends, lovers, yearners, etc. will find a version of themselves in these stories.
random thoughts: Makopa - naalala ko ang pelikulang Huling Chacha ni Anita Si Rosana sa Panahon ng Tutubi - di ako magugulat kung ito ay magkaroon ng children's illustrated version Birthday Wish - dinig na dinig yung preteen narration ng mc Reyna Elena - maiintindihan ng nanay at ang kanyang anak ang isa't isa Manggagamot - transgressive, should come with a trigger warning Si Oblong... - accusation of crime through stereotyping Dress for Occassion - naalala ko yung Die Beautiful Pagil-gigil - parang isang episode ng Sex Ed series; madaming layers na na-tackle Ang Manananggal... - folktale/Ibong Adarna queer version Naked Sanctuary - gen z sapphic couple na magkaiba ng ideology/economic background Si Maricarl... - parang psychological thriller 36 Questions - eto parang GL
Bilang isang graduate sa Panitikan at Wikang Filipino, sobrang na-appreciate ko ang Magsimula Tayo sa Panghalip. Ang ganda ng paggamit ni Feje sa konsepto ng panghalip para pag-usapan ang identidad at pagkatao nang hindi mabigat basahin. Payak pero matalas ang wika, at bawat kuwento may naiwan na pagninilay. Isa ito sa mga librong matatapos mo, pero mananatili sa isip mo kahit naisara mo na ang huling pahina. Galing! Eggzoited for 2nd book!!!
Nagustuhan ko ang libro. Noong una akala ko ay puro ito kwento ng lesbiyana at queer individuals, ngunit noong binasa ko ang blurb sa likod ng libro, nag lalaman din pala ito ng kwento ng mga koneksyon ng mga pamilya.
Ito ang una kong nobela na tungkol sa lesbiyana at hindi ako nito binigo. Nakakatuwa na may mga awtor na gumagawa ng ganitong nobela upang mamulat ang mata at ang kaisipan ng tao ng mga karanasan ng mga queer individuals.
Salamat din sa oportunidad ng Aesop Library, dahil nakuha ko ang libro na ito noong nag pamigay sila ng libreng libro noong Pride Month sa Pilipinas. Ang daming pagpipilian ngunit ito ang nagustuhan kong kunin dahil gusto ko subukang magbasa ng kwento na patungkol sa mga queer individuals lalo na ang mga lesbiyana.
Sa papalabas na libro muli ni Andyleen, natitiyak ko na maganda muli ito at aabangan ko muli ito.
Magsimula Tayo Sa Panghalip by Andyleen Feje is not just a collection of stories but is an experience. A Queer Experience written by a Filipino Lesbian Author.I love a book that educates, offers a new perspective, and inspires/empowers me to continuously fight for the rights of the whole queer community. This book is highly recommended to everyone not just queer people but everyone with an open mind and heart. You don't have to be queer to understand and appreciate this book.This is for everyone. But especially this is for the Lesbians.