Jump to ratings and reviews
Rate this book

Pamimintana sa Pintong Rosas Budget Hotel

Rate this book

238 pages, Paperback

First published January 1, 2025

2 people are currently reading
15 people want to read

About the author

Allan N. Derain

11 books44 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2 (33%)
4 stars
3 (50%)
3 stars
1 (16%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
2 reviews
May 23, 2025

Pamimintana Sa Pintong Rosas Budget Hotel

Hindi mabuting tao si Fidel Sumpid, guro ng Philippine Culture and Mythology sa College of Hospitality International—Novaliches. Sinasabi ng isip na ito ang dapat kong unang linawin. Na sa kabila ng kaaliw-aliw, matapang, at prinsipyadong karakter (ukol sa pag-u-unyon) ng bida ng kuwento, siya ay sumalakay (groom, base sa kaniyang sariling pakahulugan) ng isang disinuwebe anyos na lalaking si Eron. Mapanghusga, mataray, at may mga pagkakataong mapangsamantala ang karakter. Naaalala ko si Humbert Humbert ng Lolita sa character. At kapareho ng nobela ni Nabokov, sa tingin ko ay hindi ito apologia para sa isang gurong katulad ni Fidel kundi isang pagpapatotoo at kritisismo sa mga taong katulad niya.

Ito ang unang balakid na kailangang lagpasan bago tuluyang bigyan ng sintensya ang kuwento. Dahil pagkatapos nito ay uusigin ka sa danas ng isang karakter na nagnanasa at naglilibog sa kaniyang araw-araw na buhay para sa mga katawang kaya siyang pasayahin at bigyang kahulugan sa pamamagitan ng pagbili ng laman. Kaugnay ng pagnanasa ang sahod, na para sa isang manggagawa at gurong katulad ko, naibunyag nito ang mapait na katotohanan. Limitado ang nasa ng taong limitado ang kita. Interesante at buong nailahad rin ang subplot ukol sa pag-u-unyon ng mga guro ng CHI na nauwi sa pagkadismaya dahil sa nabulgar na sikreto laban kay Fidel. Inilalantad ng kuwento ang sistemang mapaniil laban sa mga guro, maliit man o malaki ang eskuwelahan. Napatanong rin ako, masasabi bang ulirang-guro si Fidel? Pupuwede, kung isasantabi ang katotohanang nagpasama siya sa kaniyang estudyanteng si Eron upang landiin ito at kalaunan ay mauwi sa pakikipagtalik dito.

Kamakailan napanood ko ang pelikulang Bukas … May Pangarap na pinagbidahan nina Tommy Abuel at Gina Alajar. Tema ng pelikula, na siyang lantarang sinasabi, ang maaaring kahihinatnan ng sobrang ambisyon, ng pangarap. Sa pelikula, matapos mabigo ang karakter ni Tommy na si Odong sa kaniyang trabaho sa Saudi dahil sa isang iligal na rekruter, lumala ang dagok sa kaniyang pamilyang ibinenta ang lahat upang mapalipad siya, lalo na sa kaniyang asawang si Gina Alajar. Dahil sa depresyon at hirap ng buhay, nagpakamatay ang karakter ni Alajar sa dulo ng pelikula. Ganito ko rin nakikita sa isang banda ang mensaheng nais ipaabot ng libro, na may hangganan ang pangarap, ang nasa, lalo na para kay Fidel na isang baklang papalapit sa kalagitnaan ng kaniyang buhay, at manggagawang mababa ang kita.

Mabilis kong natapos ang libro, nga lang, may pagkakataong nahihiya akong ilantad ang pabalat ng isang matipunong lalakeng nakaliyad habang binabasa ito sa bus at e-jeep na sinasakyan papunta at pauwi galing trabaho. Sa ganang ito, ayoko mang aminin, ay nakikita ko ang kahihiyan na nadarama ni Fidel, katulad na lamang noong natagasan ng dugo ang kobre kamang pinagsipingan nila ni Eron. Kahit na walang bintana ay may akto pa rin ng pamimintana sa lagay na ito. Malay akong maaaring makita ng mga tao ang pabalat at bigyan ako ng ‘di ko inaasahang panghuhusga sa kanilang utak at malay rin sila na sinusubukan kong itago ang libro. At kahit wala naman akong babayarang multa katulad ni Fidel nandoon pa rin ang hiya.

Sa kalidad naman ng libro, sana ay magkaroon ng mas maayos na pag-bind ang publisher dahil may ilang sinulid ang napigtas dahil dito. May pagkakataon ring nagmamantsa ang ink sa daliri, lalo pa sa aking may pagka pasmado na kamay.

Masayang basahin ang libro, mabilis at nakagigiliw ang kuwento. Hindi ito linyar, putol-putol at pinagdidikit lamang ng mga pahiwatig upang ipaalam kung nasaan ka na sa kuwentong iyon. Epektibo rin naman ang pagsasaayos na ito ng kuwento dahil mas nagiging kapana-panabik ang bawat isang kabanata at mas nabibigyang pananaw ang mambabasa sa isip ni Fidel. Patibay ang estilo sa kung gaano kahusay si Allan Derain bilang isang kuwentista.
Profile Image for Nico.
100 reviews
August 13, 2025
Si Fidel ay mapangsamantala. Malay ang karakter sa ginagawa at may pagpapakatotoo sa mga pinaniniwalaan niyang tama at hindi tama.

Paalala lang na hindi ito pagbibigay ng dangal at paghuhugas kamay sa isang groomer bilang ganid sa laman at hayok sa init ng katawan. Binubuklat nito ang mga nasa at lasa ng abot sa kamay bilang nakatatandang indibidwal. Mga bisa ng posisyon at kalunos-lunos na sirkumstansiya ng buhay bilang pagsunod at ang mga batang nailagay ng panahon sa rurok ng wala sa lugar na libog.

May prinsipyo ang guro, makikita naman ito sa paninindigan at pagiging boses ng isang unyon. Bukod dito, walang rason para manindigan sa bawat Fidel.

Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.