Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Mga Alipin

Rate this book
Talata por talatang komprontasyon sa Noli me tangere, pagtatangka ang nobelang Ang mga Alipin na magbigay ng total na bisyon ng lipunang Filipino sa panahon ng blockchain at social media. lsang eksperimental na nobela na lumalayo sa tradisyon, naghahandog ito ng bagong uri ng imahinasyon at nagbibigay ng matalim na pagsusuri sa panitikan at komentaryo sa kultura.

516 pages, Paperback

Published April 25, 2025

Loading...
Loading...

About the author

U.Z. Eliserio

18 books5 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2 (33%)
4 stars
4 (66%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for C.L. Balagoza.
154 reviews21 followers
July 24, 2025
Sabi nga sa kanta ni Lea Salonga “What a journey it has been,” literal na “What a journey!” ang pagbabasa ng Ang Mga Nobela ni U Z. Eliserio, ang laki ng mundo ng nobela. Kaya rin siguro ako natagalan sa pagbabasa.

Hindi mo sigurado kung seseryosohin mo ba ang mga mababasa mo rito, pero sure ako, hindi mo mapipigilang matawa. Sa randomness ng mga nangyayari. Kung naghahanap ka ng solid na plot, sa iba mo hanapin. Pero don't get me wrong, may plot pa rin ito, 'di mo nga lang alam kung saan papunta.

Ang masasabi ko sa kabuuan, paano ito naisip ng manunulat? There's something about this novel na kahit ayaw mong seryosohin, seseryosohin mo siya, dahil behind those unseriousness nakikita mo 'yung uri ng mga taong nasa paligid mo. Parang sa nobela rin ni Rizal, ang kaibahan, ibang tao na ang kina-capture ng Ang Mga Alipin.

Pakiramdam ko, iba-iba rin ang magiging reading experience ng bawat mambabasa ng nobelang ito. Para sa akin, what a journey it has been, pero nakarating pa rin sa huling pahina.
Profile Image for Sai theengineerisreading.
645 reviews110 followers
December 27, 2025
514 pages na binuno sa loob ng tatlong linggo. Sinubukan kong seryosohin pero noong nasa 300th page na ako, natauhan ako kasi bakit mismong yung libro hindi seryoso?! Lol.

Para sa akin, effective itong reiteration na ito ng Noli Me Tangere na set sa taong 2018 - dalawang taon bago ang pandemya. Puno ng katatawanan, kalokohan, at mga punto de vistang borderline cancellable if ikaw ang personified na Christopher Supalpal - ang main character sa nobela na pwedeng maging imahe ng performative male trend sa social media nowadays.

Bukod sa humor, marami-rami ring aral na mapupulot dito. May komentaryo tungkol sa mga isyung panlipunan, sa pasismo-klasismo-seksimo, slander (deserved!) kay Pduts na nasa The Hague, at ang overarching theme kung anong silbi mo bilang tao sa mundong ito.

Kapansin-pansin ang ilang kabanata na obvious ang paghambing sa Noli pero overall, tatak U Z. Eliserio ang nobelang ito.

Laughtrip, seryoso (nga ba?!), at nakakaaliw. Binigyan ko ng 4.5 stars ang nobelang ito.
Profile Image for Elena ( The Queen Reads ).
874 reviews39 followers
August 29, 2025
Nakakalito, nakakabaliw, pero sobrang nakakatawa. Chaotic pero witty, at ang daming layers na magpapaisip at magpapatawa sayo. Hindi madaling basahin pero sulit dahil sa unique na style at humor ni U Z Eliserio.
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews14 followers
September 7, 2025
Isa sa mga 'di ko makakalimutang reading experience sa buhay ko itong pagbabasa ng Ang Mga Alipin ni U Z. Eliserio—isang eksperimental na nobelang nakikipagdiskusyon sa Noli ni Rizal. Sinubukan kong seryosohin ito noong una, at parang laging umiikot ang ulo ko noon. 'Di kalaunan, napagtanto ko ring marahil nais lang talaga ng awtor na patawanin ang mambabasa. Maraming dahilan kung bakit.

Una na diyan ang mga kwelang chapter at character names. Bukod sa bumabaha ng sekondaryong karakter—na kalaunan, tinuligsa ng libro ang maraming deskripsyon sa mga ito—napaka-random din ng mga pangalan. Peyborit ko pa rin yung kina Crispy at Bata (wat hafen, crispin & basilio? (⁠*⁠_⁠*⁠)).

Isa pang dahilan ang bawat takbo ng naratibo. Kung ilalarawan ko ito, imagine niyo na lang na para itong intrtusive thoughts na walang gate kaya bukas sa lahat. Napakaraming references na napapaisip na lang ako chronically online siguro ang awtor. Hagalpak naman ako sa tawa lalo pag alam ko ang context.

Isa rin sa nakapukaw sa akin na detalye ng libro ang depiksyon nito ng paggamit sa social media—kung pano nito binabago ang pamumuhay ng mga Pinoy.

May mga positibong epekto, gaya ng kung paano nagagamit ang social media bilang instrumento o ebidensya sa mga krimen, at pano napapadali nito ang paghahanap sa kapwa taong pareho ng niche. Gayunpaman, mas tumatak sakin ang mga negatibo, gaya ng laganap ng bullying sa comment sections (ng kahit anong app, uy Pilipins!), plagiarism, at pagkahumaling sa pagkakaroon ng virtual image o branding.

Ito ay mga isyung panlipunan ngayon na wala sa Noli Me Tangere ni Rizal. Napapaisip tuloy ako kung paraan ba ito ng awtor na iparating na ang karahasan ay hindi nawawala sa lipunan, nagbabago lamang ito ng anyo kasabay ng panahon. Pero gaya rin ng sabi ko kanina, kung seseryosohin masyado itong nobela, marami ka pang iikuting kaisipan. Kung ako lang, pagod na ang kaluluwa ko sa pang-aliping merkado, kayo na ang bahala riyan.
Displaying 1 - 4 of 4 reviews