Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid.
Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan.
Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran?
Book Cover by Bb. Mariya
Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
• 2018-2019 Best Selling Author by ABS-CBN books • 2019 Game Changer Award by ABS-CBN books • Bestseller in Philippine Publication Fiction of National Bookstore.(ILYS1892)
my fave aaaaahhh. ewan kung may clue sa socorro na si xavier yung male lead rito pero anyway nagulat ako nung siya pala yung ml ack. fake marriage trope FOREVER!!!