These speeches were written to raise questions. Inspire action. Encourage thought. They're also full of sarcastic one-liners, biting wit, and colorful cuss words. Compiled from various events to which Lourd De Veyra - journalist, writer, singer, and blogger - has been invited to speak, some of these 25 speeches may read like an uncontrolled stream of consciousness, and some are precisely written pieces with astute observations about life, work, and the world we live in. But all of them will make you want to keep reading.
BONUS! Two new speeches by the Lourd himself, just for this book: Sermon sa Mga Fashyown Pangks Nat Die: Sa Mga Punks ng Pilipinas
Lourd Ernest Hanopol de Veyra is a multi-awarded Filipino musician, poet, journalist, broadcast personality, and activist who first became famous for being the vocalist of Manila-based jazz rock band Radioactive Sago Project. De Veyra graduated with a Bachelor of Arts in Journalism from the University of Santo Tomas.
As literary influences, de Veyra cites Beat movement writers such as Allen Ginsberg and Jack Kerouac. He explains, speaking as a fellow at the 45th UP National Writers Workshop:
“What I look for in poetry is an uneasy kind of energy. An energy that is already beyond the configuration of words and then assumes a density that is akin to music. At the heart of it all is jazz. Jazz, the manipulation of breath— the unleashing of breath, the holding of breath, the destruction of breath. The most basic unit of jazz is the swing and the breath. My primary influence is the Beat movement and I think my initial fascination for them was rather hinged on the wrong reasons: the radical visual arrangement of lines on the page, the profanity and the absurdity that struck my mind as a welcome relief from the stultifying archaisms of 17th-century English poetry force-fed on us by high school teachers. Here was, at long last, literature that spoke to me. It was in sympathy with the energy of free jazz and punk rock records that I was listening to at that time. Through the lyrics of punk rock and hardcore records, I had an inkling of how words can be more powerful than a guitar amplifier cranked up all the way to ten. My exposure to the poetry of Ginsberg and Kerouac opened me up to the world of possibilities. And I am obsessed with the idea of ‘possibility’. ‘Possibility’ is what art is all about. It is the constant wrestling with forms, styles, and structures. It is the idea that something better is always out there. It is about discontent. It is about discontent with the safe, the middling, the accepted, and the acceptable.” He has thrice been a recipient of a Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature - A Third prize in essay (English division) in 1999, a second prize in the same category in 2003; and a first prize in teleplay (Filipino division) in 2004.
When the hardcore punk band Dead Ends ended their 4 year hiatus, he became the band's lead guitarist in 1994, thus making Dead Ends a four piece band. Then, they recorded their comeback and final album, the influential Mamatay sa Ingay(1994), it was a different sound than their past materials, it was more of a crossover-thrash approach. When Dead Ends disbanded in 1996(because of Jay Dimalanta's passing). He also became a member of Al Dimalanta's new band Throw, with his brother Francis playing the bass.
I am at least a decade older than Lourd De Veyra but still I enjoyed this book. Not that he only writes for the young people of today but he makes more sense that what I had expected prior to picking and reading this book. My second book by him. The first one was his novel, Super Panalo Sounds! (3 stars). I liked it but not enough for me to buy another book by him until the idea of inviting him to guest in our book club, Pinoy Reads Pinoy Books came because Summit Media welcomed the idea of letting us use again their function room for book discussion. What's the better way of paying back their hospitality than guesting and promoting one of their resident authors. De Veyra won over the radio trio of The Morning Rush and the beautiful Mina Esguerra in the poll to select which Summit book to read for March 2016.
This book reminded me of the heydays of Jessica Zafra. In fact, De Veyra uses the same formula as Zafra: witticism with a bit of sarcasm and they both write beautifully about all sorts of things especially those subjects that their readers can relate to. There is one huge difference though: De Veyra may not write as eloquently as Zafra but he knows how to write in Tagalog making De Veyra relatable even to the Great Unwashed (his term). Well, De Veyra is also into music making while Zafra is a great fan of tennis something that I can imagine De Veyra will be writing about.
In his introduction to this book, Gang Badoy (Founder, Rock Ed Philippines) says that it is better to savor this book in units, best read when relaxed and when the brain is unshackled over and over again but I am on vacation leave from work today and so I finished this from cover to cover with some breaks to play a level or two of Plants vs Zombies 2. I did not find the need to have frequent breaks since I did enjoy reading the speeches and picking De Veyra's brain. I agreed on most of his thoughts like kailan pa naging mali ang maging matalino? or if our writers don't grow old, our fiction will stay juvenile that reminds me of readers in their 20's or 30's or even 40's still reading Harry Potter, Twilight Saga, romances and nothing else. It is as if their minds have closed and they made a decision to stay in the same literary genres that they grew up with.
This book is highly recommended for people who would like to have their brain cells stimulated a bit. Also for Lourd De Veyra's fans obviously.
Keep on accepting speaking engagements, Lourd! Looking forward to your second compilation.
May aaminin ako simula ng marinig ko ang pangalan ni Lourd De Veyra at makilala ko yung banda nyang Radioactive Sago Project eh hindi ko talaga siya nagustuhan.As in di ko gusto, at nung sinabi ng friend ko na may book sya at ang title eh Little Book of Speeches, naisip ko na boring siguro ito kase nga naman speech daw eh tpos speeches pa eh di marame, marameng boring, pero sa isang banda nacurious ako, kaya hiniram ko. At ngayon iba yung naging pananaw ko sa manunulat na si Lourd De Veyra, ang angas mo dre' para sakin ang galing mo, matalino ka at higit sa lahat napahanga mo ako dahil sa librong ito. Nagiba yung pananaw ko sa taong ito in short wasak!!
After reading this book i just want to read it again gusto kong namnamin eh, yung tipong hindi ka makamove on kasi alam mong may sense siya at kahit na may part na nakakatawa parang nandun yung gulat at sampal na iiwan ng bawat speech niya sayo. Yung minsan masasabi mo na nga lang na "Oo nga ano!" Sa bawat speech na sinabi niya lage ito nagiiwan ng tatak sa bawat taong nakikinig non, Yung mga topics na alam natin na talagang nangyayare lalo na sa larangan ng journalism, arts or kahit sa pagiging mamamahayag o kahit bilang estudyante, guro, yung mga nagtatrabaho o kahit ng simpleng tao lamang. Magiiwan siya ng lamat sa sarili mo sa puso o sa buong pagkatao mo.
Ilan sa mga speeches na ito ang tumatak at naging paborito ko:
1. THE FUTURE SO BRIGHT YOU GOTTA WEAR SUNSCREEN [Haha gusto ko to at tama nga sa taong 2030 malamang lahat ng kanto natin may nagsasabi nang "Happy to serve you, yes." Yung lahat ng kanto may SM, ultimo paaralan at unibersidad SM, hospital SM lahat ng establishment SM. What would happen 15 years from now??]
2. PALAYAIN SI INDAY [Sobrang nagustuhan ko tong speech na ito siguro dahil na rin sa ang topic na ito ay tungkol sa silid aralan, sa mga guro at mga nangyayare sa loob ng ating mga naging silid aralan bukod sa naisip ko ang nanay ko na isang guro. Nacurious ako sa librong Trip to Quiapo ni Ricky Lee at gusto ko itong basahin. At tama nga hindi lang sa loob ng klasrum nagtatapos ang obligasyon natin bilang estudyante kundi bilang tao sa labas noon madame tayong maibabahagi na karunungan sa ibang tao, sa mga katulad ni Inday na nagsikap na magkaroon ng ibang kaalaman na binabahagi ng mga ibang tao. Oo lahat tayo alam nating ang sarisarili nating Quiapo, tama at sana sa napili nating Quiapo wag sana tayo malugmok sa baha neto.]
3.AN IMAGINARY STATE OF THE NATION ADDRESS [Di ko alam kung bakit pero nagustuhan ko itong speech nya na ito medyo seryoso at minsan hindi ko masyado naiintindihan yung kalaliman nya pero sa isang banda napakaganda ng pagkakasulat nya neto, madame siya nakitang mga importanteng isyu na dapat nabibigyan ng pansin ng ating gobyerno.]
4. SUMAYAW KA NA LANG [Isa din ito sa ngustuhan ko, tama magpakatotoo ka at wag mo kalimutan kung san ka nakatungtong, kung sakali man sumayaw ka na lang.]
5. ANG TUNAY NA PINUNO AY TUNAY RING REBELDE [#HAPPYCHENCHENDAY Hahaha sino si Chenchen? Sa isang parte neto nagustuhan ko yung sinabi nyang Magbasa tayo, sa panahon kasi ngayon aminin man natin o hindi marami sa kabataan ang hindi na gusto ang magbasa, magbasa ng mga literatura na tinuturo sa paaralan baka sa susunod na panahon wala ng makakakilala kay Jose Rizal. Wag naman sana]
6. SERMON SA MGA FASHYOWN [Alam na kung bakit.. katulad ko mas nanaiisin ko bumili ng libro, ng marameng marameng libro kesa ng magarang damet o sapatos.. yun ay akin lamang ewan ko sa inyo.]
Yan ay ilan lamang sa mga speeches nya na nagustuhan ko, pero higit sa lahat maganda itong compilation nya ng mga speeches, makabuluhan naman at puno ng impormasyon. Unexpected read tlaga ito for me, Wala akong inexpect na kahit na ano dahil pakiramdam ko palang boring to at dahil di ko nga sya gusto di ba pero sobrang napahanga nya ako. Kaya karapat dapat na bigyan to ng 4 stars para sa talino at galing ng may-akda.
Gusto ko ang pagiging eloquent ni Lourd. Gusto ko ang way ng pagsusulat at pagsasalita niya kahit minsan verbose siya at nagkaka-verbal diarrhea. Kase ang honest niya masyado. At yun ang pinaka-importante para sa'kin kase nasusuya ako sa mga pretentious na nagmamatalino sa totoo lang. Ayoko ng mga pa-Avante Garde. Haha. Halos lahat ng book niya nabasa ko na at ang masasabi ko lang kahit ang talas ng dila niya, ang humble niyang tao. Masyado siyang modest. Kahit sabihin pang hindi siya people pleaser, but still, napi-please niya ang utak ko. Haha.
So si Lourd ang ni-review ko hindi yung book niya? Haha.
If you're not used to his humor and his topics, then this might be an uncomfortable read. In my case, I like his humor, so I enjoyed this book.But then, these are speeches, and they're made to be heard by a wide audience, so I'm contradicting myself in the first sentence. I do find comfort in his advice about not being ashamed of intelligism, that people should stop discouraging people who says and writes intelligent things by responding with "NOSEBLEED!". If anything though, this book will make you stop and think, as with any of his Radio, TV or written work.
HOY IKAW! KUNG PINOY KA BASAHIN MO ‘TO! KUNG HINDI, edi hindi. Madali naman akong kausap.:) Hindi ko binalak bilhin ang Lourd de Veyra’s Little Book of Speeches (LdVLBoS). Gusto ko talagang bilhin yung Stupid Is Forever ni MDS. Ang kaso, out of stock sa National Book Store SM Bacolod (as always the case. Punyeta). Bago ko basahin ang LdVLBoS, ito lang ang alam ko tungkol kay Lourd: 1. Sigurado akong matalino siya. Nasa broadcast industry e. 2. Siya yung cool na weatherman sa TV5 3. Ang gwapo ng speaking voice niya. Napanood mo naman sigurado yung Mang Juan commercial niya, di’ba? 4. Informative at entertaining ang Word of the Lourd videos na ina-upload niya sa YouTube. Napanood ko yata halos lahat ng episodes ng WOTL. Fan na fan kasi ang ate ko nu’n.
First time kong bumili ng non-fiction book (Filipino or otherwise). Yung ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong lang yata ang nabasa ko under this genre. Inenjoy ko yun, pero ‘di na nasundan (what a shame).
So, ano bang napala ko habang binabasa at pagkatapos kong basahin ‘tong 150 pages (hindi pala 190) na librong ‘to na may napakanipis ng cover?
Sabi sa likod ng libro: "These are not your ordinary speeches. These speeches were written to raise questions. Inspire action. Encourage thought. They're also full of sarcastic one-liners, biting wit, and colorful cuss words"
It contains 25 different speeches all written and 21 of which were delivered by the author himself during graduations, seminar, award ceremonies, etc. Kayo na umalam kung ano’ng nangyari dun sa 4 na hindi nya na-deliver *wink*
Siguro masasabi kong mas nakilala ko si Lourd de Veyra sa librong 'to. Hindi (daw) siya aktibista. Hindi lang siya basta weatherman na may nakakaaliw na historical trivias. Hindi lang siya yung may seksing boses pag nag-e-endorse ng chicharon. Hindi lang siya yung nanlalait kay Kris Aquino sa mga WOTL episodes niya. Si Lourd de Veyra ay isang mahusay na poet/writer (3-time Palanca Awardee). Journalist (okay, obvious ‘to). Blogger. Pangkista. Higit sa lahat, siya pala ang frontman ng Radioactive Sago Project (No joke. Hindi ko talaga alam. Aliw pa naman ako sa kanta nilang “Gusto Ko ng Baboy” hehe).
Excerpt mula sa libro: “ “Do I contradict myself? I contain multitudes!”sabi ng makathang si Walt Whitman. ‘Yan ang tao. ‘Yan ang tunay na diwa ng tao. Hindi ‘yan tao kung walang conflict sa kanyang mga perspektiba sa buhay. Baka lang at kambing at kuhol ang walang mga conflict sa buhay.”
Isa lang to sa mga gustung-gusto kong concept from the book. Kumbaga sa fiction, para siyang coming-of-age story. RELATABLE. RELEVANT. Nung natapos kong basahin ‘to, parang tumalino ako. Mas mulat. Naisip ko din, “ang sarap talagang magbasa.”
Maraming beses nag-speech si Lourd tungkol sa halaga ng media, in particular, social media. Ako, pa-fangirl fangirl ako 95% of the time sa Twitter. 5% siguro rants about school. Mga isyu tungkol sa kahirapan, giyera, ekonomiya, moralidad, at politika? Sa harap ng hapag-kainan lang napag-uusapan ng pamilya ko ang mga 'yan (Pero minsan naiisip ko rin, yung ibang pamilya kaya, napag-uusapan din ang mga bagay na ‘to? Siguro.) Sa skwelahan, meh, busy sa pagsosolve ng fictitious assets and liabilities.
Ang punto ko—minsan, hindi ko (natin) nagagamit nang tama ang social media or internet. Pangit ang pagiging indifferent sa mga relevant issues kung may kakayahan ka naming baguhin ang mga ito (e.g. Yung Marcelo Santos III na 'yan na best-selling author daw at may 4M++ likes kahit na-plagiarize niya sa Paulo Coelho; mga jeje trends ng fantards na, ewan ko ba, mamamatay yata kung hindi mag-trend ng isang araw ang mga idolo nila). Hindi ko sinasabi out loud ang mga ganyang bagay dahil naniniwala akong lilipas din ang mga ganyan, at worse, baka ma-bash o ma-cyberbully pa ako ng mga die-hard fans.
Pero may natutunan ako kay Lourd. Sabi nya sa isang speech (about journalists he looks up to): “Hindi ko alam—pero for some reason, ganun yung klase ng opinion na gusto kong basahin ko noon. Punk rock. Parang sinampal ka sa mukha, hinihila ang kwelyo mo, pero hindi ka sinisigawan. Para sa akin, ‘pag ang opinion ay sumigaw, nawawalan na ito ng bisa. Higit sa lahat…nakakatawa.”
Gusto kong tularan yun. Paano? Di ko rin alam, but I’m working on it.
To end this speech, I mean..review, hindi ko masasabing titigil na akong maging fangirl over books and TV shows and artists I love. Siguro imi-minimize ko lang. Gusto kong maging “proactive” Filipino netizen—maging involved sa social & political issues, ganun( 2015 New Year’s resolution).
Pero ito ang sure na sure ako: 1. Babasihan ko ang iba pang libro ni Lourd 2. Maghahanap ako ng kopya ng Trip to Quiapo ni Ricky Lee (pinakapaborito ko kasi yung “Palayain si Inday" speech kaya na-curious ako) 3. Kelangan ko ng UP Diksyunaryong Filipino. Sa’n makakabili nu’n?
Kung natapos mong basahin ‘to, salamat!
P.S. Gusto ko rin yung “Ano ang Meron Noon na Wala Ngayon?” speech. Rak.
There's something about Lourd de Veyra's essays that make you laugh and slap some sense into you. I truly enjoyed this collection of speeches and hope there would be a second volume because you can never have too much Lourd de Veyra books.
Para sa akin kakaiba ang Speeches ni Lourd, hindi siya pangkaraniwang naririnig ko na speeches.
Para sa akin ito ang speech na tatamaan ka tlga as in wawasakin ang ideya mo batay sa kanyang mga opinyon.
May tama o pwede rin maki-ayon batay sa kanyang pananaw.
Para sa akin binibigyan ka niya ng pagkakataon upang makapag-isip, ihambing ang mga impormasyon, at sa huli ay magpasiya kung ikaw ba ay sang-ayon sa kanyang mga pananaw.
Binibigyan niya tayo ng laya kung tatangapi8n natin ang kanyang mga pananaw.
Basta ang mahalaga ay maunawaan natin kung saan siya naggagaling at kung tatanggapin natin ang kanyang mga pananaw.
Sa kabuuan maganda ang pagkakalahad niya ng mga impormasyon, paghahambing, maging ang kanyang mga kuro-kuro o pag-analisa.
I didn't know Lourd is a writer for a newspaper before and I just really liked his style and wit, that's why when I saw him on the cover I quickly got a hold of the book. I liked the book description (the colorful cuss words disclaimer) and I thought it would be a witty light read. Well, it was witty- considering it is by Lourd De Veyra but I'm not sure of the light read part.
The first speeches, the serious ones, can't be understood by merely context clues. Hence, you really need a dictionary by your side, bro. The other ones are lighter though, but still it will make you think all the same.
I'm not comparing Ramon Bautista to Lourd, but if you read one RB's books, or other books about love, you have no excuse not to read this. Putangina, please. You need this one. Thanks.
Lourd de Veyra's wit and brutal delivery of satire and humor come into play while one peruses his collection of speeches. If you are not familiar with this type of book, then go pick up something else. This book contains short passages from some of the author's most memorable (and often entertaining) verbal beat downs on certain issues surrounding every Filipino's beliefs, stereotypes and dogmas. Be it politicians, fashionistas, punks, newscasters, fishermen, Anne Curtis or the fat dancing guy from Korea... No one is safe from the word of the Lourd.
Lourd Ernest Hanopol De Veyra is my new favorite person--not just as a poet, journalist, frontman, reporter, or a DJ but as a person.
Isang malaking karangalan para mabasa ang Little Book of Speeches ni Sir Lourd FOR FREE. Hindi pa rin ako makapaniwala na binigay nya sa akin mismo ito kasama ang Super Panalo Sounds! niya. What a lucky bastard, di ba?
Una ko siyang nakilala sa TV, sa Word of the Lourd dahil sobrang lupet talaga ng title nung programang iyon at sobrang wasak din ng mga topic non. Makalaunan, nagwe-weather na siya. Hindi na 'ko masyadong nakakanood ng balita noon kaya't medyo nalaos na siya sakin nung mga oras na yon.
Dahil sa isang kaybigan kaya ko nakilala ng lubusan si Sir Lourd. Isang punk ang kaybigan 'kong 'yon, journalist din siya sa school nila at halos idol na idol niya si Sir. At dahil naging intern din siya sa TV5, nagkaroon ako ng pagkakataong mameet in person si Sir (together with Sir Jun, Direk RA at Sir Monra), sa programa nilang Kontrabando. Pero bago pa naman ako mapunta don, pinapanood ko na 'yon sa Youtube. Sobrang kwela nila magkomento sa mga balita at issue. Pero ang tanging nagustuhan ko talaga sa programang yon ay ang pagiging punk nilang ihatid ang hinanaing at opinyon. Oo, punk. Hindi ko alam kung anong tawag sa estilong ginagawa nila. Basta alam ko punk kasi nabasa ko dito sa Little Book of Speeches na yun ang tawag don. Punk, ang bumabasag sa nakasanayan at pinapaniwalaan. Punk, ang pilosopiyang wumawasak sa tamad na ideya. Lubos ko silang naintindihan dahil sa librong ito.
Pero mabalik tayo kay Sir Lourd. Lumalayo sa tayo sa istorya.
At pagkatapos naming magkakilala sa Kontrabando, agad kong niresearch si Sir. Ang trabaho niya, mga sinulat niya, ang banda niya, ang radyong pinagdi-DJ-an niya. Hindi dahil mainstream si Sir--hindi naman siya mainstream eh, ewan ko--kundi dahil napukaw niya ang atensyon ko.
Nakakalungkot isipin na dahil parang late ko na siyang nakilala. Ni hindi ko napanood ng live ang Radioactive Sago Project, hindi ko siya napanood live magspeech at naubusan ako ng libro niya. Sold out na kasi, badtrip. Kaya iyon. Binigyan niya ko ng mga libro niya. Dahil sa tweet at hindi ko talaga inaakalang naalala niya pa ako non. Isang malaking karangalan talaga, Sir. Salamat po!
Kaya ngayon, lubos akong namulat. Pagkatapos basahin ang LDV's Little Book of Speeches ay dali-dali akong nagisip kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Dahil nandito ako sa stage ng paghahanap sa sarili. Oo, lumalangoy tayo ngayon sa impormasyon ngunit hindi naman natin nagagamit ito ng lubusan. Bakit? Kasi tamad tayong magisip. Inuuna natin ang audience bago ang karunungan.
Aaminin ko. Isa ako sa mga millennials. Ang mga taong mangmang dahil bumubulag sa kanila ang social media. Ang mga taong mahilig sa hype at mainstream. Ang mga taong uunahin ang audience dahil sumasikat sila don eh. Ang mga taong uunahin ang celebrity news bago kasaysayan. Ang mga taong nagpapadala sa ilusyon ng kamangmangan.
Pero ayoko na. Napagod na ako. Isa pa, sukang-suka naman talaga ako sa One Direction, Justin Bieber at Twerk It Like Miley eh. Ang mundong iyon ay puno ng artipisyal na bagay. Walang puso at walang kaluluwa. Walang musikang dumadaloy sa ugat na tuyot sa kaalaman. Sabihin man nila na, "Shet. Ang nerd naman." Pero sabi nga ni Sir Lourd, "Anong masama sa pagiging matalino?" Ikakamatay mo yang selfie, gago!
Kaya ikaw, kung sinomang nagbabasa ng review na ito, basahin mo ang Lourd De Veyra's Little Book of Speeches. Isang eye-opener. Isang librong magpapabatid sa kinatatayuan at ginagalawan mo. Isang librong magbibigay sa iyo ng maliit na tunnel sa naliligaw na daan. Trust me, nararamdaman ko 'yan ngayon.
At Kung wala ka mang mahanap na copy, i-message mo ko!
There's a clearcut pattern on how Lourd writes his speeches. He begins by questioning why he has been invited to do the speech, then he delves straight into the topic, all the while throwing in relevant quotes from famous people. He rambles (a lot), then ends his speech with a thought-provoking one- or two-liner.
But let me be clear: I'm not complaining at all. I love his speeches. Some of them may be tackling the same issues, but they're enlightening and entertaining nonetheless.
This is the kind of book that our generation needs to be reading. It's thought-provoking and puts into the shaming limelight the things we are wrongfully giving more importance in our lives.
Edit: April 12, 2015 The other day I almost told my friend, "Wow! Nosebleed," when she spoke in English, but then I remembered Lourd de Veyra's words so I decided to just keep my mouth instead. Now she's more confident in speaking in front of me and we're having thought-provoking conversations I thought we'd never have.
Bago ko basahin ang libro - ok. Masyadong pormal ang pamagat . Nasa cover na naman ang mukha ni lourd de veyra. Masyadong deceiving ang pulang cover. All in all, sumisigaw ng "BASAHIN MO AKO" ang pabalat ng libro.
Habang nagbabasa - witty - tricky - ilang libro na ba ang nabasa ni lourd de veyra? - gusto kong pasukin ang utak nya - am i reading myself? To some extent, parehas kami magisip.
A book that will enlighten our awareness. Yet, more importantly, this gives me more inspiration to live more humbly and wisely. Every time I see some of his phrases, I see truth, parts of sadness on reality, and the pure joy behind his humor. Those are unforgettable.
We need more people like him! grabe Idol! lulupet ng mga speech nya kahit minsan paulit ulet pero ok lang I often found myself saying "Oo nga no?" "sya naman" "tama!" very mind opening! saludo ko sayo Lourd! keep up the good work!
Yung ibang part dito sa book na 'to ay napanuod ko na sa Youtube at nabasa sa Spot.ph. Pero kahit ulit-ulitin mo eh hindi nakakasawa na basahin. (Parang first message ng jowa mo na sinave mo pa sa drafts ng phone mo). Sarcastic and witty makikita mo sa book na ito. Karamihan dito ay tumatalakay sa mga ideya patungkol sa kultura at kaugalian ng Filipino, halimbawa anti-intelektwalismo, musika at pagbabasa ng Philippine Literature. Napakaganda lumangoy sa mga ideya at malalim niyang pag-iisip.
Best quote:
...hindi ito pahabaan ng buhay kundi pagandahan ng kalidad ng paano ka namuhay-at hindi ito usapin ng palakihan ng bank account, o pagandahan ng kotse at condo. Ang buhay na may saysay ay ang yung nagpabuti o nagpaganda sa buhay ng iba kahit sa maliit lang na paraan.
Paints a the picture of the rise of social media and Internet in the Philippines. It’s attitude and cynicism towards social media made much more sense in this age. It is also a great introduction to pop culture and government of the Philippines because as you may know these things go with each other in this country.
Pinalaya tayo ng libro, national author natin manunulat. Di ka nag babasa?
Naniniwala akong hindi magkahiwalay ang manunulat at ang kanyang akda. Kagaya nga ng sabi nila sa Ingles, art cannot be separated from the artist. Naniniwala akong sila'y iisa, hindi man sa literal na kahulugan. Alam kong ang may-akda at ang kanyang akda ay hindi ganap na iisa. Subalit, naniniwala akong lagi't-laging may parte, gaano man ito kaliit o kalaki, na isinisiwalat, inilalabas o ipinapahiram ang may akda na naipapamalas at naipapakita niya sa kanyang mga akda.
Marami akong pinapaniwalaan. At hindi pa nagtatapos diyan ang mga pinapaniwalaan ko.
Naniniwala rin akong dapat totoo at walang bahid ng kasinungalingan o pagkukunwari ang manunulat sa kanyang akda. Sa isip, salita, at sa gawa. Lalong lalo na sa gawa.
Sa madaling sabi, kung manunulat ka, huwag ka magsulat ng mga bagay na hindi mo talaga pinapaniwalaan. Huwag ka magsulat ng hindi galing sa kaibuturan ng puso mo. Huwag ka magsulat ng akda na hindi mo kayang ipaglaban hanggang kamatayan. In short, huwag ka magsulat ng utter bullshit.
Hindi ko ipagkakailang may bias ako towards Lourd de Veyra. Sa totoo lang, may prejudice ako towards Lourd de Veyra. Hindi ko alam kung anong tamang Filipino translation para sa prejudice (kung alam niyo at nababasa niyo to, pakisabi naman sa akin). Pero yun nga. Ganoon katindi.
Para sa akin (para sa akin lang naman), isang pseudo-progressive asshole si Lourd de Veyra na mahusay at patuloy na nagtatago sa makulay na maskara ng kabullshitan. Isa siyang higanteng walking contradiction. Sa Math, parallel lines ang sinasabi ng akda niya sa ginagawa niya sa aktwal. Hindi magkatagpo. Again, para lang naman sa akin. At siguro, sa iba pa.
Bakit kamo? Hindi ko talaga makalimutan nang sinabi niya na walang ginawa ang mga aktibista kundi sumigaw at bitbitin ang and i quote, duguang placards sa kalsada rah rah rah. Na hindi sila nakakatulong sa bansa, na walang katuturan ang pinaggagawa nila. Hindi yata ganyang verbatim pero ganoon ang pagkakaintindi ko. Again, kung may makakabasa man at gusto akong batukan for not stating or for twisting facts (duh, journalism major ka pa namang hinayupak ka) pakisabi sa akin kung may mali man sa pag-quote ko. Baka i'm blinded by my feelings. Yung ganung bullshit ba.
So ayun na nga. Kaya malaki ang himutok ko dito kay Lourd de Veyra. Hindi dahil sa pride o anuman, kundi dahil, duh, pakibasa na lang itong libro o ibang akda niya para malaman mo kung ano yung pinanggagalingan ko. Ang punto kasi dito, kung ganoon pala siya "ka-radikal" sa mga panulat niya, paano niya nasabi yun? Hindi ko maintindihan. Dahil hindi nga magkatugma. Kailan ba naging malinaw ang dalawang bagay na hindi magkatugma?
Muntik-muntikan na nga akong maging promotor ng paggawa ng balatenggang may nakalagay na "Welcome sa Pamantasan ng Duguang Placards" nung pumunta siya sa pamantasan namin para maging host ng Biyaheng Panulat.
Nung umpisahan ko tong librong to, duda akong bibigyan ko to ng 3 stars. Bibigyan ko ng 3 stars si Lourd de Veyra? Malabo. Siyempre, sa kadahilanang may prejudice nga, diba. Prejudice. Pero marunong naman akong maging radikal kahit papano kahit na may personal na galit ako sa may-akda. Personal na galit talaga eh, no. E'di meow.
Ngayon ay nadito na tayo at 3 stars na nga. Sa kadahilanang gusto ko ang nilalaman hindi lang dahil sa gusto. Kundi dahil may laman. At dahil may katuturan naman. Kahit papano. (Lol how nice of me). Naisip ko, hindi naman yung mismong manunulat ang nira-rate ko dito, kundi yung akdang isinulat niya. Kaya ganoon.
(4 stars talaga ang nauna kong rating. Pero nagkaroon ako ng second reading at binulungan ako ng Panginoon na anak, masyado kang generous para sa kagaya niyang nagsusuot ng maskara kaya ayan).
Madaling ipaliwanag kung bakit popular hindi lamang sa kabataan si Lourd. Most probably ay dahil iyon sa magandang kombinasyon ng kanyang humor at wit na hindi lang nagpapatawa kundi nananapak. Kombinasyon ng humor at wit. At mayroong depth. May ganun pala siya 'no? Akala ko nga wala. Meron pala. Sana nga di ako nagkakamali na meron. O baka di pa lang ako nauuntog sa pader.
I finally understand why some conspire that Lourd is behind the works of Bob Ong.
He portrays Filipino life and politics in humorous realism, sprinkling in occasional profoundness that criticizes our norms, our societal culture of anti-intellectualism, and our entertainment. Yet, he has his unique style of storytelling — jumping in from English to Tagalog and vice versa without sacrificing the quality of his work, integrating ideas and quotations from novelists, poets, and philosophers, and delivering historical and cultural references in witty one-liners. As a kid, I've only known Lourd as the "funny history guy in TV5." Reading one of his books now gives me a greater appreciation for his approach to journalism. Thank you for bringing facts and evidence entertaining and closer to the masses.
May dalawang uri ng speakers - yung nanggigising at nanghehele. At wala man akong napakinggan ni isang speech ni Lourd na nasa librong ito, nagising pa din ako.
Yung gising na parang nakatira ng sobrang tapang na barakong kape na di ka na makatulog. Oo di na makatulog ang aking utak sa mga binasa kong salita sa librong ito.
Masyadong malaman, nakakaaliw at nakakainspire.
Yung tipong after mong basahin yung isang speech parang gusto mong itapon yung libro at makibaka.
Yung gusto mong buksan yung profile mo sa internet at linisin ito ng kung anong mga balbal at walang kwentang bagay.
Yung tipong gusto mong iresearch sinu-sino yung mga nabanggit nyang tao at yung mga gawa nila.
Yung tipong gusto mong simulan ang pag-aayos ng iyong pag-iisip. Hindi lang ito basta libro. Heto yung libro na nagbibigay kilos at gawa sa mambabasa. Masyadong nakakaaliw ang bawat speech na kahit obvious na ang panenermon eh maaaliw ka pa din. At talaga nga namang sagad to the bones ang mga panama. Kasi naman isa din ako sa milyong milyong millennials na tinutukoy niya.
Pero ang gusto ko sa lahat tungkol sa librong ito, nakakalimutan ko ang aking sarili. Yung tipong kapag may nabasa akong interesante titigil ka, titingin sa malayo at magninilay-nilay saka nalang ako tatango na oo nga no... pero...
Ang saya. Ang saya lang na naisipan nilang icompile ang lahat ng mga speeches ni Lourd sa isang libro. Para meron kang babalikan kapag bored ka na sa buhay mo. Kapag sabaw na sabaw ka na sa trabaho mo. Kapag sa tingin mo ligo na lang ang inilamang mo sa taong grasa. Heto yung pwede mong pagtripan para mainspire.
Nakakaadik. Kasi naman kahit san ako magpunta dala-dala ko ito at binabasa ko. Minsan pa nga sinikwat ko ito sa office namin at kapag sobrang bored at tapos na ko sa ginagawa ko, kukunin ko ito at pasimpleng magbabasa. Don mawawala ang boredom ko at maiinspire na kong magtrabaho ulit.
May samaligo din ata tong librong to. Kasi nagbibigay nga siya ng ibang powers sayo. At ang sarap ng feeling na masapian nito.
Maliban sa This Is A Crazy Planet, heto ang isa sa mga pinaka gusto kong libro ni Lourd. Swerte ko nga at una ko siyang nabasa ngayong taon.
Kakainspire lang.
Basahin mo din kung sabaw ka na sa trabaho, buhay or love life mo.
Favorite ko lahat pero ang lagi kong natatandaan ay yung "Sumayaw Ka Nalang" yung speech nya sa mga Masscomm Graduates sa UP nung 2014. Relate ako grabi. Kaya every year ko na ata binabasa to. Pinanood ko na din yung pangit na quality ng video sa internet.
P.S.
Ayaw kong tapusin yung book. Inuunti-unti ko. Wala na kasing kagaya nito eh. Pero sana magkabook 2. Sana talaga. O kaya makapagninja moves ako minsan sa mga live speeches nya. Sana. Sana talaga.