Jump to ratings and reviews
Rate this book

It's A Mens World #2

It's Raining Mens

Rate this book
Lalaki. Marami. Sari-Sari. Collage.
Autobiographical.
Ito ang sequel ng librong It's A Mens World.

222 pages, Paperback

First published September 1, 2014

19 people are currently reading
249 people want to read

About the author

Bebang Siy

19 books137 followers
Beverly Wico Siy grew up in a house that overlooks the sea in a busy district called Ermita in Manila. She loves swimming as a child and, now, she is a licensed scuba diver. Beverly has written in one form or another since she was in college, but literature for children has always been her favorite.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
61 (42%)
4 stars
54 (37%)
3 stars
26 (17%)
2 stars
4 (2%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 27 of 27 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
August 22, 2015
Pagpapasilip. Yong mga ganitong libro na tahakang sinasabing non-fiction ang sanaysay o kuwento, parang pinapasilip ng manunulat ang buhay niya sa ating mga mambabasa. Bilang isang certified bookworm (nakasulat sa bookmark na bigay sa akin ni Bebang Siy para sa nakaraang kaarawan ko), isa ito sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kong magbasa ng biographies at memoirs: ang pagbabahagi ng manunulat ng kanyang buhay. Matapang ang ganitong mga akda. Ni hindi na nila ginawang fiction para pangalagaan ang kanilang privacy. Buong tapang na nilalahad nila ang kanilang mga suliranin, takot, hirap at saya sa pamamagitan ng kanilang mga akda.

Ito ba ay maaaring "paglalaba ng maruruming damit sa publiko?" O isang genre na ang mga matatapang o tapat lang na mga manunulat ang nakagagawa? Doon sa paglalaba, may mga parte na parang ganoon kung siguro mga 10 six years ago and more ko ito nabasa. Iisipin ko pa siguro e ano namang pakialam ko kung nangyari sa iyo yan?" habang nagbabasa ako. Kaso, kapag pala tumatanda ang tao, mas nagiging interesado ka sa nangyayari sa paligid mo: yong panonood ng news. Noong elementary at high school ako, nanonood lang ako ng news o nagbabasa ng diyaryo kapag required. Pinapanood ko drama, sitcom, kantahan, atbp. Yong nakakaaliw. Ngayon, hindi na. Mas gusto ko nang panoorin ang news at pati sa pagbabasa: mas gusto ko na ang biographies, memoirs, history, o mga non-fiction na puwedeng mangyari.

Nauso ang ganitong libro mula noong lumabas ang ABNKKBSNPLAKo?! (3 stars) ni Bob Ong mga 10 years ago na ang nakakaraan. Nabasa ko na ang Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita (4 stars) ni Rene O. Villanueva; Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay (4 stars) ni Genaro R. Gojo Cruz; Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay (4 stars) ni Ferdinand Pisigan Jarin at maging ang naunang libro ni Bebang Siy na It's a Mens World (3 stars).

At bakit 3 stars lang ang unang libro ni Bebang Siy na "It's a Mens World" (IAMW) para sa akin? Bakit hindi 5 stars ang Personal? Ang Connect? Ang Beyblade? These questions bring me to the primary reason why this book got 5 stars (in Goodreads this means "It's amazing!") from me:

I know Bebang Siy. She's like my eldest among my wards in our book club: Pinoy Reads Pinoy Books. I've met her 3 or 4 years ago in the first Readercon. I did not speak to her then but I got amused when she won the award for IAMW. Then the next time we saw each other she hugged me because she was very happy to meet me haha. Then she joined our bookclub after we chose IAMW as our first ever book for group discussion in December 2012. After the book discussion, she accepted our offer for her to become one of the moderators of the bookclub. Then, we because close from then on. She never hugged me again but I know that we both love and respect each other.

The point is: while reading this book, I could almost feel what Bebang was feeling while writing those stories. I could almost see what he was describing. We all experience the same traffic when we are rushing from one place to another. We all fall in love when the wrong person only to find the next one better and then we realize that we made the right decision. We all want to have those expensive branded footwear only to find out later that they are not worth the price.

Pinagdadaanan natin lahat yan. Yang mga naisulat ni Bebang Siy sa librong ito.

Pasilip ka pa, Bebang!

Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
September 28, 2014
Inuulan ng mga kalalakihan o mga lalake sa buhay ni Bebang (Michael, gangdee, Alvin, Ronald, Poy).

Pag-ibig, pag-asa, at pagbabago ang resulta sa mga pag-ulan ng karanasan sa buhay ni Bebang.

Dahil sa maalindog niyang kaalaman sa pagsusulat si Bebang ay sadyang inulan ng kalalakihan sa mga karanasan ng kanyang buhay at para magkaroon ng sequel ang It’s A Mens World.

Totoong magkakasakit ka kapag inulan ang iyong bunbunan lalot kung ikaw ay isa ng senior citizen.

Totoong biyaya rin ang hatid ng pag-ulan sa mga bukirin. (lalot bukirin ng kaligayahan, haha!)

Totoong ulan din ang makapag-papasaya o makapag-papalungkot depende sa iyong love life.

Hapdi, kirot, tuwa’t saya ang hatid ng ulan sa paglalakbay na mala-Maze Runner sa buhay ni Bebang resulta’y positibong pananaw at katuparan ng mga pangarap.

Tara na! silong na sa payong ni Bebang at uulanin ka ng swerte!
Profile Image for Jessie Jr.
66 reviews24 followers
December 7, 2015
Bolder than ever. (lol)

Another round of applause to the one who gave us It's a Mens World.

Mula sa pagkakagawa ng mismong libro hanggang sa mga kuwentong may lihim na nais sabihin ngunit hindi maisiwalat ng buo, sa mga pira-pirasong katotohanan na maaaring pagtagpi-tagpiin, natitiyak kong mas maeenjoy ito ng mga mambabasa mula sa unang aklat.
Profile Image for Timotheos.
52 reviews12 followers
April 3, 2015
Tuwing may nagtatanong sa akin kung ano ang binabasa ko, nahihirapan akong ipaliwanag sa kanila na isa itong koleksyon ng mga sanaysay, maikling kwento, et cetera, et cetera. Alam kong ang hanap nila ay mabilis at simpleng sagot, kaya sa huli, ang nasasabi ko ay ganito, “Hindi ito nobela. Mostly nonfiction. Nakakatawa siya… pero may laman. As in.”

Kung baga pan de sal, punong puno ito ng palaman.

Sa Its Raining Mens, mas lalong nagkaroon ng impact sa akin ang mga sulat ni Ms. Bebang. Siguro e ang dahilan nito ay dahil hindi na karanasang bata ang nandito kung hindi isa ng ina, kasintahan, at taong kailangan na tumayo sa sariling paa.

Kung may mga bagay mang tumanim sa aking puso pagkatapos ko basahin ito, siguro apat ito:
•Magsulat ulit ako. May blog kasi akong napabayaan at pagkatapos ko basahin ang mga entries katulad ng Silent Movie, Hikaw, at A Love Story, ang pasyon ko yata sa pagsusulat ko ay muling nag-alab. Ayon. Aktibo na ulit ang blog ko.
•Mahalin ang wikang Filipino. May ikukumpisal ako: hindi ako mahilig magsulat at magbasa sa wikang Filipino. Lumaki kasi ako sa paligid kung saan puro Ingles ang nababasa. Kahit nga sa paaralan ko ngayon, hindi tanggap ng institusyon na okey mag-Filipino. Pero noon nabasa ko ito—lalong lalo na ‘yong A Love Story—natuto ako magsulat sa wikang Filipino. Isang patunay nito ay ito mismong binabasa mo. May nagawa rin nga pala akong love letter na wikang Filipino rin ang gamit. Ayon. May oof talaga siya.
•Nagkaroon din ako ng pasyon tumulong sa iba pagdating sa mga problemang panitikan. Gamit ang koneksyong ko sa student publication ng aking paaralan, magsisimula kami ng mga iba’t ibang seminar at aktibidad na makakatulong sa mga estyudante matutoto ng maayos at mahalin ang panitikan.
•At ang huli, dahil sa Emails 2, nabigyan ako ng isa pang dahilan upang maniwala sa true love. Ewan ko ba, siguro dumarating talaga sa point ng tao na bigla nalang siyang tatalikod sa pinaniniwalaan niya dati. Buti nalang may mga ganitong libro na hindi katulad ng mga fiction love stories na nagpapalito sa isipan ng mga magbabasa (flowers here, floweres there, broken hearted, mang-iiwan everywhere), humahawak ito sa kanilang puso at kung minsan pa ay nananampal, este nanggigising. Kaya ito, naninila nanaman ako sa true love. Hahaha.

Salamat Ms. Bebang. Huwag kang mag-alala at ipapahiram ko ang mga libro mo sa aking mga kaibigan upang maramdaman at matutunan nila ang mga naisulat ko rito.

xoxo.
Profile Image for BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books).
52 reviews1 follower
June 14, 2015
Hindi natin maiiwasan na ulanin ng mga kalalakihan sapagkat ito'y bahagi na ng buhay, buhay kabataan, buhay pagdadalaga, buhay may-asawa, at buhay pagtanda.

Magpasya man tayo sa lalaking ating pinili upang makasama habang buhay, upang maging masaya at kasama sa pagtanda, subalit hindi natin hawak ang tadhana o sadya bang may ibang gusto ang Maykapal upang iparis sa atin?

Magulo man isipin o mahirap unawain sadyang ang Maykapal lamang ang nakaka-alam sa lalaking magpapatibok ng puso, magpapasaya sa hirap at ginhawa, at makakasama sa pagtanda.

Humanga ako sa tapang at tibay ng loob na ipinamalas ng awtor upang magpatianod sa tadhana ng buhay o sadyang tinadhana ng Maykapal.

Makisukob na sa "Payong ng Kaswertehan sa Pagpatak ng Ulan, Kasiyahan man o Kalungkutan!"

Binabati ko ang awtor sa isang maligayang at maulang paglalakbay mula sa Unang aklat na It's a Mens World, nawa'y magkaroon pa ng serye ito. Nakabibilib at isang inspirasyon ang ganitong kwento ng buhay.
Profile Image for PATRICK.
348 reviews23 followers
January 3, 2015
Mahal ko si Ma'am Bebs (close kami eh). Kwela, happy-happy lang, maganda pa at matalino ang mga insights niya. Sabi ko sa review ko sa IAMW na mala-To Kill A Mockingbird ito dahil sa childhood stories, nagmature naman ang It's Raining Mens at tumalakay ng lablyf ni Ma'am Beverly. Isinulat niya sa book signing sa MIBF noong nakaraang September na basahin ko raw ito next year para daw mas legal age na daw ako. Sinundan ko naman ang payo niya at heto ako binasa ito bilang unang libro ko ngayong taon.
Siguro dahil three stars lang eh kasi di ko gusto yung line spacing. Hahaha. Di siya kasing inosente at nakaka-curious sa IAMW pero mas malalalim at mas mapangahas naman ito. Ang pinakapaborito ko ay ang Love Story at kung paano siya napamahal sa panitikan.
Gusto ko din yung tula niya! Sana may libro siya ng mga tula!
Profile Image for Vheel Laborera.
51 reviews
September 20, 2014
iba talaga si ate Bevs lumikha ng mga dagli na pwedeng papaluhain ka o kaya eh patatawanin ka ng bonggang-bongga!

naibigan ko yung "Birhen" sobra, paulit-ulit ko siyang binabasa (hindi dahil sa sekskwal na tema) sapagkat parang kakilala mo yung mga tauhan. at ang "Usapang Sapin sa Paa" series na parang kaharap mo lang siya nagkukuwento tungkol kay Alvin.

napadali nya ang biyahe ko (almost 7 hours na paglalakbay) at hindi ko namalayan sapagkat nalibang ako ng husto sa librong ito.
Profile Image for GenovaGee.
65 reviews
October 17, 2014
May bago akong kaibigan, Bebang ang kanyang pangalan. Nakakaloka ito! Tatawa ka, maiinis, malulungkot in short punong-puno ng emosyon ang librong 'to. May mga parte pa na ninais kong wag matapos agad. Bebang pa more!
Profile Image for Apokripos.
146 reviews18 followers
December 10, 2015
Tikatik ng mga Kalalakihan, Buhos ng mga Karanasan
(Book Review ng It’s Raining Mens ni Bebang Siy)

Kung ang It's a Mens World ay pagtunghay sa kabataan ni Bebang Siy, ang It’s Raining Mens ay sulyap pa rin sa buhay ng may-akda nang siya’y maging isang dalagang-ina, sa pawarde-wardeng daang tinahak ng kanyang buhay pag-ibig, at ilang isyung kinaharap at patuloy na hinaharap bilang babae sa kasalukuyang lipunan. Tampok din sa aklat ang ilan sa kanyang mga katha gaya ng maiikling kwento, radio drama, at iba pa.

Sa lahat, ang mga personal sanaysay pa rin niya ang masasabing centerpiece ng librong ito. Tulad sa naunang libro, simple mang masasabi ang estilo ng panulat ni Bebang, hindi naman biro ang emosyong inilalangkap niya sa mga ito at hindi rin mawawala ang kanyang signature humor. Sino nga bang hindi makakarelate sa hirap ng paghahanap ng sapin sa paa na, bukod pa sa magbibigay ng ganda o pogi points at magiging perfect match sa kung anong mang isusuot na damit, ay tunay ring maasahan sa tibay nito sa araw-araw na paglalakad paroo’t parito? Sinong mag-aakala na ang isang simpleng window shopping ng hikaw ay hahantong sa paglalagom sa iba’t ibang desisyon sa buhay? Na sa gitna ng karimlan ay may nag-aabang palang na karikitan?

Kung may masasabi akong paborito sa mga nakapaloob na autobiographical essays sa libro ito ay ang Pa Pa Pa at A Love Story. Iyong unang sanaysay dahil, gaya ni Bebang, nakalakihan ko rin ang pakikinig sa musika ng Eraserheads sa radyo noong bata pa ako. Dama ko ang throwback moment niya sa essay na ito dahil danas ko ang kapangyarihan ng musika na dalhin ka nito sa isang sandali o tagpo sa nakaraan; kumbaga, parang a ticket ride back in time. Madadala ka talaga sa sarap ng pagbabalik-tanaw at hindi mo maiwasang isipin na buti pa noong kay payak at hindi pa komplikado ang mga bagay-bagay.

Para naman sa ikalawang paboritong sanaysay dahil personal kong nasaksihan ito. Isa kasi ako sa mga mapapalad na taong napakinggan ang unang bersiyon ng A Love Story nang iprinisenta ito ni Bebang sa kanyang talk na Author as Reader Session para sa Second Filipino Reader Conference na ginanap noon sa Filipinas Heritag Library sa lungsod ng Makati noong 2012. Ang pagkakataon na iyon ang masasabing kong simula ng aking Bebang journey dahil ang kwela-kwela ng talk niya kaya nagkaroon ako ng interes na basahin ang kanyang unang libro kasama na rin na nanalo ito sa ginanap na awarding ng Reader Con sa araw ring iyon. Noon pa man hilig ko na talagang malaman kung paano nga ba nawili sa pagbabasa ang mga manunulat at maging ang mga tao sa paligid, mga kaibigan na tunay na mahilig magbasa. Pero ibang level itong A Love Story, parang may magic, dahil kalaunan ay hindi naman pala one-sided lang ang pagmamahal na inilaan ng manunulat para sa titik. Titik din ang magbibigay daan para mahanap ni Bebang ang landas tungo sa tunay na pag-ibig, ang siyang magtuturo sa kanyang destinasyon somewhere down the road para matagpuan si The One. Hindi si Nero ng The Matrix, wag ka nga! Syempre, ang kanyang One True Love. Sana someday tulungan din ako ng mga titik. Miss Bebs kasi, ilakad mo na ko kay crushie. Hahaha!

Syempre pa, hindi rin pahuhuli ang ilan sa mga akdang isinama sa It’s Raining Mens. Maaaring sa unang malas ay masasabing out of place ito sa akdang kinalilipunan ng mga personal na sanaysay, ngunit kung babasahing mabuti ang mga isinamang mga katha ay mababanaag ang tematikong ugnayan nito sa mga sanaysay. Ilan sa mga akdang napa-wow ako ang Birhen dahil sa matapang nitong babaing tauhan na mas sinunod ang dikta isipan kaysa sa kanyang damdamin para sa lalaking kanyang minahal kahit na sa sandaling panahon lang. Hindi rin matatawaran ang eksperimentasyon ng Silent Movie na sinulat sa magkasalit na English at Filipino na inilahad naman mula sa magkaibang punto-de-bista ng dalawang pangunahing tauhan ng kuwento.

Mula sa pamagat, gulugod ng aklat, at sa mga sanasay na nilalaman nito, pangunahing tampok ng It’s Raining Mens ang mga lalaking nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ng may-akda mula sa kanyang ama, semen donor, boyfriend, anak, hanggang sa lalaking nagdala sa kanya sa dambana. Ang mga kalalakihan ding ito ang siyang ang nagbigay ng iba’t ibang kahulugan sa kanyang buhay upang ipadama ang tamis, pait, salimuot, kalungkutan, kakulangan, at saya. Na sa tikatik at laksa ng pagdating, pag-alis, at pananatili ng mga kalalakihang ito ay siya namang lalong magpapaibayo at huhubog sa karanasan ni Bebang bilang anak, kapatid, ina, manunulat, asawa, at higit sa lahat bilang babae. Oo’t maaaring sa lagi’t lagi niyang pagsuong ay maulan, ngunit sa pagkakataong ito’y may payong na siyang tangan at ang mahalaga’y mayroon na siyang katuwang na aalalay sa kanyang daraanan.



_________________________
Detayle ng Aklat:
Nilathala ng Anvil Publishing
(Paperback, Unang Limbag 2014)
222 Pahina
Binasa Noong: Nobyembre 19-23, 2015


[Mababasa ang book review na ito at iba pa mula sa aking book blog: Dark Chest of Wonders ]
Profile Image for Ronald Lim.
Author 2 books15 followers
Read
November 28, 2014
Originally posted at RonReads!

Three years ago, Bebang Siy blew the doors wide open and let the public take a glimpse into her life with her collection of essays, It’s A Mens World. At turns funny, poignant, and nostalgic of a Manila now slowly disappearing and changing into something else entirely, It’s A Mens World quickly developed a following and even snagged awards and nominations along the way.

Now Siy returns with It’s Raining Mens (I feel like there should be a Hallelujah in there somewhere), a collection of her work that now extends beyond the personal essay. Sprinkled throughout the book are short stories, movie treatments, a radio play, and emails and letter between Bebang and her best friend, Alvin. Will readers end up being spoiled for choice with this new collection, or would they rather seek shelter from this unusual downpour?

It mostly hinges on how much you liked this book’s predecessor. While both books still tackle the travails of the Filipino woman, the two look at it from very different angles. It’s A Mens World was Bebang looking at her life and flashing bits of it at her readers, It’s Raining Mens has Bebang looking out instead; she’s no longer talking about the Filipino Everywoman, now she’s talking about every woman.

When it’s good, it’s really good. The short story Birhen, about the relationship that blossoms between a karaoke bar’s guest relations officer – basically an escort – and one of her clients, is a great read, filled with sharp, pointed jabs at the male ego. It reads like Colette’s Green Wheat, with the woman holding the sexual power and wielding it however she wishes. It’s not a funny story, but it is fascinating. The short story Rabbit Love is also a great read, and very much in the vein of the personal essays of Siy’s previous book. The other works of fiction in the book, on the other hand, achieve varying measures of success.

This outward look also works in varying ways for the personal essays in It’s Raining Mens. Horror is a short and sharp jab aimed squarely at the public school system, and one that mothers may find themselves nodding their heads to. Sizzling Sisid is for anyone who’s ever thought about where our taxes go, and Thing To Do might as well be a template for single mothers looking for a way to introduce a new love to their children.

But the real treat is looking at these essays as a whole. Put together, it charts a journey of personal growth for Bebang, one that follows her from single motherhood to the discovery of a new love. It’s a narrative that was missing from It’s A Mens World, and one that makes It’s Raining Mens all the richer. It’s a really intimate view into Bebang’s life, and readers are lucky enough to be privy to it.

All in all, It’s Raining Mens is a worthy follow-up to It’s A Mens World. It may not have the mass appeal that the first book had, but it’s equally as rewarding. Go ahead and get yourself wet.

Profile Image for Eugene.
191 reviews10 followers
April 23, 2015
Ito ang kinalabasari ng unang aklat ng awtor na pinakamagatang "it's a men's world", mas nakakatuwa ito, mas magaan ang mga tema, ngunit tungkol parin sa mga sari't saring karanasan sa buhay kasama mga kalalakihan, mapasekswal man at pang araw araw na gawain. Natutuwa ako dahil ito ang kauna unahang serye o duology sa wikang tagalog na natapos ko at mukhang mawiwili pako sa mga susunod kong babasahin. bakat sa isip ko ang pagiging dangal at lakas ng loob sa personalidad ng awtor ang mga mistulang talinghaga niya sa bawat taludtod ng aklat, at iyon ay simple pero nag-iwan ng malaking impact sa mga mambabasang katulad ko. Sana mas marami pang kathang isip na istorya na puwedeng isama sa napakaiksing librong ito mukhang nakulangan ako sa kumpletong tinig na hinahanap hanap ko sa isang libro, at dahil dito hindi ako makakapagbigay ng mas mataas na rating.
Profile Image for gelo.
6 reviews1 follower
August 4, 2022
Matapos ko basahin ang librong ito, agad kong nag-email kay Ms. Bebang Siy tungkol sa kanyang akda. Ito ang aking mga sinabi:

hello Miss Bebang!

gusto ko lang sabihin na kakatapos ko lang ngayong araw basahin ang librong Its Raining Mens. nais kong i-share sa inyo ang aking comments sa inyong akda...

parang walang chapter sa libro na hindi ako dinagsa ng iba't ibang emosyon. seryoso po ako. sa inyong libro lang ako nakaramdam ng saya (tawa ako nang tawa sa 'A Love Story' at 'Usapang Sapin sa Paa 1, 2, 3'), lungkot (naluha ako sa 'Birhen' at 'Silent Movie'), galit (nainis ako sa 'Dalagang Dala Na') at iba pa.

nagpapasalamat ako sa inyo, Bebang, dahil kung hindi dahil sa inyo po, hindi ko po maa-appreciate nang lubos ang efforts ng aking mommy at mga kapatid na babae. dapat po talaga Insurrecto ni Gina Apostol ang kukunin ko sa NBS, pero mayroong pwersa na nagsasabi sa akin na bilhin ko ang libro niyo. haha.

kidding aside, hindi ako nagkamali sa pagpili ng librong ito. ang dami ko pong natutuhan mula sa inyong experience. sa kabila ng hirap na inyong naranasan, parang ang saya-saya niyo pa rin basahin kahit masakit.

lalong pinalawig at pinalalim ng libro ang aking kamalayan hinggil sa pag-ibig. dahil 'yon naman po talaga, 'di ba? ang pag-ibig ang nagbibigay sa atin ng enerhiya upang maglingkod, magpasensya, at magparaya. tinulungan ako ng libro upang tingnan, sa panibagong perspektiba, ang esenya ng pagmamahal. and for that, salamat Bebang.

pinapangarap ko rin pong magsulat ng mga personal na sanaysay kagaya ninyo. aabangan ko po ang mga susunod niyong isusulat na akda. sana makita ko po kayo soon. pipilitin kong igalugad ang sulok ng mga NBS para mahanap ang mga libro niyo. muli, ibayong ingat sa inyong pamilya, Bebang!

mabuhay ang mga kababaihan!

sumasainyo,
gelo.


p.s. mag-aaral (estudyante na) din po ako ng malikhaing pagsulat sa UP Diliman. propesor ko rin po si Sir Vim Nadera pero sa pagsulat ng tula naman. :>
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for elsewhere.
594 reviews56 followers
April 1, 2018
Nagustuhan ko ang “It’s a Mens World” ni Bebang Siy kaya naman binasa ko rin ang “It’s Raining Mens”. Katulad pa rin ng dati, nakakatuwa at nakakatawa si Bebang. Nakakatuwa (at mahapdi rin kung minsan) dahil totoo siya – totoo magsulat si Bebang. Hindi mahirap pumasok sa mundo ni Bebang dahil patuloy niya tayong dinadala rito – sa mundo niya – nang hindi kinukubli kung sino talaga siya. Ang kaibihan lang ng “It’s a Mens World” sa “It’s Raining Mens” ay mas nagustuhan ko ang mga kuwento sa nauna. May ilang parte sa “It’s Raining Mens” na nahirapan akong basahin o tapusin dahil medyo draggy na ito (bandang gitna). Natagalan akong tapusin ang libro sa kabuuan. Pero kahit na ganoon, nagustuhan ko ang mga nahuling kuwento ng librong ito at masasabi kong patuloy ko pa ring babasahin ang mga akda ni Bebang Siy.
Profile Image for jane.
2 reviews
September 10, 2024
there's so much i want to say, sobrang dami na deserve siguro nitong maubos lahat ng word count na naimbento sa mundo. una sa lahat, iba't ibang variant ng emotion ang naramdaman ko habang binabasa ko ang aklat na 'to, ang galing mo bebang! habang binabasa ko 'to hindi ko maiwasang mapasabi ng "she's just like me" parehong-pareho kami lalo na sa iilang mga perspective sa buhay. pangalawa, pakiramdam ko ay na-stuck ako sa parte ng story tungkol sa hikaw; hirap din kasi akong mag-desisyon. nakakatakot pumili lalo na kapag marami kang pinagpipilian, hindi mo naman kasi alam kung saan doon ang maganda hanggang sa mga susunod na buwan o kung saan ang me kalawang na agad unang gamit pa lang. ayon lang, pero siguro hirit ko sa pangatlo ay ang linyang naging paborito ko sa kabuuan ng aklat na ito,


"hindi talaga puwedeng lagi kang masaya. iyan ang isang palatandaan ng pagiging mortal."
Profile Image for eureka.
33 reviews3 followers
April 12, 2023
sipi mula sa aklat:

"Kagabi, sa harap ng daan-daang pares ng hikaw na perlas, hikaw na gawa sa plastik, gawa sa clay, gawa sa beads, mula sa China at Korea at kung saan-saan pa, natanto kong hindi pala ako marunong gumawa ng desisyon.
Lalong lalo na kung maraming pagpipilian."

rebyu: "she's just like me" or in my own words, same tayo mhie!

(wala akong masabi, kakatapos ko lang kasi basahin. pero siguro, kahit ilang buwan ang lumipas, mahihirapan pa rin ako humabi ng salita na magbibigay hustisya sa kahusayan ni Bebang Siy)
Profile Image for dumadaloy.
47 reviews
February 15, 2023
pulitikal ang pagbabasa kay bebang. marami kang maaalalang reperens sa isang artikulong nabasa mo sa kuturang popular, mga trawmang iniiwan ng lalaki sa pamilya, at ang negleksyon na nararanasan ng kababaihan sa pamilya at lipunan. para kang nakakuha ng kaibigan sa malayang buklat ng libro. maligaya ako sa mga pag-ibig na naranasan ng may akda. buti at sinamahan mo ako.
Profile Image for Marlo Paniqui.
30 reviews
October 16, 2019
binili ko at binasa ang librong ito dahil sa magagandang komento. ganun talaga ako .nag aantay ng komento bago bumili.

Madugo ang mens . di lang pala mainit na kape si Ms Bebang. Me asim din din pala ang pagkaka lahad ng kwentong buhay.

Pupusuan ko tong librong to ng taus puso .
Profile Image for Helen Mary.
184 reviews15 followers
November 15, 2020
Bebang is a brave soul and a prolific writer. This is not going to be my last Bebang Siy book.🥰🥰🥰
Profile Image for Nikki.
53 reviews3 followers
May 19, 2024
Nainspire akong magvolunteer at magsulat ulit. Kasama na rin yung magpatuloy na magbasa at… magmahal. Hehehe
Profile Image for ely.
99 reviews4 followers
January 28, 2025
actual rating: 5 stars

rtc waitttt
Profile Image for Camille Joyce L.
42 reviews
August 9, 2020
Saksakan ng korni. Di ko maatim basahin pero kailangan tapusin dahil popular ang akda. Wala na bang mga modernong Nick Joaquin jan na mas sopistikado pa mag-isip? Ang babaw masyado. Nakakaasiwa.
Profile Image for Leeannes.
9 reviews2 followers
March 7, 2016
Hindi ko nabasa ang It's a men's world... :(
Pero ito nabasa ko. Ahh.. Bale, nagkwento si Bebang ng buhay niya..
May Nakakatuwa... May Corny na Part.. (Don't get me wrong mej makaiba kami ng era)
Pero sa huli humanga ako sa kanya... May mga part doon na nagpapakita na isa siyang matapang na babae! Gusto ang Rabbit na sanaysay :)
Profile Image for Judie.
135 reviews7 followers
May 22, 2016
Thumbs up muli para kay Ms. Bebang. Napakarelatable. Kahit simpleng hikaw at sapatos na kinuwento niya, konek na konek ako. Goes to show hindi mo kailangan ng sobrang extraordinary adventures off the beaten path o kung saan man; minsan isulat mo lang ang tungkol sa pang-araw araw na buhay, mas exciting pa. Ms. Bebang did it here. Really enjoyed reading this.
Profile Image for E Reyes.
127 reviews
November 30, 2014
Poignant yet comforting autobiography (+ relevant and meaningful literary pieces)
Profile Image for Gigi.
94 reviews27 followers
December 25, 2016
Mixed bag, overall mas nagustuhan ko yung It's a mens world. Pero nandito kasi yung "A Love Story" na the best sa lahat.
Displaying 1 - 27 of 27 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.