Ikaw ba ay nalulungkot at walang makausap? Walang makalandian sa text o Facebook? O mas malala - walang makainuman?
Puwes, Espiritu ang aklat para sa'yo - isang masaya at magaang cocktail mix ng maiiksing pagbabalik-tanaw at pira-pirasong meditasyon sa pilosopiya at kasaysayan ng alak at kalasingan, kasam ang ilang practical tips para sa matiwasay na pagtatagay.
Isipin mo na lang na ang Espiritu ay parang maliit na lalagyan ng whiskey na puwedeng ibulsa at dalhin kahit saan - sa likod ng bus na naiipit sa gitna ng kawalan.
Nagdadalamhati, nagbubunyi, nababato, o napapraning, nandito ang kainuman mong si LOourd de Veyra na handa kang damayan - at, siyempre, tagayan. Pero bago ang lahat, cheers muna 'tol.
Lourd Ernest Hanopol de Veyra is a multi-awarded Filipino musician, poet, journalist, broadcast personality, and activist who first became famous for being the vocalist of Manila-based jazz rock band Radioactive Sago Project. De Veyra graduated with a Bachelor of Arts in Journalism from the University of Santo Tomas.
As literary influences, de Veyra cites Beat movement writers such as Allen Ginsberg and Jack Kerouac. He explains, speaking as a fellow at the 45th UP National Writers Workshop:
“What I look for in poetry is an uneasy kind of energy. An energy that is already beyond the configuration of words and then assumes a density that is akin to music. At the heart of it all is jazz. Jazz, the manipulation of breath— the unleashing of breath, the holding of breath, the destruction of breath. The most basic unit of jazz is the swing and the breath. My primary influence is the Beat movement and I think my initial fascination for them was rather hinged on the wrong reasons: the radical visual arrangement of lines on the page, the profanity and the absurdity that struck my mind as a welcome relief from the stultifying archaisms of 17th-century English poetry force-fed on us by high school teachers. Here was, at long last, literature that spoke to me. It was in sympathy with the energy of free jazz and punk rock records that I was listening to at that time. Through the lyrics of punk rock and hardcore records, I had an inkling of how words can be more powerful than a guitar amplifier cranked up all the way to ten. My exposure to the poetry of Ginsberg and Kerouac opened me up to the world of possibilities. And I am obsessed with the idea of ‘possibility’. ‘Possibility’ is what art is all about. It is the constant wrestling with forms, styles, and structures. It is the idea that something better is always out there. It is about discontent. It is about discontent with the safe, the middling, the accepted, and the acceptable.” He has thrice been a recipient of a Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature - A Third prize in essay (English division) in 1999, a second prize in the same category in 2003; and a first prize in teleplay (Filipino division) in 2004.
When the hardcore punk band Dead Ends ended their 4 year hiatus, he became the band's lead guitarist in 1994, thus making Dead Ends a four piece band. Then, they recorded their comeback and final album, the influential Mamatay sa Ingay(1994), it was a different sound than their past materials, it was more of a crossover-thrash approach. When Dead Ends disbanded in 1996(because of Jay Dimalanta's passing). He also became a member of Al Dimalanta's new band Throw, with his brother Francis playing the bass.
A pseudo-guide to any aspiring Filipino alcohol sage, complete with a history lesson to the art of drinking. Now whenever you gather your comrades-in-arms over a round of beer, you have something else to talk about once one of you takes a sip -- if they haven't had too much already, that is.
"Ang aklat na pang skyway hanggang cubao, sa bagal ng usad ng mga sasakyan sa EDSA, may makakasama ka"
Sa simula, hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko malunok ang mga ideya siguro ay dahil hindi nga ako manginginom.
Hindi mo rin malalagok ang iba pang mga sahog lalo na kung di ka naman fan ng mitolohiya ng Greece, Roma, at ibpa. Ngunit kung gutom ka naman sa mga facts, pasok. May trivia rin sa iba pang manunulat at kasaysayan.
Maihahanlintulad ang aklat na ito sa isang alak, dahil sabi nga ng iba, sa simula lang naman masama ang lasa. Sapagkat habang tumatagal, magagamay mo na ang mga ideyang inaalok niya.
Naglalaman ng mga tips sa para sa di manginginom, sa mga manginginom, at sa winakas ng pag-inom. Naglalaman ng mga recipe ng kasaysayan, pagwawalwal, pagkawasak, at mga balitang patok ng taon na nailathala ang aklat na ito.
nabanggit niya ang "The Pig is a beautiful animal" na sabi raw ni Homer J. Simpson (yung dilaw na cartoon ba 'to?). Wala natawa lang ako. Kaya pala naibulsa ng mga elitista yung isang uri ng baboy.
May bahagi na 'di ko magets. parang ang ironic lang kasi. May parang nabanggit sa simula na walang basagan ng trip sa pag-iinom nila. tapos sa kalagitnaan, tinatanong kung ano nasa isip nung mga taong gustong kasabay ng alak ay bandehadong kanin. akala ko ba walang basagan ng trip? pero dahil 'di naman ako manginginom, shut up na lang ako.
Ang aklat na sisimulan ka isang tagay. Hanggang may ibabalibag na sayong mga salitang hindi mo alam kung may sense o wala. Hanggang sa hambalusin ka na ng mga pangungusap na may laman at tama. May oras na magkakainitan kayo at mag-aaway. Walang magpapatalo, siguro ay lasing ka na. Lasing sa mga ideyang alam mo, at ideyang nais ipamahagi sayo ng libro. Hanggang malasing.
At tulad ng pag-inom, may mga bagay na hindi mo na maalala. tulad nito, hindi ko na maalala ang iba. pero may naiwang hang-over na siguro, sa mga susunod na araw ay magagamit sa mga bagay-bagay lalo na sa mundo ng alak.
Kanta tayo! Alak. Sugal. Alak. Kape. Alak. Sugal. Kape. Babae.
Naiiba ang aklat na ito sa ibang mga nasulat na ni Lourd. Maikukumpara ito sa isang Ambeth Ocampo book na nakainom ng alkohol pero nakakaalala pa rin ng mga historical trivia. Sa totoo lang, ito ang gusto kong kainuman. May kontrol sa pag-inom, maalam at makwento tungkol sa kung ano-anong nababasa, tungkol sa kasaysayan, sa siyensya, sa panitikan, sa hangover.
Maganda ang recipe ng librong ito. Iba-iba ang laman. May mga personal na anekdota, may mga trivia, may mga tips sa pag-inom at pagpapa-inom, may mga recipe ng pulutan, may mga cocktail mixes. Andito na lahat ng kailangan mo para sa susunod na drinking session. Ang iinumin, ang lulutuhin, ang ikwekwento. Panalo.
Hindi ako manginginom (masyado) pero natuwa ako sa pagbabasa sa Espiritu. Bakit hindi mo rin tikman? Este subukan?
Personally, matagal ko inantay na ma release ang librong ito (di ko lang alam kung mas matagal ang pagbasa ko sa libro na ito kesa sa pag aantay ko pero sadyang mabagal akong magbasa ng libro nowadays hays). Noong isang taon pa medyo napapag usapan na ang tungkol sa libro na ito sa kanyang radio show. Sa tingin ko, very fitting na sinulat niya ang libro na ito (siya lang ang alam ko na walang amats sa kanya tequila or vodka). Alam ko din na manginginom tong awtor na ito. Hindi man ako manginginom personally pero pakiramdan ko nalasing ako sa librong ito. Aabangan ko pa ang mga upcoming na libro ng mamang ito. Isang tagay sa wasak na libro na ito ni Lourd! ( no pun intended)
Dapat pala lagyan ko ng ganyang format haha para cool. Next year aayusin ko na. Hirap mag-type sa tablet lol.
Anyway, ano, okay naman 'to. Mabilis lang basahin mga 2 hours lang. Peyborit part ko yung aso niya na ginawang pulutan tapos iyak sila ng iyak nung utol niya hahaha. Tawa ko ng tawa at the same time awang-awa ako. 'Di ko ma-imagine si Lourd de Veyra crying over a pet kase ang macho niya sa paningin ko.
Gusto ko rin yung pagku-kwento ng facts at history na akala mo chismis lang. Hehe. Bagay sa book kase tungkol 'to sa inuman. Justifiable naman.
Swabe at mabango bumili na ka'yo, Sa bawat pagbukalat ng pahina para akong tinatagayan ng serbesa.May mga nalaman ako na ngayon ko lang din nalaman.Lalo na yung kay Blackbeard na ginawang baso ang bungo nito at nilagyan ng alak.At ang rebolusyon ng mga ilokano.Masarap ulit-ulitin basahin ang libro na'to.(Masarap siguro kainuman si sir Lourd.) At syempre nakakatawa ang librong ito hindi ka basta maboboring sobrang matatawa ka!
You can tell that Lourd de Veyra enjoyed writing this book. I'd like to call it his own little Ode to Drinking and Getting Drunk. Unexpectedly enjoyed this more than his little book of speeches. Really fun read provided it's practically a history lesson + trivia + practical pulutan recipes, and I don't even drink.
I didn't believe my boyfriend when he told me that it's a book about drinking. How absurd the idea may sound, it's simply a hedonistic, "scholarly" book of essays about drunkenness as a state of freedom, origins of alcohol, its art, etc. No lie, this was an entertaining read.
Bakit Manila Junkshop? Parang junkshop daw ang amats, hindi ko maipaliwanag ang uri ng kalasingan na pang junkshop, ngunit yun ang paliwanag nung nagturo sa akin ng timplang ito nung kolehiyo ako. By the way, tiga Batangas sya. Hehe.
Umasa ako ng mas higit pa sa aklat na ito, marahil dahil ay sukat ko na ang kalibre ni Lourd sa pagsusulat sa Tagalog. Ngunit.. bitin. Ten-bits repa, ika nga. Parang sakit ng ulo sa maagang hangober dahil bitin ang amats, walang panghabol upang maitulog ang kakulangan ng alkohol.
May mga umalis agad para lumipat sa beerhaus. May naghamit ng away. May nagdrama. May nagwala. May kung anumang dahilan na mapanira sa inuman na pumutol ng session dahilan upang mabitin ang lahat sa alak. Ansakit sa ulo non.
Bukod sa mga Greco-roman at mga classical na references ay wala na akong ibang bagong natuklasan sa pagbabasa nito. Ang mga kwento pa man din ay kulang sa kulay at lahok, maliban sa istorya ni Chubby. Exception yun. Sabog talaga ang tawa ko doon. Mas maigi yatang yun na lamang ang pinahaba ni Lourd at ginawang isang nobela. Mas babasahin ko pa iyon.
Chubby. Langya tawang tawa talaga ako. Napakawalanghiya ni Lourd sa kapirasong sanysay na iyon.
Para sa mga tanggero o kung sinumang may interes sa alak ang librong ito. Isa itong informational book na nagbabalatkayô bílang humorous book sa anyong pasanaysay; mula sa kasaysayan ng alak, kinalaman ng sinaunang tanyag na mga tao, mga recipe, ang kinalaman ng relihiyon, mga dapat iwasan, mga biro, at ang hangover.
Ang pinakanagustuhan kong bahagi dito ay ang pagkukuwento ni Lourd kung paano siya nagsimulang uminom. Medyo nakakadiri iyong may part tungkol sa aso. Hay naku! Napansin ko lang na maayos sa tamang pagsusulát ang librong ito; marunong ng tamang paggamit ng kudlit /’/ lalo na sa pagpapaiksi ng mga salita, at maski ang paggamit paminsan-minsan ng pakupyâ /^/. May halatang typographical error nga lang sa pahina 116 pero ayos lang.
Magaan lang naman basahin pero hindi naman ako manginginom. Sign na ba ito para pasukin ko ang ganitong mundo? Ewan. Basta ayaw ko (pa) at huwag muna.
Tindi nitong librong to kasi habang at matapos ko itong basahin, parang gusto ko nang beer. Ang inam kasi mula sa history, philosophies at mga ideya o mga chismis tungkol sa alak, ang dami kong napulot na mga bagay bagay, totoo na hindi ko naman kakailanganin ito sa malapit na kinabukasan, makakatuwa na nalaman ko ang mga ito. Galing. Mayroon pang mga simpleng tips para sa mga susunod ka inuman, gayon din para sa aftermath o ang hangober. Ang saya. Naaliw ako dito.
Ps. Itong si Lourd de Veyra ay nakilala ko sa Radio Active Sago Project, bukod don, wala na, nung lumabas siya sa mga news segments sa TV5, nakita ko nanaman siya at gusto pala siya ni Ronald. Sinundan ko na siya dahil nabasa ko ang isang article niya sa spot.ph tungkol kay Gabriel Garcia Marquez, kasabay nang pagluluksa ko sa pagkawala niya sa mundong ibabaw. Dalawa na kaming malungkot. Mahabang istorya pa, baka hindi mo din magets, pero mula noon, gusto ko na din siya.
Mula sa batikang manunulat na si Lourd Ernest H. De Veyra, ang librong ito ay naglalaman ng pinagmulan ng alak at importansya't epekto nito sa tao, mga recipe ng pulutan at syempre ang iba't-ibang klaseng mixed na swak sa panlasa mo. Marami akong nakilalang mga magagaling na manunulat dito. At lahat sila malakas tumoma. Isa na dito ang idol kong si Charles Bukowski. Special mention din si Nick Joaquin na isang Pilipinong manunulat, historian at journalist, malaki pasasalamat ko sa librong to dahil nakilala ko sya dito. Yun lang. Maganda tong librong to lalo na sa malalakas mag inom. Nakakaaliw at madami matutunan.
Napaka-satire at nakaka-inlab si Lourd magsulat. Alak, Sugal, Alak, Kape, Alak, Sugal, Kape, Babae!!
Infairness, habang binabasa ko siya sa jeepney na sinasakyan ko papasok sa eskwela, wala namang nagsabing baliw ako kakatawa magisa. Napaka-informative at totoong-totoo. Plus points pa sa mga recipe tips! Kaya mamatay na mangpupulutan ng aso!!
In vino veritas! Sa langit wala nga naman nito. Kaya TAGAY PA!!
Laklakan ang usapan dito, kaya natuwa akong basahin. Maraming tips kung paanong hindi ka malalasing at maging normal kapag ika'y nalasing na, at marami pang iba tungkol sa alak at inuman. Recommended 'to sa mga lasenggo't lasengga.
This book contains History and facts about beer. It also has tips on dealing before, during and after (hangover) drinking the beer. Contains lots of information and humor, too.