Jump to ratings and reviews
Rate this book

iStatus Nation

Rate this book

300 pages, Paperback

First published January 1, 2014

15 people are currently reading
200 people want to read

About the author

Joselito D. Delos Reyes

7 books55 followers
Taga-Coloong si Joselito D. Delos Reyes. Bago siya maging guro ng Humanities, Literature, at Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagtrabaho siya bilang Barangay Secretary ng Coloong, empleyado ng pamahalaang panlungsod ng Valenzuela habang isang semestreng gurong panggabi sa PLV (Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela), project manager ng isang IT firm sa Ortigas, at guro sa Southern Luzon State University.

Maliban sa Coloong Elementary School at Valenzuela Municipal High School Polo Annex (Polo National High School ngayon), nagtapos din siya sa Philippine Normal University sa kursong BSE Social Science at sa De La Salle University sa kursong M.A. Philippine Studies. Sa De La Salle University sa Maynila rin niya kinukuha ngayon ang kaniyang Ph.D. sa Philippine Studies.

Inilathala noong 2005 ang una niyang aklat, “Ang Lungsod Namin” ng National Commission for Culture and the Arts. Nagkamit na siya ng iba’t ibang pagkilala at pambansang parangal para sa kaniyang isinulat, ikinukuwento, at sinasaliksik: 2nd place, UNESCO On-The-Spot Poetry Writing, Philippine Normal University (2008); 2nd place, ika-8 Gawad Pampanitikan (Tula), PNU; Ikatlong Gantimpala, Gawad Komisyon sa Tula (2003); Grand Prize, 1st Maningning Miclat Awards for Poetry (2003). Noong 2003, nakamit niya ang pinakamataas na pagkilala para sa mga natatanging mamamayan ng Valenzuela: ang Dr. Pio Valenzuela Memorial Awards sa larangan ng Journalism at Literature.

Naging fellow siya para sa maikling kuwento sa 9th Ateneo National Writers’ Workshop, para sa tula sa 9th Iyas Creative Writing Workshop sa Lungsod ng Bacolod at sa 36th University of the Philippines National Writers’ Workshop sa Lungsod ng Baguio. Tatlong taon na siyang panelist ng UST Creative Writing Workshop. Kasaping tagapagtatag at dating pangulo siya ng Bolpen at Papel, PNU Creative Writers’ Club. Nalathala sa mga dyornal, antolohiya, pahayagan at magasin ang kaniyang mga akda, pananaliksik, at salin.
Nagpapabalik-balik siya sa mga palaisdaan ng Coloong at sa hamog at halumigmig ng Banahaw upang makapiling ang kaniyang dalawang anak, sina Divine at Esperanza, at asawang si Angela na guro ng physics sa Lucban Academy.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
36 (41%)
4 stars
31 (35%)
3 stars
15 (17%)
2 stars
3 (3%)
1 star
2 (2%)
Displaying 1 - 12 of 12 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
September 6, 2015
Hindi ako Facebook friend ni Joselito Delos Reyes. Hindi rin nya ako kaibigan. Minsan lang kaming nagkita: sa launching ng librong ito sa World Trade Center. Naroon ako para suportahan ang launching ng kaibigan kong si Bebang Siy, ang kambal na librong Nuno sa Puso: Relasyon (5 stars) and Nuno sa Puso: Pag-ibig (4 stars). Bago ang launching ng Nuno 1 & 2, ay ini-launch ang librong ito. At dahil supporter ako ng Pinoy books, bumili na rin ako nitong "iStatus" at noong dumating ang author na si Delos Reyes, pumila ako para magpa-pirma. Pero pinaalis kami at sinabing lumipat sa kabilang pila. Dahil may deperensiya na ang tuhod ko, di na ako pumila dahil pagod na ako. Ayon, bitter ako at sinabing babawi ako sa rebyu ko ng librong ito haha.

Pero habang binabasa ko ang librong ito at lalo na noong matapos kong basahin ng buo, sabi ko, di makatarunagan.

Dahil maganda ang libro. Dahil magaling magsulat si Delos Reyes.

Kahit di napirmahan ang aklat ko. Kahit sinabihan ako ni Delos Reyes na lumipat sa ibang pila, di ko kayang bigyan ang aklat na ito ng mas mababa sa 4 stars (sa Goodreads, ang ibig sabihin nito ay "I really liked it!")

Gustung-gusto ko ito. Matalinong magsulat si Delos Reyes. Malawak ang tinatalakay niyang paksa sa kanyang mga blogs o Facebook status. Ramdam ko yong pagiging ama niya na sumusuporta sa kanyang pamilya. Ramdam ko yong hirap ng pagbabiyahe niya tuwing weekend mula sa Maynila patungong Lucban. At yong pagpasok niya sa UST mula sa kanyang tinutuluyan. Yong mag-blog o mag-post ka ng status mo sa araw-araw sa FB tungkol sa kung anu-anong isyung panglipunan at pampamilya, mahirap yon. Either naiinip ka na sa buhay mo dahil wala kang magawa o kailangan mo ng outlet dahil nagsusumigaw ang pagmamahal mo sa mga salita at kailangan mong ilabas sa pamamaraang may kabuluhan.

Walang alinlangan sa isip ko. Yong pangalawa. Yon si Joselito D. Delos Reyes.

Hinirang din siya kamakailan bilang Makata ng Taon (2015).

Mabuhay ka, Joselito!

Profile Image for Sai theengineerisreading.
613 reviews103 followers
April 5, 2015
Kung ang telebisyon ay teritoryo ni Vice Ganda, masasabi kong teritoryo ni Sir Jowie ang Facebook.

Ang librong nag-ugat mula sa tinipong istatus sa kanyang malamang timeline. Katulad ng isang halaman, itinanim ni Sir JDR, dinilig ng like ng mga kagaya kong kaibigan niya sa Fb, binuhusan ng pataba ng mga friends na nagse-share, nag ko-comment at paminsan-minsan daw ay nagre-report?

Ang librong naglalaman ng talambuhay ng sumulat, mula sa pagkabata hanggang sa pagpasok sa elementarya patungong kolehiyo hanggang sa panliligaw kay Mommy Angela hanggang sa pagsilang ni Ate Divine na Banahaw dapat ang ngalan hanggang sa pagdating ni Esperanza, Emily sa buhay niya at ng One Direction sa buhay ni Ate Divine. Naglalaman din ng napakaayos na buhay sa ating bansa, ng samu't-saring patawa na kapag sineryoso ng ilang nakakataas ay mapipikon sila. HAHAHAHA.

Nakakatawa at iniregalo ito ng aking ama-amahan nung birthday ko pa at ngayong Mahal na Araw ko lang nabasa. Masarap ulit-ulitin na parang kapeng barako. Pramis, masarap- lalo na kapag umaga at kasama mo ang Angela ng buhay mo. ;)
Profile Image for Rosie.
170 reviews21 followers
December 26, 2014
hindi ko siya makikilala kung hindi dahil sa nag-trending na 'dear janet' post.
napakahaba ng post na iyon, pero binasa ko dahil damang-dama ko iyong angst ng nagsulat.
nakakarelate.lahat ng gusto kong sabihin, nasabi na niya doon, sa mas makatang pamamaraan.
nakanamputsa, gusto ko rin pagmumurahin si janet sa post, pero dahil mas maganda iyong post nya, shinare ko na lang.sana lang may ganito akong propesor nung college ako, baka na-inspire pa ko mag-iba ng kurso.
Profile Image for Gena.
147 reviews9 followers
September 25, 2015
Mula noong gumawa ako ng una kong account sa Facebook noong 2008 (pangatlo ko na ang kasalukuyan kong gamit ngayon, ala, artista e), ni hindi ko naisip na ang mga status na nangungulit kakatanong ng "What's on your mind?" ay mag-e-evolve sa mga status nitong katulad ng nasa libro ni Joselito Delos Reyes/Sir Jowie. Noon—at hindi naman ako magmamalinis, isa rin ako sa mga gumagawa nito dati—ang mga status lang sa Facebook ay iyong mga "Going out for lunch!" o "Happy Sunday! God Bless!" o kaya mga obscure na patama sa crush o kaaway o kaya lantarang pakikipag-away sa isang Facebook friend. Pero nang masanay na ang mga tao sa Facebook, ayun na't ang mga status ay naging outlet na ng mga gustong magreklamo tungkol sa gobyerno o sumbungan ng mga pandurugas ng mga driver o mga kunwa'y nasunugan o namatayan kaya namamalimos, at iba't iba pang pagsisiwalat ng mga bagay na hindi makatarungan. Ito ang ginawa ni Sir Jowie dito.

Sa una siguro nakaka-turn off para sa isang tao pag nalamang compendium ito ng mga status niya. Pero, hay nako, ito ang ilan lamang sa mga pinakamakabuluhang mga status sa Facebook. At hindi naman naging ipokrito o messianic ang dating ni Sir Jowie sa libro niya, kahit pa kayang-kaya naman niyang gawin iyon dahil, ayun nga, wall naman niya iyon, status naman niya iyon, kaya kung ano sabihin niya, okay lang. Kung babasahin mo itong iStatus Nation makikita mo pa rin ang bahid ng pagiging personal ng may-akda. Hindi nilalagay ang sarili sa pedestal. Hindi nangangaral. Nangangaral man, iyon ay dahil sa kanyang mga karanasan, at dahil siya mismo ay aminadong tao lang at nagkamali rin. Hindi ito yung basta lang self-centered na aklat na tipong kinalap lang ang mga status at boom "Okey na manunulat na ako ipa-publish ko mga status ko I'm so awesome, ikr?" Nagtagumpay itong aklat na ito hindi dahil nakapanloko ito nang maibenta ang mga status na inilagay lang sa papel na pwede namang i-search na lang sa Facebook pag ini-stalk mo si Sir Jowie, kundi dahil lumampas ang mga status na ito sa karaniwang blow-by-blow na update ng buhay ng FB user na obviously waley ka naman talagang pakels. Na kahit personal pa rin ang pinaghuhugutan ng mga status ni Joselito Delos Reyes, hindi ito nakakulong sa personal sphere na iilan o ang may-akda lang mismo ang makakaunawa. Kahit sinong makakabasa nito ay tatamaan, makaka-relate.

Tsaka nakakakilig yung mga status tungkol kay Teacher Angela. E di sila na may poreber.
Profile Image for Aira Irish.
176 reviews1 follower
July 26, 2015
A good feel read that tackles insights about politics, education, chosen profession, love, life and everything under the sun.

Funny and quirky!
Profile Image for Jims Rasel.
13 reviews2 followers
January 2, 2024
Around 2021 nang maexpose ako sa mga facebook post ni Sir Jowie. Ang witty ng mga banat, madaling i-digest, minsan mapapatawa ka, pero mas madalas ang mapapaisip - madalang ang mainlove pero aatakahin ka niya ng sweet posting paisa-isa. Naisip ko, astig to ah, what if maging libro hahahaha

Tapos meron nga! Pero late na ako. Napublish na. Wala pa akong muwang sa mundo noong pinublish ang librong ito at masaya ako na nahanap ko siya ngayong may onti na akong consciousness at utak para pagmunihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Nagsilbing nostalgia trip ang libro kahit kasabay ko lang naman lumaki ang mga issue na tinatalakay dito. Nakakarelate pa rin ako. Grabe pa rin ang mga patama
Profile Image for fooleveunder.
166 reviews
December 14, 2024
Magaan basahin at nakaaaliw ang mga istatus na nandito. Bagaman maraming typographical error at maling paggamit ng mga salita, alam ko namang impormal ang mga nakapaloob dito. May mga nakatatawa ngunit may iilang mapapaisip ka na lang sa mga napupuna at napapansin ni Prof. Joselito. Maraming salamat sa nagbenta sa akin ng libro sa murang halaga!
Profile Image for Trixie Ann ( A Turtle Reader ).
61 reviews2 followers
June 1, 2020
Minulat ako ng librong to sa kung anong klase ng pamamahala ng gobyerno at pulitika ang meron tayo dito sa Pilipinas. Kung hindi dahil dito, baka isa pa rin akong nilalang na nagkakalat ng misleading information o fake news sa social media.
4 reviews
September 30, 2019
Si Sir Joselito (Jowie) ang tagapagligtas ko (natin) mula sa mga hindi pinag-isipang post at trend sa social media. Mula sa maliliit na karanasan tulad ng pagkakaroon ng malalim na dimple hanggang kay Janet Napoles, inilalahad niya ito sa malikhain, humorous (pero seryoso) at matalinong lenggawahe.
Profile Image for Ja Comia.
38 reviews4 followers
February 8, 2017
Napatawa at napangiti ako ng libro ni sir :)
Almost 5 star kaso ang haba ng libro nya. Un ibang status naulit sa ibang paglakataon.

Sobrang ganda
Displaying 1 - 12 of 12 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.