Tinatakbuhan ni Eddy si Rowan nang tumagos siya sa isang lalaking nagngangalang Atticus. Ang akala ni Eddy ay multo rin si Atticus pero ang sabi ni Rowan ay isa lang daw itong astral projection.
Isang biglaang kaso...
Dahil sa posibleng mamatay ang isang tao kapag tumagal ang paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan nito ay tinulungan nina Eddy at Rowan si Atticus. Pero hindi pala madaling mahanap si Atticus dahil may mga tumangay ng katawan nito.