This is a story about the sea and the lives of the characters who depend on it. The son of a legendary fisherman has to give up his studies and start supporting his family following his father’s accident. This kind of sacrifice is a universal problem faced by many children who are forced into child labor because of financial needs. It also tells the struggles of the son as he tries to establish his own identity and get out of his father’s shadow.
Her children's books include Tiger on the Wal, A Child's Treasury of Christmas Stories (co-authored with her mom, Lin A. Flores), and the teen novel Jacobo's Ghost where she won the grand prize in the 2001 Pilar Perez Medallion for Young Adult Literature. Her short stories and articles have appeared in the Sunday Inquirer Magazine, Parents, Good Housekeeping, Woman's, and Cosmopolitan Philippines. Annette is a member of KUTING, an organization of Filipino children's book writers.
Ang ganda! There's just something about books written beautifully in Tagalog that makes me feel an emotion that I could not put into words. Parang ang sarap mabuhay kahit na may kasama itong lungkot at sakit. Finished in one sitting. Dinala ako sa dagat ng libro na ito!
Maramdamin at napakagandang pagkukwento. Iba ang dating at feeling habang binabasa ang libro. Sa ngayon minsan ko na lang itong maramdaman kaya masaya ako at naramdaman ko ito sa librong ito.
I enjoyed reading the tale of a family whose lives were deeply connected to the sea. I just wish it was a bit longer, though. So many questions left unanswered!
UGHHH ANG GANDA!! huhuhu kinilig ako at natuwa at nainspire na magsulat ulet. kudos sa author at sa translator na si kuya nanoy!! hindi ko alam na nagsusulat/nagsasalin pala siya--ininterbyu namin siya kamakailan lang para sa research namin sa san roque. ang galing mo kuya nanoy!! ang saya saya basahin nung libro, kitang kita kung gaano ka-romantic yung tagalog language. grabe!! <3
“Kailangan mong magmasid at makinig, bulong sa kanya ng kaniyang tatay. Binibiyayaan ng dagat ang marunong maghintay.”
Kwento tungkol sa isang batang maagang namulat at napilitang harapin ang realidad ng buhay. Inilarawan sa librong ito ang buhay ng mga kababayan nating nakikipaglaban sa panganib ng dagat para lang maitawid ang araw araw nilang pamumuhay. Sa pagsunod natin sa paglalakbay ni Tonino, inilarawan ang mukha ng iba’t ibang suliraning panlipunan; kulturang pilipino, kahirapan, pangkabuhayan, pangkalikasan, polusyon, wildlife extinction at habitat destruction. Kasama ang pagtuklas ng sariling pagkakakilanlan ng isang musmos na pagiisip.
Read this with my kids, and left us hanging because of the ending. But then, the story is amazing and tells us of so many great things, like cherishing family relationships and caring for the creatures in the sea. Short but really touched our hearts.
Ito ay istorya ng isang pamilya ng mga mangingisda at nang kanilang buhay na nakatali sa karagatan; isang pag-iibigang nabuo sa dalampasigan, isang pangarap na nawasak at isang pamilya na nabuo muli sa karagatan.
Hindi ko alam kung ano ang ieexpect sa librong ito. Nakita ko lang ito sa bookstagram dahil sa #wikathon at umani ito ng mga papuri sa mga nakabasa nito. Sa totoo lang, nabitin ako sa kwento, gusto ko pang malaman ano nangyari sa mga Mercado. Natupad na ba ang pangarap ni Tonino na maging normal na bata lamang? Anong nangyari kay Mang Nando? Anong ginawa ni Rosa sa huli? Pero itong mga tanong na ito, sa aking tingin, ay isang palatandaan lamang na maganda ang kwento. Gusto kong malaman ang naging buhay nila pagkatapos ng mga pangyayari kay Tonino. Isang kwentong maaaring ako mismo ang magtuloy.
Maganda ang pagkakahabi ng istorya. Ngunit, para sa akin, nakukulangan ako. Siguro dahil sanay ako sa mga kwentong action-packed o mga kwentong maraming twists. Pero kahit ganon, nakaka-touch ang istorya at mapapamahal ka kina Rosa, Andres, at Tonino.
Binasa ko to ng isang upuan 😭 Nakakabitin po pero okay lang, maganda pagkakagawa ng kwento. Feeling ko rin mas okay na rin yung ganitong maikli lang. Straight to the point. Nanghihinayang lang ako di sinabi anong nangyari kay Nando, hindi ba sya namatayyyy?? Hays HHAHA charot. Pero overall ang ganda ganda ng kwentoo.
Isa pa palaa, yung about sa cover/drawing sa cover, gustong gusto ko siyaaaa, sobrang gandaaaa. Habang binabasa ko yung kwento, saka ko lang naintindihan kung ano yung nasa cover huhuh ngayon ko lang ulit na-enjoy yung ganitong kwento na Filipino tapos malalim na salita. Feeling ko naging deep rin ako na tao pagkatapos ko tong basahin.
Isa ito sa mga magagandang librong nabasa ko ngayong taon at ikalawang librong nabasa ko mula sa may-akda. Wala akong mapuna dito maliban sa napakaikli nito. Kulang ang isang-daang pahina. Nakulangan lang ako sa mga mas personal na detalye sa mga karakter pero naiintindihan ko na baka nais lamang ng may-akda na pahapyaw itong ipakita. Umaasa ako na mas magiging komplikado ang kasukdulan ng kwento subalit nabigo ako. Sa kabilang banda, binigyan naman ako ng isang nakatutuwa at kapani-paniwalang wakas.
Napakatamis maglahad ng may-akda. Iba talaga ang hiwaga ng wikang Filipino.
Nabasa ko ‘to nung nasa piyu pako. Wala akong kahit anong interest sa mga literatura natin bukod sa mga Ibong Adarna, El fili, tsaka Noli. Pero di ako nagsisi nung hiniram ko ‘tong libro na ‘to sa library. Maikli pero sobrang ganda. Naiyak talaga ko sa tatay. 11/10 para sakin. I can’t stress enough how much of an experience and lesson this book has given me. Bibili ako ng sarili kong copy neto. I truly recommend to everyone.
Para saakin napakaganda ng kwentong ito. Hindi man ito yung nakasanayan kong kwento na maraming sanga sanga or kaya naman ay magugulat ka nalang dahil sa mga konektado nitong mga detalye, hindi ito naging kabawasan kung gaano kaganda ang akdang ito. Para akong dinuduyan ng wikang Filipino, sobrang ganda, sobrang mahinahon. Ibang tuwa ang naramdaman ko habang binabasa ko at sumasama ako sa kwento ni Tonino. May kaunting bitin akong naramdaman ngunit nangibabaw parin saakin ang tuwa.
Isa ito sa mga unang libro na aking nabasa... Oo, maganda ang istorya at aaminin ko na kinilig ako, lalo nayung nasa tabing dagat sina Andres at Rosa at pati na rin nung pumalaot sila para makita ang butanding... Medyo bitin nga lang...
Medyo hindi ko nagustuhan yung pagiging 'fast-pacing' at yung pagiging simple ng 'plot'. Sa tingin ko kasi pwede pa siyang dagdagan para mas gumanda yung istorya... (own opinion ko lang po)
loved this book! At first aakalain mong pangbata lang talaga siya lalo na ito yung tipikal na storya na merong kapupulutang moral lessons pero puwede rin siya sa adult. Pakiramdam ko nga mas maaappreciate ko tong librong to ngayon kesa kung binasa ko to nung bata pa ako. Ang ganda ng mga lessons and the love story made it more interesting for me.
Kung may mali man sa librong ito, iyon ay maikli ito! Bitin! Tiyak na babasahin ko ito kung may ikalawang libro ito. Maganda. Sinubukan kong basahin ito para naman Tagalog ang mabasa ko, hindi puro Ingles. Hindi ako nagsisising binasa ko ito. Sobrang ganda pala talaga magbasa ng mga sulating Filipino.
*healing my inner child by reading adarna house books*
Habang binabasa ko 'to, para akong sinasalubong ng mahinahong alon habang nakahiga sa buhangin, at hinahaplos ng hangin.
Ang mga tala pala sa dagat ay ang likod ng butanding. Ang ganda!!! I am so proud of Tonino! Nabitin ako sa ending at umasa ako na sana, sana, bumalik na sa kanila ang tatay niya. Ang pinaka magaling na mangingisda.
Hindi maikakaila na maganda ang pagkakasulat ng libro. Napakasimple, pero naglalaman ng lalim. A short sweet-bitter story. Nasanay lamang talaga ako sa mas mahaba pang konti na mga istorya kaya nabitin ako ng konti pa.
Easy to read, translation is not awkward but beautifully written.
A very heart-warming tale about a family tied to the ocean. Maganda ang pagkakasulat at pagkakatagpi-tagpi ng bawat chapter, maayos ang transition ng pagbabalik tanaw at kasalukuyang setting ng kwento.
Maiksi ngunit malaman. May mga bahagi rin na napakaganda ng pagkakasulat, aakalain mong tula kung magbuo ng mga imahe; tila dagat rin ang mga salita: dumadaloy at umaalon.
I have never been so enthralled with a story before— let alone one in Filipino. The start was slow — but necessary — and as I was reaching the end I was hoping so badly there were more pages left. Such a great read! A beautiful story with beautiful words.