Mga maikling kwentong postmoderno nina Mes de Guzman, German Gervacio, Mykel Andrada, Mayette Bayuga, Luna Sicat Cleto, Khavn dela Cruz, Alvin Yapan, Edgar Samar, Allan Derain, Eros Atalia, Eli Guieb, Norman Wilwayco, at Rolando Tolentino. Mga guhit ni Adam David.
Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Siya ang SEA Write Awardee ng Pilipinas sa taong 2014.
Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na kadalasang iniimbitahan siyang maging panelist, judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.
Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng D yaryo Hagonoy , kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Ka Amado (Talambuhay ni Ka Amado Hernandez) na inilabas noong 2012. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP.
Sa Kasalukuyan ay senior adviser si Jun Cruz Reyes ng Center for Creative Writing ng PUP, siya rin ang utak sa likod ng Biyaheng Panulat (Ang Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan).
Kung gusto mong sumubok magbasa ng isang aklat ng maiikling kuwento, ito na yon. Yon bang gusto mong magbasa ng lokal na akda para malaman kung anong mga kuwento ang meron tayo ngayon sa mga bookstores, ito na yon. Yon bang curious ka lang dahil matagal ka nang di nakakabasa ng libro, lalo na't Pinoy, ito na yon. Yon bang gusto mong maka-sample ng mga mahuhusay na manunulat na meron tayo sa Pilipinas, ito na yon.
Lagingtatlo. Sabi nila malas. Sabi lang yon. Suwerte ka pag nabasa mo ito. Dahil wala kang itatapon. Labingtatlo ang maiikling kuwento rito. Labingtatlong manunulat na mga kilala sa kasalukuyan. Mga professor, mga direktor ng pelikula at mga kagaya rin natin. Kaso, sila, para sa akin, ang kung bakit tinatawag na alagad ng sining ang mga manunulat. Dahil may sining sa kanilang mga panulat. Lalo na sa aklat na ito.
Ngayon lang ako nagbasa ng antolohiya ng maiikling kuwento na may pustahan sa isip ko habang nagbabasa. Marami kasi sa kanila ay may aklat nang nabasa ko na previously o kung hindi man ay nakilala ko na ng personal o nakapanayam namin sa Pinoy Reads Pinoy Books. Kaya may mga bias na ako. Tuwing makakatapos ako ng isang kuwento, agad kong ikinukumpara kung so far, iyon ang pinakamaganda para sa akin. Matapos kong mabasa ang buong akda, meron talaga akong paborito na lumutang. Yon bang tipong makalimutan ko na ang lahat, pero pag nabanggit ang aklat na ito, kunwari makaraan ang sampung taon, iyong isang kuwento pa ring yon ang maaalala ko.
Hindi ko na lang sasabihin kong alin. Marami sa kanila rito ay hinahangaan ko kung di man ay itinuturing na ring kaibigan.
Hindi naman Pomo yung ibang kuwento dito e. Parang mga saling-kitkit lang at oldskul pa rin.
Mga kuwentong tumatak sa'kin:
Regalo - Ayos na sana kaso napabitiw ako sa paglapat ng ending. Sana mas ginawa pag epektibo yung ideya ng "regalo" para solid ang twist. May potential pa yung plot para hindi bumitaw ang reader. Pero oks yung simula to climax, mystery kumbaga.
Asin live! - solid na sana kaso exagge yung kunwari may ibubunyag na sikreto, di naman pala ganun ka-big deal, tsaka predictable na. Pero nadala ako sa kuwento. Nakarelate ako sa pagiging fanboy sa isang banda o grupo.
Sinumpaang Salaysay - Eto siguro pinaka-okay sa 'kin. Hindi pretentious. Kaso hindi rin Pomo. Sakto lang, pero eto pinakagusto ko. Nakakapit ako sa paksa't naratibo hanggang matapos.
Ang mga Apo - gusto ko ng kuwentong mga ganito, ala-Italo Calvino at Paul Auster, kaso ang ayaw ko lang sa author, parang trying hard sya, parang ganto lang madalas isinusulat nyang akda dahil walang maisip na interesante kundi yung malapit lang sa buhay nya bilang manunulat. Yung pagfictionalize sa isang geek para maging spectacle o kakaiba ang buhay niya. O dahil sobrang fan ni Roberto Bolano?
Ang problema ng Maikling kwento - Eto pa isa na walang maisip na kakaibang kwento bukod sa pagiging manunulat nila. Hay... Panalo sana yung style at teknik, olats lang sa tema't paksa. Dapat ang title nito: Ang problema ng mga manunulat.
Sayang di ako na-hook sa kuwento ni Derain, paborito ko pa naman yung Iskrapbuk n'ya. Kaso gasgas na yung nasulat nya sa bagong koleksyon na 'to e.
Nagtataka ako kung bakit hindi kumuha ng iba pang mga kuwentista si Sir Jun, na mas experimental at magaling magkuwento. Baka ayaw mapasama sa mga nandito yung mga bagitong author? Sayang.
Habang binabasa, para akong nakaupo sa rolerkowster, nakasalampak ang puwit, muntik pang mapunit ang ilang pahina dahil sa lintik na hagupit ng ilang kuwento. Kung hindi rolerkowster, mas magandang halimbawa ang tren ng PNR. Mabaho, siksikan, maraming manyak, maraming manghihipo. Angkop ang ilang kuwento sa ganoong setting. Kita mo sa bintana, kung sakaling hindi pa pagod at may lakas pang idilat ang mga mata matapos alipinin bilang makinarya ng kapitalistang globalisasyon, ang hirap ng ating bansa sa labas. Tanggap na nila na ganoon ang kapalaran nila. Ang palad ng tadhana para sa kanila, makalyo, marumi, malayo sa maluming utopian at western kind of living na itanim sa atin ng mga libro at telenovela. Sa labas, sa tren ng PNR, nandoon ang reyalidad. Hindi ko na sasabihin sa iyo. Ikaw ang gusto kong magsabi sa akin.
Ganoon ang mga kuwento sa librong ito. May nakakakiliti, may nakatatakot (kuting sa imburnal), at may nakapupuwing (pigurin ng anghel). Nananampal ang ilang kuwento, nakakatakot ang ibang kuwento dahil sa iisang bungkos ng papel lamang, mahusay na nitong naipinta ang kahirapan hindi bilang exploitation, kundi kahirapan bilang kahirapan lamang. Isang salamin. Nanalamin ka. Nakita mo ang panget na larawan. Ano pa man, palagi't palaging may pag-asa, kagaya sa kuwentong “Asin Live!”, laging hindi padadaig ang pag-asa. Dahil hindi naman talaga palaging nar'yan ang pag-asa, pero hindi maaaring mawalan tayo ng pag-asa.
Mga tumatak na kuwento: Sinsil Boys, Sinumpaang Salaysay, Amerika, Paputian ng Laba, Ang Problema ng Maikling Kuwento, Asin Live!, at Kulay.
I've always been fascinated of postmodernism and there are just too plenty of it in this book. The blurring of boundaries is too forceful in some stories, and I can't decide if I liked this outright telling. Anyhow, I still love the conviction. My favorite stories in this collection are: Alvin Yapan's Regalo, Eros Atalia's Intoy Syokoy ng Kalye Marino and Allan Derain's Paputian ng Laba. Enjoyed reading this book (although, I read it in installment basis! lol )