Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Banal na Aklat ng mga Kumag

Rate this book
Isang kakaiba't kahali-halinang nobelang punong-puno ng magic, imahinasyon, mahihiwagang hayop at kumag!

231 pages, Paperback

First published January 1, 2013

41 people are currently reading
503 people want to read

About the author

Allan N. Derain

11 books44 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
105 (53%)
4 stars
50 (25%)
3 stars
28 (14%)
2 stars
9 (4%)
1 star
5 (2%)
Displaying 1 - 18 of 18 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
November 16, 2013
In order to construct, you first need to deconstruct. This seems to be what Derain wants to prove with this book. With this book he used, putting his own spins, well-known Filipino folklore and religious tales to come up with an highly imaginative tale about Benito, a lizard (tuko) that resides in the ceiling of an old church whose sole occupation is to say prayers for insects like spider, ants, cockroaches, etc.

I started pouring over the pages of this book with much gusto not only because a trusted friend of mine recommended Derain's earlier book, Iskrapbuk. It's just that there are many more appetizing books that have been coming my way. However, when another friend saw this book last week on the shelves of a bookstore last week, he texted me right away because the book looked irresistible what with the First Prize for Novels in the Carlos Palanca Memorial Award for Literature proudly screaming on the book's front cover.

Among the old stories that he used in the book are: Ang Alamat ng Ibong Adarna, The Monkey and the Turtle: A Philippine Folk Tale by Jose Rizal, the story of the moth and the flame also by Rizal and many other local folklore. If you are familiar with some religious cults in Southern Luzon especially those that have Mt. Banahaw or Mt. Makiling as their base station, their prayers, emblems or even incantations are heavily used here both in pictures and in the plot in terms of background, dialogues or theme.

What I liked about this book is its creativity. Who would have thought of telling the simple childhood days' story of matsing and pagong in two perspectives and he even extended the retelling by linking it to the existence of the banana plantation that started with a single banana tree that the two divided between themselves? Who would have thought of incorporating the hilarious existence of kanding-kanding (meaning: young goats) as subjects of libidinous friars during the Spanish era in the Philippines? These are both bewildering in their freshness and mesmerizing in its effectiveness to elicit easy laughter and snickers from me while leafing through this book's pages in the last few days. Believe me, I have to read this book only (I put down all the others) because I could not believe that there is Derain whose fertile imagination is something that can put Philippine Tagalog serious literature back to the days when many Filipinos preferred local over foreign books.

Yes, he is that good. This book deserves to be read by all Filipinos who want to push the advancement of our local literature from just romance, wattpad and some compilations of blurbs or life/love advises from a television or radio programs.
Profile Image for Kristian Cordero.
1 review6 followers
April 12, 2014
Nakasandig sa mahusay na pagsisiksik ng mga sinaliksik at sa pagtititik ng mga kakaibang pananalig at samu’t saring ligalig ang matitiktikan sa makabagong daigdig ng pagbabaybay, pagbabanghay, at higit sa lahat, ang pagbabanyuhay mismo ng orakulo-naratibo, epiko-ebanghelyo, parabula-nobela ang matutunghayan sa katangi-tanging akdang ito. Ngunit kailangang mabatid na ang mga may birtud lamang katulad ng alibughang anak, o ang nawawala o nagpakalagalag na tupa at nakipaglaro sa mga lobo, o ang mga demonyong itinaboy papunta sa mga baboy ang makakakuha ng lalim ng mungkahi, ng debosyon sa alamat at talas ng pahayag sa loob ng banal na aklat na ito. Kaya maghanda, dahil bubulagin ng pagsasaling ni Allan Derain ang mga matang mapaghukom ng kung sinuman na emperador o imprimatur. Sasalingin niya ang mga mata nito ng kamay ng disipulong si Tomas katulad sa kung paano ipinasok ng alagad ang kanyang hintuturo at ginalugad ang bukas na sugat sa tagiliran ni Jesus. Kilatisin ng may sinop at timpi ang pagsasalin ni Derain sa mga nagsasalit-salitang bukambibig tungo sa isang saligang akda na maghahawan sa atin ng mga panibagong latag, lagay at latay sa ating mga karanasan bilang kung ano tayo. Sa kabuoan, naniniwala akong hindi isang tao o kumag ang may-akda nito, kundi ang sinauna’t bugtong na bugtong na di alam kahit ng espinghe, at ito ang lehiyon, ang hukbo na minsan ko nang nakita bilang ang horror vacui at nakakatiyak akong ito rin ang tunay na sanhi ng unang sakit na naramdaman ng lahat ng may kalingkingan.
Profile Image for Bomalabs.
198 reviews7 followers
October 6, 2014
Ang libro na ito ay pinaghalong Relihiyon, Sarcasm at Pangagago, and I liked it.

Halos lahat ng nakikita ko na rating sa libro na to ay 4 or 5 stars. Ako lang ata ang may lakas ng loob mag-bigay ng 3 (wahahaha) - though at the back of my head, I can't help but think that I didn't "get" it because I didn't give it 4-5 stars. I liked it because if anything else, IT IS VERY WITTY AND INTELLIGENT AND DIFFERENT IN A WEIRD WAY.

Ang galing at ang taba nanaman ng utak ng nag-sulat ne'to. You're basically reading a Bible Narrative - from how everything was created to how it is supposedly saved. You have the Spanish Period, Anting-Anting and that scary Latin amulets you see in Quiapo, the Kyrie Elesons your Lola mentions in your September padasals, Ibong Adarna, Rizalistas, that infamous Mall where the Legenary Snake apparently lives, Christianity and folklore, and even a religious sect named The Evangelist of Positive Thinking and Lifestyle in the Story, told in deep Filipino, so deep I wished I had a Dictionary while I was reading the book - told into one solid narrative.

Then you have an element of pang-gagago which will tell you not to take everything in the book so seriously. Case in point, when I learned that this Manunubos of the story is named JOJO I laughed hard. Imagine praying to someone named Jojo, parang nag-dadasal ka lang sa manginginom dun sa kanto. I also learned that this book will be different the moment that you read that in the beginning - there was supposedly this one giant nose where everything came from.

Definitely didn't expect the Plot Twist at the ending though - and when I book ended - I had to reread the Prologue again just so I'll have this sense of closure. Quite enjoyable, if you can handle the weird, and the Filipino.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
August 19, 2016
isa lang masasabi ko sa aklat na ito- WASAK!

Masarap pala ang maging Kumag (maliit) dahil sila ay pinagpapala rin. May nakahandang pagbabago at gantimpala ang mga taong maliliit, inaapi, mahihirap, at walang halaga. Bibigyang halaga sila dito sa pamamagitan ng isang Manunubos o Tagapagligtas.

Kinapapalooban ng mga Kasaysayan at Alamat tulad ng Ibong Adarna, Ang Kwento ng Pagong at Matsing at pahapyaw sa mga kaganapan kay Dr. Jose Rizal, maging ang teorya ng sangkalupaan batay sa siyensiya sa pagkakalikha ng mundo at kalawakan.

Nakaka-aliw at kapana-panabik ang mga tagpo at kaganapan lalo't ang tungkol sa giyera ng mga unang nilalang maging ang rebolusyon ng mga Kumag. Nakakatawa ang mga sinasabing kwento at ejemplo.

Natutunan kong respetuhin ang paniniwala, pananampalataya, prinsipyo ng mga taong sadyang may paninindigan tungkol sa pagiging tatlong Persona ng Dios, Tagapagligtas, at Sugo.
30 reviews2 followers
August 20, 2018
Whoah, tough read. Tagal na rin nung huling roller coaster experience ko sa pagbabasa ng isang libro. Sa pasingit-singit na pagbasa sa loob ng apat na araw tuwing gabi, natapos ko rin.

Okay. Una, wala talaga akong kahilig-hilig magbasa ng ganitong tipong kwento, kahit pa nung estudyante pa ako, mapa-parabula, pabula, alamat, kwentong bayan, kwentong nasa textbooks na kadalasan ay may mga diyos at engkantong nagtatagisan, mga kahariang nasa peligro, may mga prinsipe, prinsesa, obstacles, enchanted ek ek, o kahit Noli at El Fili, pinilit ko lang basahin noon--pero siyempre binasa ko na ulit ito pagtanda ko nang may sinseridad at handa nang kaisipan. Pwera pa rin yung mga kuwentong fantastiko.

Pero grabe 'tong isang 'to. Rambol-rambol mga genre at trope, na gaya nga ng mga nasabi sa intro ng aklat, nasa sensibilidad ito at estetika ng postmodernismo, partikular na ang metafiction--o mas umiikot sa aspekto ng Fabulation (sa mga bahagi nitong kagila-gilalas, puno ng mito, hiwaga at mahika), Poioumena (sa istrukturang metafiction na tungkol sa pagsulat ng aklat, kung paano ito nahuhubog, na ang bawat isinasalaysay na kuwento ang siyang binubuong katawan ng aklat, habang nakapaloob pa rin sa kwento ang tagapagtala/salaysay) at paghahalo ng Histograpikong naratibo na humahabi naman sa mga tunay na pangyayari, ethos at milieu ng iba't ibang panahon kahalo ng mga kathang isip. Halos naging saga na ito, o mas higit pa, mas exhaustive, encyclopedic halos, halimbawa nga'y ang satirikal nitong paghihimay sa ibang sulatin--kanonikal man tulad ng Bibliya at mga parabula nito--ngunit nakasang-alang-alang pa rin ang konteksto't diwa ng orihinal na naratibo (ang monymyth nito to be precise) na siyang nagsilbing padron o template ng paglalaro sa naratibo ng panibagong kuwento--mga katangian naman ng Intertextuality at Pastiche, kung saan ang mga naunang mga nailathalang teksto (kilala man o hindi) mula sa ibang sulatin ay hiniram o sadyang ginamit nang walang habas upang gawing elemento sa hinahabing sariling kwento, halimbawa'y kung paano napagtagpi-tagpi ni Sir Derain ang mga karakter at kaganapan mula sa iba't ibang naratibo /mundo (gaya ng Bibliya, Adarna, mga kuwentong bayan, aktwal na kasaysayan, kultong rizalista at Nativismong sulatin etc etc.) bilang magkakaugnay na pangyayari na pinagtatampukan ng mga bagong tauhan na kumatawan sa mga padrong tauhan mula sa mga tekstong nabanggit. Grabe lang. Kaya't ganoon na lang din ang takbo ng panahon sa kuwento, ang mga juxtaposition at temporal distortion ng kaganapan--anakronistiko at ironiko na tila mabalintuna, pero, balido bang sabihin iyon sa mundo ng magic realism? Kung saan ang lohika at realidad ng mga tauhan doon ay iba sa tunay na buhay, subalit dahil iyon ang absolute truth para sa kanila, naging kapani-paniwala pa rin sa mambabasa.

Kaya bewildered ako sa mga nabasa ko, may mga sandaling ayokong basahin nang tuluyan at buo ang mga dasal dahil sa pangamba at biglang pagiging superstitious na marahil e nahawa at nadala nga kasi ako sa mundo ng mga tauhan--patunay na epektibo ang daloy ng kuwento--kahit parang hindi, o hindi dapat, sapagkat batid o aware ka naman na kathang-isip lang naman lahat ito. Thus, naisakatuparan ang bisa ng pagme-meta. Napagtanto ko ngayon lang kung bakit ganoon ang pamagat at intro ni Sir Jun.

At higit sa lahat--nakupo!--ang mga ilustrasyong kalakip. Damn! Sobrang ganda ng mga drawing, na gusto ko maiyak sa pagkaantig. Grabe, bagay na bagay talaga sa ganoong istilo ng prosa, kuhang-kuha yung feel ng conceit na gustong ipamalas ni Sir Derain sa kwento. Hands down! Hindi ko akalain na ang nagsulat ng Iskrapbuk (isa pang aklat ni Sir Derain) ay isa ring mahusay na ilustrador. Sa totoo lang, mas humanga ako sa pagguhit niya kesa sa kabuuang kwento, o hindi rin, patas lang siguro. Basta, kakaibang reading experience talaga, animo'y pakikipagbuno sa pwersang makababalaghan. haha.

Medyo problematiko lang sa akin ang cover design, pasensya na sa dibuhista. Kaya siguro naeetsapuwera ng iba ang pagbili ng kopya, hindi kasi head turner. Kung posible lang, sana susunod na edisyong ililimbag, si Manix Abrera ang bumira ng cover. Sa mga ganitong klase ng aklat, swak na swak ang design na ginagawa ni Manix sa mga latest niyang mga compilation, lalo na yung kalalabas niya lang na katipunan ng tatlong pinaka-unang mga tomo niya, yung itim at printed with gilded and embossed designs, parang necromicon featuring agimat/anting-anting ek ek ang mga elemento o motif; kaya inevitably, itong mga covers ni Manix ang sumuling-suling sa isip ko habang binabasa ang Kumag. Seryoso, si Manix ang dapat mag-design ng bagong cover ng Kumag, para mas enigmatic at esoteric kuno, pero dapat may pop sensibility pa rin.

So yun! 5 stars na naman, gaya ng Iskrapbuk (na mas nagustuhan ko though, kasi nga, indifferent ako sa fantasy genre pero oks naman sa speculative fic.)
Sana talaga, ang susunod na nobela ni Sir Derain ay parang yung mundong ginagalawan ng mga karakter niya sa Iskrapbuk, modernong panahaon ulit. Sadly, hindi ko alam kung paano niya i-incorporate ang illustrations niya na gusto ko ulit makita. Pero trip na trip ko yung mga kwento sa iskrapbook e, lalo na yung ke Liaison, Anatomiya ng isang Alila at siyempre yung eponymous na huling kwento. Sana maging kasing prolific din ni Sir Egay si Sir Derain sa paglabas ng mga akda. Anu't anuman, walang sawang pagsuporta pa rin sa inyo at sa panitikan, mula sa hamak na kumag gaya ko.
Profile Image for MD.
77 reviews
Read
December 19, 2025
= SORRY, JUST USING THIS AS A PLACEHOLDER =

ISBN: 9786214484157
Title: Ang Landas Palabas ng Nobela
Author Name: Allan N. Derain
Publisher: Ateneo de Manila University Press
Publication Date Year: 2025
Publication Date Month: April
Format: Paperback
Description: Anong meron sa nobela? Nakapag-iisip ba ito hiwalay sa no­be­lis­ta’t mambabasa? Anong buhay ang naghihintay sa mga tau­han pag­ka­ta­pos ng kuwento? Natatapos nga ba ta­la­ga ang mga ku­wen­to? Ito ang mga nais pagwariin ng Ang Landas Pa­la­bas ng No­be­la. Gi­na­ga­lu­gad nito ang mga “ta­gong pa­nu­lat” (ayon kay Re­za Ne­ga­res­ta­ni), ang di­se­mi­nas­yon ng na­ra­ti­bo na parang mga bu­til ng alabok, at ang pag­lam­pas sa ma­ha­ha­la­gang chronotope (ayon kay Mikhail Bakh­tin) ng da­la­wang nobela ni Jose Ri­zal. Sa ga­ni­to, ina­a­sa­hang ma­ki­ta ang pag­wa­wa­kas bilang pa­la­bas (exit, ending, at spectacle), na nag­pa­pa­ma­las sa pa­nga­nga­ta­wan at pag­hu­lag­pos ng nobela sa sa­ri­li ni­tong es­truk­tu­ra, disenyo, at sen­si­bi­li­dad.
Language: Filipino
Link: https://unipress.ateneo.edu/product/a...
Profile Image for Glenn Mandurugo.
1 review
September 1, 2020
Noong nabasa ko ito halos di ko na mabitawan, may mga guhit pa at dagdag kaalaman din na talagang bubuhay sa diwa ng mambabasa. Mga kalinangan ng ating bayan ay talagang nasaliksik ng librong ito at nagkaroon ako ng kaalaman sa ibat-ibang bayan ng bansa, dahil dun nagpapasalamat ako at naarok ko ito. The best yung libro ni sir Allan Derain.
Profile Image for Ria.
7 reviews
December 18, 2018
AHHH DI AKO MAKAGET-OVER LEGIT GALING NI DERAIN SHET HOW NILAMON AKO NG MUNDO NIYA111!!!! VERY EFFECTIVE YUNG WORLD-BUILDING NIYA HUSAY HUSAY
Profile Image for Nico.
100 reviews
May 12, 2021
Kailangan maging kumag ng mga nakasanayang kuwento at kultura para maihain ang isang makabagong naratibo sa paraan ng pagbabaklas ng mga naunang teksto upang mas maintindihan ito nang mabuti. Ang husay ng pagkakatagpi ng iba't ibang intertext at allusion sa kuwento.

Nagkakaroon ng ibang pagtingin o perspektiba sa pagbabaklas ng nakasanayan at pagbabagong-anyo bilang bagong kuwento na tatawag pa rin sa kasaysayan ng ating mundo.
Profile Image for John Adrian Adiaz.
12 reviews
April 18, 2017
"Ang kaligtasan ay tulad lang ng pagsakay ninyo sa bangkang ito."

Matagal na panahon kong pinalipas at pinag-isipan na kapag ba nabili ko ang aklat na nirerebyu ko ngayon, masusulit kaya o makakatulad din ito ng iba kong aklat na "binasa lang" upang masulit ang pag-aari. Bagamat inabot ng dangkal na araw at buwan, inilaan ko ang apat na daang piso para rito— at tamang desisyon, pumasok ang kuwento sa aking dalawang pilar ng magandang aklat. Ito ay ang:
1. Sulit sa salapi, panahon at pagkakataon; at,
2. Nadala ang mambabasa sa mundo na ikinatha ng may akda.
Sa gawa-gawa kong pilar, iilan lang ang pumasa sa ito, at kasama na nga ang aklat na ito.

Ang opinyon patungkol sa kuwento...
Hindi ko masasabing ito ang pinakamaganda kong nabasang nobela ngunit maari ko itong ihanay sa mga nakaraang nobelang nabasa ko na at isa itong mabuting opinyon. Naramdaman ko ang diwa ng bawat pangungusap sa pagsasalaysay ng may-akda. Hindi ko naman masasabi na walang malabong parte ito dahil sa katotohan, halos lahat ng kuwentong maririnig at mababasa ay may sariling labo sa pagkakaintindi ng mambabasa. Magaan ngunit makahulugan ang daloy ng kuwento. Talagang nakuha ako ng aklat na ito dahil sa aking isipan at likas na kuryosidad, natuwa ako sa pamagat nito na para bang magkasalungat na bagay; ang "banal" at "kumag". Waring nasa isip ko rin na bumuo ng bagong relihiyon na batay dito pero biro lang iyon.
Magaling ang pagkakasulat ng awtor nito na si Allan N. Derain, maraming salamat sa iyong kuwento at walang anuman kung magpapasalamat ka sa aking pagtangkilik. Padayon!

(matagal na rin nang huling nag-rebyu kaya parang nag-iba yata ang tono ko sa pagsulat. Hahaha)
Profile Image for cosh.
25 reviews1 follower
December 6, 2022
i was too excited to read it but felt underwhelming already when i had the time to actually do so. quite disappointed bc some transitions are quite disoriented and out of place. the quality of the writing was not on par with the illustrations. enjoyed it tho bc not errday can we get filo books on hand.
15 reviews
March 24, 2021
As a Filipino residing outside the country for most of my life now, I figured it was time to start brushing up on my Tagalog reading again (I'd like to think I can converse fine day-to-day, and read at a high school level, but my own Tagalog writing is pretty shite).

This book is a technical marvel. Existing legends and stories are seamlessly woven into a grand narrative of national and cultural struggles. I found myself looking up four or five words every page before realizing that it wasn't just my lack of comprehension but the author's aesthetic choices to invoke a sense of myth and poetry especially at the beginning.

Other than the ambitious writing, I am not entirely sure what the work itself has to say that hasn't already been tackled elsewhere. This may be a shortcoming of the premise and anthology style of the book itself. I will likely revisit this one once my Tagalog reading is more warmed up.
9 reviews2 followers
July 20, 2014
Pinagbabangga ni Allan Derain sa aklat na ito ang mga alamat (luma at makabago), at kulturang popular. Napakahusay ng pagkakalahad ng marami sa mga ideya sa aklat, at talagang nakatutuwa't nakaaaliw basahin ang alternatibong mga alamat na kinatha sa aklat na ito, pati ang iba't ibang tagpong kagila-gilalas. Pabago-bago man ang tono ng aklat, umiinog ang kabuuan nito sa mga kumag, sa mga taal ng kumag, sa mga kinukumag, sa mga nagpapakumag at nagpapakakumag. Masarap lumusong sa maharayang kathang ito, na sumisipat sa daigdig at kumakatha ng kasaysayan mula sa ilalim.
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
June 23, 2022
Nagustuhan ko ang mga retelling dito ni Derain. Hindi ko na iisa-isahin kasi pagkarami-rami, mula sa pagkakalikha ng mundo hanggang sa paghihintay sa muling pagbabalik ng Manunubos. Ang masasabi ko na lang ay, "Mabuhay ang mga Kumag!"
Displaying 1 - 18 of 18 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.