Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
Ang mga kwento ni Eros ay may lalim na gaya nila Confucius (sa sobrang lalim ay nagka-Alzheimers disease na haha!), isang propeta (hinulaan ang paglevel-up nito), at Alien (maging sila ay natakot sa sobrang kasikatan ng aklat ay baka sakupin sila nito haha!)
Sa sobrang lalim ay tatagos ito hanggang sa bumulwak ang kwento ng katotohanan, realidad, at katatawanan.
Hindi ito kwentong barbero o kutsero. (pwedeng kwentong Bumbero dahil papatayin nito ang apoy na sumisira sa kaisipan natin ukol sa pagpapatiwakal lalo't kapag nagka problema sa buhay pag-ibig, haha!
kinabig ng Anghel ang kaisipang pagpapatiwakal upang lumevel-up ito at bigyan saysay o takasan ang kalungkutan sa buhay sa halip na magmukmok ay daanin sa katatawanan o kasiyahan.
Pramis tatawa kayo rito at siguradong level Up talaga kayo! peksman! dahil may mga suhestiyon para harapin ang mga pagsubok, kahirapan, at kalungkutan.
Sinamahan pa ng batikang si Manix Abrera sa pagguhit at disenyo.
Bilang bago pa lang ako sa mundo ng pagbabasa, ngayon lang ako nakabasa ng librong may flash fictions. Ganito pala magsulat si Eros Atalia: maiksi, mabilis, at malaman. Walang tapong letra at salita. Lahat ay may pinatutunguhan. Buti pa ang mga sulat niya, may patutunguhan, ang lipunang pinaghuhugutan ng mga kwento niya, malabo ang patutunguhan.
Dito ako napabilib sa pagsulat ni Atalia. Nakakalibang sa labas, pero sa loob ay makikita ang ugat ng mga pinaglilibangan: mga isyung panlipunan. Maraming entry points kung saan pwedeng ilagay sa konteksto ni Atalia ang mga kwento at napili niya ang pamilyang Pilipino bilang sentro ng mga ito.
[TRIGGER WARNING] Parehas din ng tinutumbok na mga isyung panlipunan ang nakapaloob sa manwal ng pagpapatiwakal, ngunit kung sa mga flash fictions ay pamilyang Pilipino ang konteksto, dito naman ay indibidwal ang nasa binigyan ng spotlight. Maraming reflections ang bida kung bakit gusto niyang magpatiwakal na sa una ay hindi mo seseryosohin. Siguro nga ganun din pagtingin ng lipunan sa mga taong kinikitil ang sariling buhay: hindi dapat seryosohin. Kasalanan niya 'yan at mahina ang loob niya. Hindi na naawa sa mga naiwang kapamilya.
Sa mga huling bahagi ng libro, tinumbok naman ni Atalia mismong lipunang ating ginagalawan. Puno ng suhestyon ang mga ito kung paano natin madadaya ang sistema, dahil ang sistema, matagal na tayong dinadaya. Ang mga suhestyon ay mistulang tanda ng pagsuko at kawalang pag-asa sa lipunang pilit binabaon sa hirap ang mga mahihirap habang kinakanlong nang marahan ang mga mayayaman. Pero pagkatapos kong magbasa, napagtanto kong ang mga problema sa at ng sistema ay hindi kailangang dayain kung ito ay mabubuwag din. Hindi ko alam kung may partikular na take home message dapat akong makuha sa librong ito. Basta ang nakuha ko, may mali sa sistema kaya ito nilalabanan. At walang mali sa paglaban kung nasa tama naman ipinaglalaban.
I struggle to finish this one. I get the idea and concept that the author wants to portray, it was good (for other people, since I've read a couple of good reviews) but it didn't work out for me. EXECUTION? BAH! 🥴
I gave 2 💫 because I laughed out loud at some parts of the book.
I don't remember who recommended this book. Altogether, I felt personally, somehow, that I've wasted my time and money on this. Disappointed. 🤷 Better luck next book/read. 🤫😉
This entire review has been hidden because of spoilers.
Dahil isinulat ito sa wikang Pilipino, sa lokal na lengwahe ko na din isusulat ang aking pagsusuri. Ito ang unang aklat ni Eros Atalia na aking nabasa, ngunit matagal ko nang naririnig ang pangalan niya at nakikita ang kanyang mga katha sa mga tindahan ng libro. Binigyan ko ng tatlong bituin ang librong ito dahil sa aking pananaw, malalim man ang pinaghuhugutan ng mga artikulo, na madalas ay natatago sa likod ng komedya, hindi nito nagawang pukawin ang aking interes at damdamin. Maliban sa Taguang Pung, na aking pinakapaboritong bahagi, tinapos ko ang libro na may kalahating atensyon.
Maaalala mo ang pinaka-pilosopo mong kaibigan o kakilala sa aklat na ito. Maraming ideyang ibinahagi ang manunulat tungkol sa politika, lipunan, edukasyon, maging sa media na nakakatawa at madalas nakakagago. Ito naman marahil ang layunin ni Atalia, na idaan sa pagpapatawa ang pang iinsulto sa mga hindi katanggap-tanggap na gawi ng mga pinoy. Kung ito nga ang kanyang layunin, masasabi kong siya ay nagtagumpay. Para sa akin, malinaw nyang naibigay ang mensahe kahit dinaan nya ito sa sarkastiko at nakakatawang paraan.
Sa tingin ko, marami pa din ang mas matutuwa at mapapaisip sa pagbabasa ng librong ito. At kung ito mismo ang hanap mo, ang aklat na ito ay para sayo.
Short review lang 'to. Parang quick reaction. 'Di talaga ako sanay sa mahahabang chika. So eto na nga.
Una, kung babasahin mo 'to, tiyaking nasa mabuting headspace ka. Kasi:
1. Literal na may manwal ng pagpapatiwakal sa pangalawang bahagi ng book. 2. Offensive jokes na hindi na pwede sa panahon ngayon.
Nakakatawa siya para sa mga katulad kong sobrang itim na ng humor. Pero kagaya ng 'Wag Lang 'Di Makaraos, wag mong basahin 'to kung sensitive ka. ISANG MALAKING TRIGGER WARNING NA YAN AH. Oh siya, sige na. Yun lang reaction ko sa librong 'to. 😅
Anu ba ang bias or biased review ko sa libro? Madaling basahin, pero may lalim. Ika nga ng isang propesor, na dating panelist sa undergrad thesis (Uy, lakas maka -blind item! ;)) "A writer may choose to be structured in his piece and be safe, or he may opt to break conventionalities and its rules and spring a surprise." Sa librong Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal (Level-Up) matatawa ka habang mapapaisip ka sa realidad ng buhay.
Babala sa mga magbabasa ng aklat na ito: Tiyaking nasa hustong pag-iisip kapag uumpisahan. Magnilay-nilay, mag-meditate, at mag-reflect sa mga bagay-bagay; kung nagawa na, at saka pa lamang basahin. Hehe Nakakaaliw ang nilalaman nito dahil hindi sa gusto kong gayahin ang mga instructions kung paano ang magandang paraan ng pagpapatiwakal kundi hindi lamang ito ang laman nito. Gaya ng inaasahan nsa mga gawa ni G. Atalia, malinaw pa sa ABSCBN TVplus ang pagkakasalaysay.
Eros S. Atalia has always been a writer in my mind, even when I never read any of his works. Back in college, I just became familiar with his works, such as “Huwag Lang ‘Di Makaraos” and “Ligo Na U, Lapit Na Me”. One of my classmates would always be clutching one of his books. Being a lover of facts, I just got close enough to his works to know his name and the titles of his books, but I just got the chance to read one of them now, and, I truly understood why his words never got so popular.
His tone in writing is not something I consider truly comic. He is just capable of writing in a funny way, but, he is prone to being cringe. All those expressions which Lourd de Veyra might have used as his reference to say that Atalia’s style is “street smart” are, in my opinion, overused and corny.
However, I don’t think it’s a bad book. It is a good intermission. A good way of passing the time. Just that: It’s just good.
All those exaggerations and pretentious praise are empty. He might have hit something genuinely funny at some points, but, overall, his work is just good.
I might come across one of his works in the future, but, for now, I want to quench my thirst for exceptionality by reading A Little Life by Hanya Yanagihara.
Ang librong ito ay isang package ng kalokohan, kalaliman, kakulitan at kaalaman. Ang tatlong bahagi nito ay lahat nagtataglay ng mga bagay na ito. Nakakatuwang basahin lalo na't ito ang naging umpisa ng career ni sir Eros.
Taguan-Pung. Sabi nga niya, makitago't makihanap dapat ang mga mambabasa rito. Sa totoo lamang ay magaganda ang mga dagli, habang binabasa ko ito'y natuwa ako dahil anlaki ng ikinaganda pa ng mga dagli da Wag Lang Di Makaraos. Sa totoo lamang ay seryoso ang bahaging ito at kinakailanganing pagisipan o pagnilayan ng bahagya. Dahil nga sa dami ng implicit messages na ninais niya ( o baka hindi, baka interpretasyon ko lang yung iba) na iparating sa mga mambabasa.
Manwal Sa Pagpapatiwakal. Dito nagfull blast ang kakulitan at kalokohan ni Eros sa buong libro. Lalo na't alam ko ang mga drama sa buhay ni Intoy, nakakatawang basahin ang kaniyang mga pinag-iisip na paraan at dahilan upang magpakamatay. Pero kung susuriin, pibakita rito ni Eros kung ano-ano ba ang tumatakbo sa isip ng isang tipikal na tao pagdating sa iba't-ibang bagay na dala ng buhay.
Level Up. Ito ang pinakamahaba pero pinakamasarap basahin. Hindi man sobrang maloko tulad ng Manwal ay makulit parin at innovative ang mga artikulong ginawa ni Eros. Pampatawa, pampayamot, pampainis, pampalungkot, pampahaging at kung-anu ano pang pangpapatama ang ginawa ni Eros sa mgs artikulo niya.
Salamat sa librong ito na nagsilbing tigapagpalubag-loob ko habang sumusuong sa nakaraang hell-week.
September (blurry actual day), 2016: Hindi ko pa 'to tapos. Nabili ko yung libro pang reinforcement ba kasi galing ako sa klase ko sa masteral, nakita ko kasi nag-iisang pabalat na gawa ni Manix Abrera pero si Eros Atalia pala ang content, at dahil medyo brain-suicidal ako noon kasi kakatapos lang yata ng final paper/reporting keme noon. Binasa ko sa bus, hanggang makaidlip ako.
Naidlip ako sa pagod.
September 26, 2017 (kahapon): Dinala ko kasi balak kong ituloy na para matapos. At baka ulitin rin agad. Siguro hindi maayos ang lagay ko noong sinimulan kong basahin, tapos nagkalabo-labo rin ako sa totoong buhay kaya hindi ko na naituloy basahin katulad ng sangkaterbang mga manwal/librong samut-sari ang paksa na napagtripan ng panlasa ko pulutin kung saan-saan.
Nagpatiwakal ng hindi sinasadya ang mga interes ko sa buhay hindi dahil sa librong ito, pero nakapagmulat na may mga bagay sa mundo, lalo sa mga Pilipino na dapat hinahayaan na lang magpatiwakal para sa ikabubuti ng mas nakararami.
I-eedit ko 'to pag natapos ko na talaga basahin. Para kong nagda-diary e.
Well, wala e, walang makausap, puro basa-basa na lang. Uli. Sana makatapos.
----- OCTOBER 29 2017: Kagabi ko natapos. Babasahin ko ulit. Syems, ang angas na nung mga adapt mula sa mga dyaryo, swak na swak pa rin sa nangyayari sa Pinas ngayon. Huha
Okay. Teacher ko si Sir Eros ng isang beses kaya gets na gets ko yung humor niya at kung paano gawin ang mga dagli niya. Tinuruan niya kami. At mahal na mahal ko siya dahil doon. Kaya noong nalaman ko na nanalo ako ng free copy ng libro niya dahil sa raffle (wala talaga akong balak bumili), na-excite ako. Pero dahil busy ako ng buong taon ng 2015, wala akong panahon. Naisipan kong dalhin ang librong ito dito sa Amerika kung saan ako ngayon nagtatatype kasi alam kong mararamdaman ko ang angst ng isang manunulat na galit na galit sa kalagayan ng kanyang bansa. Ang magandang ginawa ni Atalia ay ang gamitin ang galit na iyon sa pamamagitan ng humor para mas lalong maintindihan at mas lalong mapakinggan ang mga issue ng gobyerno, society atbp. dahil sa totoo lang mas gusto kong makapagbasa ng isang kuwentong nakakatawa ngunit totoo kesa sa seryosong walang appeal. At hindi lang siya basta 'witty' or 'haha LOL' funny, kundi "hahahahaha shet di ako makahinga gago talaga to si EROS omg hahahahaha" tapos biglang lilitaw yung lola kong natutulog magagalit sa akin kasi ang ingay ko.
For the first parts, ganyan ang reaksyon ko. Pero kasi kahit na nakapublish ito ng 2014, may mga pieces siyang isinama na 2007. Para sa akin, dahil sobrang mabilis magbago ang taste ng tao sa humor, may mga outdated na pieces siya na minsan ay korny at sarap batukan. Yun lang ang kaya kong punahin kasi di ako ekspert. Pero other than that, nag-enjoy ako at kahit papaano may namulat sa nabubulok kong utak, which is the point of reading books. So, okay. Bye, belabid riders!
I have read the first edition of "Taguan-Pung" and it is very nice to reminisce about my experiences as a reader on Eros' short stories, as they are re-published in this extensive volume. Simply put, if you happen to grab this book out of curiosity (or because you need something to pass the time in the toilet), then be ready to have your reality challenged. Eros will have you questioning every nook and cranny of the world we Filipinos live in and the absurdity of how we make our lives work day by day. Adding the creative genius of Manix Abrera for the illustrations makes this work another journey to the Filipino subconscious --- a subconscious that is rearing to flash the middle finger to a slowly decaying society.
Isang mahusay na kwentista talaga si G. Eros Atalia! Swabe ang daloy ng mga salita kaya't magaan ang dating ng ideya (kahit pa ba napakalalim ng mensaheng pinaparating!)
Short stories are on lit. And the suicide note is superbly amazing. Parang binasa ko ung Bakit baliktad magbasa ang mga pilipino (by bob ong) dahil sa level up part.
Ba't ba kasi kailangan ko pang mabuhay sa mundong ibabaw? Ano ba ang silbi? Ano ba ang pakinabang ng Earth sa akin? Nakikiagaw ako sa hangin sa kanya. Kinakain ko ang mga resources niya. Nakikiamot sa sikat ng araw at nakikiligo sa ulan. Para pag namatay ako pakikinabangan ng lupa ang katas ng katawan ko?
------------------------------------------
Naipapahayag ng idolo kong si Eros Atalia ang mga katotohanang panlipunan sa nakapagpapatawang paraan. Wapakels siya sa sinasabing mala-kumbensyunal na paraan ng pagsusulat.
Lamam ng akdang ito ang mga tinatawag na "flash fiction" (Taguan-Pung) na sa totoo lang ay iilan lang ang naunawaan ko, ang iba't ibang paraan ng pagpapakamatay (Manwal ng Pagpapatiwakal) na ipinamukha sa atin kung may kabuluhan ba talagang mabuhay, at ilan sa mga column niya sa ilang mga pahayagan (Level Up) na naghahayag ng minsan ay sarkastikong mga komento sa ating buhay at sa ating lipunan.