Si Nami Shanaia San Jose na yata ang pinakamaswerteng babae sa buong eskwelahan. Siya kasi ang girlfriend ni Bryle Caleb Stanford, ang dream guy ng lahat. Pero ang hindi alam ng marami, si Nami ay isang “hired girlfriend.” Sweet sina Nami at Bryle in public pero kapag walang taong nakatingin, walang katapusan ang bangayan nilang dalawa. The only thing keeping them together is a contract that requires them to pretend that they are in love with each other. Pero paano kung sa pagkukunwari ay mapapaniwala nila ang puso nila na umibig sa isa’t isa? Mapaninindigan pa ba nilang dalawa ang napagkasunduan o mauuwi ba ang kanilang pagkukunwari sa totohanan?
Ito yung first tagalog book na nabasa ko published by Summit. Puro kasi english yung nababasa ko before na published under Summit Books. BTW, Ito yung paborito kong story sa wattpad. Kahit na sobrang haba, Tinapos ko pa din hanggang book 2. At habang binabasa ko ‘tong libro, Yung feels ko ganun na ganun pa din. Siguro nabawasan ng kunti kasi nabasa ko na siya before sa wattpad pero yung kilig at tawa nandun pa din eh. Isa sa gusto ko sa story nito eh hindi lang puro kilig, May kalokohan pang kasama. Dito mo mararanasan yung kinikilig habang tumatawa. At dahil part one pa lang ‘tong libro na ‘to, Sobrang nakakabitin. At dahil wala pa akong part two nganga muna ako ngayon. Sponsor please? Joke. Haha!