Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Dios ng mga Kambing

Rate this book
Bihira ang mga kuwentistang tulad ni Ar-cilla na kayang pagtawanan at salaulain ang inililihim na mga Dios ng ating puso't damdamin. Lampas sa rumaragasang delubyo ng dugo, pawis, sarsa ng kalderetaa, tamod, at taeng pinakawalan ni Arcilla, masusumpungan sa Ang Dios ng mga Kambing ang isang napapanahong ateis-mo sa yugto ng mga Dios na hindi mapan-galanan.

— Amado Anthony Mendoza III, awtor ng Materyales sa Komplisidad

Nakalangkap sa bawat akda ni Nap Arcilla ang pagnanasa, pagkamangha, at panghihilakbot sa mga katangian at posibilidad na taglay ng ating mga katawan. Siguradong magigising ang lunggati, diwa, at haraya ng sinumang makikipag-ulayaw sa mga kuwento sa Ang Dios ng mga Kam-bing.

— Chuckberry J. Pascual, awtor ng Ang Nawawalang Barangay at Mars, Maraming Zombie!

With (a new) set of stories,... (Arcilla) has no intention of repeating himself. Gone are the crunchy, almost-equally measured sentences—now stretched, dictating a different kind of rhythm. For Ang Dios ng mga Kambing... he turns his back on the sea and looks more deeply at his people instead at their quirks, insecurities, frailties. Copulation becomes an omnipresent element, either as an obligatory culminating point or just an indifferent occurrence everyone masturbates and gets laid. Gallows humour is set aside for the scatological; the characters are more wanting, and they fight back. Memory is respected, and old age is a constant companion. Magic realism is still present and is reminiscent of that of Alejo Carpentier, with layers of Japanese bizarre. All these are glazed and coated by how people's relationship with their bodies and the penalties in their heads are examined. Holding all these carefully are the contrasts between the intangible and the physical: Arcilla assigns objects of obsession to inanimate objects—embers, mercury, apple, teeth, even cuisine, or circumstances like encounters and conclusions, needs and requirements and—anthropomorphises these experiences, letting them go berserk and wreak havoc. For the final act, he gift-wraps each narrative with the lofty appellation "God," which could be metaphorical or to merely denote delusion, and which also serves as the collection's guiding principle—indeed, everyone's main character is lording over something.

— RM Topacio-Aplaon, awtor ng Cerco un Centro di Gravità Permanente

110 pages, Paperback

Published January 1, 2025

Loading...
Loading...

About the author

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
6 (100%)
4 stars
0 (0%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for Justin.
24 reviews1 follower
October 12, 2025
Marahil salungat sa punto ng koleksyon; marahil pansariling pananaw lang ito; ngunit, tapusin na natin ang anumang debate o pag-aalinlangang sabihin, o isatinig, ang aking babanggitin: si Nap Arcilla ang isa sa pinakamagaling na kuwentista ngayon, kundi nga ang pinaka.


TUNGKOL SA LIBRO
Bago natin pag-usapan ang Dios ng mga Kambing, dadako muna ako sa unang akda ni Arcilla.

Una kong nabasa ang kaniyang panganay na koleksyong Maqueda: mga usipon mula lawod hanggang baybayon. MIBF 2024 no'n nang makabili ako ng kopya; nagpapirma rin sapagkat nataunang naroon ang awtor. Napukaw kasi nito ang interes ko; nakilala ko rin ang libro dahil sa isang kaibigan. Sabi ko, ayos, ah, ang ganda ng premise; ang ganda rin, 'ka ko, ng pabalat. At siyempre, nagustuhan ko 'to. Magpahanggang ngayon ay inirerekomenda ko ito sa mga nais magbasa ng boses mula sa margins—iyon ay, boses ng mga awtor mula sa mga lugar sa labas ng Kamaynilaan—kasama rin diyan ang P'wera Bisita ni Barrameda, Patining ni Santos, at Armor: Stories ni Bengan—sapagkat matatas ang dila ng sumulat, sapagkat may angking kaluluwa ito na madalang lang makasalamuha, madalang lang makadaupang-palad.

Sa kabilang banda naman, ang Dios ng mga Kambing ay isang pagtalikod pansamantala sa karagatan/katubigang naghahati sa kaniyang rehiyo't sentro, upang isatitik ang mga kuwento ng mga taong Dios-diosan, at kanilang mga "pigil na gigil at makatuwirang pantasya" (Mendoza, mula sa Introduksyon). Nariyan ang kahali-halinang linamnam na gawa ng di-kailanman matitikmang kaldereta; ngunit nariyan din ang Diyos na may "abo sa dila". Nariyan ang metaporikal at literal na Diyos ng tae, at nariyan din ang mga Diyos ng ating pagnanasa, pighati, at pagkalumbay. Samakatuwid, sa samot-saring mga Diyos na ito ay ipinaiintindi ni Arcilla ang mga bagay na kailanman di pa nasusulat, nababasa—naiisip.


PAGMUMUNI: O, ang mga Diyos na ating kinakalimutan; at ang mga Diyos na ipinapakilala muli

Gaya ng inaasahan—bago ko pa ito makita sa event ng La Salle, ang Patubas—dahil din sa mga inilalabas na excerpts ng Balangay—a la Bibliya ang istruktura ng libro. Ngunit di kagaya ng Banal na Aklat ay huwag mo na 'tong damputin kung naghahanap ka lang ng kasagutan o advice o aral. Bagkus, kung gusto mo ng bagong problema—iyon ay, kung gusto mong mapako ang araw mo sa pagtatanong ng, bakit ganito 'yung mga kuwento na 'to? Sira ba ang ulo nung author? Bakit sa dinami-rami ng paksa, ito pa? Bakit ganito 'yung mga tauhan—na para bang hindi pa sapat ang araw-araw mong pakikipagbuno—e, dito ka na. Sapagkat sa ubod ng kaniyang ikalawang koleksyon ay pansamantalang nabibigyang-hubog ang itinatagong nasa ng sangkatauhan—mga di-mapangalanang "silakbo ng damdamin", gamit ang mga tauhang may sariling isip, konsensiya, lalim, at iba pa. Sa bawat pahina, kung gayon, ay may ipinoprontang ateismo si Arcilla; 'sang pagkilala, o pagyurak marahil, sa ating mga Diyos. At kung gayon din, hindi lang ito isang koleksyon—ito ay dambanang itinayo nang makilala natin sila: ang Diyos ng ating gutom; ang Diyos ng ating Galit; ang Diyos ng ating Pagkikibit-balikat—sapagkat hindi simpleng panitikan ang handog ni Arcilla: na sa kabuohan nito ay isang liturhiya ng ating kalapastanganan, isang misa ng ating mga pagkukulang.


O PANGINOONG ARCILLA—

este, Diyos ng mga Kambing, muli mo na namang binali ang mga kumbensyon ng panitikan. Ngunit sa pagbali mong ito'y pinatatag mo lang ang aking pananampalataya—pananampalataya para sa mga kuwentong hindi kinukwento, at pananampalataya sa kasalimuotan ng panitikang Pilipino. Patawarin mo ako, sapagkat habang binabasa 'to'y halinhinan akong nagmumuni at nagmumura: una dahil sa Diyos ding nagtatago sa loob ko, at pangalawa dahil may mga Diyos pa rin pala na hindi kapani-paniwala. At kung ito man ang iyong ebanghelyo, nawa'y pagpalain kami ng karunungan na gumawa ng ganitong uri ng panitikan: hindi 'yung umaastang Diyos kundi 'yung nagtatanong sino ang Diyos mo, o kung may Diyos pa nga ba.

Amen—o, p'wede ring 'wag na, Ikaw bahala.
Profile Image for Billy Ibarra.
198 reviews20 followers
August 31, 2025
G.O.A.T---ito ang unang pumasok sa isip ko matapos basahin ang Ang Dios ng mga Kambing ni Napoleon Arcilla III. Ito 'yung tipo ng koleksiyon ng mga maikling kuwento na---hindi man malay o malay ang manunulat---bumabasag sa lahat ng itinuro sa 'yo kung paano nga ba ang malikhaing pagsusulat. Puta, anong conflict-conflict? Anong resolution-resolution? Anong aral-aral? Pasok ka sa school o magsimba ka kung gusto mo ng aral. Haha. Wala sa aklat ang hinahanap mong good vibes-good vibes dahil pati magandang mood mo, eh babaligtarin nito. Sanay ako sa karahasan sa panitikan, pero itong mga kuwento ni Sir Nap, eh 'yung tipo ng karahasan sa panitikan na hindi pa naikukuwento ninoman. Isa ito sa mga maikling aklat na antagal kong binasa dahil, "Pucha, ano ba 'tong binabasa ko?" Gano'n ang experience. Matagal na 'yung halos two weeks para sa isang manipis na aklat.

Dios sa kanilang mga sarili ang bawat tauhan sa bawat kuwento ni Sir Nap. Sa Ang Dios ng mga Alipato, "ipinanganak na may abo sa dila" ang karakter, dahilan upang magkaroon siya ng kakaibang halina sa apoy. Alamin ang sekreto sa misteryosong linamnam na ipatitikim naman sa 'yo sa Ang Dios ng Kaldereta. Sa Ang Dios ng Kambing, na pinaghanguan ng pamagat ng aklat, makikita ang obsesyon ng tauhan na matuto kung paano bulungan ang isang kambing upang kusa nitong ialay ang buhay, kapalit ng pagkakaroon ng sariling pares ng alagang kambing mula sa isang kulto. Isang epidemya naman gugulantang isang umaga sa Ang Dios ng Mansanas, kung saan mapapalitan ng pulampulang mansanas ang bayag ng mga lalaki. Obsesyon ng isang health worker na palaging namamatayan ng pasyente ang matutunghayan sa Ang Dios ng Asoge. Isang dentistang lalaking magbubuntis sa kaniyang panga ang magpapasakit ng ngipin n'yo sa Ang Dios ng Ngipin. Kung palagi kang natatae sa trabaho, bagay sa 'yo ang kuwentong Ang Dios ng Panagulpo: basahin habang jumejerbaks ka sa CR. Pansin naman sa Ang Dios ng Kailhanan ang pagiging maingat ng manunulat sa pagkukuwento, siguro dahil sa hango ito sa totoong tribo, kaya medyo toned-down ito at naiiba sa lahat ng kuwento; puwede ring ituring na pahinga bago tapusin ang aklat. Sundan mo ang iyong puso, isang palasak na payo. Pero sa Ang Dios ng Kaniyang Puso, sino kaya ang naging tagasunod? Sagutin mo na lang sa dulo ng iyong pagbabasa.

Isa pa sa kapansin-pansin sa aklat, ay ang book design at layout nito---parang sa biblia. Pero kung magandang balita ang inaasahan mo, eh sabi ko nga, magsimba ka na lang. Kung marami nang kuwento ang nagpangiwi sa 'yo at gusto mo pang dagdagan, isama mo sa listahan at basahin itong Ang Dios ng Mga Kambing. Mas maganda kung Mahal na Araw mo basahin, kaso matagal pa 'yon. Basahin mo agad pagkabili mo.
9 reviews2 followers
September 17, 2025
Hindi ko to nabanggit sa sinulat na introduksyon para sa koleksyon, pero ibabagsak ko na lang dito para tapos na: si Nap Arcilla ang kasalukuyang may-ari ng maikling kuwento Pilipino.
Displaying 1 - 3 of 3 reviews