May pahapyaw na pagtalakay sa opensang Ruy Lopez (Spanish Opening); depensang Caro-Kann, Dutch, French (Advanced Variation), Sicilian (Scheveningen Variation), at ang kilalang-kilala na Petroff; pagsipat sa ilang laro ng maalamat na labanang Kasparov-Karpov; at marami pang ibang dapat malaman at maunawaan ng isang baguhan sa larong ito. Pinakanatipuhan kong kabananata’y tungkol sa introduksyon sa “pagbubukas” ng laro: mobilisasyon ng mga piyesa, pagtuon sa sentro, paglikha ng mga banta’t patibong, at mga adbentahe ng pagkakastilyo sa alinman sa dalawang panig.