Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
Sinimulan kong basahin ang nobela habang nasa barko pauwi ng Romblon, sa last day ng MIBF 2025. Bawat makakita ng cover ay tinatanong ako ng general info tungkol dito, at ang sinasabi ko lang na "totnakan siguro."
Isa si Eros sa mga unang nasubaybayan kong writers sa Filipino. Nang i-announce na may bago siyang book, at yun ang nag-Grand Prize sa Nobela noong 2024, isa ito sa mga nakalistang bilhin sa MIBF 2025. Ito ring bagong nobela niya ang naging ticket para mapabilang sa Hall of Fame ng Palanca Awards.
Kung pamilyar ka sa panulat ni Eros, hindi ka mahihirapang basahin ang 'Thirty Virgins.' Para ka lang shuma-shot sa inuman at nakikinig sa walang katapusang huntahan ng mga kaibigan. O casual na usap sa workmate kapag break.
Narito pa rin ang trademark na makulay na pagpapakilala ni Eros sa buhay ng karakter na si Leslie (Leklek), gaya nina Mong sa 'Tatlong Gabi, Tatlong Araw' (2013), Fr. Marcus sa 'Ang Ikatlong Anti-Kristo' (2017), Intoy sa 'Intoy Syokoy ng Kalye Marino' (2006), at Etot sa 'Si Etot' (2019), at kung paano nakatali ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng karakter sa lugar nito. First time ni Eros na magkaroon ng babaeng main character; kahit sa iba pang mga aklat niya ay puro lalake ang kanyang nagiging pangunahing tauhan.
Book cover pa lang, hindi na agad maiiwasan ang kiliti na "Bakit ganito ang title? Merong sex?" At mula doon, malalamang hindi lang tungkol sa sex at 30 birhen ang nobela (ngunit ito ang gagamitin upang ma-hook ang mambabasa: Eh, ikaw, paano kung may bibili ng virginity mo sa one million pesos, ibebenta mo?"). Iginiya ni Eros ang mga sitwasyon, pangyayari, naratibo tungo sa internal na tunggalian ni Leklek at ng piniling semi-ilegal na trabaho, ang mariin na pagdidisiplina ni Crisostomo sa unica hija at medyo magaan na pagmamando sa mga barako, ang papalubog na kumpanya ng bus na tanging pinanghahawakan ng pamilya upang makalipat sa 'muntikan-nang-mailit' na hinuhulugang bahay sa Tanza, ang kalakaran sa tabloid at paano ito ginagamit upang hulmahin ang public opinion ayon sa pagmamaniobra ng mga politiko, at ang iba't ibang paraan ng pakikipagtipan ng tao sa demonyo at mga "demonyong nagkukubling anghel" para mairaos ang bawat araw. Sabi nga ni Eros sa isang palihan, "Hindi ba't ang mismong mga naibabalita sa primetime ay parang magic realism na kung iisipin?" Pero kahit na alam nating niloloko lang tayo, patuloy lang tayong nagpapatianod dahil alam natin na mas mahirap na sumalungat sa agos, sa takbo ng buhay. Syempre, may mga pahina pa ring magpapaligalig ng imahinasyon, gaya ng pagpasok sa isang eskinita sa Quiapo para manood ng Toro, ang nakaw na sandali sa pedicab, ang paglalaro ng kuntil at pagpaparaos sa isang hotel. (Pero kung tinayuan ka kay Aling Gloria habang nag-ooffer ng 'bate=bente at subo=singkwenta' sa loob ng isang bukbuking sinehan, pa-check up ka na.)
Parang mas pinalawak na "Thirty Virgins" ang "Si Etot", isang maikling kwento ni Eros na nanalo rin sa Palanca noong 2019. Kaya kung nabasa mo na ang kwento ni Etot, maitatagpi-tagpi mo ang mga tagpo sa maikling kwento na parang ipinaliwanag sa Thirty Virgins. Nagmukha tuloy excerpt o abstract ng "Thirty Virgins" ang "Si Etot." Ang kaibahan lamang, kay Etot ang pokus ng maikling kwento, habang kay Leklek (na palayaw ni Leslie at hindi binanggit sa 'Si Etot') naman nakasentro ang "Thirty Virgins." Mas binigyan ng paliwanag ang buhay ni Leklek at ang salimuot ng pag-iibigan (o panggagatas, depende sa lente na gustong sipatin) nila ni Etot. Ang Kalye Lubog ang Kalye Marino sa Intoy Syokoy, at gaya rito, nasasadlak pa rin sa kahirapan ang buong looban ngunit di gaya sa Intoy Syokoy na dagat ang siyang nagdudugtong ng kapos na buhay, ang Kalye Lubog ang extension ng bus company na pumupuno sa kumakalam na sikmura ng mga drayber, konduktor, washer, atbp.
At speaking of pagdurugtong ng kapos, pinakita ng nobela ang pagkahumaling ng tao sa instant money, ng pagiging 'one day millionaire', mula sa walang palyang blueberry cheesecake ni Lesley, sa saklang patay na maraming pamilyang binubuhay, tungo sa mga inuman sa dulo ng Kalye Lubog sa tuwing medyo maganda ang kita ni Mang Crisostomo, hanggang sa mga kakatwang sagot ng ilan sa mga nainterbyu ni Leslie (naiingit sa mga kapatid na may naipundar na, gustong mag-mountain climbing, makaganti sa syota na less guilt trip dahil di pa naman kasal, at downright na "gusto lang ng pera"). Kumbaga, sa hirap ng buhay ngayon, sino nga ba ang ayaw sa isang milyon?
Hindi na rin pinahirapan ni Eros ang mambabasa na alamin ang ending, hindi gaya ng "Tatlong Gabi, Tatlong Araw" at "Ang Ikatlong Anti-Kristo" na kailangan mong basahin mula para intindihin ang cliffhanger na ending. O mag-Google at/o ipabasa sa kakilala ang nobela at tanungin kung ano sa tingin nila ang ending. Pero baka mag-isip ang iba na "Yun na yun? Akala ko pa naman malalaman kung tanggap na lahat ng applicants. O magiging pang-30 si Leslie sa listahan. Pero di ba ganon naman talaga ang buhay? Pilit natin dinudugtungan ang kwento kasi tingin natin, may maihahaba pa ito. O kaya another sangandaan na pwedeng simulan ng bagong storyline. Sa huli, alam nating makakalipat sina Leklek sa Tanza, makukuha nila ang jackpot sa lotto, at mababaon sa limot ang kaso ni Etot gaya ng maraming biktima ng EJK.
Medyo natagalan lang ako sa springboarding bago ang aktwal na interbyu. Pero kinailangan ito para hindi agad maconclude na tinanggap ni Leklek ang offer ni Peter Tan. At ipakita ang pagtatalo sa isip sa isang "too good to be true" na offer. Mula doon, mistulang countdown na ng mga random na pangalan, edad, lugar, at sirkumtansya tungkol sa mga aplikante ang nangyari. Pinatagal lang nung 9 days na walang session, pero doon pa rin ang tungo. Prolonging the agony lang kumbaga.
Sa pangkalahatan, kontrobersyal pa rin ang tema na pinili ni Eros. Nabigyan nya ng hustisya ang paggamit ng babae bilang main character. Pero hindi gaya ng karaniwang babaeng MC, dito sa nobela, wika nga ni Eros, ipinakilala si Leklek hindi bilang isang "santa" pero di rin "impakta." Na hindi "model citizen" pero hindi rin "kriminal." Hindi "platonic ideal" pero hindi rin "femme fatale." Isang normal na mamamayan lang, with all the flaws and imperfections, na gustong magsurvive dito sa mundo.
Ikaw, for 1 million pesos, deal or no deal?
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ito ang tanong sa 30 Virgins ni Eros Atalia. Written in Tagalog, published by Avenida, at nanalo ng Palanca Award noong nakaraang taon, this book is one of my toughest reads so far (in the best way possible).
Ang kwento ay umiikot kay Leslie, o Leklek, isang fresh grad at panganay na ginagawa ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya matapos mawalan ng trabaho ang kanyang ama dahil sa hindi patas na trato sa mga public transportation drivers.
Gustong gusto ko kung paano binuhay ni Atalia ang Kalye Lubog. Mula sa amoy, ingay, hanggang sa buhay ng mga tao roon. Walang romanticizing, just plain, painful honesty.
Bukod dito, tinatalakay din ng libro ang mas mabigat pang isyu ng human trafficking: kung paanong ang kahirapan at desperasyon ay nagiging pintuan para pagkakitaan ang katawan ng kababaihan. Hindi nito sinensationalize ang topic, pero pinapaharap ka sa lipunang pumapayag na mangyari ito.
Dito rin lumulubog ang bigat ng pamagat: 30 Virgins. Para sa iba, ang virginity ay walang halaga. Pero para sa iba, ito ang tanging pag-asa, ang puhunan para makatakas sa kahirapan.
If I were to nitpick, I just wish the thirty virgins themselves, kahit dalawa o tatlo man lang, were given more space to tell their stories. Some parts in the first half felt a bit stretched, na puwedeng mas hinigpitan pa para mas tutok kay Leklek at sa core ng narrative. Still, naiintindihan ko, sa dulo, ito talaga ang kwento ni Leklek: her choices, her desperation, and her quiet defiance in a world that keeps failing her.
30 Virgins dares to make readers uncomfortable, and that’s exactly where its strength lies. It’s heavy, messy, and confronting, but necessary. Dahil ito ‘yung parte ng Pilipinas na madalas hindi natin gustong makita, pero dapat nating pag-usapan.
Thank you so much @talkbookishtomeph and @myavenidaph for having me sa week-long Avenida book(s) tour na ‘to! Super happy to be part of it! 💛
Sabi ng aklat, ito raw ay tungkol sa mga hindi totoo pero parang totoo. Pero napagtanto ko, ito talaga ay tungkol sa mga parang totoong pangyayari at nakakatakot dahil totoo nga ito.
Naligaw ako sa Kalye Lubog at sa kwento ni Leslie. Masukal ang daanan, mabagal ang usad, paikot-ikot. Hindi ko mawari ang magiging destinasyon o kung may aasahan talaga akong destinasyon. Kalhati na pero tsaka ko pa lamang narating ang pangako nitong kwento.
Mas nakatuon ito sa pamilya ni Leslie na representasyon ng mayoryang pamilyang Pilipino--mahirap, nagdurusa, pero pilit kinakaya. Mahusay ang pagkakalahad ni Eros sa mga tauhan, at kung paano niya binuo ang mga ito. Hindi sila parang totoo, sila ay mga totoong tao.
Sabi ko mga sulat-Pinoy na libro na lang yung mga bibilhin ko physically. The rest ay e-book na. Ito yung unang librong binili ko sa ilalim ng layunin na iyon.
Benta sa’kin karamihan ng jokes ni Atalia. Maraming bagay ang relate na relate ako kaya sabi ko pareho kami ng mundo na ginagalawan ng mga tauhan. Sa tingin ko, maraming mambabasa ang makadarama rin noon—yung pakiramdam na may mga karamay ka pala sa mga karanasan mo. Tatak Pinoy na experiences ika nga. Nakatutuwa na nahuli at nailathala iyon ni Atalia. May mga parte rin na nakakaiyak lalo na kung patungkol sa pamilya. Again, tatak Pinoy.
Sa totoo lang, iba ang libro kaysa inaakala ko. Akala ko kasi, iikot ang kuwento sa 30 Virgins, sa buhay at pakikipagsapalaran nila. Yun pala, naging instrumento lang sila para maipakita ang kuwento at katauhan nung bida. Yung partisipasyon nila sa kuwento ay hindi naging ganoon kabigat at pupuwede silang mapalitan ng 25 Killers, 13 Lovers o kung ano pa man nang hindi naaapektuhan ang kuwento. Sa bandang dulo ay inii-skip ko na rin yung mga interview kasi hindi naman ganoon ka-relevant.
May pagkakataon na mahuhulaan mo yung mangyayari. Ewan ko kung dahil ayun yung mga common na ganap sa kuwento o sa tunay na buhay kaya kabisado mo na. Puwede ring pareho. Pero kahit ganoon, may pagka-anticlimactic yung dulo. “Ayun na ‘yun?” Akala ko papunta na sa action, suspense, and mystery pero nasayang. Nakuha ng bida ang gusto niya kaya balewala na yung nangyari o nangyayari sa kapaligiran niya. Ang mahalaga, hindi na ayun ang magiging paligid niya habambuhay. Na-disappoint ako sa bida kasi ang selfish, ang manhid matapos ang mga nangyari. Hindi ba niya susubukan alamin kung ano talaga yung mga naganap, sino ang may sala, at hanapin ang hustisya? Hindi.
Tapos nabasa ko yung Pasasalamat ni Atalia. Gusto niya raw ng bida na hindi mabuti, hindi masama. Hindi martyr, pero hindi rin kriminal. Hindi anghel, hindi demonyo. Kumbaga yung sakto lang. Ang mahalaga ay makaahon kung saanmang lugmok naroroon. Gaya ng ordinaryong Pinoy, gaya 'ko. Ayun, na-gets ko na kung bakit ganoon.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Honestly, this book screams outdated information for its time, lack of research and connection with the involved, and lacked resolution. Walang resolve si Leslie and it shows na ESA attempted to create a manic pixie dream girl for himself and failed miserably. Poverty porn at its finest, and its closeted misogyny really screams with the imagery kung paano kulang sa emosyon at connection, at totally detached na para bang propesor na nagkukwento sa klase, sa mga tao 'pag tungkol na sa mga seryosong bagay samantalang nalulunod ang narrator sa imahen 'pag ukol na sa pagiging sekswal ng tauhan niya. Sa dami ng mga nag rebyu sa libro na ito, wala man lang nakaisip na isang post lang sa reddit pwede nang mabago at mawalan ng credibility ang buong kwento. Sana ginawa na lang niyang unreliable narrator ang tauhan kaysa ipinilit na para akong nagbabasa ng description o pananaw ng lalaki sa kung paano ba ang pananaw ng isang babae. Malaking malaki ang difference kapag women ay written by men, kaya sana may mas maigi pang research ukol dito. Hindi ako makapaniwala na ang tanging take away ko lang dito ay "what the fuck?" and not in a good way. Sobrang let down nito mula sa Ang Ikatlong Anti-Cristo, at sobrang let down nito bilang avid reader ng isang Eros S. Atalia.
Thirty Virgins by Eros Atalia had a really interesting premise that immediately got my attention. The story started strong, and I was genuinely curious about where it was heading. The concept was intriguing, and I kept reading because I wanted to understand what the title and its central idea really meant within the context of the story.
However, somewhere around the middle, I found myself getting a little bored. One of the reasons was that the concept of the "30 virgins" had still not been fully explained at that point, and I felt like the story was taking too long to get there. The pacing was slower than I expected, and there were sections where my interest started to drift. It is not that the book was bad, but I struggled to stay fully invested in everything that was happening.
Despite that, I still think 30 Virgins tells a good and important story. It is the kind of book that can be eye-opening and makes you think about realities and perspectives that are often overlooked. Looking back, I can appreciate what the novel was trying to accomplish, even if the storytelling style was not entirely for me. Overall, I enjoyed parts of it, but not enough to fully love it. I would give it 3 out of 5 stars. ⭐️⭐️⭐️
This is my first book of Sir Eros. Im a bit disappointed lang siguro kasi I had a high expectations cause it was a grand prize sa nobela 2024. Baka hindi lang ako sanay sa the way on how he tells a story - third person style ang dating and Im not liking it tska napapa balik ako sa page kasi nagugulat ako biglang ibang scene/nangyayari na pala. For me lang to ha, ang dami dami side characters na mas madami pa exposure kaysa sa mga thirty virgins na pina ikli at siniksik na sa tuloy ng libro. Strong ang pasok ng unang chapters but nun nasa middle na ng story, slow pace siya at nafafrustrate ako kasi ou na gets ko na mahirap na sila, para ipinagdidikan pa talaga. Siguro kasi i was expecting something else more related sa title. Ang dami dami kwento ng ibang tao like napapasabi ako sa sarili ko " relevant ba to".
I know the book is more like a eye opener of all the bad, illegal, henereous things happen or people do when your poor. But wala masyadong emosyon si leklek, patay na bata. Well gaya nga sa last page the main character was written not be good or bad yun sakto lang.
Pero grabe naman si ETOT na nga lang ang greenflag sa libro namatay pa.
Ang haba na, basta hindi ko masyadong nagustohan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
The “Thirty Virgins” title caught my attention enough to read the synopsis, feel curious, and push me to get myself a copy while I promised myself to read more titles from local authors this year because it’s been years since I did. High school, if I remember correctly? ‘Some People Need Killing’ doesn’t count because I haven’t finished that yet.
Story was slow-paced. You will not encounter virgin #1 until you’re about halfway through the book - which annoyed me because the Thirty Virgins were NOT the focus of this book at all.
It’s about poverty and how low you are willing to go to save your family from a severe financial crisis. From lying to your family about your situationship, “accepting” a teaching job, interviewing thirty virgin women willing to sell their virginity for 1 million pesos.
THIS STORY FELT REAL. It didn’t feel like fiction to me.
PS. I wonder why Leslie didn’t join/volunteer to be part of the virgins. 1 million would’ve been a bigger help for her family. Maybe she has more respect for herself? Maybe she’s not a virgin anymore? Hmm..
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi ka titipirin ng Thirty Virgins. Ididikdik sa’yo ni Atalia yung condescension, belittlement, saka invalidation sa concerns (at merits!) ng mga babae—kaya nakakapagod at nakakaumay rin syang basahin.
Siguro kaya rin hindi talaga full-on napukaw yung diwa ko. May tendency na maging roundabout yung narration/social commentary, na minsan overkill na para sa puntong gustong patawirin. Page 165 na at bumubwelo pa rin thru backstory at world-building, kaya maraming chapters na hindi ko maramdamang umuusad yung kwento. Literal na bibigyan ka ng 2 pages of backstory for 2 paragraphs of plot movement.
Interesting yung premise, valid yung commentary, saka realistic kung pa’no fleshed out yung characters (lalo yung bida!), pero ang ang sarap mag-disassociate kasi ang daming isyu at side characters na sabay-sabay sinasahog.
The only thing that's dragging ay yung fact na chapter 21 pa bago ko naramdaman yung "Thirty Virgins" vibe....... pero, it's okay. I mean, slow sya at first but I was able to get back to the pace and I loved it.
There's a lot of realizations and harsh truths regarding the lives of those na talagang walang-wala at middle lang ang kakayahan sa buhay. If ako ang nasa sitwasyon ni Leklek, baka mas malala pa ang nagawa ko. Kidding aside, this sparked a flame in my heart.
Kay Leslie lang ata yung pagsisinungaling na nagets ko kung bakit. Amazing writing style, Sir Eros!
The premise was propitious but the plot dragged on for too long that I felt like the story is not getting anywhere. It took more than half of the book for the turning point to happen, where the 30 virgins were actually interviewed. Much of the book painted a picture about the life of the female main character, which has minimal relation to what the blurb promises.
I dropped this book at Chapter 20 but gave it a chance and picked it up again after not knowing what to read next. I just finished it for the sake of finishing it. Mildly disappointing book for its reputable award.
This entire review has been hidden because of spoilers.
This was supposed to be my Buwan ng Wika read, but I failed to finish it within August, lol.
Contrary to the book's title, it has little to do with the thirty virgins and more to do with the life of Leklek, a morally gray character who serves as the reader's eyes and ears on the goings-on behind illegal operations and the daily lives of those struggling just to get by.
This was a signed copy, and sir Eros' personal dedication was "para sa mga nagpupumilit maitawid ang buhay." True to his words, it was a story for people who will do whatever it takes, despite their morals, just to survive
There is no one quite like Eros Atalia when it comes to storytelling, his writing remaining distinctly cinematic, his scenes and dialogue unfolding so vividly they feel made for the big screen, which explains why many of his works have been adapted into film.
I found the pacing sluggish, with half the book spent reaching the core premise about the thirty virgins, the prose polished but the momentum slow and labored.
Still, his themes hit deeply, his portrayal of situationships capturing their raw uncertainty, his depiction of breadwinners revealing sacrifices, his stories confronting situationship, deception, desperation, all set within the chaotic life of Kalye Lubog, leaving me hurt, moved, and at times in tears.
I only wished for a stronger, more unexpected ending, yet the emotional weight of his storytelling remains undeniable.
Paano kung alukin ka ng isang milyon kapalit ng iyong virginity? Papayag ka ba? Hindi ba nakakawindang ang tanong? Ito ang konsepto ng panibagong obra ni Eros Atalia na Thirty Virgins na ilinimbag ng Avenida Publishing House at nanalo ng Grand Prize sa Carlos Palanca noong 2024.
Matagal ko nang nabasa ang huli kong nobela ni Eros, and Ikatlong Anti-Kristo na nanalo rin ng Grand Prize sa nasabing pantimpalak.
Sinabi niya sa isang artikulo na inspirasyon ng kanyang nobela ang napanood na dokyumentaryo mula sa ibang bansa at nabigyang-inspirasyon siya nito na gumawa ng lokal na bersyon. Pinakita ni Eros na may mataba nga siyang utak dahil na nakaya niyang isiksik sa nobela ang samu't saring isyu sa bansa. Mula sa pamumuhay sa illegal settlement, korapsyon sa iba't ibang industriya at ng pamahalaan mismo, at sa masalimuot na pamumuhay ng ilang tao sa lipunan. Pinapakita lamang nito na may malalim na pagpapahalaga siya sa mga tao sa kanyang paligid.
Binigyang-diin sa nobela ang mga kaisipan na hindi maiisip ng karamihan. Halimbawa, paano natin masasabi sa isang taong nasa laylayan na bumoto ng tama kung yung benepisyo na nakukuha niya sa politiko ay maaaring magsalba ng buhay ng kamag-anak? O paano mo ipagsisigawan ang Save Mother Earth kung masasagasaan mo ang mga informal settlers na doon na sa ilalim ng tulay tumatae at umiihi? Ilan lamang ito sa kaisipang iyon.
Ang nobela ay nakasentro kay Leslie o Leklek, isang graduating student na nagtatrabaho sa isang dyaryo. Sinasalamin ni Leklek ang mga panganay na anak na katuwang ng magulang sa paghahanapbuhay. Sa kwento, inaasahan siyang magiging titser sa isang private school ngunit pinili niyang pagbigyan ang kahilingan ng boss na kung saan magbubukas ang samu't saring perspektibo ng bawat taong kanyang makikilala.
Sa nobela, binubuksan ang bawat buhay ng bawat taong maaari nating makilala o hindi makilala. May samu't saring backstory; may kakaiba, may nakakatawa, at may nakakaiyak. Hinahaluan lamang ng bahid ng kahirapan at ilang social issues tulad ng tokhang at prostitusyon. Maaari natin itong kapulutan ng aral na magiging gabay natin sa paghubog ng isang lipunang may pakialam sa bawat isa.
This entire review has been hidden because of spoilers.