Jump to ratings and reviews
Rate this book

Samtoy: Mga Kuwentong Ilokano

Rate this book
Mula sa "Pagtanaw Pabalik at Paabante sa Wika at Lunan" ni Mark Louie Tabunan:

At narito nga ang Samtoy. Bagamat may pasubali si Prop. Agcaoili na ang dayuhan ang makapangyarihan sa engkuwentro nang mabuo ang salitang ito, itinatampok ng pagsasalita ng katutubo ang kakayahang kumilos ayon sa sariling pagpapasiya, hindi lang basta nasa likod o gilid na pipi at walang magawa. Nakikibahagi sa proseso ng pakikipagtalastasan, ang artikulasyon ng boses ay panggigiit ng kakayahang mag-angkin ng espasyo, magmarka ng teritoryo, at magsalaysay ng sariling pamumuhay: "Saomi ditoy!" Ito rin ang ginagawa ng aklat na ito.

210 pages, Paperback

First published January 1, 2011

4 people are currently reading
34 people want to read

About the author

Ariel Sotelo Tabag

12 books15 followers
ARIEL SOTELO TABÁG (born August 16, 1978 in Santa Teresita, Cagayan), is an Ilokano fictionist, poet, editor, translator, and musician. He has received prizes and grants from the Palanca, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Book Development Board (NBDB) Trust Fund, and several Ilokano literary contests for his Ilokano short stories, novels, and poems. He is the author of Karapote (Curion), short story collection; Ay, Ni Reberen! (OMG, Reverend!), novel; Panangarakup iti Ipus ti Layap (Embracing the Tail of the Shooting Star), poetry collection; Kapessat ti Bagis (Sibling), novel; Panangsapul iti Puraw a Kabalio (White Horse Search), and Villa ken Dadduma Pay a Sarita (Villa And Other Stories). He has also translated in Filipino: Biag ni Lam-ang of Pedro Bucaneg, two dramas of Mena Pecson Crisologo, fiction works of Juan S.P. Hidalgo, Jr. and Cles B. Rambaud and other Ilokano writers. Tabag is also a fellow to the 41st UP National Writers Workshop (2002) and a delegate to the Taboan (2010) and 6th Philippine International Literary Festival (2015). He has served as Secretary General of GUMIL Filipinas (Ilokano writers’ association). He edits the Poetry Section of Bannawag Magazine.


Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
8 (72%)
4 stars
2 (18%)
3 stars
1 (9%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
August 23, 2025
Kahit may dugong Ilokano ako, dahil Ilokano ang aking ina, hindi ako ganoon ka-expose sa kulturang Ilokano. Bilang lang ang alaala ko ng pag-uwi sa Ilocos Sur, at bata pa ako noon. Doon ako nakapag-ulam ng abal-abal (salagubang) at palakang bukid. Iba rin naman ang kulturang nakita ko sa Sarangani bilang naroon ang pamilya ng nanay ko na siyempre, mga Ilokano rin. Kung paanong  napunta sa Sarangani ang pamilyang nagmula sa Ilocos, ibang kuwento 'yon, haha. Pero 1956 lumipat ang pamilya ng aking lolo't lola sa Kiamba, Sarangani Province, panahon ni Magsaysay. Ngunit ang pagpapalipat-lipat ng mga Ilokano ay matagal nang nangyayari. Halimbawa'y noong 1906 na labinlimang Ilokano ang dumating sa Honolulu, Hawaii upang maging Sakada. At hanggang ngayon nga'y isa ang Hawaii sa lugar sa ibang bansa na maraming Ilokano.

Kaya natutuwa ako habang binabasa ang Samtoy, dahil isinalaysay ng mga kuwentong bumubuo sa koleksiyon ang kulturang hindi ko kinamulatan. Para na rin ako nitong ipinakilala sa mga Ilokano sa loob at labas ng bansa. Nabasa ko rito ang pagpapahalaga nila sa paghahabi, hindi lang bilang pamana ng kanilang pamilya, kundi pati na rin pamana ng isang buong lahi. Nakilala ko rin dito ang mga gawi ng Ilokano sa isang lamay hanggang sa paglilibing: ang dúng-aw o ang patula/paawit na pagtangis sa harapan ng namayapa; at ang gúlgol na isang ritwal ng paghuhugas sa ulo ng mga mag-anak at kamag-anak ng yumao pagkatapos ng libing. Isa rin sa binasag ng aklat ang pag-aakalang basta Ilokano eh loyalista na. Hindi naman kasi talaga 'yon totoo. Marami ding mga Ilokanong nakatira sa Ilokandia ang magsasabing mahirap ang kanilang buhay noong panahon ng diktadura ng matandang Marcos.

At gaya rin ng nasabi ko na sa unahan, napakarami ding pangingibambayan na nangyari sa kuwento na nakaapekto sa pagiging Ilokano ng isang Ilokano. Ngunit sa huli't huli, gaya nga ng sinabi ng patnugot ng aklat na si Arnel Sotelo Tabág, lagi't laging babalik ang mga Ilokano sa kaniyang pinanggalingan saanman siya naroon; palagi siyang babalik o tatanaw sa kaniyang bayan. 

Wala sa aklat ang stereotype na barat ang mga Ilokano. Napag-usapan namin sa book talakayan ng aklat na marahil kaya nasasabihang barat ay dahil sa sadyang matipid ang mga Ilokano. Ang nanay ko na lang halimbawa, kaysa bumili ng tanglad, sili, kalamansi, o iba pang gulay, siya na mismo ang nagtanim kaysa ang bumili. Isa pa siguro ay 'yong napansin ko sa mga Ilokano na hangga't hindi nasisira ang isang bagay o magagamit pa, eh hindi nila itatapon 'yan at hindi sila bibili ng bago. Oo, ganoon katipid ang mga Ilokano. Pero 'yung barat daw, kalokohan 'yon, haha.

Samtoy ang unang koleksiyon ng maikling kuwentong isinalin sa Filipino mula sa Ilokano na nabasa ko nang buo. Magandang simula ito para sa akin para magbasa pa ng panitikang Iloko dahil may mga bagay sa panitikang ito na wala sa iba pang panitikan. Mas nakikilala ko ang pinagmulan ng aking lolo't lola at ng aking ina. Palaging sinasabi sa akin ni Manang Faye Melegrito, isa ring manunulat at tagasalin, na Ilokano pa rin ako dahil nasa dugo ko 'yon. Ngayon ko naintindihan ang kaniyang sinasabi. Bagama't lumaking Tagalog, ay Ilokano rin ako. Hinding-hindi ko maiaalis ang pagiging Ilokano sa dugo ko. 
Profile Image for Led.
190 reviews90 followers
October 29, 2025
Ang Samtoy ay pinaiksing Ilokanong parirala na ‘saomi ditoy' na sa Filipino ay ‘wika namin dito’. Kalipunan ito ng mga kuwentong Ilokano na orihinal na sulat sa wikang iyon at sa edisyong ito ay isinalin sa Filipino para sadyang mabasa ng mga hindi Ilokano. Ganun ma’y mayroong mga salitang pinanatiling nasa orihinal ayon sa patnugot at tagasalin nito, para una, maging mga mungkahing salita ang mga ito na magiging bahagi ng ‘korpus ng wikang Filipino’ at ikalawa, para may ‘malinaw at tiyak na marka’ na ang mga ito ay kuwentong Ilokano.

Ang unang palagay ko sa ‘Ilokano’ bilang bata ay nang maiugnay ko ang salita sa tiyahin kong mula sa lalawigan ng Cagayan. Tuwing may okasyon ay binigbigyan nila kami ng luto niyang biko, na kapag nakikipaglaro ako sa aking mga pinsan ay nakikita ko ring hain sa munti nilang altar ng mga Katolikong santo (tinatawag pala ang pag-aalay na ito na atang). Hindi ko alam kung dahil lubos siyang mapamahiin tungkol sa pagkakasakit at kamatayan kaya siya nerbyosa, o ang kabaligtaran na nerbyosa siya kaya siya mapamahiing lubos. Maaaring sariling katangian nya ito bilang isang tao, at maaari ring maski paano salamin ng mga Ilokano.

Matapos ko 'tong basahin, bagaman binasa ko ‘to para mas makilala ang sulat-Ilokano, napag-isip kong ang tiyahin ko ay hindi iba sa mapamahiing katangian ng ilang tauhan sa mga kwento.

Marami pang ibang aspekto ng buhay-Ilokano ang narito sa Samtoy, lahat ay umiikot sa pamilya. Naritong lista ng mga kabanata:



May punto sa pagbabasa ko na tipong iisang boses na ang naririnig ko na nagsasalaysay kahit nakatawid na ako sa iba’t ibang kuwento. Marahil sa pagkakahilera ng magkakaugnay na tema? Sa pagkakasalin din siguro?

Iiwan ko na lamang dito bilang pangwakas itong isang matamis na sipì,

Para sa kanya, ang aratiles ang pinakamasarap na prutas. Ito na ang pinakamatamis. At pinakamabango. Kakaiba. Maliit na bunga. Sapat nang ikabubuhay niya kahit pamatid lamang. Mas gusto niyang magpakasawa rito kaysa sa bayabas, arosip, bignay, niyog-niyogan, marya-marya, susong kalabaw at iba pang mga ligaw na bunga na nakikita niya sa burol at parang. […] Ang aratiles ang kaniyang ubas. Hindi siya magsasawa kailan man.


Makakakuha ng kopya nito online sa Sadiri Publishing.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.