What do you think?

Agaw-Tingin: Koleksiyon ng Nonfiction
Ang antolohiyang ito ay binubuo ng mga “inagaw na tingin,” mga saglit na sulyap sa mga tao, lugar, at insidente na isinulat upang muling ibalik sa mambabasa ang mga bagay na madalas nating hindi tinitingnan o sadyang hindi natin napapansin. Sa mga tinging ito nagsisimula ang pagsusulat, at sa muling pagtitig ng mambabasa ito nagkakaroon ng saysay.
Bilang mamamahayag mula pa noong dekada 70, isinabuhay ng may-akda ang pagtanaw at pagtalima sa mga totoong karanasan—mula sa loob ng mga sinehan at simbahan, hanggang sa mga lansangan at rally, sa mga batang tumatakbo’t naglalaro o nagtutulak ng pangarap sa gitna ng kahirapan. Sa bawat artikulo, may tinig na muling binuhay, may damdaming ipinadama, at may katotohanang hinayaang umalingawngaw.
Tampok sa antolohiyang ito ang piling nonfiction na naisulat ng may-akda mula sa iba’t ibang publikasyon tulad ng Asia-Philippines Leader, TV Weekly, Metro Magazine, Mr. & Ms., Expressweek, Veritas, at National Midweek.
Sa pamamagitan ng Agaw-Tingin, muling binibigyang-halaga ang sining ng pagmamasid, pakikinig, at paglalahad, mga pundasyong nagpanday hindi lamang sa isang premyadong screenwriter at nobelista, kundi sa isang manunulat na may malasakit sa tao, sa katotohanan, at sa sariling wika.

- GenresNonfiction
300 pages, Paperback
Published January 1, 2025
About the author
Ricky Lee
48 books750 followersFilipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.
He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.

Ratings & Reviews
Friends & Following
Create a free account to discover what your friends think of this book!
Community Reviews
Displaying 1 - 7 of 7 reviews
August 13, 2026
I find this book an important read. Although there were some errors that bothered me, the book’s overall concept brought me into different stories that opened my mind to the circumstances that shape people’s choices and, ultimately, their ways of surviving in life.
Many of these people are often judged or looked down upon, but this book reminds us that they, too, deserve a space in society where they can be seen, heard, and understood. When we take the time to look beyond their actions and understand the realities they face, we may gain a clearer perspective on why they make certain decisions and how difficult it can be for them to rise above their circumstances and reclaim their dignity.
Some of the stories in the book are painful to read, especially when you begin to understand why people were pushed into doing the things they did. Yet, perhaps this is what makes Agaw-tingin so meaningful. It shows how, in the harshness of our world, humanity is often overlooked. The book invites us to pause, look closer, and recognize the people and stories that society has taught us to ignore.

June 26, 2026
Pinakamagandang libro ni Ricky Lee sa lahat ng mga aklat niyang nabasa ko. Patatawarin ko ang napakaraming typo error na malala dito dahil bawing-bawi naman sa nilalaman.
Grabe ang emosyon ko mula umpisa hanggang dulo. Ang bigat sa dibdib ng feature n’ya sa mga batang lansangan, eye-opening ang mga akda niya sa mga karaniwang tao, nakakabilib ang mga sinulat n’ya tungkol sa mga sikat na tao sa pelikula, at nakakatawa ang mga eksena at danas na kinuwento n’ya rito.
Di ko na pahahabain. Idol ko na si Lee.
Pasakalye lang: Tumigil na talaga ako sa pagpopost ng rebyu sa mga nababasa kong libro dahil ampapanget ng mga aklat ng ilang manunulat na kakilala o kaibigan ko sa FB. I made an exception sa librong ito dahil mahusay, makabuluhan at, higit sa lahat, nakakalibang basahin. I felt the need to share para mas marami pang makabasa.
PS. Narealize ko dito na mas fan ako ni Lino Brocka kesa ni Ishmael Bernal. Mas love ko ang Maynila sa Kuko… at Insiang kesa Himala.

September 18, 2026
Maganda ang pagkakasulat ni Sir Ricky sa kanyang mga non-fiction. Introduction palang ni Nic Tiongson, emotional na ako. May luha agad pagdating ko sa kalagitnaan habang sinasalaysay niya ang summary ng bawat piece. Nagsimula naman na ako sa pagbabasa ng mga sinulat niya before martial law hanggang matapos ko ang isang buong libro.
Ang bigat. Nakakadurog ng puso. Hindi ko alam kung paano i-digest lahat ang nabasa ko pero isa lang ang natutuhan ko, ang huwag maging judgemental. Ramdam ko ang mga sinulat ni Sir Ricky lalo na't hindi lang ito basta sinulat. Nagresearch siya at nag-interview. Alam mong totoo.
Ang dami ko pa gustong ilagay sa review na 'to pero hanggang dito nalang baka marami pa akong mailagay na hindi dapat.

July 12, 2026
the book was truly eye-opening. it was what private schools' immersions aspire to be. however, as someone who is 'not really interested in the entertainment industry', i found the last few chapters 'less interesting' than the first ones. nonetheless, i loved the book! probably the best among ricky lee's works!
April 8, 2026
Essential read. What Ateneo immersion class should be about 😄
July 3, 2026
Filipinos should read before they die.
July 25, 2026
"Karamihan sa mga tiningnan ko ay ayaw natin tingnan, o kaya'y natitingnan lamang pero hindi nakikita." RICKY LEE
Displaying 1 - 7 of 7 reviews