Isang diktador na naengganyo sa kasaysayan ng kampanyang anti-impiltrasyon ng Kilusang Pambansang Demokratiko at nagpasyang sumulat ng "nobelang tatapos sa lahat ng mga nobela," aide-de-camp na may di-mabilang na mukha, tinyenteng minumulto ng kanyang nakaraang puno ng karahasan, estudyante ng pilosopiya na nagtatag ng balangay ng Situationist International sa Pilipinas, mga manunulat na naliligaw sa labirinto ng kanilang mga obsesyon, at daan-daang katawang pinagkaitan ng mukha, kaluluwa, at nakaraan. Ilan lamang sila sa mga nilalang at mala-nilalang na nabuhay upang muling masawi at nasawi upang muling mabuhay sa nobela ni Mendoza. Kabahaging kathang krimen at kontra-detektib, kabahaging nobela ng mga ideya, ang Aklat ng mga Naiwan ay isang napapanahong meditasyon sa hindi mapugtong relasyon sa pagitan ng panitikan, kasaysayan, at karahasan.
Amado Anthony G. Mendoza III is the author of the novel, Aklat ng mga Naiwan [Book of the Damned] (Balangiga Press, 2018), co-editor and co-translator of Wiji Thukul’s Balada ng Bala [The Ballad of a Bullet], and translator of Mga Himutok sa Palikuran (Ateneo de Naga University Press, 2021), the Filipino-language edition of Eka Kurniawan’s collection of stories. He teaches courses on Southeast Asian literature and creative writing at the Department of Filipino and Philippine Literature in the University of the Philippines Diliman. Mendoza is also a co-editor of Ulirát: Best Contemporary Stories in Translation from the Philippines (Gaudy Boy, 2021) and several other upcoming anthologies, including Signos: Anthology of 21st Century Filipino Fiction on Dark Lore and the Supernatural and Destination: SEA 2050 A.D.