Ano ang pelikula para sa 'yo? Ano ang pelikula para kina Jose, Luisa, Journey, Danny, Enzo, at iba pang mga tauhan ng nobelang ito? Mula 1971 hanggang 2016, ang mga buhay nila, sa iba't ibang paraan ay maaapektuhan ng pelikula.
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.
He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.
Hinabi ng mga pelikula ang buhay ng mga tauhan sa nobelang Pinilikang Tabing ni Ricky Lee, mga pag-ibig na pinagbigkis sa panahong sinisensura ito. Para itong frame by frame na tagpo, iba-iba ang panahon, iba't iba ang kaligiran, magkakarugtong ang mga karakter, may kani-kaniyang kuwento na bubuo sa isang mas malaking naratibo---parang sa pelikula.
Ayon kay Martin Scorsese, "Movies touch our hearts and awaken our vision, and change the way we see things. They take us to other places, they open doors and minds.” Ganitong-ganito rin ang epekto ng pelikula sa nobela ni Lee---malaki ang naging bahagi ng pelikula sa pamumuhay at paniniwala ng mga tauhan. Para sa tauhang si Jose, ito ay "... mabisang tagapagdala ng ating mga alaala bilang mga Pilipino" dahil, "Ang pelikula, kailanman, ay hindi nakakalimot." Kaya hangga't may pelikulang nagbibigkis sa mga tauhan sa nobela, kailanman ay hindi sila nakalimot sa kanilang mga nakaraan at kung paano sila nito hinubog sa kasalukuyan. Puwede sila nitong isalba, imulat sa kalagayang panlipunan, o hindi kaya'y tuluyang lagutan ng hininga. Lagi't lagi, may pelikula sa Pinilakang Tabing ni Ricky Lee na nagdurugtong sa pusod ng mga tauhan.
𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗜𝗔𝗣𝗢 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗔𝗟𝗔
Sa Trip to Quiapo (1998), ipinakilala sa atin ni Ricky Lee ang tatlong manunulat na lahat gustong pumunta sa Quiapo. Pinag-aralan ng unang manunulat ang daan na ginamit papuntang Quiapo ng mga nauna sa kaniya; ang pangalawa ay umikot muna kung saan-saan kahit alam naman niya ang tamang daan, hanggang sa makarating siya rito; umikot-ikot din ang pangatlo, nagkaligaw-ligaw, pero gumawa ng sariling Quiapo.
Malaki rin ang naging papel ng Quiapo sa Pinilakang Tabing bilang tagpuan ng mga alaala. Palagi itong binabalik-balikan ng tauhang sina Jose at Luisa upang maupo sa kainan na huli nilang pinagkitaan, tumingala sa mga billboard ng pelikula, panoorin ang mga taong abala sa kani-kaniyang buhay, maghintay, umasa, at maghanap ng nawawala. Laberinto ang pinagdaanan nila upang makabalik sa Quiapo sa iba't ibang yugto ng kanilang buhay. Katulad ng tatlong manunulat na ginamit na simbolismo sa Trip to Quiapo, alam nila ang daan patungo rito ngunit may mga pagkakataon na naliligaw pa rin sila, iikot nang malayo, may makikilala sa kanilang paglalakbay, ngunit patuloy makababalik dito. Dahil ang Quiapo ay ang Quiapo ng kanilang mga alaala.
𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗧𝗢𝗟
Sa mga lumang pelikula, kahit gaano kagalit ang tauhan, hindi mo sila maririnig magmura. Hindi nagiging kapani-paniwala ang eksena. Kapag marahas ang eksena, pinuputol din ito upang hindi makita ng manonood. Bigla mo na lang makikita na may nakahandusay, di mo na nakita kung ano talaga ang nangyari. Para kang saksi sa isang krimen na di mo alam kung paano ipapaliwanag. Kapag nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan, tatawaging subersibo ang pelikula, haharangin para huwag maipalabas. Palaging takot ang sensura sa katotohanang ipinapakita ng pelikula.
Isinalaysay sa nobela ang panganib na dulot ng sensura at kung paano ito nakaaapekto hindi lang sa pelikula, kundi pati na rin sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Magmula nang magkaroon ng sensura, palaging may pinuputol na eksena, palaging may ipinagbabawal, palaging may tinatakpan, palaging may kinikitil sa karapatang magpahayag. Kaya't kinailangang buoin muli ang mga pinutol, binuhay para maging isa, nagmumura, naghuhubad, nilalabanan ang bulok na hegemoniya.
Para ka na ring kumuha ng subject na Film and Society sa pagbabasa ng Pinilakang Tabing. Medyo malawak din ang naging pagtalakay rito ni Lee sa kasaysayan ng pelikula at kung paano ito hindi hiwalay na usapin sa lipunan. Marami ding halimbawa rito ng mga pinutol na eksena sa pelikula tulad ng pagmumura at paghuhubad, o pinalitan ng title, katulad ng Manila by Night (1980) ni Yshmael Bernal na ginawang City After Dark dahil ayaw ng rehimeng Marcos na mailantad ang tunay na kalagayan ng Maynila. Nilalaman din ng Pinilakang Tabing ang paglaban sa censorship hindi lang dahil sa mga pinutol na eksena, kundi pati na rin para ipaglaban ang malayang pagpapahayag gamit ang pelikula.
𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗔
Malinaw na nasa loob ng nobela ang ipinaglalaban at pinapangarap ni Ricky Lee para sa industriya ng pelikula at para sa bayan. Maging sa nobela ay binigyang-ningning ang "maliliit na tao" na siyang tunay na bumubuhay sa paggawa ng pelikula, na kung wala sila ay hindi aandar ang mga camera, walang gagalaw sa set, walang magse-set up ng mga ilaw---walang magagawang pelikula. (Basahin din ang 'Now Shooting (Noon): Maliliit na Tao sa Pelikula'. Nasa "Agaw-Tingin, koleksiyon ng mga nonfiction" ni Ricky Lee. The University of the Philippines Press, 2025.) Katulad din ito ng pagtingin na kung walang magsasaka, walang pagkain sa mesa; kung walang manggagawa, walang maitatayong gusali, walang aandar na makinarya; kung walang mangingisda, walang isda sa mesa; dahil 'ika nga ng kanta, "Ang masa, ang masa lamang / Ang siyang tagapaglikha".
Sa loob ng 265 na pahina, naisiksik ni Ricky Lee sa Pinilakang Tabing ang kasaysayan ng pelikula, ang mga makasaysayang pelikula, ang paglaban sa sensura, ang Batas Militar na isa sa pinakamadilim na yugto ng kasaysayan, ang Diliman Commune, ang danas ng mga bilanggong politikal, ang burukrata-kapitalismo, ang lagay ng mga mangingisda, ang kawalan ng tunay na pagbabago sa bawat pagpapalit ng administrasyon, hanggang sa EJK ni Duterte. Paulit-ulit na siklo ng paglaban sa paggulong ng panahon.
Sa dulo't dulo, wala tayo sa loob ng pelikula o nobela---nandito tayo sa ginagalawan nating lipunan, at nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang baguhin ito. Katulad sa sinehan, matatapos ang palabas, gugulong ang end credits sa screen, magliliwanag ang madilim na paligid, titindig tayong lahat at lalabas, muling haharapin ang buhay sa labas at lalaban.
Hindi lang siguro nagtutugma ang timpla mo sa hinahanap ko, pagdating sa paglapat ng kwento. Maraming mga pangungusap ang nabibitin, litanyang hindi natatapos, at mga puntong, sa sobrang dami, hindi na masapol.
Ang pagiging politikal naman ng isang akda ay hindi lumulutang at nagpapakita sa pamamagitan ng mga salita, kung hindi sa masinsin na pag-ikot at pagbuhos ng mga eksena.
Kasi yung istilo at pormula mo, talagang pang pelikula. Na dapat tuloy-tuloy na may ipinapakita, ikinukwento sa mga mambabasa. Pumapaling. Humahaging. Kumbaga, bawal ang dead air. Tama ba?
May na-realize siya sa paglipas ng panahon - na hindi lang lang siya, lahat tayo, ay may sugat sa dibdib... isang komunidad ng may mga sugat sa dibdib.
My 2nd Tagalog book after Janus Silang. A wonderful, emotional read that brings you into the life of the characters against the backdrop of Philippine politics. You will feel every pain, every tear, every dagger to the heart. Although I felt that it lagged a bit in the middle.
Randomly picked this up in FullyBooked during my lunch break at work. When I go to a bookstore in between work, it means I am destressing; so I'm happy that this won over Sylvia Plath's The Bell Jar.
This has been my en route/waiting-in-line book and it was engaging enough to keep me from picking up my phone and doomscrolling. As with most Filipino novels, this was heavy on family drama but I liked the fact that it also touched on history and politics.
Binibigyang diin ng mga kuwento na sa tinagal-tagal man ng panahon ng pagkawalay at pag-iisa o pag-iibang buhay, may mga bagay na magbibigay kahulugan sa mga buhay natin. Hindi man ngayon o bukas pero may oras din para rito.
Hindi mawawala ang mga pelikula kung may buhay na umiiral sa mundo. Sa totoong buhay, mahirap mangyari itong ganito pero isa itong pag-asa para sa mga nawalan at patuloy na naghahanap.
Film really hold a space for all the messy and complicated parts of being human. Just like the lives of the characters and their relatioship with films, I keep discovering parts of myself through films, too.
Emotional page turner that packs a punch! A deep pain you will feel in your gut! Every twist and turn had me hooked. It was the type of book you can never let go. It was that good!