Charting a life shaped by colonialism, capitalism, and climate collapse, Factory of Alleged Virtues grapples with survival and its inherent contradictions. Moving between documentary and dreamscape, these poems do not seek to offer answers to the questions of our troubled times. Instead, they pose a clinical inquiry into how the self endures, resists, and remakes itself within a world on fire. At once tender and incisive, this is poetry as record, as refuge, as refusal to look away.
Madaling sabihin na cerebral o intellectual ang mga tula ni Alfonso Manalastas dahil iyon naman talaga ang una mong mapapansin kapag binasa o pinakinggan mo ang mga akda niya. And that is a huge accomplishment in itself already.
Pero kung ako ang tatanungin, ang pinakatumimo sa aking puso habang binabasa itong mga tula ni Manalastas ay yung grit ng self o ng persona.
Habang nagugunaw ang mundo o habang binabalasubas tayo ng mga dayuhan, dinarahas ng gobyerno at ng kapitalistang sistema, at binabagabag ng nakaraan, lagi’t laging naroroon ang sarili (o ang persona o self) upang banggain ang mga puwersang nakahihigit sa kanya.
Sa tunggaliang iyon lumilitaw ang quintessential na “liwanag sa dilim” o, sa mga salita ni Tita Laura Gilpin, “…as he stares into the sky, there are twice as many stars as usual.” Which is to say, may refusal.
Parang sinasabi ng makata sa librong ito na, “Sige, mga buwaka-ng-ina kayo, lipulin n’yo ang mundo, sunugin n’yo lahat, wasakin n’yo ako, pero di n’yo ako mabubura. I refuse erasure!”
And I think that’s beautiful.
Marami akong paboritong tula sa koleksyong ito pero nangingibabaw sa akin ang Modus Operandi, siguro dahil napapanahon sa buhay ko ngayon. It reminds me of Love After Love ni Derek Walcott.
Gustong-gusto ko rin ang Milagro sa Agusan River dahil sa mga ine-evoke na imagery nito at yung tenderness n’ya. Love ko rin ang The Moon Addresses Her Enemies dahil napaka-feisty ng buwan. Parang I see myself in her. 😅
Ang dami pang mahuhusay na tula rito pero di ko na ii-spoil sa inyo. Bumili na lang kayo ng kopya para kayo mismo ang makaranas at makaramdam ng mga kinuda ko rito. Pramis, walang tapon. Sulit na sulit.
Dahil d’yan, magpainom ka naman, Alfonso Manalastas! Kelan ang solo book launch? Sana meron. Isang bonggang-bonggang pagbati sa iyo. More poems and books to cum, este, come! 🫶🏻