Matagal nang nilisan ni Arturo ang kaniyang kabataan—ngunit hindi siya kailanman iniwan ng mga anino ng nakaraan. Ngayong isa na siyang propesyonal, bitbit pa rin niya ang tanikala ng pagpapatunay sa mga kuwentong hindi isinasalaysay sa liwanag.
Lumakad muli sa landas ng alinlangan, kababalaghan, at kilabot tungo sa napipintong pagtatapos kasama ni Arturo—ang tagapagtala ng tumatakas na gunita.
Noong i-announce ng Avenida na ang Agaw-Anino 2 ang isa sa mga bagong aklat na ilalabas nila para sa MIBF ngayong taon, natuwa at na-excite ako kaagad. Mas na-excite pa ako nung makita kong higit na mas makapal ito kumpara sa part 1.
Bukod sa pagpapatuloy ng nakabibitin na ending ng naunang aklat, ang mga “korni” (raw) na banters ang inaabangan ko sa aklat na ito. Pero katulad nga ng sabi ni Boss Erik noong pinapirmahan ko sa kanya ang kopya ko noong MIBF, malaki raw ang pagkakaiba nito sa Agaw-Anino 1.
Kung gaano kakwela at kakengkoy ang part 1, ganon naman ang kina-seryoso nitong part 2. Higit na mas malalim din ang mga naratibo nito (na mas nagpapakita ng flexibility ng writing skills ng may-akda), at mas ramdam ang pagtatangkang takutin ang mga mambabasa (na medyo tumalab naman sa akin sa dulo-dulong bahagi ng kuwento).
Gayunpaman, sa totoo lang, mula sa bitin na naramdaman ko sa part 1, napalitan ito ngayon ng pagkadismaya. Mas lumabo ang direksyon ng kuwento. Parang walang tunay na patutunguhan para ma-develop ang nasimulan nang naratibo ng unang aklat. Maraming mga karakter na may potensyal sana pero hindi nabigyan ng mas maraming exposure para tumatak sila sa isip ng mambabasa. Kung ako ang tatanungin, hindi siya isang ganap na nobela. Parang mas akma itong tawaging short story collection. Maraming pasikot-sikot. Mas marami akong nasumpungang tanong kaysa sagot. Parang filler stories lang bago magbalik sa totoong subject ng trilogy—ang mga paglalakbay at danas ni Art kasama ng mga kaibigan niya.
Mahusay naman sumulat si Boss Erik. Napatunayan ko ito sa aklat na ito. Masisipat mo ang pagbabago ng tone, mood, at style kada chapter sa paraang hindi pilit at awkward. Nagustuhan ko rin ang ideya ng kuwento (nobela?) sa loob ng isa pang kuwento na parang mala-Italo Calvino. Ang problema lang talaga ay yung pagkakasalansan ng kabuuang istorya—parang taktika ng mga aswang: ililigaw ka, lilituhin, pagkatapos ay sasampalin ka ng mas marami pang katanungan.
Sa Agaw-Anino 3, babalikan daw ang naputol na kuwento ni Art at ng barkada nila. Excited ulit ako. Sana ay hindi ulit ako madismaya.
Addendum: October, naglakas-loob akong i-message si Boss Erik sa Messenger para tanungin kung kailan maia-upload ang Agaw-Anino 2 sa Goodreads. Excited na sana ako noong maipublish ang review na ito; dahil syempre, ang mga book reviews na lang na katulad nito ang natatanging bagay na masasabi ko sa sarili kong sinisikap ko pa ring magsulat kahit papaano. At syempre, bilang suporta at ambag na rin sa mga manunulat na sinusundan at sinusubaybayan ko.
Dahil sa usapang iyon, naklaro ang ilang mga kalituhan na pinapaksa ng review na ito. Ayoko nang idetalye kung ano ang mga rebelasyon, klaripikasyon, at patikim na sinabi sa akin ni Boss Erik. Basta mas naintindihan ko lang na higit na malawak pala ang mundo ng Agaw-Anino, at sa tingin ko, ang mga kalituhan at tanong na napulot ko sa part 2 ay mabibigyan din ng kasagutan sa mga susunod pang nobelang ilalabas ng may-akda. Pasakalye pa lang siguro talaga ang lahat.
Iba ang structure sa naunang libro, pero solid pa rin! Magaganda ang mga kuwento sa koleksyong ito na may mas malawak na tema. Hindi tulad nung sa unang libro, mas maraming kababalaghan dito na talagang nakakapanindig-balahibo. Matagal-tagal na rin mula nu'ng matakot ako ng isang libro. Pagkapit sa Dulo ng Liwanag - Gusto ko 'yung interesanteng konsepto ng aswang dito; bago ito para sa 'kin. Gusto ko 'yung atmosphere ng kuwento (small town vibe) at 'yung relationship ng mga karakter sa isa't isa. Mahusay din ang paglalahad ng pagbabago ng isang taong naaswang, at mas disturbing ito dahil isa siyang ina. Pangalagad - Okay lang ito para sa 'kin. Ang pinakanagustuhan ko rito ay 'yung background ng kulto. Okay din 'yung pagtatagpo ng nakaraan at kasalukuyan. Talaarawan ng isang may Malamig na Talampakan - Slightly reminiscent ng book 1 dahil magkasama ulit ang bata at kababalaghan. Okay din sa kuwento 'yung alternating timeline, pero nakulangan lang ako nang konti sa pag-parallel. Pamamaalam sa isang Alamat - Ang pinakamahaba. Reminiscent din ng book 1 pagdating sa boses. Gusto ko 'yung pagkakaibigan ng tatlo at 'yung kanya-kanya nilang pinagdadaanan. Maayos din 'yung pagkakalahad ng mga action scene. 'Yung kuwento, medyo predictable lang para sa 'kin, pero epektibo pa rin ang execution ng ending. Casa Nuevamundo (Part 1) - Ay, dito talaga ako pinakakinilabutan, lalo na't madaling araw na nang mabasa ko ito. Pagdating sa horror, natatakot talaga ako kapag may recording at may latin words (Mama Susan?). Pero syempre nakatutuwa rin na nagbalik na si Arturo. Tasyong Hangin - Magandang simulation ng deep talks sa inuman. Interesting 'yung ibang seryosong usapan nila. Bilang pambalanse, syempre may patawa pa rin. The Arturo X-Files - Magandang koleksyon ng mga account na naging basehan ng mga kuwentong isinulat ni Arturo, though may part lang na medyo naging repetitive. Pero fan pa rin ako ng ganitong structure. Overall, mas nagustuhan ko ang book 1, pero maganda pa rin itong book 2. At kailangang-kailangan ko na ang book 3!
Medyo matagal ko na ring nabasa ang unang bahagi ng Palanca-awardee na akda ni Sir Erik. Ang naaalala ko ay may mga batang naghahanap ng kapitbahay na aswang at natapos ang kuwento sa isang sikreto.
Ang ikalawang bahagi ng #AgawAnino ay nagsimula sa kuwento ng pamilya ni Gloria. Maganda ang pagkulay ng awtor sa buhay ng isang Pilipinong mag-anak, ganoon din ang mga trahedyang kasama ng mga paniniwala natin.
Matapos noon ay ang nagkukuwento na ay si Crista at ang mga paulit-ulit niyang panaginip. Tungkol naman ito kay Crista, sa Kuya niya, at sa masalimuot nilang karanasan sa mga karumal-dumal na paniniwala at paghahanap ng pag-asa sa mga malilit pang espasyong natira para sa kanila. Medyo historical fantasy ito na katulad ng totoong-buhay, hindi rin lahat nauuwing masaya.
Ang gitna at siguro ay pinakagusto kong kuwento ay tila pagsasabuhay ng Pag-Ibig ay Kanibalismo II ng fitterkarma. Kung ang unang libro ay kuwento ng barkada noong mga batang-musmos pa sila. Dito naman, kuwento ng mga magkakabarkadang nasa edad ng pag-iibigan. Hindi na kailangang maghanap ng aswang sa dami ng engkuwentro nila. Nakalulungkot ang kuwento para mapatunayan kung hanggang saan iibig ang isang tao. Nagustuhan ko ang mga elemento ng pistang-bayan at buhay probinsiya noong panahong di pa uso ang telebisyon.
Ang sumunod naman na kuwento ay recordings na tila labas sa mundo ng kuwento nang nauna.
Ang ikalawa sa huli ang pinakanakaaaliw sa akin. Pinatunayan nitong marami tayong masasagap na otentik na kuwento, hindi sa internet, kundi sa mga payak na mamamayang nakaranas at naka-isip nito. Marami pa tayong kuwentong dapat marinig. Tawang-tawa ako sa dyok tungkol sa isang libo at isa.
Ang huling bahagi ay drafts ni Arturo na naging inspirasyon sa mga naunang kuwento. Pero ang pinakanagustuhan ko ay ang mga tease niya sa ikatlo (hindi ko alam kung huli) na akda ng Agaw-Anino. Nawa’y muli kong makita ang magkakabarkada.
May mga elemento at alamat na dapat subaybayan dahil umuulit. Naaliw naman ako sa paglalahad ng iba’t ibang uri ng aswang at iba pang kuwentong-bayan.
Saludo kay Sir Erik. Siya din ‘ata ang gumuhit ng mga ilustrasyon sa loob at maging ang book cover! Mahusay.
P.S. Hindi ko sure kung ako nga ba pero nasa pasasalamat sa dulo ang ngalang Bernard Christopher, kasama sa paragraph sina #PackingSheets at Kuya Neil ng Nakita sa Booksale pero Hindi Binili. Wow. Sana ako nga hahaha. Salamat sa iyong akda, Sir Erik!!
The prose is great! I don’t usually read in Filipino, but here, the use of loan words was well-woven. The dialogues and introspection also sounded natural, which I really appreciate. I think the use of the local language was brilliant. There were a few instances dun sa isang multi-chapter arc na nalito lang ako sa POV shifts. Marami-rami na rin kasi yung characters 😅
This was not like the coming-of-age that was Agaw-Anino I, but more of a collection of short-stories. Ma-mystery/horror yung genre and the action scenes therein flowed well and didn’t pace awkwardly (sa palagay ko).
I’m looking forward to the third book! Sadyang ngayon ko lang tinapos ung pagbabasa nito para fresh pa sa alaala yung kwento and questions, para pag nakita ko si author sa MIBF in the comjng days 😄
Enjoyed this more that the 1st part. A compilation of "aswang" stories that is incorporated in life. Some of the short stories here could've been a standalone book. Excited to read book 3.