Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mahal Mo Siya, Mahal Ka Ba?

Rate this book
Kung may limit lang talaga at may isang magbibilang kung ilang beses ka nang nagpakatanga, siguro nag-exceed ka na sa quota mo.

130 pages, Mass Market Paperback

First published January 27, 2015

215 people are currently reading
3198 people want to read

About the author

Marcelo Santos III

8 books1,287 followers
Marcelo Santos III is a graduate of Polytechnic University of the Philippines with the course of Bachelor in Advertising and Public Relations last 2011.

He started to write poems when he was still in high school. Most of his works involve comedic poems and short stories.

In the 20th day of December 2009, he started to write Love Story on Video(LSOV), a new way of storytelling, where the words are written in a blank video accompanied by a background music.

LSOV became popular in Facebook and Youtube and made a way for him to be known in the world of internet. Right now, he is a Blogger, Short Film Director/Writer and an Author.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
603 (67%)
4 stars
128 (14%)
3 stars
83 (9%)
2 stars
41 (4%)
1 star
40 (4%)
Displaying 1 - 30 of 42 reviews
Profile Image for Marla Tabelina.
7 reviews
February 28, 2015
Okay naman yung book pero mas gusto ko pa din yung first and second book. Mas gusto ko yung story type siya. Hindi ko inexpect na puro advices ang magiging laman ng book. Well anyway, maganda siya kung maganda. Haha. Natamaan nga ako sa mga iba, na hindi naman talaga dapat. Weird! Madami ka namang matutunan sa mga advices niya. Habang binabasa ko nga 'to sa bus, bigla nalang ako matatawa kasi nakarelate ako sa nabasa ko.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 13, 2015
Lahat naman tayo nagmahal o nagmamahal. At kung isa ka sa mga nakaranas na nyan, nasaktan ka na.

Ito ang aklat, pangatlo sa naisulat na, ni Marcelo Santos III ang sumulat ng dalawang sa best-selling na modernong nobela sa Tagalog: Para sa Hopeless Romantic (4 stars) at Para sa Broken Hearted (2 stars). Dahil sa sapul-to-the-young-hearts blogs at FB posts niya, maraming nagbasa ng mga aklat na ito. At dahil mahusay naman ang pagkakasulat (lalo na yong Hopeless) ng mga aklat, nagkaroon ng pelikula na tinampukan ng Jadine (James Reid at Nadine Lustre) ang Hopeless at mula na noon ay sikat na sikat na si Marcelo at lalo pang dumadami ang mga kabataang humihingi sa kanya ng payo o sumusubaybay sa kanyang blog at FB fanpage.

Bakit ang hindi? Kung makakatulong sa mga kabataan, at sinasabi rin ni Marcelo na ito na yata ang calling nya: ang magsulat para makatulong o para maging inspirasyon ng mga kabataan. Alam naman nating, madaling madala ng damdamin ang mga kabataan at mayroon dyang nagde-depress, nagkakasakit o kung hindi man ay nagpapakamatay dahil iniwan ng bebelove nila. So, kung may isang Marcelo (o Bebang Siy, Papa Jack, Papa Dan, Alex G, atbp.) na maaaring maging parang gabay ng mga kabataang wasak-wasak ang puso, sapat nang dahilan para tangkilikin ang ganitong mga aklat.

Malapit na akong maging senior citizen at alam ko na kaya kong sumulat ng ganitong aklat dahil kaya ko ring magpayo. Kaso, kung ang isang kabataan (23 yata si Marcelo ngayon) ang magpapayo, mas matindi siguro ang dating sa isang kabataan din dahil pareho lang sila ng kasalukuyang pinagdadaanan. Parang isang barkada lang nila si Marcelo: parehong nasa kainitan ng pakikipagrelasyon, paghahanap ng mamahalin o magmamahal sa kanya. Pareho sila ng lenguwaheng ginagamit kaya naiintindihan ko ang mga kabataang sumusubaybay kay Marcelo.

Sulat pa more, Marcelo!
Profile Image for Rochelle Rojo.
1 review1 follower
February 19, 2015
"Mahal Mo Siya. Mahal Ka Ba?" ang pangatlong libro ni Marcelo Santos III. February 7, 2015 nang na-launch ito sa SM Manila. Hindi ako nagpahuli na makakuha ng kopya ng librong ito kasi talagang inaabangan ko na ito. Iba 'to sa mga nauna nyang libro, more on advices at mga true to life stories ang nakapaloob dito. Kinabukasan binasa ko na agad kasi talagang excited akong malaman kung ano ang nilalaman nito. Habang tinitignan ko yung table of contents, iniisip ko na agad kung san banda ako makakarelate dun. Hanggang sa patuloy na akong nagbasa at bawat pahina ay talaga namang nakakapanabik, yung tipong kapag naumpisahan mo ng basahin tuloy-tuloy na, as in wala ng bitawan. After 4 hours natapos ko syang basahin, ang ganda talaga! Siguro 98% akong naka-relate sa book haha. Yung iba talagang sapul na sapul sakin eh at tawa ako ng tawa. Marami akong napagtanto sa mga bagay-bagay. Pinaka favorite kong part ng book ay yung "Meeting With Kupido And Tadhana" at "Mahal Mo Siya. Mahal Ka Ba." All in all maganda talaga, maraming makakarelate lalo na kung naranasan mo na ang umibig at masaktan. Enjoy pa sya basahin kasi colored haha. Congrats kuya Em! Another best seller book na naman ito for sure! :) Kaya sa mga wala pang kopya, bili na kayo! Promise sulit na sulit ang 195 pesos mo. :)

"Masarap magmahal. May forever man o wala."
#MMSMKB
Profile Image for Hanae Florendo.
8 reviews
March 9, 2015
"Marami ka nang naging problema at pinagdaanan sa buhay, hindi na yan bago sayo. Kung kinaya mo noon, kakayanin mo rin ngayon." - Marcelo Santos III
Profile Image for jomaof ジョアナ マリ.
12 reviews4 followers
July 20, 2015
Worth it basahin mag hapon kahit naka duty ako haha!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Irma Vanta.
31 reviews12 followers
August 12, 2019
Parang mababaw, pero hindi naman. Brief, straight forward, pwede for practical application. Easier said than done. The topic is emotional and could be harsh, but was written politely by the author. Yung He's Not Just That Into You ni Greg Behrendt, habang binabasa mo para kang sinasaksak :). Of course, Behrendt, a man of 51 years, may be half of Marcelo Santos III's age. The edge of season. :) The young writer inspired me to try (again) to write something in Filipino, will blog soon ;-)

Parting shots. Not for the faintest of heart. I'm sure we already know the answer to the question (the book's title), even before reading it. Mine is a No.


***


"Lahat ng love ay true. If it's not true, it's not love at all." Sagot ni Kuya Em sa tanong ni Jepoy habang hinahantay nila si Jewel.
1 review
April 6, 2015
Relatable! nakatulong sya para mainbsan ang pagiging Tanga sa pagibig, i have this book also. ipinabasa ko sa ate ko when she at the middle of heartbroken. Then after he read it comes to be Brave. and not yet he realized na Hindi masama ang pagiging tanga, actually it will helps you to be brave and strong person.
Profile Image for Eingel.
6 reviews
February 28, 2015
The book really hit me straight in the middle of my heart.
A "hugot pa more" book, if I do say so myself.
It really hurt so much that I almost didn't finish it 'cause I felt like I was hurting myself like a lunatic masochist. But still, I was able to finish it at the exact day I bought it.
Profile Image for Arwin Hernandez.
11 reviews
April 17, 2015
I had a hard time finishing this book. I dunno, but I find it redundant in some parts. Sometimes, the advices or pieces in the book contradict itself. I don't see the structure or progression in the parts of the book. The best part for me is at the ending articles in the book.
Profile Image for Carmae Almarez.
1 review
March 7, 2015
I learned a lot from this book specially when it comes to how would you cope up with the pain and brokenness you've gone through your love experiences.
Profile Image for Avy.
162 reviews7 followers
Read
June 5, 2017
"Mahal mo siya, mahal ka ba?" tanong na gigising para sa mga gaya ko na umasa. yun lang leche. hahahaha
Profile Image for Joddie Agaid.
1 review
February 26, 2015
Nakakarelate in some parts of the book. At maraming learnings about love na naibibigay.
1 review
June 2, 2016
"takot yan ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken promises" isa lang yan sa napakaraming natutunan ko sa librong to :) sobrang dami pong learnings na paniguradong maaaply mo sa sarili mo! para po talaga siya sa lahat nagmahal, nagmamahal, nasaktan, umasa, nag assume, na friendzone at iba pang zone, single, in a relationship, its complicated, may crush at inspired para po to sa ating lahat :)
Profile Image for Lifli Marie.
1 review9 followers
June 2, 2016
Maganda 'to. Maraming makaka-relate at the same time, matatauhan. Hindi ko na iisa-isahin dahil ayaw kong maging spoiler sa iba. Kung ako sa inyo, basahin niyo na lang. Sabayan niyo ng senti music tapos magtabi kayo ng tissue sa tabi dahil baka maluha na lang kayo kapag nasapul kayo. :)
Displaying 1 - 30 of 42 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.