Taong 2013, isang karumal-dumal na krimen ang gumimbal sa bayan ng Pateros, hatinggabi matapos ang Pista ng Santa Martha. Mula sa larawan ng mga batang nagsasayaw ng pandanggo sa daan na kuha ng photojournalist na si Dexter De Dios, matutunton ng pulisya ang taong hinihinalang may kagagawan ng krimen—si Eli Boy Bustalenya, isang kitchen helper at delivery boy. Ngunit sa paglikdaw ng panahon, higit na mas nakaririmarim na katotohanan ang isisiwalat ng piping larawan. At walang utang na hindi sisingilin ang oras.
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat (The Power Above Us All), Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa (The Abyss Beneath Our Feet), and Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat (The Loathe Within Our Rotting Flesh). His debut novel was a finalist for the Madrigal-Gonzales First Book Award. He has won the Gawad Bienvenido Lumbera, Carlos Palanca Memorial Award, and the National Book Award for Best Book of Short Fiction in Filipino.
He is the founder of UngazPress and Dreamland Books, a collective of writers from Pateros focused on fiction at the intersection of alternative writing, transgression, and neo-noir. As a musician, he runs Sound Carpentry Recordings, releasing music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He is also the drummer for bands including Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, and Dagtum.
May something sa mga librong nililikha ni Ronaldo Vivo Jr. Hindi ko mawari pero palagiang mabilisan kong natatapos ang kanyang mga akda.
Pinakamabilis itong sa unang libro ng Lapastangan, limang oras (kasama ang hapunan) ko lamang tinapos ang Yapak. Hindi naman sasabihing uhaw ako sa magagandang panitikan dahil pangatlong akdang pinoy ko na itong binasa ngayong buwan at lahat ‘yon ay aking nagustuhan.
Siguro gigil ako sa kwentong may diin sa mga karanasang sinasapul ang totoong hirap ng pamumuhay sa Pilipinas.
Dagdag na rin na napapanahon at relatable sa mga Pilipinong mambabasa ang isa sa mga temang isiniwalat sa aklat. Nag-iiba lang ng tawag sa mga proyekto at mga taong nasasangkot, at alam ko nakakalungkot sabihin ito, pero nagiging parte na ng identidad natin ang gobyernong korap.
Iwasan ko muna ang tema dahil medyo spoiler kaya mapunta tayo sa sistema. Nangingibabaw ang paraan ng pagsusulat ni Sir Nal sa kanyang mga akda. Dahil ito na ang pangatlong mundo na kanyang kinatha, naging madali ang aking pagbagtas sa mga sikot at liko sa mundong ginagalawan ng mga karakter. Halaw rin naman sa totoong Pateros-Makati ang mga tagpuan dito kaya may sense of familiarity na.
Matapos tawirin ang mundo, madali nang pakibagayan ang mga karakter sa nobela. Straightforward na inilahad sa mga pahina ang intensyon at motibasyon ng mga pangunahing tauhan kaya mabilis maramdaman kung sino ang sino.
Si Eli Boy, isang kitchen helper at delivery boy, na marangal na nagtatrabaho ay matatagpuan ang sarili sa gitna ng isang krimeng gumulantang sa buong bayan ng Pateros. Hindi naman bago ang istorya ni Eli dahil palagiang may nababalitang ganito ngunit sa palagay ko, ang pangako ng hustisya at paniningil ang nanghikayat sa akin na buklatin ang mga pahina ng aklat.
Pero hindi dahil pamilyar na ako sa kwento, tema, at sistema ng awtor ay nawala na ang pananabik sa panibagong putahe. Hinaluan ito ng hinala na hinila ako hanggang sa huling pahina kung saan ang pangako ng kumpletong kasagutan ay nasumpungan.
Komplikado ang kwentong kinasangkutan ni Eli Boy. Gustong-gusto ko kung paano pinaikot-ikot ni Sir Nal ang kwento hanggang sa matagpuan na ang taling hawak sa umpisa ay ang parehong tali na magbubuhol sa dulo. Complex pero swabe at may closure.
Masyadong mahaba na ito, 5stars!
P.S. salamat sa cameo ng Showtime at Tawag ng Tanghalan (hello, Ms. Jam!)
"At pagdurusa lamang ang libre sa mundo, kailangan pa rin nilang bumayad ng renta."
Tuwing binabasa ko ang mga libro ni Sir Nal, parang napaalalahanan ako sa bigat sa aking mga balikat. Hindi naman talaga sa akin lahat yung pasan na bigat, pero ganun ang pakiramdam dahil nakikidama ako sa lahat ng api at inaapi. Iba rin yung bigat na alam mo na ang mga kwento ay hindi malayo sa katotohanan sa ating bansa. Sarili nating bayan na nilalapastangan sa pamamagitan ng sistematikong pagnanakaw at pangaabuso ng nasa kapangyarihan. Natuwa ako na walang sinanto (pun intended) si Sir Nal pagdating sa pagbunyag kung sino ang nasa likod ng mga kahayupan sa nobelang ito.
Hindi na bago ang mga kwento rito sa atin bilang mga pinoy. Mulat na kung mulat. Pero dahil idinaloy ang naratibo sa indibidwal na konteksto, mas dama natin yung tuwa, lungkot, kawalan, sakit, ngitngit, pagkalito, at pagkapoot na ipinaparamdam sa atin ng mga tauhan. Dagdag pa yung mga imahe, news clippings, reports, palitan ng teks at tawag, transkript ng mga bidyo, at mga kanta na nagpapayaman sa pagbabasa.
Hindi lang 'to trip, it's a whole fucking experience.
Wala talagang kupas si Sir Nal. Hindi ko mapigilan na magbasa ng magbasa. Siguro ang mas nagustuhan ko sa bagong nobela na ito ay mas malalim yung characterization sa victims. Nakakalungkot isipin na hindi malabong maraming katulad ni Eli sa kulungan. At marami ring katulad ni Jack at Arman na binigo ng sistema.
Bilang matagal na niyang tagasubaybay, hindi na ako nagulat sa temang kanyang inihahain. Imoralidad, kasibaan, korapsyon, at karahasan. Mula Trilohiyang Dreamland, ang bawat kuwento ni Vivo ay sinasapinan ng sistematikong pandarambong ng mga makapangyarihan. Ganoon din dito sa unang latag ng Lapastangan Novels.
Kung saan ako nagulat ay, sa pagkakataong ito, sumusuot si Vivo sa marupok at alanganing paksa ng relihiyon.
Sa pagbubunyag sa papel ng relihiyon sa iba’t ibang modus operandi ng mga korap, sinusubukang kalasin ng akdang ito ang buong sistema ng estado; tinutukoy kung saan ba ang hangganan ng korapsyon at kasakiman. Hanggang saan ba mangangahas ang mga ahas? Ang pinakasimpleng sagot: wala. Walang hangganan.
Putang ina! Walang hangganan ang pagkabulok! Hindi mag-aatubili ang mga demonyong gamitin ang lahat ng alas para makapaminsala—para patuloy na pangibabawan at pagharian ang impiyerno-sa-lupang kinasasadlakan ng masang-api.
Walang pinipili ang korapsyon. Isang tikim lang ang kailangan para maging esposa ng kasibaan. Tulad ng tambalang Anastacio-Amelia, kapag nanuot na sa dila ang lasa ng kalabisan, wala nang hindi handang ialay para sa salapi—prinsipyo, pananampalataya, maging sariling supling.
Sinadya kong palipasin ang ilang araw bago magsulat ng rebyu. Gusto ko munang mapababa sa sistema ko ang lansa ng malapot na dugong niluluwa ng tumbong ni Eli na hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin; ang lasa ng kalawang sa pinilakang maskara; pati na ang sangsang ng pinaghalong baktol at sariwang laman-loob sa sahig ng plasa ng San Abadiano. Hindi nakatulong na sinusulat ko ito ngayong Semana Santa.
Linggo ngayon, araw daw ng pagkabuhay ni Hesus, at hindi ko maiwasang hindi tumbukin ang kabalintunaan nitong lahat. Kung sa dahas namatay si Hesus, dito naman nabubuhay ang mga bida sa nobela—sa malupit na batas ng patalim.
Sa kabilang banda, bukod sa iba pang mga institusyon ng estado, relihiyon naman ang sandata ng mga trapo. Sapagkat higit pa sa “opium of the people,” katulad ng linya ni Marx, ang relihiyon ay kabilang din sa armas at kagamitan ng mga nasa kapangyarihan para patuloy na samantalahin ang mga nasa laylayan. Napatunayan ni Vivo na isa siya sa mga kontemporaryong manunulat na kayang ihayag ang katotohanang ito nang walang pag-aalinlangan, gaano man ito kaselan.
Sa huli, walang sinasanto ang nobelang ito. Wala ring dinidiyos. Dahil sa mundong ginagalawan ng mga karakter sa nobela, ang diyos na tumutupad ng mga panalangin ay hindi lang isang kathang-isip, isa rin itong aparatong pang-opresyon. Mabuhay man nang paulit-ulit ang diyos ay siguradong hindi pa rin nito maliligtas sina Eli, Royet, Dexter, Terno, Janina, at Arman, sa lahat ng hayop sa ating mga yapak.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ang lahat ng Hayop sa ating mga Yapak - Ronaldo Vivo Jr.
🌟🌟🌟🌟🌟/5 kasama yung turon na meryenda ko na lumamig na dahil hindi ko nabitawan. 🤣
"Walang taong may karapatang magtanggal ng karapatan ng kapwa niya na mamuhay ng marangal."
Bago ako makakuha ng kopya ng bagong libro na ito, inabutan muna ako ng sold out na sa PBF, kaya ang sabi ko sige sa orange app na lang. Pagdating sa orange app, sold out pa rin dahil hindi ako nakakaabot sa restock ng 8am dahil end of school year rites, may trabaho nga pala ako kaya nakakalimutan ko magcheck. Kamote talaga. Inabot ako ng isang linggo bago mkapag check out at ending matatapos ko rin pala agad basahin kasi totoo nga, hindi mo mabibitawan once nasimulan mo na.
Hindi ko alam kung ilang beses ko na isinara ang librong ito, hindi dahil tapos ko na o ayaw ko basahin, kundi kinailangan kong huminga ng malalim kasi nabubuo yung inis at galit sa loob ko habang binabasa ko bawat pahina. Hahahaha. Ganoon naman talaga dapat diba, nailalabas dapat ng manunulat ang emosyon ng nagbabasa ng kanyang akda. Dagdag na rin talaga na napapanahon kasi yung mga nangyayari sa loob ng libro mismo. Iniba lang ang pangalan at proyekto pero iisa ang tinutumbok na punto, kalakip ng bansa natin ang pagkakaroon ng korap na gobyerno. Nakakalungkot diba? Kaya kung hindi ka pa galit, bakit?
Para akong nanonood ng mga crime documentary habang binabasa ko ito dahil sa husay ng pagkakatagpi tagpi ng mga pangyayari. Nakatulong din talaga ang mga larawan para sa mas madali na pagkakaintindi sa mga ganap sa bawat pahina. Sa dami ng nangyari sa akdang ito, isa sa di maalis sa isip ko si Jack, Arman at si Eli, dahil ilang Jack at Arman pa kaya ang ninanakawan ng pangarap ng mga taong ganid sa kapangyarihan sa kasalukuyan. Ilang Eli Boy pa kaya ang inalisan ng tiyansang ipagtanggol ang kanilang sarili at mahanap ang hustisyang para sakanila.
Mula sa Dreamland hanggang dito sa Lapastangan, pinakita ni Sir Ronaldo Vivo Jr, na ang mga libro niya ay nasa kategorya na binibili, binabasa at ikinukwento sa iba.
Paulit ulit kong irerekomenda sa mga kaibigan at kakilala ko ang mga gawa ni Sir Nal hanggang sa wala na silang choice kundi bumili at basahin ang gawa niya at bibili ng mga susunod pa niyang akda. ✌️ Ay shet yung turon ko, malamig na. (Ganoon siya kaganda, na di ko napansin nagmemeryenda pala ako.)
This entire review has been hidden because of spoilers.
“At sa bawat buhay na nakaabang na sirain at pag-asang isinasalang sa bibig ng impiyerno, may mga opisyal ng gobyernong dumaranas ng labis-labis na langit sa lupa.”
– Ronaldo Vivo Jr., Ang Lahat Ng Hayop Sa Ating Mga Yapak
⭐⭐⭐⭐⭐/5
Suntok diretso sa sikmura. Marahas. Walang awa. Hayop.
Hindi ito ang unang aklat na nabasa ko mula kay Sir Vivo, kaya naman naisip ko na alam ko na agad ang bigat ng epekto nito sa akin. Ngunit nagkamali ako. Sa mga unang pahina pa lamang, nakita ko na ang isang madilim na eskinitang tatahakin ko sa kabuuan ng nobela. Isang madilim na eskinita na produkto ng isang lipunang matagal nang nabubulok. Isang madilim na eskinita na kung saan umiiral ang galit, takot, desperasyon, at iba’t ibang balat ng mga halimaw. Sa loob ng isang araw ay natapos ko na agad ang libro dahil kahit mabigat ang bawat kabanata nito, ay hindi matahimik ang isip ko.
Nagsimula ang kwento mula sa isang karumal-dumal na krimeng nangyari sa Pateros noong 2013 matapos ang pista ng Santa Martha. At mula roon ay sumirit ang mas malalim na kwento ng korapsyon, kahirapan, kawalan ng tunay na hustisya, at mga karahasan. Ramdam na ramdam ko sa bawat pahina ang init at tensyon sa mga eskinita ng Pateros. Natural at marahas ang mga diyalogo, isa talaga ito sa mga nagustuhan ko sa estilo ng pagsulat dahil nagiging “authentic” ang bawat pangyayari. Hindi rin naman talaga nalalayo sa tunay na dumi ng bituka ng lipunan natin ngayon ang mga pangyayari sa nobelang ito. Grabe ang mga eksena, detalyado, ramdam ang takot at panganib ng bawat tauhan. Mabilis ang takbo ng kwento ngunit ang mga yabag ng bawat pangyayari ay hindi madaling makalimutan. Hindi ko matandaan ilang beses kong isinara ang libro upang humanap ng hangin at umiyak sa galit at awa.
Iba ang realismong dala ng nobelang ito. Hindi ko na tuloy alam kung alin ba ang paborito ko sa mga akda ni Sir Vivo. Pero grabe ang nobelang ito dahil kahit natapos ko na at nasimot ang huling pahina, hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nang-iistorbo sa isip ko.
Ang lipunang nabubulok mismo ang lumilikha sa mga hayop nito.
Tama nga na dapat mabasa muna ang Dreamland Trilogy bago ang akdang ito. Hindi man sobrang laki ng impact or dagdag impormasyon nito sa kwento, ngunit mauunawaan mo ang tagpi ng bawat kwento.
Ang librong to, tulad parin ng mga sulat ni Sir Nal, masakit, puno ng galit at poot at hindi magaan sa pakiramdam. Ngunit hindi lang basta galit at sama ng loob ang naramdaman ko dito, meron ding kirot sa puso at lungkot.
Sa Dreamland Trilogy kasi tanging sama ng loob at galit ang naramdaman ko, ngunit sa bagong akda na ito ni Sir Nal, galit, poot, sama ng loob at lungkot ang naramdaman ko. Marahil ay ang kwento nito ay maaaring narinig na ng iba na nangyari sa totoong mundo, mga bagay na alam nating nangyayari sa paligid natin.
Masakit isipin na ang taong walang kasalanan ay madidiin sa isang bagay na hindi nya ginawa. Ng dahil lamang sa koneksyon at kapangyarihan, maaaring mapalitan ang katotohan. Na may inosenteng tao ang naipit sa isang kamaliang ginawa ng isang makapangyarihan.
Ngunit tangan sa kanya, ay ang mga buhay na kinitil para lamang maprotektahan at mapagtakpan ang mga kawalanghiyaan na ginawa ng mga may kapangyarihan. Mga taong kundi man ay namumuhay lamang ng marangal, ay mga taong naghahanap ng hustisya para sa mga mahal nila sa buhay.
Isa pang paalala ng libro, na hindi talaga basta mawawala at mamamatay ang korapsyon. Dahil sa kwentong ito, ipinakita na hindi lamang basta naging korap ang isang tao, nagsimula silang maging korap habang nasa mababang antas palang sila ng sangay ng gobyerno.
Hindi madaling idigest ang kwento, hindi dahil sa pagkakagawa ng libro, ngunit sa laman at kwentong bitbit nito.
Nawa ang bawa't makakabasa ng librong ito, ay magkaroon ng malawak na pang unawa at bukas na isipan. Maaaring piksyon lamang ang laman ng kwento, ngunit maaaring nangyayari din talaga ito sa totoong buhay.
Gaya ng sinasabi ng iba, "Kung hindi ka pa galit, bakit?".
Pinagtagpi-tagping pangyayari na bumuo ng mga karumal-dumal na katotohanan ang yumanig sa katauhan ng mga taong nasa nobela ni Sir Ronaldo S. Vivo Jr. na "Ang Lahat Ng Hayop Sa Ating Mga Yapak".
Masusi at matagumpay na naisulat ni Sir Nal ang unang aklat sa seryeng Lapastangan.
Natural at sinematiko ang pagkakalahad ng bawat eksena sa libro.
Ang isa sa mga pinakagusto kong mga eksena sa mga akda ni Sir Nal, yung mga simpleng bagay na ginagawa ng karamihan araw-araw. Katulad ng pagtitimpla ng kape, paghanda ng makakain, paglalakad sa mga lugar na nasasakupan ng mga eksena sa libro, mga ginagawa sa trabaho, pagyoyosi, at marami pang iba. May kakaibang dating sa biswal na representasyon na nabubuo sa isipan ng mga mambabasa. May hatid na emosyon. May pait ng katotohanan. May sayang dulot. May lungkot. Mayroong pasasalamat.
Bukod dito, may kaluluwa at puso ang bawat tauhan. Hindi sila mga pangalan na nailapat sa papel. May ipinaglalaban ang bawat isa. Mayroong kalayaan na gusto makamit.
Katarungan ang isinisigaw ng aklat na ito. Sa panahon natin ngayon, ito ay mailap at tila hindi na natatanaw sa agos ng buhay.
May angas. May hapdi. May kirot. May kasiyahan.
Nakamit ba ang katarungan sa nobela ni Sir Nal? Malalaman mo kapag ikaw ay handa na basahin ito.
Hindi ko mawari anong dahilan. Na sa tuwing nagbabasa ako ng Nobela ni Vivo ay, kay daling basahin kahit na sabihing ito ay nobela na tipikal at agarang pumapasok isipan na "hindi kayang tapusin ng isang upuan" na malaking kabalintunaan. marahil, hindi ang pagbabasa ang pumupukaw sa interest ngunit ang mismong karananasan na marahil naranasan, nararanasan at napagdaanan na ng karakter at tayo mismong bumabaybay sa buhay ng may buhay. Nawa'y, ang mga ganitong klase ng Katha ang siyang mamayani at patuloy na kumalat sa ating bansa.
Narito ang iilan sa mga pumukaw sa aking damdamin sa pagbaybay ng naturang nobela.
"pagbabago ay maari. Hindi pa. pero hindi mauuwi sa hindi na" - hindi katapusan ang siyang magdidikta sa kung sino ka.
"isang beses lamang ang buhay, at ang kamatayan ay panghabangbuhay" pa - Memento mori
"Dahil lang kaya nila. Ganon nila tayo tingnan, ganito nila tayo uriin—parang hayop. Para sa kanila, ang mga kagaya natin ang unang-unang kayang gumawa ng kahayupan"
- mali na ituring nating mas maliit sa atin ang ating kapuwa.
"Hindi ako magaling sa salita. Madalas, pinipili kong huwag na lang."
- Kaya idaan na lamang sa gawa.
This entire review has been hidden because of spoilers.
hindi na talaga mawawala sa mga kalalakihang manunulat ang magsama ng malalaswang karahasan laban sa kababaihan sa kanilang mga akda. hindi ito ang unang pagkakataon na pinuna ko ang trope na ito sa mga librong isinulat ng mga lalaki. kaya siguro hindi na rin mawawala sa kaisipan ko na kapag likha ng isang lalaki ang libro, palagi ko itong dapat kinikwestyon.
sa kabilang banda, hindi mapagkakaila ang pagkahalimaw ni Vivo Jr. sa kung paano niya ilatag ang mga salita upang buuin ang kaniyang naratibo. gives ko na sa kanya yun -- halimaw talaga siya sa galing kung paano niya tinatahi ang kuwento at napakaplantsado ng takbo ng naratibo kapag binabasa mo na.
isang masterpiece na naman galing kay Vivo Jr., pero isa ring patunay na tila normal pa rin sa kalalakihan ang gumamit ng naratibo ng pambababoy sa kababaihan. nakakapanghinayang lang na ang isang mahusay na sining ay kailangan pang umasa sa ganitong uri ng luma at mapanirang istilo para lang masabing epektibo ang kuwento. hangga't patuloy na ginagawang normal ang karahasang ito sa panitikan, mananatiling may lamat ang paghanga ko sa mga ganitong klaseng akda.
Tunay ngang pagdurusa lamang ang libre sa mundo, at lalo itong namamayagpag sa lipunang patuloy na nagluluwal ng sistemang estranghero sa hustisya.
Sa pagpapatuloy ng mga bangungot sa Dreamland, muli nating masisilip ang pait ng kamulatan para sa pangkaraniwang Pilipino—binubulabog ang tahimik, isinasadlak sa imoralidad ang dalisay, kinikitil ang pag-asa sa mga nananampalataya. Once again, Sir Nal exceeded expectations beyond what he had reached so far.
Matatapos ang kuwento at matatagpuan mo na lang ang sarili mong nakatulala. Iyan ang patunay ng epektibong nobela. Sobrang excited na ako sa continuation ng Lapastangan!
Para akong nanonood ng sine habang nagbabasa. Napakalinaw ng lahat sa akin. Nakakagalit ang mga pangyayari.
Sumasalamin ang librong ito sa buhay ng mga Pilipino—corruption, greed, power, and the evil of those who are supposed to be the servants of our country. Mga taong hindi nabubusog sa yaman na tinatamasa. Even those “servants” who use the name of the Lord for their own selfish benefit.
The poor people are the ones who suffer the most. Those who are in power continue to rise and do evil things. This story truly reflects what’s happening in our country, and it’s infuriating that there is still no change.
compared to the dreamland trilogy series, the first installment in the lapastangan novels, to me, reads the most like a detective fiction book. while there is no actual detective in the novel, we follow ordinary individuals as they do "detective work" to seek answers and find justice for a man who was wrongly accused of a crime.
personally, this may have overthrown the highly-regarded, highly-recommended 'Bangin' from its top ranking of Vivo books; lemme tell you why:
1. character connections so wildt, every unravelling moment had me :o :o :o 2. use of legal documents, news articles, and online files to paint the fuller picture of the events, rather than straight-up storytelling 3. the surprising presence of good people within a system that we've automatically regarded and generalized as unjust 4. the exposé revealing widespread corruption among multiple institutions built to serve the general public
all of Vivo's books trigger the same angry reaction from its readers. what's constantly surprising is how he's able to churn out multiple novels of the same theme without ever running out of ways to make them feel new. i guess, that goes to show how much creativity humans have when it comes to exploitation and corruption :")
Isa nanamang obra ang aking nabasa. Wala man ako karapatan para mag bigay ng ganun klaseng parangal, pero ganun ang pagkasulat ni Sir RVJ sa Hayop.
Maganda ang ikot at takbo ng kwento tila pinaglalaruan ang katawa tawang realidad na meron sa Pilipinas at hinihiling pag-asang hindi kailanman makakamtan. Imoralidad, hustisya, korupsyon, pagtakbo ng kung ano ano sa dilim ang tema ng libro.
Ang hirap maging mahirap. Ang hirap maging mabuti at ang hirap humingi ng "tulog" at lumabang patas. Bravo!
It is a fast-paced, detective-style story that also feels like watching an action film. One thing I found disappointing was the portrayal of the police. They were shown as difficult to trust because of corruption, greed, and how easily they were controlled by powerful people in the government.
I recommend reading the Dreamland Trilogy first to become familiar with how the author writes. There are still some exaggerated moments, but they are much more subtle here. I also wonder if this book is part of a series.
Ang Lahat ng Hayop sa Ating Yapak is a gripping and emotionally intense crime story that kept me fully invested from start to finish. I was drawn into the mystery surrounding the murdered student, constantly questioning who was truly responsible. Even as doubts crept in about Eli’s involvement, a part of me still believed there was more to his story—something deeper and more tragic than guilt alone.
What struck me most was Eli himself. He suffered through unbearable conditions in prison despite being young, confused, and undeserving of the cruelty he experienced. His character carries the emotional weight of the story, especially knowing that even after being given a chance to escape and start over, his ending was still shaped by pain, sacrifice, and destruction tied to forces far beyond him.
The most unforgettable moment for me was the shocking revelation that the church was involved in the crimes. The idea that a priest—someone who is supposed to offer guidance and comfort—was actually behind the suffering of Eli and others made the story even more disturbing. The betrayal hits harder because the same person who comforted Eli in prison was also connected to the very system that destroyed him.
At its core, the book speaks about corruption, power, and moral decay—how people can be driven by money and influence to commit crimes, cover up truths, frame the innocent, and eliminate anyone who threatens their secrets. It paints a harsh but realistic picture of how justice can be manipulated when those in power choose self-interest over morality.
Overall, this book is perfect for readers who enjoy thrilling, crime-driven, and investigative stories that keep you questioning every detail until the very end.
“ kung paanong katulad ito sa mga ibong tinapyasan ng pakpak bago pa man matutuhang lumipad. Wasak ang mga pangarap bago pa man matanto bilang pangarap. At sa bawat buhay na nakaabang na sirain at pag-asang isinasalang sa bibig ng impiyerno, may mga opisyal ng gobyernong dumaranas ng labis-labis na langit sa lupa. “
Unang akdang nabasa ko mula kay Ronaldo Vivo, at masusundan pa.
Tunay na sa lahat ng kamalian sa isang bansa, sa gobyerno at mga naka upo dito dapat ang sisi.
Para sa akin may mga malalaking patlang na iniiwan ang mga karakter na katulad ni Arman sa totoong buhay.
Hindi dahil isa lang sila sa maliit na naging kolateral sa malalaking anomalya ng sistema, kundi isa sila sa mga malalaking patlang ng sistema sa Pilipinas.
Sa mundong bituka ni satanas ang koneksyon at lakas ng mga hangal na nasa posisyon, ang mga tauhan natin ay nasa isang maliit na sapot at naging panubos para pagtakpan ang mga totoong sangkot nito.
Nagawa ni Vivo na mas palapitin pa ang mga tauhan sa mambabasa.
kakaengganyo pa rin naman basahin dahil na rin sa daloy ng kwento at mga pangungusap pero mas superior pa rin talaga dreamland pagdating sa story. sensya na haha. looking forward pa rin naman sa mga susunod na akda. lapastangan done, arson next!
Gagi, napaka angas ayaw ko mag spoil napakadaming twist ng kwento iba ibang plot pag dating ng middle reading doon mo mapag tatagpi lahat... Pati ang ending at revelation nakakagulat.. bibili pa ako ulit ng libro ni sir ronaldo.. sana makapag pa sign ako sa kanya sa Bookfest kung dadalo sya!