Jump to ratings and reviews
Rate this book

Coffee Cath

Rate this book
"Ang Coffee Cath ay parang kapeng balanse ang tamis at pait. Hindi lang sa lablayp umiikot ang kwento, deliciously infused din ito ng mga isyu tungkol sa pamilya, pagkakaibigan, kabiguan at pangarap. 'Yung hindi masyadong mabigat at kumplikado, pero hindi rin masyadong magaan na halos wala nang laman. Ku-quota ang sino mang mambabasa sa tawa, hapdi, ngiti, kirot, at kilig na hatid ng storying ito." - Mae Lavern, author of "The Ex-girlfriend Chronicles"

Si Cath.
Isang out-of-school youth na kalog, fashionista, gandang-ganda sa sarili (self-proclaimed overqualified sa Star Magic dahil hindi lang daw siya mukhang artistahin, magaling pa siyang umakting!) at ginawa nang dakilang misyon sa buhay ang makiuso at maging updated sa kung ano ang trending, sa kung ano ang pinag-uusapan ng lahat. Wala siyang pakialam sa gastos magkaroon lang ng maraming kaibigan dahil alam niyang lahat ng luho niya ay tiyak na handang ibigay ng kanyang inang domestic helper sa ibang bansa.
Naghahanap siya ng atensyon at pagmamahal sa maling paraan, maling dahilan, maling lugar at maling tao.

Si Basilio.
Isang sinaunang nilalang na walang dudang kamag-anak ng mga Neanderthal at Taong Tabon na dahil sa pagiging makaluma ay para kang naglalakbay patungo sa panahon ng mga Kastila kapag kasama mo siya. Sa (totoong buhay) kasalukuyan ay isa siyang barista na mahusay sa paggawa ng masarap na kape, marunong maggantsilyo at may nakapangingilabot na pagmamahal sa mga pusa (kulang na lang ay sambahin niya at patayuan ng monumento isa-isa ang kanyang mga alaga). Wala siyang pakialam sa uso at hindi niya maintindihan kung ano ang relevance ng cellphone sa buhay ng tao.
Nabubuhay siya sa nakaraang natatakot siyang balikan. At hindi niya alam kung pa'no muli pagaganahin ang oras na matagal na niyang inihinto.

Sa hindi nakakatawang joke ng kapalaran ay pagtatagpuin ang landas nila at kahit pakiramdam ni Cath e napunta siya sa isang parody ng Noli at Fili, unti-unti ay mare-realize niyang ang pagtatagpong iyon ang babago sa buhay niya. Sa buhay nilang dalawa.

Unknown Binding

First published April 8, 2016

Loading...
Loading...

About the author

baka_usagi

11 books99 followers
I have already deleted my Wattpad account.
All my stories are accessible on my blog.
https://usamiiinstories.tumblr.com/

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
0 (0%)
4 stars
0 (0%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
No one has reviewed this book yet.