Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ella Arcangel: Lupa at Dugo

Rate this book
SA NABUBULOK NA SIKMURA NG BARANGAY MASIKAP, mas totoo ang bulong ng mga patay kaysa sa pangako ng buhay.

Dito nakatayo ang sampung-taong gulang na si Ella Arcangel, sa pagitan ng dalawang bangungot: ang mga aswang na naglalaway sa dilim, at ang mga taong mas masahol pa sa halimaw ang kasakiman.

Para sa mundo, isa lamang siyang batang-maralita; ngunit para sa kadiliman, siya ang tanging balakid. Ito si Ella, ang munting mambabarang laban sa dambuhalang lagim ng lansangan.

Nilalaman ng edisyong ito ang Tomo Una: Ito ay Panganib at Tomo Pangalawa: Awit ng Pangil at Kuko.

190 pages, Paperback

Published March 12, 2026

Loading...
Loading...

About the author

Julius Villanueva

20 books15 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
25 (58%)
4 stars
16 (37%)
3 stars
2 (4%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 16 of 16 reviews
Profile Image for Mark Fermill.
Author 7 books43 followers
August 20, 2026
It was engrossing. Appreciated the inclusion of the grim realities nung drug war here. Finished it quickly. Now where do I look for a Mimiw or Pangil plushie?
Profile Image for Bella vs. Books.
95 reviews3 followers
October 2, 2026
Napakagandang representasyon ng nangyayari sa totoong buhay, kahit na sa katawan pa ng isang fantasy graphic novel.

Ito ang pinaka-mabigat na aral na iniwan sa akin ng akdang ito: Madalas, ang tunay na halimaw ay hindi nakikita sa kasuluk-sulukan ng gubat o sa ilalim ng kama mo, kundi sa mga kalsada, sa mukha ng mga taong dapat na nagtatanggol sa’yo. At dahil dito, may mga taong mas pipiliin pang mabuhay sa dilim at anino, sapagkat kahit papaano ay may pag-asang ibinibigay ito, kaysa bumalik sa realidad na puno ng takot at pangamba.

Excited na akong makakuha ng kopya ng susunod na kabanata ni Ella, at nabalitaan ko ring may adaptation ito! Kudos sa’yo, Julius Villanueva

+100 points kasi may pusa hehehehe
Profile Image for miguel.
249 reviews3 followers
July 9, 2026
ang ganda! ang ganda nung apat na kwento na nasa librong 'to. excited na ko pano ma-a-adapt ang pangil at kuko sa paparating na animated movie
Profile Image for Jelyn Antoinette.
72 reviews
April 10, 2026
4.5 🌟

Maganda ang kwento, premise and lore. Kahit na maikli hindi ko na-feel na bitin ang istorya. Kumbaga kumpleto ang istorya kahit sa konting pahina lang. Which is rare sa mga comics.
Profile Image for shaira.
57 reviews
September 26, 2026
gimme more of this and inject it straight into my bloodstream. i love. no notes. ✋🏼😩
Profile Image for Veron.
175 reviews4 followers
June 14, 2026
Ang mundong ito ay parang halimaw din, aakitin ka bago lamunin at unti-unting tunawin. Balat, laman, buto, lahat sa iyo'y maglalaho. Pero may lumalaban sa limot. Nakatanim ang mga alaala na pawang binhi. Kung saan sanga-sangang bukas ang maaaring umusbong.

Ang Ella Arcangel: Lupa at Dugo ni Julius Villanueva ay pinagsamang edisyon ng unang dalawang volume ng graphic novel series na “Ito ay Panganib” at “Awit ng Pangil at Kuko”. Inilimbag ng Avenida House ang bagong edisyon upang maging mas aksesable ilang buwan bago ang film adaptation ng GMA Pictures.

Ang serye ay umiikot kay Ella, isang batang mambabarang na minana ang kakayahan at responsibilidad mula sa namayapang Lola Crisanta, tanyag sa komunidad bilang manggagamot o takbuhan ng mga problemang hindi basta-bastang natutukoy ang dahilan. Hinaharap ni Ella ang iba’t ibang panganib, mahiwaga man o hindi, sa komunidad ng Barangay Masikap kung saan naninirahan ang kanyang pamilya.

Sa unang maikling kwento na “Oyayi sa Dilim”, litaw na ang pagkakabigkis ng mga pangyayari sa karanasan ng mga maralitang lungsod. Ang literal na madilim na halimaw sa kwento ay literal ding inanak ng sitwasyon ng mga tao. Mula ito sa nanay ni Jepoy na may tatlong batang anak ngunit iniwan ng asawa at wala ring malinaw na nabanggit na pinagkakakitaan. Nasa detalye ng mga larawan tulad ng tasang walang hawakan o sa kagutuman ng mga bata ang kawalang katiyakan sa buhay nina Jepoy at ng buong komunidad.

Ang “Lupa ng Mga Naglaho” naman ay naglalarawan sa kagustuhan ng mga tao, lalo na ng mga bata, ng mas mapayapa at tahimik na buhay, malayo sa masasamang impluwensya sa totoong mundo. Dito pinasok ni Villanueva sa naratibo ang huwad na War on Drugs ni Duterte at sa kung paano nito ginambala ang buhay at pangarap ng mga residente.

Sa “Hamog ng Alaala” naman, bahagyang pinalawak ang background ni Ella at ng pamilyang Arcangel na nakatali rin sa kasaysayan ng buong Barangay Masikap. Nagsilbi rin itong exposition ng maralitang lungsod at kung paano sila natipon at namuhay sa lugar na iyon.

Ang pinakamahaba sa mga kwento na may higit isandaang pahina ay ang “Awit ng Pangil at Kuko” na tinunton ang manipis na linya sa pagitan ng pagiging halimaw at tao. Dito napaghalo ang mga elementong ginamit sa mga naunang kwento tulad ng alternatibong mundo, sari-saring nilalang (paborito ko si Mimiw!), at ang impunidad at karahasan ng mga taong may hawak ng baril. Dito rin mas naipamalas ni Ella ang kanyang mga kakayahan bilang mambabarang at pahapyaw sa kanyang emosyon bilang batang may mabigat na responsibilidad.

Aaminin kong hindi ako kaagad naging tagahanga ng piniling art style ng libro ngunit sa kalaunan ay na-aappreciate ko ang pagkakabagay niya sa mga kwento.

Hindi kalaban ang supernatural sa mga kwento ni Villanueva na maaari kong maihalintulad sa horro ni Yvette Tan, kung saan ang mga elemento ay manipestasyon lamang ng mga panlipunang inhustisyang nararanasan ng mga tauhan. Madaling ikumpara sa Trese ang akda, lalo na’t isa rin ito sa naging inspirasyon ngunit malinaw ang kanilang mga pinagkaiba: walang bar na pagmamay-ari si Ella, walang bigatin na network, at hindi kaibigan ni Ella ang kapulisan. Naaangkop ang piniling pamagat ng koleksiyon na Lupa at Dugo. Sa lupa nagmumula ang hiwaga, at dito nakabase ang kabuhayan ng mga residente ng Barangay Masikap. Ang kawalan ng kasiguraduhan ng mga residente sa lupang kinatatayuan ng kanilang mga tahanan ay higit na nakakatakot at hindi madadaan sa simpleng mga anting-anting o sumpa. Kaabang-abang ang pagsasapelikula nito at ang mga kasunod na posibleng pagpapalawak ng mundo.
Profile Image for Highnyzbibliofiles.
182 reviews10 followers
October 12, 2026
The story follows young Ella as she solves the mysterious things that are happening in Barangay Masikap. With her powers, she alone fights the monsters that are unknown to humans.

This was the book of the month of Talk Bookish to Me PH last September, and it was all about giving readers the creeps with supernatural elements and the realities of our society.

It was supernatural meets real-life horror. It tackles the issues our society faces, including corruption and the evil doings of humans. Despite that, it can also leave readers with questions about some scenarios: Does being poor enable someone to do evil? Or to what extent will someone go beyond their morals just for the sake of money?

One thing that struck me was the issue of how pure a person's heart is. No matter how one is saved, their true character will eventually reveal whether they will turn out to be a good person or the worst kind.

This novel also reminds us that things do happen in society, such as killings and the temptation to do bad things. Yet, Ella gives hope to those she has been able to come across.

Probably, being as young as she is reflects what the world needs—a young mind that will make a difference.
Profile Image for kyra.
468 reviews6 followers
April 9, 2026
residents of brgy masikap are aware of the injustice they encounter at the hands of fellow mortals, little do they know, there’s another type of wold that thrives within their home

ella, at 10 yrs old is their only protector against the creatures lurking in the dark. her sense of duty overpowers her fear as she dedicated hr childhood to helping neighbours while maintaining the balance between the natural and supernatural

it’s a dark, dark world out there, and it’s getting to a point where everything might just be a little too much for the young protagonist.

we follow stories that tackle themes that beg to be discussed, depict realities that beg to be known, and show choices that beg to be understood.

the art style, and panelling are brilliant drivers to enhance the story — they allow the readers to feel more for the characters, especially when you can visualize their emotions as the story progresses.
Profile Image for Anthony.
67 reviews3 followers
September 26, 2026
Welcome to Brgy. Masikap, kung saan bahagi ng realidad ang pag-iral ng mga engkanto, diwata, at iba pang mga nilalang. Si Ella ay isang selfless young mambabarang, who was taught her Lola's ways. I love how she's a good role model but also realistically a kid. She's a standout character in a way that is not just because she's the titular one but also because the setting, other characters, and even the future of the book points to her. The art style is also lovable!! Can't wait for more of Ella.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Ericka.
129 reviews1 follower
September 30, 2026
3 ⭐️

This one's very strong on "pahaging" about the crime and justice here in the Philippines. I love the illustrations very much kaya din talagang chinecheck ko per page nang maayos kasi ang ganda ng graphics. So giving!

I rated it 3 because of some dialog parts na for me ay kaya pa maging better. This is purely my sentiments pero the last 30% sobrang ganda na ng palitan, ramdam mo na yung dahilan kung saan sya papunta unlike the first few parts of it.
Profile Image for thestraubrey.
138 reviews5 followers
October 6, 2026
first ever graphic novel i’ve read from a filipino author, and it definitely did not disappoint. i enjoyed every single chapter and found myself looking forward to each new story. what i loved most was how beautifully it showcased filipino folklore, familiar myths, creatures, and legends woven into compelling and eerie tales. it honestly made me appreciate just how rich and fascinating our folklore is 😚
12 reviews
June 30, 2026
Malikot ang pagkakagawa at ramdam ang realidad sa likod ng bawat pahina, Ang Ella Arcangel: Lupa at Dugo ay isang pagsasalamin ng katotohanan at paggawa ng mundong maipagmamalaking atin. Mayroon lang pagkakataon na ramdam mo ang hati at pagtagpi-tagpi ng bawat kaganapan, pero sa dulo, nakaya nila itong itawid at nakapagbigay pa ng kamalayan.
Profile Image for Gab of Green Gables.
228 reviews9 followers
May 7, 2026
Posible palang magkaroon ng bayani sa mga barung barong ng Pilipinas at iyon ay si Ella Arcangel.

Hindi nalalayo sa realidad ng buhay ang mga isyung panlipunang binanggit sa libro sa likod ng fantasy element nito.

Looking forward sa daraating na pelikula!
Profile Image for Dymar De Claro.
195 reviews
October 10, 2026
Napaka-solid ng librong ito. Writing, flow ng story, art, tema at mga karakter, lahat napakapulido ng pagkakasulat! Napakagaling! Kung pwede lang bigyan ito ng 6 stars nagawa ko na!
Profile Image for Noelle.
68 reviews
August 25, 2026
⭐3.5 STARS⭐

Binili ko ang librong ito dahil napukaw ang atensyon ko sa animation ng Oyayi sa Dilim, kaya masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataon na balikan ang series na 'to. Kahit marami na akong nabasang libro tungkol sa mitolohiyang Pilipino (o pati ng ibang bansa), namumukad-tangi pa rin ang Ella Arcangel sa kanyang pagsasalamin ng realidad ng karaniwang Pilipino. Nagustuhan ko kung paano pinagsamahan ang mundo ng halimaw at ang pang-araw-araw na pamumuhay sa mga mahihirap na komunidad. Sa isang banda, binibida ang mga nilalang ng mitolohiyang Pilipino, tulad ng mga nuno at diwata. Sa kabilang banda, ipinapakita rin ang mga problemang madalas na hinaharap ng mga taong nasa laylayan, tulad ng karahasan, kahirapan, gutom, at pang-aabuso ng mga makapangyarihan.

Nagustuhan ko rin ang tauhan ni Ella dahil, kahit simple lang ang komunidad na kanyang pinanggalingan, kahanga-hanga rin ang kanyang lakas, tapang, at malasakit sa kanyang kapwa.

Iba rin talaga ang dating kapag ang tagpuan ng kuwento ay ang sarili mong bansa--at kapag sariling wika ang ginamit sa pagsasalaysay nito. Habang binabasa ko ang Ella Arcangel, nakikita ko rin ang mga sarili kong karanasan bilang Pilipino, at mas nakakaugnay ako sa mga tauhan.

Bukod dito, nagustuhan ko rin ang atmospera ng libro. Dahil sa mga larawan, naramdaman ko na talagang nakakakilabot ang mga halimaw at ang mga pantastikong mundo na nilikha ni Julius Villanueva. Nagustuhan ko rin ang mga action scenes (lalo na sa dulo ng Awit ng Pangil at Kuko) dahil talagang ipinapahayag ng mga ito ang tensyon at mabilis na daloy ng eksena.

Sa lahat ng mga kuwento sa librong ito, ang pinakatumatak sa'kin ay ang Awit ng Pangil at Kuko dahil dito binigyang pansin ang mga naging kinahinatnan ng War on Drugs noong panahon ni Duterte, at pati na rin ng mga mas personal na problema tulad ng domestic violence. Talagang nakakapagpabagabag ang kuwentong ito dahil mas nakakatakot pa ang mga pulis sa totoong mundo kaysa sa mga halimaw tulad ni Pangil. Bukod dito, ipinapakita rin kung paano napipilitang gumawa ng masama ang mga mabuting tao dahil sa korapsyon at karahasan ng mga pulis.

Hindi ko lang 'to binigyan ng mas mataas na rating dahil hindi bago ang plot nito. Tulad ng nabanggit ko, marami na kong nabasang akdang hango sa mitolohiya, kaya marami rin akong napansin na tropes dito na madalas kong natatagpuan sa ganitong uri ng panitikan. O baka nagsasawa lang ako sa genre na 'to haha. Medyo simple lang din ang mga kuwento (lalo na ang naunang tatlong kuwento) at minsan, madali ring hulaan kung paano sila magtatapos. Baka ako lang 'to, pero sa tingin ko hindi naaayon ang wakas ng huling kuwento sa mensaheng nais iparating ng manunulat.

Pero sa kabuuan, nag-enjoy pa rin naman ako sa pagbabasa ng Ella Arcangel at aabangan ko na rin ang paparating na movie adaptation nito.
Displaying 1 - 16 of 16 reviews