This book is composed of two parts: Eros and Thanatos, bound back-to-back. The people of Eros search for health, love, and safety. They are always smiling and willing to help others. Meanwhile, the people of Thanatos search for the fascination of mystery and the challenge of danger and adventure. They love deserted places, full moons, woods, thunder and lightning, and storms and rain, and are fascinated by peril and insanity.
(Stories of white and black magic happened in Cubao, Philippines.)
Tony Perez was born on 31 March 1951 in San Fernando, Pampanga. He is a fictionist and playwright in English and Filipino, lyricist, visual artist, and clinical therapist; psychic trainer and adviser to the Spirit Questors, a group of young psychic volunteers he brought together in 1996. He conducts workshops in magic, shamanism, psychic powers, dreamwork and dream analysis. Among his works are the Tatlong Paglalakbay trilogy [ Bombita, Biyaheng Timog, and Sa North Diversion Road ], Oktubre, Noong Tayo'y Nagmamahalan Pa, Noong Akala Mo'y Mahal Kita; the musicals Florante at Laura and Sa Pugad ng Adarna; Cacho Publishing House's Cubao series and Anvil's transpersonal psychology series which includes The Calling: A Transpersonal Adventure, Mga Panibagong Kulam, and Mga Panibagong Tawas.
Nabili ko ang unang libro ko ni Tony Perez sa isang reseller sa Shopee. Ito rin ang una kong libro na kabilang sa Cubao series ng naturang awtor. Kung susumahin, para ka na ring nagkaroon ng dalawang koleksiyon na pinagsama sa isang libro: [1] ang Eros, kung saan nakatuon sa mga baligho sa konsepto ng pag-ibig; [2] at ang Thanatos, na nakatuon naman sa kakatwang mundo ng ispekulasyo’t misteryo.
Hindi man ito nabanggit ng awtor, pero sa tingin ko’y mas mainam na unahin muna ang pagbabasa ng koleksiyon mula sa Eros bago ang Thanatos. Ito ‘yong ‘lohikal’ na pagtatagni upang lubos na maintindihan ang mundo ng mga koleksiyon na ito. (Lalo na’t nakaporma ito sa praxis ni Herbert Marcuse na tumatalakay sa konsepto ng eros bilang akumulasyon ng temptasyon na nagbubunga sa diskurso ng ‘guilt’ hanggang sa baybayin nito ang thanatos—ang hangganan, ang kamatayan.
Para sa pagsusuri na ito, mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga kuwento. Mainam din na basahin ang ilang tula, ilang dula, at ilang tagubilin sa cross-stitch—ngunit hindi ito makaapekto sa pagbuo ng mundo ng Cubao sa lente ng Eros at Thanatos.
Mapusok ang mga karakter sa Eros: walang sayang na tinapay ; walang libog na hindi mapaparaos . Nalikha ni Perez ang mga karakter na itinulak ng kanilang neurosis mula sa pagkabuhay sa transgresibong Cubao. Bagaman dalawang dekada na ang ibinuhay ng akda, ganoon pa rin ang sistema sa Cubao (at sa iba pang siyudad na nakamolde sa nasabing siyudad). Kaya kahit napaglumaan na ng taon ang ilang cultural references ay nagagawa pa ring tumayo ang teksto nito sa kasalukuyan—dahil ganoon pa rin ang Cubao. Mas lumalala pa nga.
Repleksyon ang Thanatos ng naunang koleksiyon—mas isinadsad nga lamang ang kanilang neurosis sa puntong may ‘kamatayan’ na ng kamalayan. Kaya maituturing na rumination sina Bototoy at Nining ni Nadine Pepelibutad. Pareho silang nadala ng kapusukan, sa kasadsadran ng pagnanais na maiangat ang sarili sa burak ng Cubao at maging kabilang sa mga taong marangya, mga nasa stateside, mga kayang bumili ng chicken sandwich at pork empanada na hindi nabubulok.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko siya mabigyan ng mas mataas na puntos. Bagaman marami itong karakter na kapansin-pansin; naging ilusyon lang din ang pagbuo ng ikalawang bahagi. Naging salamin ang Thanatos mula sa Eros (pero kunsabagay, sa praxis ni Marcuse ay ganoon nga ang lagay.)
O baka katulad lang din nila ako na may matinding kapusukan sa mga ganitong uri ng kuwento. Sana ay masubaybayan ko ang iba pang kabilang sa Cubao series at ang iba pang akda ni Perez. [Pasubali na rin sa ilang resellers na kung kaya ay pakibabaan ang presyo at masyado nang ginto!]
You're basically getting two Short Story Collections in 1, the Eros and the Thanatos books, with Eros having a lighter tone and Thanatos the Flipside. If you've watched Stranger Things, Thanatos would be Eros' Upside Down. Because I'm a lover of the author's Dark, Visceral stories - (Cubao midnight express: Mga pusong nadiskaril sa mahabang riles ng pag-ibig is still one of top Pinoy books of all time), I started with Thanatos. And the stories were a gem, even such a simple story as Pork Empanada, about two kids saving up for a Pork Empanada only to unknowingly - I'll stop myself here since I don't want to spoil it. What I love about Tony Perez's stories is that he could bring out something Twisted and Disturbing (but not in a Disgusting way) in something so ordinary - something that would make you say a little Oh Shit to yourself while reading. And that's what happened with Ang Pasko ay Sumapit - both Thanatos and Eros versions. There's a Lighter version of this Story in Eros, but it doesn't make it less disturbing. Ang galing, bad trip! In Eros, there's also Chicken Sandwich, about the stupid things people do for love, and another Flip story of one of the Thanatos works.
Just 3 stars because of some poems or parts I didn't feel (like the instructions for making a sweater, I glossed over it), but the book was Tony Perez in essence, and I enjoyed it.
Mahusay si Tony Perez. Kahit sinasabi nyang hindi Tony Perez ang tunay n'yang pangalan, na pinatay n'ya ang totoong Tony Perez noong pitong taong gulang pa lamang sila.
Una kong binasa ang bahaging Thanatos. Bakit? Wala lang, medyo natakot ako sa kung anumang meron sa Eros. Dahil nung binasa ko din yung "Ikaw ay Taong Eros", nalaman kong hindi ako taong Eros. Sa huli, hindi naman ganoong nakakatakot yung Eros, di tulad nung inaasaan kong...matinding ano, haha, at kung tutuusin, may isang tula si Tony Perez sa parteng Thanatos na matindi at 'rekta sa punto.
Mas nagustuhan ko yung parteng Thanatos. Lalo na yung unang tula, at yung kwento ng magkapatid na kumain ng Empanada. Malungkot parehas. Gusto ko sanang tanungin si Tony Perez kung anong nangyari dun sa magkapatid matapos nila kainin yung Empanada...pero baka ganoon talaga ang ibang kwento, walang siguradong katapusan, bahala na yung imahinasyon mo. Pero kung iisipin, sana alam ko yung nangyari- bakit nya kaya tinigil dun yung pagkwekwento? Mahirap bang sabihin na namatay yung dalawang bata (kung namatay man sila)? Masyado bang masakit, kahit yun yung totoo? Yung mga ganitong katapusan, o, open-ended, parang binibigyan ka ng pagkakataon na mag-isip ng mas magandang katapusan, para itanggi yung totoong nangyari. Para umasa na ayos lang sila, kahit panis yun? Hahahaha
Sa parteng Eros naman, nagustuhan ko yung unang tula nya, ito yung huling stanza: "Palalayain kita sa hangin, upang maging ulap, at ikaw ay magiging Tubig din"
Saka yung kwento ni Len-len. Hay naku, Len-len.
Nang matapos ko basahin lahat nung nakasulat sa librong to, oo, pati yung Spanish write-up- napatanong ako sa sarili kung ano ba kayang pinagdaanan ng taong ito, bakit ang dami nyang kwento? Haha. Ang galing kasi. Ang tagal ko nang hindi nagbabasa ng tagalog na libro, hindi ko akalaing magugustuhan, at maiintindihan (kahit madaming tagalog na salita na hindi ko talaga naintindihan dito!!! umasa lang ako sa context clues), ko 'to. :)
Una kong nabasa sa klase 'yong "Chicken Sandwich" at akala ko 'yon na 'yong pinakamalala... May "Pork Empanada" pa pala. Walang tapon sa prosa ni Tony Perez. Kakaiba rin 'yong mga tula niya. At wazak na wazak 'yung interview sa huling bahagi ng Thanatos.
Salamat sa Meowist Bookshop dahil nakakuha rin ako ng kopya nito :)
Dagdag: hindi ko alam kung taong-Eros ba ako o taong-Thanatos. Feeling ko nasa pagitan lang ako ng dalawa.
Tinamaan talaga ako sa kwento ng 2 batang kumain ng empanada...altough di sinabi anu nangyari after nila kumain nun ay naunawaan ko na agad ung ibig sabihin ng kwento, ung di mo kayang sabihin pero alam na ng utak mo...
sa higit tatlong dekada na mula noong nailimbag, lulan pa rin ng galak at pagkasawi ang bawat panandalian ng pagsasama natin sa siyudad. madalas kaysa sa hindi, nagkukulang at napapawi ng oras.
Mga maikling kuwento, tula, dula, panayam, at . . . knitting pattern ang bumubuo sa aklat na ito. Kumpletos recados.
Pangalawang beses ko nang pagbasa ito sa aklat ngunit para pa ring bago sa pakiramdam ko ang mga kuwento. Parang nais kong samahan si Bototoy at Nining na kumain ng pork empanada, iyong hindi panis.