Nakakuha ako ng bagong edisyon ng libro, hindi na 101 Kagila-gilalas na Nilalang. Mga Kagila-gilalas na Nilalang na ang tawag dahil dinagdagan pa ang nakapaloob sa libro.
Saktong-sakto ito para sa akin na nagsisimulang kilalanin pa nang husto ang mitolohiya ng ating bansa. Nakakatuwa na nasasakop ng libro ang mga kuwentong bayan mula sa iba't ibang pangkat etniko. Isama pa ang mga astig na illustrations, upang tulungan kang bigyan pa ng imahe ang mga nilalang.
Ang pinakanagustuhan ko rin ay ang pagkakahati ng libro sa mga lamanlupa, halimaw, aswang, bayani, anito, diwata at mga bathala.
Tunay na kagila-gilalas!