Jump to ratings and reviews
Rate this book

May Laro ang Diskurso ng Katarungan

Rate this book
Isa itong pagmumunimuni sa pagkaugat ng kahirapan sa pagsasantabi ng katwiran ng mga naisantabi. Nilalatag ng may-akda ang isang epistemolohikal at metapisikal na teoriya ukol sa katalagahan at sa kaugnayan ng tao dito. Mula sa teoriyang ito, nilalatag ang argumento para sa pagtatatag ng gobyernong diskurso nang sa ganoon maibalik sa makataong katwiran ang kaugnayan natin sa isa’t isa. Sa ganitong paraan lamang magiging posible ang pagbubuo ng lipunan na mapayapa at ginagawang posible ang pagiging malikhain ng tao.

260 pages, Paperback

First published January 1, 2014

4 people are currently reading
20 people want to read

About the author

Agustin Martin G. Rodriguez

5 books4 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
7 (53%)
4 stars
3 (23%)
3 stars
2 (15%)
2 stars
0 (0%)
1 star
1 (7%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for fooleveunder.
159 reviews
December 22, 2025
Hindi gaano nakalilito ang pagbabasá ng aklat. Káyang maunawaan ng isang tulad kong mababaw ang pag-unawa sa mga bagay-bagay. Mainam din na sinimulan ang talakay sa “maliliit” na bagay bago dumako sa malalawak na konsepto. Mula sa pagbibiyaya, sarili, (mga) katwiran, mga binawian, kolektibong sarili, dominanteng katwiran, at kung paano magkaroon ng ideyal na makatarungang diskurso sa isang lipunan.

Maganda ang kontekstuwalisasyon mula sa ideya ng kilaláng banyagang pilosopo túngo sa mga nagaganap at naganap sa Pilipinas. Ang paggamit ng wikang Filipino ay nakapag-igting pa lalo ng mga pahayag. Ambag ko na marahil dito ang paglalagay ng mga nagustuhan kong pahayag ng may-akda dito sa GoodReads.

Maliit na puna lang: medyo marami ang mali sa baybay dulot siguro ng kawalan ng proofreader dito. May baligtad ang mga letra, kulang, at sobra kung minsan. Gayunpaman, mahusay ang aklat na ito.
Profile Image for Julbs.
51 reviews
May 2, 2015
Isa itong napakagandang panimula sa pilosopiya sa wikang Filipino para sa sinomang interesado sa isyu ng katarungang panlipunan: mag-aarál man, dalubhasa man, o kahit pangkaraniwang mamamayan man.

Binago ng aklat na ito ang pananaw ko mundo. Una akong namulat sa teoriya ng Meron ni Fr. Roque Ferriols sa aklat na ito subalit lalo pang pinayaman ni Dr. Rodriguez ang teoriyang ito sa pamamagitan ng paglalangkap ng kanyang paglalarawan sa Meron bílang isang laro. Mula rito ay pinalawig ni Dr. Rodriguez ang diskusyon patungo sa kamalayan ng tao, lalo na patungkol sa katwiran ng tao.

Interesanteng hindi huminto si Dr. Rodriguez sa katwiran sa indibidwal na nibel, bagkus ay pinalawak niya ang katwiran sa panlipunang nibel. Ipinaliwanag niya ang tunggalian ng dominante at naisantabing katwiran sa isang lipunan at sinabi niya na ito ang ugat ng kawalang-katarungan. Dito pumapasok ang mungkahi niyang diskurso bílang susi upang malutas ang kawalang-katarungan.

Sa pagtalakay ni Dr. Rodriguez sa mga paksang ito, akademiko ang kanyang tono subalit magaan lámang itong basahin. Tulad ng kanyang mga diskusyon sa klase, nakawiwili ang paraan ng pagpapaliwanag ni Dr. Rodriguez sa mga masalimuot ng paksa; maging ang mga halimbawa niya ay tiyak na mauunawaan ng makabagong henerasyon ngayon. Kung kayâ, sinoman ay maaaring makabása at makaunawa sa sinasabi ni Dr. Rodiguez sa aklat na ito.

Mapalad akóng nabása ko ang aklat na ito bago pa man malimbag (iba pa nga ang pamagat nito noong burador pa lámang ng aklat ang binása namin). Binása ko ang aklat na ito dahil naging guro ko si Dr. Rodriguez sa pilosopiya at nagpapasalamat akó na nahasa ang aking pamimilosopiya sa kamay ng isa sa pinakamagagaling na pilosopong Filipino sa panahon natin ngayon.

Sana ay mas marami pang tao ang makabása ng aklat na ito nang sa gayon ay maunawaan natin ang ugat—at nawa ay maiwasan din—ng kawalang-katarungan sa ating lipunan.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.