"Matapang, matalino, at mulat. Hindi lahat ng manunulat ay may lakas ng loob na gawing lunsaran ng mahinahong pagkabagot ang lipunan bilang saksi ng ating dalamhati, pangarap, daing, pagsusumamo, at libo-libong dasal na sana ay maramdaman ng lahat na tayo ay tao."
— Edgar Purca Aladeza, LPT Principal, Teacher, Author, Muntinlupa City
"A former English teacher turned corporate writer, Alcaraz uses witty, relatable narratives to critique the irony of toxic positivity, chronic lateness, and reliance on padrino or deskarte for survival."
— Christine Marie Lim Magpile, LPT; University Researcher III/Editor, University of the Philippines, Diliman
"Kung nanamnamin mo ang librong ito na para bang napakatagal mo nang hindi nagbabasa ng aklat, o ni minsan ay hindi nakipag-usap, o kaya hindi nag-alok ng tinapay sa sinuman sa tanang buhay, muli-masusumpungang pinagbubuklod tayo sa ating pakikipamuhay at pakikidalamhati tungo sa pananatili at pagpapatuloy. Hindi tayo kumakapit sa fantasya, na sa kadahilanang walang nagrereklamo ay hindi nangangahulugang ang lahat ng buhay ay perpekto."
— Stefani J. Alvarez-Brueggmann, Transdisciplinary and migrant artist, Author of Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga
Ang Lagi’t Laging Ligalig ni Clyde ay isang nakakatawang essay collection tungkol sa mga reklamo natin sa buhay bilang Pilipino. Compact ang bawat entry pero malaman, kaya hindi boring basahin. Maliban sa tawa, inis, lungkot, at relatability, may ibang layers din sa pagbasa nito.
May nostalgia, ‘yung mga reklamong ‘di mo na nararanasan, pero ngayon, mapapangiti ka nalang nang may pait habang binabasa. Magiging grateful ka rin kasi di mo na na-e-experience, and at the same time ipapaalala sa’yo na nakawala ka man sa sistema, marami pa rin ang patuloy na pinapahirapan nito.
There’s also guilt, kasi tinamaan ka sa mga reklamo like ‘yung maingay na kapitbahay na nagvi-videoke, o ‘yung motorsiklong panay ang singit. Dito sa libro, mababasa mo ‘yung kabilang perspective na pwedeng maging wake-up call o i-justify mo na lang and move on.
Then andyan na rin ‘yung mga reklamong hindi mo pa nairereklamo in your whole life. Puwedeng ipagpasalamat or i-wish kahit konti kasi that problem comes with something you still want to experience in your life.
Overall, nakakagising ang libro. Nakakagising ang mga nakakatawang pagpuna nito. Nakakagising din ng galit. Nakakagising ng consciousness na mapapatanong ka sa sarili: Ganito na lang ba tayo lagi, lagi’t laging ligalig?
Ang pagrereklamo ay bahagi ng ating buhay. Ngunit, ang ganitong katotohanan ay binibigyan ng isang negatibong pag-unawa. Ipinakita ng aklat na ito na ang pagrereklamo ay tanda ng buhay; ang taong hindi nagrereklamo ay isang taong patay. Mahusay ang pagkakasulat ni Alcaraz sa kanyang mga karanasan na dumadampi sa karanasan ng Pilipino; isang patunay na hindi tayo nag-iisa sa ating dinaranas na hirap ng buhay.
Ang kakayahang magreklamo ay isang pag-buntong hininga ng Pilipino. Sa gitna ng maraming kanyang dinaranas na hirap at suliranin, ang Pilipino ay walang magagawa ngunit magreklamo. Ngunit, hindi sa pagrereklamo natatapos ang lahat. Mayroon pang naghihintay higit sa pagsasabi ng hinaing - ito ay ang kakayahang pangalanan ang suliraning kinahaharap, at mula dito ay may kakayahang mabigyan ng bagong mukha ang karanasan. Isa itong hamon sa mambabasa na sa tingin ko ay dapat paglaanan ng pansin; sa gitna ng tila (ngunit totoo talagang) kawalan ng pag-asa sa mukha ng ating mga danas.
Just a heads up, this isn't a book review. I just wanted to share my emotions and thoughts while and after reading this book.
Can I first say how well-written this is? The writing is so clean. The essays are easy to read, but they're packed with substance. Sa totoo lang, kaya ko 'to tapusin nang isang upuan. Pero tama ang may akda mas masayang gawin itong companion sa araw-araw mong reklamo sa buhay. Hahaha. IYKYK.
I believe at some point, we've all heard a reader say, "This book is about me," or "This is the story of my life." Well, Lagi't Laging Ligalig is literally the story of my life. It's about me. It's about us!
Lahat yata ng reklamo ko sa buhay at sa Pilipinas, nandito na. Every essay made me feel all kinds of emotions. I found myself laughing at one, getting angry at another, and even tearing up because of how real and relatable each piece was. Minsan, nakakalungkot isipin na naging reklamador na lang ako. Tayo. Ang dami kong tanong sa isip ko pagkatapos kong mabasa 'to.
What if walang traffic? Ano pa kaya ang pwede kong gawin sa oras ko? What if bukas ang mga government agencies kapag weekend? Kailangan ko pa kaya mag-file ng leave para lang sa papel na sampung taon ko nang pinapasa? What if walang corrupt? Kailangan ko pa bang lumusong sa baha tuwing tag-ulan?
And then I found myself asking the biggest question of all: What if wala lahat ng bagay na lagi kong nirereklamo? Anong klaseng tao kaya ako?
I think anyone who picks up this book will enjoy every essay. You'll probably find yourself laughing, nodding, and blurting out, "I know, right?!" or "DIBA?!"
Kudos to the author. Ang ganda. All the stars. x2 x2 x2 ⭐⭐⭐⭐⭐
*Lagi't Laging Ligalig* will open your eyes to the things you probably thought you were experiencing alone. At times, you'll feel like the universe has something against you, but this book reminds you that it's not just you—it's something many Filipinos experience. The problem isn't always within us; it's often rooted in the system, outdated teachings, superstitious beliefs, our infamous *"pakikisama"* culture, and so much more.
Kudos to Clyde for becoming the voice of countless Filipinos who struggle every single day.
One realization hit me after finishing the book. I passed by a newly built Jollibee branch in our town and thought, *"A horde of people will surely line up on opening day as if it's the first Jollibee we've ever seen."* And guess what? A week later—*poof!* Only a few customers remained. The parking lot had practically turned into public parking, leaving no space for the people who actually wanted to eat there.
Anyway, this is supposed to be a book review, not a rant. 😅 But I guess that's exactly what this book does—it gives you the courage to question things, speak your mind, and voice out observations you've been keeping to yourself.
Congratulations to the author! I hope you write more books like this. Maybe one about call center life? You know, the kind where you've already developed GERD from drinking too much coffee... yet you're still sipping another cup because your shift isn't over. 😂