Jump to ratings and reviews
Rate this book

Titser Pangkalawakan at iba pang angas sa social network underworld

Rate this book
Narito ang maaangas na hiyas ng kaalamang hatid sa atin ng nag-iisang TITSER PANGKALAWAKAN ng social network:

Paano mo mapapaamo ang mabangis na biyenan? O paano sasabihin sa nanay mong bagsak ka sa Calculus? Nang tatlong beses? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng "sinibak sa puwesto" kapag nadidinig o nababasa natin ito sa balita? Lahat ay maaaring matalsikan ng karunungan. Lahat ay matututo. Basta't mayroon kang damdaming marunong umibig.

At marunong ding masaktan.

Nasa kamay mo ang angas ng TITSER PANGKALAWAKAN. Huwag mo nang bitawan.

226 pages, Paperback

First published January 1, 2015

9 people are currently reading
151 people want to read

About the author

Joselito D. Delos Reyes

5 books54 followers
Taga-Coloong si Joselito D. Delos Reyes. Bago siya maging guro ng Humanities, Literature, at Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagtrabaho siya bilang Barangay Secretary ng Coloong, empleyado ng pamahalaang panlungsod ng Valenzuela habang isang semestreng gurong panggabi sa PLV (Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela), project manager ng isang IT firm sa Ortigas, at guro sa Southern Luzon State University.

Maliban sa Coloong Elementary School at Valenzuela Municipal High School Polo Annex (Polo National High School ngayon), nagtapos din siya sa Philippine Normal University sa kursong BSE Social Science at sa De La Salle University sa kursong M.A. Philippine Studies. Sa De La Salle University sa Maynila rin niya kinukuha ngayon ang kaniyang Ph.D. sa Philippine Studies.

Inilathala noong 2005 ang una niyang aklat, “Ang Lungsod Namin” ng National Commission for Culture and the Arts. Nagkamit na siya ng iba’t ibang pagkilala at pambansang parangal para sa kaniyang isinulat, ikinukuwento, at sinasaliksik: 2nd place, UNESCO On-The-Spot Poetry Writing, Philippine Normal University (2008); 2nd place, ika-8 Gawad Pampanitikan (Tula), PNU; Ikatlong Gantimpala, Gawad Komisyon sa Tula (2003); Grand Prize, 1st Maningning Miclat Awards for Poetry (2003). Noong 2003, nakamit niya ang pinakamataas na pagkilala para sa mga natatanging mamamayan ng Valenzuela: ang Dr. Pio Valenzuela Memorial Awards sa larangan ng Journalism at Literature.

Naging fellow siya para sa maikling kuwento sa 9th Ateneo National Writers’ Workshop, para sa tula sa 9th Iyas Creative Writing Workshop sa Lungsod ng Bacolod at sa 36th University of the Philippines National Writers’ Workshop sa Lungsod ng Baguio. Tatlong taon na siyang panelist ng UST Creative Writing Workshop. Kasaping tagapagtatag at dating pangulo siya ng Bolpen at Papel, PNU Creative Writers’ Club. Nalathala sa mga dyornal, antolohiya, pahayagan at magasin ang kaniyang mga akda, pananaliksik, at salin.
Nagpapabalik-balik siya sa mga palaisdaan ng Coloong at sa hamog at halumigmig ng Banahaw upang makapiling ang kaniyang dalawang anak, sina Divine at Esperanza, at asawang si Angela na guro ng physics sa Lucban Academy.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
26 (42%)
4 stars
22 (36%)
3 stars
9 (14%)
2 stars
3 (4%)
1 star
1 (1%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for chimmy.
79 reviews3 followers
December 6, 2019
Matagal ko nang kilala sa pangalan si Joselito Delos Reyes pero hanggang doon lang. Ngayong taon, pinagbigyan ko ang sarili ko na mas makilala pa siya -- finollow ko siya sa FB (nakakaaliw ang mga status niya grabeh!) at naging interesado ako sa mga libro niya. Salamat sa Visprint, Inc. at sa nakaraang Aklatan (All Filipino Bookfair), nagkaroon ako ng pagkakataong makausap mismo si Sir Jowie. Wooh!

Sinabi ko sa kanya na first time kong magbabasa ng gawa niya; sana raw ay may matutunan ako. Aba, Sir Jowie, marami! Pinaka-nag-enjoy ako sa mga kwentong personal (kakilig sila ni Teacher Angela), at sa mga payo sa pag-ibig (hi hi hi!). Hindi naman mawawala ang mga bagong pananaw na napulot ko sa pagbasa ng mga isyung pampolitikal (kahit panahon pa yata ni PNoy, releveant pa rin ang content -- yung MRT Way of Life halimbawa!). Syempre yung pagbabahagi ng karanasan ni Sir Jowie sa pagiging guro at estudyante ang tumatak sa akin.

Ito nga ang paborito ko:

Kapag hindi lumabas sa exam ang nirebyu: "Tandaan. Sa seryosong nag-aaral at nagrerebyu, walang nasasayang na kaalaman. Maliit na sampling lang ang exam para sa marami at malami mong natutuhan."

Sa pangkalahatan, nasulit ko ang bawat nilalaman nitong Titser Pangkalawakan. Isa ito sa mga akdang imumungkahi ko sa iba na walang takot na baka hindi magustuhan ng kung sinumang magbabasa.

Para kay Sir Jowie, salamat! Patuloy akong humihiling na sana'y mahanap ko na rin kung ano ako sa kalawakan, kagaya ng basbas ninyo sa akin.

Excited na akong magdeep-dive pa sa ibang mga likha ni Sir Joey.
Profile Image for Trixie Ann ( A Turtle Reader ).
61 reviews1 follower
June 1, 2020
Honestly speaking nauna ko na kasing nabasa yung iStatus Nation and the fact na naka-follow ako sa facebook ni Sir Joselito doesn't really hyped me up that much kasi alam ko na laman nito, pero the book is super relatable to the majority at sana basahin pa to ng marami.
Profile Image for Erikson Isaga.
Author 3 books4 followers
March 17, 2023
Ang gusto ko kay Sir Jowie, masarap makipagkuwentuhan sa kaniya. Marunong siyang magkuwento habang nagkukuwento.
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.