May ilang bágong impormasyon para sa akin (tulad ng halatang paliwanag sa pagbuo ng “katinig” at “patinig” at iba pa). Ang ibang mga paksa ay naulit lang sa ibang mga batayang aklat. Gayunpaman, magagamit ang mga pagsusulit dito. May mangilan-ngilan nga lang na typographical error ang hindi nakita ng mga awtor.