Jump to ratings and reviews
Rate this book

Sa Amin, Sa Dagat-Dagatang Apoy

Rate this book

205 pages, Paperback

First published January 1, 2015

7 people are currently reading
40 people want to read

About the author

Mayette M. Bayuga

5 books4 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
5 (25%)
4 stars
6 (30%)
3 stars
6 (30%)
2 stars
2 (10%)
1 star
1 (5%)
Displaying 1 - 6 of 6 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,095 reviews852 followers
September 15, 2019
Ang hirap.

Ang hirap rebyuhin ng librong ito. Ganito ang nararamdaman ko kapag naintindihan at hindi ko naintindihan ang binasa ko. Conventional na nga sa theme at plot, sa gustong i-kwento, non-linear pa ang structure. Patalun-talon. Ang sakit sa ulo.

Pero nakakamangha. Ganito rin kasi yung mga libro na gusto ko, na nagugustuhan ko. Yung tipo na di mo mawari kung straight magical realism o magical realism na may halong paranormal chenes o surrealism pala talaga. Hindi naman sa genre sensitive ako, gusto ko lang talaga na may ideya ako (kahit kaunti) sa binabasa ko.

Habang binabasa ko ang libro, hindi ko agad matukoy kung tungkol nga ba saan ang kwentong binabahagi ng libro. Nagugulimihanan ako kung ito ba ay tungkol sa lugar (ang Dagat-dagatang Apoy) o sa tao (si Angel) o sa mga elemento na sumisimbilo sa kung anuman. Dala na rin siguro ng nakakahilo at nakakahumaling na paglalarawan at istilo sa pagsulat ng author kaya parang lango ako at hindi malinaw ang lahat. Anong ibig sabihin non? May ibig sabihin ba 'yon? Parang lahat binibigyan mo ng kahulugan.

Pero sa huli, napagtanto ko rin ang lahat. Hindi dapat na tingnan na simbolismo (kung simbolismo man 'yon) ang bawat kakaibang nabasa specifically, kundi as a whole. Na ang Sa Amin, Sa Dagat-dagatang Apoy ay hindi lamang sumasalamin, hindi lamang tungkol sa iisang tao o iisang lugar, kundi sa kabuuan.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
January 1, 2016
Nagwagi ang aklat na ito noong 2009 ng NCCA Writer's Prize para sa Nobela. Published ito ng UP Press. Dalawang malalaking dahilan kung bakit dapat basahin ang obrang ito.

Sabi nila, ang anumang likhang sining, kung hindi mo naman nakikita sarili mo rito, kung wala namang naaantig na kahulugan sa puso't isip mo, mahirap ding magustuhan. Tama? Hindi lagi. Mayroon pang isang dahilan kung bakit nagugustuhan natin ang isang obra: ito ay ang aliwin tayo o manghain. Ang huli, iyan, ang pinakadahilan kung bakit gustung-gusto ko ang akdang ito ni Mayette M. Bayuga.

Mapaglaro ang prosa ni Bayuga. At dahil ginamit niya rito ang elemento ng panaghinip, naghalo ang fiction sa non-fiction. Tuloy, hindi mo alam kung saan patungo ang kuwento at mamamangha ka na lang na naroon na ang twist na ni sa hinagap ay hindi mo inaasahan. Mapangahas din ang prosa niya dahil walang pinipiling salita. Halimbawa, may ganitong talata sa pahina 21:
TITI. TITI. TITI. Titi. Titi.
Katanghaliang tapat, titi ang nasa kanyang guniguni. Titing macho. Titing romantiko. Titing bolero. Titing kuluntoy. Titing kumakain ng apoy. Alpha titi. Titing nagmamahal sa kapwa titi. Iba't iba sila at lahat may aria habang nagpapataasan ng tilamsik ng ihi. Ang ilan, sa hinaba-haba ng diskurso't debate, walang iniwan kundi panghi. Pero may ilang kagila-gilalas, gaya ng titing nakapagpapalit-palit ng hilatsa at kulay ... ng titing nakapipinta ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap sa isang tayuan ... at ang pinaka-fab ng lahat, ang titing may third eye.
Kamangha-manghang maisip at maisulat ito ni Bayuga, di ba? Sa simula ng talata akala mo kabastusan. Then sa gitna, akala mo metaporya na ang titi ng isang tao o mga tao sa lipunan. Tapos sa dulo, may fantasy element pala ang titi. Ito ang halimbawa ng sinasabi kong di mo alam kung saan ka dadalhin ng kuwento.

Ang kuwento ay tungkol sa dalawang babae, sina Angel Kaloloy-on na isang dalaga na inatasan ng isang samahan ng pang-ispirituwal na hanapin ang lalaking birhen para sa isang misyon na magliligtas sa sansinukob. Ang kuwento ay naganap sa isang bayan na kung tawagin ay Dagat-Dagatang Apoy dahil noong panahon ng mga Kastila, bago ipagbili tayo sa mga Amerikano ay minsan nagmistulang nasusunog ang bayan dahil sa kakaibang liwanag ng sinag araw sa bayang iyon. Ang pangalawang babae ay ang manunulat na si Blanca Deles na isang freelance researcher na naatasang isulat ang kuwento ni Angel. Kung paano nila nagawa ang kanilang mga misyon, ang hanapin ang lalaking birhen at ang isulat ang kuwento ng una (si Angel), umiinog ang nobelang ito ni Bayuga.

Pangatlong nobela ito ni Bayuga na nabasa ko. Una at pangalawa ang mga maiikling nobela sa Tapat 3: Halinghing sa Hatinggabi / Sa Templo ni Tamilah (3 stars). Nagustuhan ko ang dalawang nobela iyon kaya noong makita ko itong aklat na ito, na isang mahabang nobela, sa UP Press, hindi na ako nagdalawang isip na bilhin at kalaunan ay basahin.

Minsan pa, sabi ni Ronald Verzo, "bakit di ninyo basahin si Mayette Bayuga? Mahusay yon!" Ito ay para sa bookclub naming Pinoy Reads Pinoy Books. Naisip ko, parang hindi naman dapat i-line up agad dahil mas maraming mahuhusay (ayon sa panlasa ko). Pero noong mabasa ko itong "Dagat-Dagatan," sabi ko, mas maganda pa nga ito kaysa sa Ang Banal na Aklat ng mga Kumag (4 stars) ni Allan Derain. Parehong istilo. Parehong postmodern. Parehong mapaglaro sa prosa. Parehong maganda pero mas nakakaaliw ang kay Bayuga.

Mayette, sobrang fan mo na ako. Gusto na kitang i-guest sa PRPB. Please?
Profile Image for mark giero.
83 reviews1 follower
September 26, 2016
Masyadong nakakaligaw yung mga prose, words, sentences. Ang dami kong tanong.
Profile Image for Gigi.
94 reviews27 followers
November 13, 2021
Grabe ang ganda nito. Kakaibang atake siya sa kuwento ng aswang. Magkahalong weird, trippy, nakakatawa, nakakaiyak, nakakatakot, nakakalito. Pakiramdam ko nasa loob ako ng utak ng isang aswang at nakikita ko ang nangyayari sa buhay niyang parang panaginip at rollercoaster. Magaan basahin, taglish ang madalas gamitin na language. Nakakatuwa ang humor na dark at may pagka-sarcastic. May mga unexpected punchlines na benta sa'kin. Isang pleasant surprise din yung biglang may susundot na social commentary sa kuwento. Nakulangan lang ako sa cover art. Sana lang ginandahan at akma sa nobela. Feeling ko nahirapan din yung gumawa ng cover nito e, ang hirap kasi niyang idescribe.
Profile Image for Beau Anthony.
13 reviews8 followers
March 5, 2018
at gumising ako mula sa isang panaginip, kinurap ang mga mata. nasa huling pahina na pala ako.
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
April 14, 2018
Dinala ako sa ibang dimensyon ng aklat na ito.
Ako pala ay nasa Dagat-Dagatang Apoy.
Maraming Salamat! Mayette M. Bayuga
Salamat sa kuwintas at tea cup.
Displaying 1 - 6 of 6 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.