What do you think?

Silang May Ngalan: Mga Maikling Kuwento
Sa Silang May Ngalan, ipinapaalala ni Hannah Leceña na ang pagpapangalan ay paglikha, pero hindi lahat ng nalilikha ay mabuti at mapagpalaya. Mayroon ding mga nalilikhang lihim, mapanikil, at nakamamatay. Pero kailangan pa rin silang pangalanan, dahil sa pagpapangalan lamang sa kanila maaaring magmula ang paglaya.
— Chuckberry J. Pascual, Awtor ng Ang Nawawala
Bagong tinig si Hannah Leceña, bago ngunit malakas at makapangyarihang tagapagsalaysay ng mga buhay at danas na matagal nang naghihintay na mapakinggan. Inaanyayahan tayo ni Hannah, sa pamamagitan ng kaniyang aklat na Silang may Ngalan, na makidama, makihinga, makiyakap, makilakad, makiisa sa mga tinig at kaluluwang sugatan, bugbog, pagod, kinalimutan, hindi napapansin, hindi pinapansin sa kanilang mundong naisiksik/isiniksik sa mga gilid-gilid, tabi-tabi at kung saan-saan. Ang koleksiyong ito ay testimonya na sila man ay may karapatang magsalita, mapakinggan at mapangalanan, na sila man ay may pangalan. Matapang at malakas ang tinig ni Hannah, ngunit ito ay puno ng kalinga at malasakit. Ibinubuyangyang man niya at tinitistis ang mga sugat, ipinadarama man niya sa atin ang hapdi nito, nag-aanyaya rin siya na samahan siya/sila sa paghahanap ng lunas, o kung hindi man, ay mag-ambag ng kahit kaunting ginhawa.
— Rowena P. Festin, PhD, guro at manunulat
Tatak Hannah Leceña ang Silang May Ngalan. Matindi ang mga imahen ng karahasan ng araw-araw na karanasan.
Sa mga akda ni Hannah, bawat pahina ay may mga bakas ng karahasan—mga buhay na isinantabi, mga tinig na hindi pinakinggan, at mga katawang patuloy na itinutulak sa laylayan. Pinapangalanan niya ang mga isinagilid, ang mga patuloy na isinasagilid, at ang mga matagal nang binura sa ating kolektibong gunita.
Sinasagot ng kaniyang mga akda ang pagninilay ni Resil Mojares sa The Haunting of the Filipino Writer: ang tunay na multo ay hindi yaong nasa mga lumang bahay kundi yaong mga alaalang hindi naililibing, mga kasaysayang pinatahimik, at mga buhay na pilit kinakalimutan. Pagharap ang panulat ni Hannah sa mga aninong patuloy na gumagambala sa ating budhi.
Ito ang lakas ng pagsusulat ni Hannah. Pinipilit niya tayong tingnan ang mga sugat, pangalanan ang mga ito, at tanungin kung bakit natin sila hinayaang maging mga multo.
— Will P. Ortiz, PhD, Samahang Pagong At Matsing,
Manunulat, Guro, Awtor ng Ang Pagbabalik ni Mariang Makiling Series
Hindi naman talaga tao si Hannah. Kundi, kuwentong nagkatawang-tao. Siya 'yung epitome ng "living to tell the tale." Ang hirap niyang matiyempuhang hindi nagkukuwento--ke kuwento ng engkuwentro sa bus o Angkas; nakajamming na askal at pusakal; tinititigang puno ng avocado o nakasampay na kumot o ang paghahanap kay Makiling at pagtatanong kung paano mamahalin ang kanyang Dios habang ginugunita ang mga mahal niya sa buhay sa kabilang pulo. Pero ano nga ba ang ipapangalan sa kanya? Kuwentista? Nobelista? CNFista? Makata? Spoken word artist? Guro? Tagasalin? Haynaku, lahat ay gustong subukan at gustong gawin ni Hannah. Pero pinakagusto ko siya kapag nagkukuwento siya tungkol sa kanilang lugar. Tungkol sa dagat at sa mga sumususo rito para mabuhay o mamatay lang. Ang lansa ng hangin sa dalampasigan at lansa ng uhog ng nangungulila at nauulila. Ang tungkol sa mga totoong tao at mga "dili ingon nato." At patitikimin niya kayo rito sa koleksyon niyang "Silang May Ngalan."
Hannah. Palindrome kuno ito. Pagbali-baligtarin man ay gayon pa rin. Sa Biblia, ermat siya ni Samuel na halos dalawang dekadang nanalangin upang biyayaan ng sanggol. Nilawitan naman siya ng awa ng Dios. Kaya iyun na rin ang naging kahulugan ng kanyang ngalan, Hannah--biniyayaan ng Panginoon.
— German Villanueva Gervacio, PhD, Manunulat at Guro, Awtor ng Sinsil Boys: Mga Maikling Kuwento
Tulad ng sabi ni Boyet, pangunahing tauhan sa isa mga kuwentong tampok sa koleksiyon, siya ay nanghuhula dahil kailangan ng tao ng pag-asa o babala – isang matalim na obserbasyon hindi lamang ukol sa panghuhula kundi sa pagkakahalintulad nito sa pagkukuwento. Ang mga kuwento ni Leceña ay umiinog sa mga tauhang ipinakikilala sa mambabasa bilang mga pangalan. Mariin ang panukala ng mga naratibo na sa likod ng mga pangalang ito ay mga salaysay ng paggigiit ng mga ordinaryong tao mula sentro hanggang gilid sa kanilang espasyo sa kabila ng patuloy ng pagkitid ng nakahiratihang pag-iral likha ng daluyong ng mga pagbabago mula labas at loob ng mula materyalidad at diwa. Udyok ang Silang May Ngalan na dinggin ang babala ng mga buhay-buhay na bagamat naglalagi sa gilid ng paningin ay hindi tumitimo sa kamalayan. Bibtbit din ng mga kuwentong ito ang pag-asa sa pagsambit at pag-alala sa mga pangalan ng mga taong palagi mang nakikita ay di nakikilala. Sa huli, ang babala at pag-asa ay iisa: ang makilala ang mga sarili sa pagtitig sa kaluluwa ng iba.
— Alwin C. Aguirre, PhD, Lawin Alwin, UP Diliman

155 pages, Paperback
Published January 1, 2026
Ratings & Reviews
Friends & Following
Create a free account to discover what your friends think of this book!
Community Reviews
No one has reviewed this book yet.