Matapos na matugunan ang demonyo sa sikmura at ang kaluwagang nadarama sa butas ng puwet, kaginhawaan naman ang sunod na matatamasa. Kaginhawaan mula sa paglaya sa duming panandaliang sumakop sa sistema. Samantalang ang inidoro na napuno ng suka’t tae ay bubuhusan ng ‘sambaldeng tubig upang ang lahat ng sinalong dumi nito'y anurin patungong imburnal, kung saan ito marapat lamang na maimbak. Maging ang gilid-gilid ng inidoro'y bubuhusan din upang matanggal ang mga talsik mula sa bulwak ng mga suka at tae. Pagkatapos nito, masasabing malinis na ang bituka at inidoro.
Ang naglalagalag naming mga katha ay isang dikotomiya lamang ng pagpasok at paglabas. Ang tanging mananatili lamang sa sistema ay ang sustansyang mula sa kung anong pinasok (kung mayro’n man) at ilalabas lang ang lahat ng hindi na kakailanganin nito.
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.