Isa na naman sa mga nagpatunay na "di mo pwedeng husgahan ang isang libro ayon sa kaniyang pabalat".
Medyo may saliw na gusto ipa-imagine sa magbabasa nito na may cinematic na may pagkakwela ang simula ng kwento ni Gelo. Akala 'ko kwela-kwela lang pero, syems, uungkatin pala nito ang kalakarang hindi makatao sa mga manggagawa at sa mga marginalized na myembro ng ating pamayanan. (*syems, lalim*)
Angas ang mga maiikling kwento na sulat ni G. Angeles. Hindi pangkaraniwan sa akin makatagpo ng mga ganitong kwento na may konklusyon na hindi direktang nakasulat pero maliwanag na nakasaad. Relevant, oo, pero napag-iwanan ang mga tema - - - yung tipo ng mga bagay na napag-iwanan pero mabigat na dinadala pa rin ng marami sa atin ngayon at sana madala pa natin kasi may kahalagahan pa.
Entertaining at enlightening, (kung may ganoon bang word).