Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Pagbabalik ni Maria Makiling

Ang Pagbabalik ni Maria Makiling: Unang Aklat

Rate this book
12-12-12

Disyembre 12, 2012.

Ito ang kaarawan ni Aya Aquiling na sabik niyang inaabangan. Maglalalabindalawang taon na siya sa petsang 12-12-12! May labindalawang paruparo na dumapo sa kanya. Suwerte raw iyong. At may birthday party pa siya. Kaya't di na niya pinansin ang iba pang mga kakaibang nangyayari sa kanya tulad ng paglapit ng mga galang hayop, biglaang paglago at pamumunga ng mga puno sa kanyang paligid, at pagsakit ng kanyang likod.

Pero nang sumapit ang hatinggabi, sa unang segundo ng kanyang kaarawan, magbabago ang takbo ng normal na buhay ng batang si Aya.

209 pages, Paperback

First published January 1, 2015

5 people are currently reading
75 people want to read

About the author

Will P. Ortiz

11 books13 followers
Will is a professor at the Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at UP Diliman. She loves writing children's literature. Her book Bugtong ng Buwan (UP Press, 2011) is about marginalized children. It won the Madrigal Gonzalez Best First Book Award, which was awarded by the UP Institute of Creative Writing in 2012. She also loves dogs and cats, especially the local Philippine Breeds.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
7 (25%)
4 stars
18 (64%)
3 stars
3 (10%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 5 reviews
Profile Image for elsewhere.
594 reviews56 followers
September 20, 2017
Nabili ko ang "Ang Pagbabalik ni Maria Makiling: Unang Aklat" ni Will P. Ortiz sa UP Press. Nang mabasa ko ang pamagat ng librong 'to, nakuha agad nito ang atensyon ko. Binasa ko ang buod sa likod; interesante, kaya naman binili ko.

Gustung-gusto ko ang konsepto ng libro - ang pamagat at ang mismong kuwento. Nagustuhan ko rin kung paano isinulat ang bawat kabanata - maikli at may pamagat. Talaga namang tinangkilik ko ang mga pangalan na ginamit dito, katulad ng "Malaya". Mahusay rin ang ending ng kuwento. Hindi nakakagulat (dahil ito ang pamagat at ito naman talaga ang iniikutang kuwento ng libro), ngunit nahumaling pa rin akong basahin dahil orihinal ang twist tungkol kay Maria Makiling. May mga ilang beses din akong naiyak o may naramdaman para kay Aya, ang pangunahing karakter, at para sa kanyang pamilya.

Okey naman ang mga paglalarawan sa mga kakaibang pangyayari at nilalang, pero minsan, parang may kulang sa paghabi ng mga salita at sa mismong paglalarawan. Marahil, nasanay ako sa estilo ng pagsulat ni Edgar Calabia Samar ng Janus Silang na may mahusay na pamamaraan ng paghabi ng mga salita. Pero kahit gano'n, marami pa rin akong hinangaan na mga linya ni Will Ortiz sa librong 'to. Bukod dito, may mga ilang parte rin sa libro na tila pasulpot-sulpot na minsa'y nakakalito at parang hindi gaanong kinakailangan sa takbo ng kuwento (maliban na lang kung lalabas muli ang mga pangyayaring 'to sa ikalawang libro).

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang libro. At kung magkaroon man ng pangalawang aklat, paniguradong bibilhin at babasahin ko. Ang aktwal na rating ko para sa librong 'to ay 3.75/5 stars.
Profile Image for Matô.
9 reviews
Read
January 31, 2025
Kauna-unahang beses sa buong buhay ko na nakatapos ako ng isang aklat sa isang upo lang!
Displaying 1 - 4 of 5 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.