Jump to ratings and reviews
Rate this book

Move On. Walang Forever!

Rate this book
Move On Walang Forever!

Nag-I love you siya sa'yo tapos friends lang.

Kayo na raw forever pero hanggang three months lang ang tinagal.

Hindi ka raw niya kayang saktan pero ito ka ngayon,walang humpay sa kakaiyak.

Ikaw lang daw ang mamahalin niya pero nabigla ka sa katotohanang mayroon pa pala siyang iba.

Magbabago na raw siya para sa'yo, pero pauli-ulit ka pa rin niyang sinasaktan at ikaw naman itong si Tanga,paulit-ulit na naniniwala sa mga sinasabi niya.

Payo ko sa'yo: Mag-MOVE ON ka na!

May forever pa bang naghihintay sa'yo o habang buhay ka nang bitter sa naging love life mo?

125 pages, Paperback

Published January 26, 2016

109 people are currently reading
1750 people want to read

About the author

Marcelo Santos III

8 books1,287 followers
Marcelo Santos III is a graduate of Polytechnic University of the Philippines with the course of Bachelor in Advertising and Public Relations last 2011.

He started to write poems when he was still in high school. Most of his works involve comedic poems and short stories.

In the 20th day of December 2009, he started to write Love Story on Video(LSOV), a new way of storytelling, where the words are written in a blank video accompanied by a background music.

LSOV became popular in Facebook and Youtube and made a way for him to be known in the world of internet. Right now, he is a Blogger, Short Film Director/Writer and an Author.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
226 (62%)
4 stars
46 (12%)
3 stars
39 (10%)
2 stars
25 (6%)
1 star
23 (6%)
Displaying 1 - 19 of 19 reviews
Profile Image for Reign.
220 reviews28 followers
October 7, 2016
So lame. Well, masaya ako sa lovelife ko e. Bakit kinokontra niya kung nahingi ng advice tungkol sa problem niya? Weird. Pinaka-non-essential book ni Santos III ito. Oh well, English books again. Thanks for this, anyway.
Profile Image for bookishpoetess.
623 reviews75 followers
March 8, 2016
THERE'S MORE TO LIFE THAN LOVE!

Mas gusto ko pa rin yung naunang dalawang libro ni Marcelo. Hindi ko alam kung ako ba yung may problema o hindi ko lang talaga nagustuhan yung libro. Okay lang naman siya. Pero hindi na lang siguro ako natuwa. Hindi ko na nakita sa librong 'to yung Marcelo Santos na minahal ko dahil sa unang dalawang libro niya. Para siguro sa iba maganda dahil makaka-relate ka naman talaga sa mga hugot niya. Kahit nga ako relate eh. Parang common knowledge na lang kasi pero mas maganda lang dahil naipaliwanag nang mas maigi yung mga bagay na mahirap sabihin. Okay naman. Pero baka hindi na lang din para sa akin yung ganitong mga uri ng libro.

Isang librong puro hugot, mga bagay na hindi mo magawang sabihin sa mga taong nang-iwan, nagpaasa at nanloko sa'yo. Mga salitang paniguradong gusto mong isampal sa mga taong nagpaiyak at nanakit sa'yo pero hindi mo magawa kasi nauuna ang pag-intindi dahil mahal mo pa. Ito yung librong magpapamukha sa'yo na WALANG KAYO. MAY MAHAL NA SIYANG IBA. NILOKO KA NIYA. PINAASA KA NIYA. INIWAN SA ERE. KAIBIGAN KA LANG. NAG-ASSUME KA LANG. UMASA KA LANG. Yun na yung summary nung libro. MAGMOVE ON KA NA.

Pagkatapos ng unang chapter, wala na lang akong maramdaman. Parang naglaho na lang bigla lahat ng pakiramdam ko. Parang may off button na ako kapag nagsisimula na akong may maramdaman. Na para bang kahit masakit naman, hindi ko ramdam. Wala na. Kasi nga wala na lang eh. Nasanay na lang. Hugot diba?
Profile Image for Marla Tabelina.
7 reviews
January 15, 2016
Relate na relate naman ako kahit hindi naman dapat. Hahaha. Ewan ko ba, bakit parang halos lahat ng nabasa ko sa librong ito, akala mo naexperience ko na pero hindi naman. Yung tipong matatawa nalang ako habang nagbabasa at masasabi ko nalang, parang sinulat ang librong ito para sa akin. Hahaha.
Profile Image for Tim de Leon.
127 reviews
March 21, 2016
"Minsan kasi. hindi naman tayo ang biktima sa isang hindi matagumpay na relasyon. Kadalasan, tayo pa nga ang nagbibigay ng rason para bumitiw ang taong nagmamahal sa atin. 'Yung tipo bang marami tayong expectations at requirements para masabi nating masaya ang relasyong mayroon tayo. Kadalasan, hindi natin nalalaman ng TAYO NA PALA ANG DAHILAN kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kung bakit nila piniling umalis at hindi na magpatuloy pang magmahal."

------------------------------------------

May isang tao ang nasa isipan ko habang binabasa ang ilang bahagi ng aklat na ito. Siya 'yung taong nagmahal lang naman at ibinigay lamang ang kanyang makakaya sa relasyong mayroon siya, pero nagawa pa ring saktan ng taong mahal niya.

Ganito nga siguro ang mundo ng pag-ibig, masalimuot. Pero worth it naman kung ang kasama mo ay ang taong ramdam mong nararapat na sa iyo. Ang pag-iibigan ay hindi puro kilig, hindi puro saya, minsan nandiyan ang problema, minsan, nagkakasakitan ng damdamin. Normal 'yun. Pero kung sobra ka nang nasasaktan sa taong iyon...Aba, nasa iyo 'yan kung ipagpapatuloy mo pa ang relasyon ninyo at paulit-ulit na masasaktan o tapusin na ang relasyong alam mong hindi na makabubuti pa sa iyo. Alalahanin mo rin naman ang iyong sarili, ang iyong kalayaan, ang iyong kaligayahan, ang iyong kinabukasan. Mahirap na nananatili ka sa maling tao. 'Yung taong akala natin ay pang-forever na, hindi pa pala.

Maraming aral ang ibinahagi ng aklat na ito pagdating sa pagmu-move on...para sa taong pinagkaitan daw ng FOREVER nila. Nariyan din ang mga hugot na tinatawag. Narito ang ilan sa mga pangungusap na tumatak sa akin...

"...ang forever naman ay nasa taong gustong mapatunayan ito. Na ang existence naman ng forever ay magkakaiba sa pananaw ng mga tao. 'Yung iba, mayroon, sa iba naman, wala."

"Minsan, kailangan mong tanggapin na may mga tao talagang kaya kang pakiligin pero hindi ka kayang mahalin."

"Kung ayaw mo nang masaktan pa, lumayo ka na habang maaga. Hangga't hindi ka pa gaanong nasasaktan, kasi kapag pinatagal mo 'yan, mas lalo kang mahihirapan kasi baon na baon ka na sa feelings mo para sa kanya."

"Natatakot kang mawala ang dahilan kung bakit masaya ka ngayon."

"Takot ka lang kasi kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo. Na minsan, hindi natin nalalaman, wala na pala tayo sa lugar para maramdaman iyon."

"Natatakot ka sa katotohanan."

"Napakadaldal ng utak mo pero pagdating sa puso mo, nauutal ka."

"Siguro may mga bagay lang talagang kapag nasira na, mahirap nang balik pa sa dati."

"Sa buhay ng tao, napakaraming choices ang pagpipilian. Lagi siyang mago-offer ng deal para sa kaligayahan mo. Doon mo malalamang lahat ng saya at tagumpay sa buhay ay may kabayaran. Pinaghihirapan. Pinaglalaban. Pero dumating ka sa puntong may dalawang pagpipilian at hindi mo alam kung saan ka ba mas sasaya. Walang kasiguraduhan pero kung hindi mo sinubukan, hindi mo malalaman. Nasaktan ka man sa mga nangyari, ang importante, kinaya mo."

"Sana hindi na matapos pa ang saya. Sana hindi lang ito panandalian. Sana siya na talaga hanggang sa dulo. Sana"

"Walang forever na malungkot. Walang forever na nagdurusa."

"Minsan para sumaya ka, kailangan mong tanggapin ang mga bagay na wala na."

"Minsan, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi masamang magpahinga. Hindi bawal ang mahalin ang sarili. Kailangan mo 'yan para mabuhay. Hindi mo kayang umibig kung sa sarili mo mismo, uhaw ka sa pagmamahal at kaligayahan."

"Hindi magiging madali ang paglimot mo sa kanya kung patuloy mong aalalahanin kung paano ka niya pinasaya."

"Pinagtagppo tayo ng kapalaran ngunit hindi nakatakdang magkatuluyan."

"Nakakapagod palang ipaglaban ang taong matagal ka nang sinukuan."

"Kasi ang paghingi ng time and space ay ang safest wal na makipag-break sa taong hindi mo na minamahal. Unti-unti. Nakakabaliw. Dahan-dahan hanggang sa ako na mismo ang bumitiw."

"Sa pag-ibig naman, hindi laging masaya. Hindi laging may tawanan."

"Mahal mo pa siya? 'Yung ex mong sinaktan ka kaya mo ako nakilala kasi ako itong tanga na mabilis maawa kaya sinamahan kita noong sa tingin mo wala nang taong nagmamahal sa'yo. Ako 'yung tangang nasa tabi mo, nakikinig sa mga hinanakit mo, habang hinihimas ko ang likod mo at sinasabing nandito lang ako para sa'yo."

"Masasabi mong naka-move on ka na kung ang taong hindi mo makalimutan noon, matatawa ka na lang kapag naririnig mo ang pangalan niya ngayon."

"Bago mo siya pakawalan. siguraduhin mo munang wala ka nang nararamdaman. Dahil wala nang sasakit pa sa paghihinayang sa taong tunay ka namang minahal pero pinili mo namang saktan."

"Nasaktan mo siguro kaya nagbago."

"Walang pumipigil sa'yo na magbago pero may mga taong huhusgahan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Again, lagi mo lang tatandaan, nasa kamay mo ang susi ng kasiyahan mo. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo kailangan ng approval ng ibang tao. Sabi nga nila, kailangan mong mag-take ng risk. Calculated risk. Ito 'yung mga desisyong alam mong kakayanin mo. Kung anuman ang kalalabasan."

"Hindi naman talaga siya ang nagkulang sa inyo. Hindi ka lang siguro marunong makuntento."


"Kung hindi lang siguro natin hinahanap ang wala naman talaga, kung marunong lang tayo um-appreciate ng mga effort na abot lang sa makakaya niya, kung marunong lang tayong magtiwala at hindi maghinala, siguro okay sana ang love life natin ngayon."

"Ang mga ingredients lang naman ng isang masayang relasyon ay pag-ibig, bukas na isip, pagtitiwala, pag-unawa, pagpapatawad, pakikinig at pag-uusap."

"Minsan kasi nami-miss lang natin ang feelings, hindi ang mismong taong nagparamdam nito"

"Kapag tapos na, hindi na dapat binabalikan pa. Sinaktan ka na 'di ba?"

"Hindi naman porke't sumuko ka na, ikaw na ang masama. Hindi ganon. Pinili mo lang siguro ang kalimutan ang sakit at matuto sa nakaraan."

"Time heals all wounds."

"...lahat naman tayo ay deserve na maging maligaya."

"...may tamang panahon para sa lahat."


Pagbibigay ng simpatya sa mga taong nasaktan, ito siguro ang purpose ng aklat na ito. At somehow, nakaka-relate ka naman 'di ba?

Ngayon, eto ang katanungan, naniniwala ba ako sa FOREVER? Noon, naniniwala akong WALANG FOREVER pero meron pala, kung hindi nakalaan sa kanya ay malamang nakalaan para sa iba.

Balik tayo sa taong nasa isipan ko. Masaya na siya ngayon, naka-move on na at natagpuan na niya ang taong makakasama niya FOREVER.
1 review
Read
January 9, 2023
No
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
January 1, 2016
This is an okay book for me. It's written for young people and could have been more applicable to my 20-year old daughter than me. It's just that my daughter seems to be too happy nowadays that this book is also not applicable to her.

This book is for the brokenhearted. Those who are nursing the pain from losing their significant others. That's why the title says "move on": life goes on even without that lover on your side. Then it emphasis what all of us knows: "walang forever" (translation: there is no forever). Really, there isn't and you know it, right? Even how intense couples love on another, they will part ways when one of them dies or when they both die, say in an accident. Then we don't know what happens in the afterlife. Just like what I just read this morning. There is a scene in Makinilyang Altar (4 stars) by Luna Sicat-Cleto. The wife says "Makikila mo pa ba ako sa kabilang buhay" and the dying husband answers, "Oo. Para sa akin ikaw pa rin ang pinakamaganda roon." But we don't know. That husband does not know. These lines reassures and nice to think about in but really, we don't know.

But for those who are really in love (like me, ehem), we know that the love that we feel can last more than this lifetime. Right? So, in our hearts, we know that there is forever. We believe on how we feel and that's the beauty of loving someone that much.

This is the fourth book by Marcelo Santos that I've read. Santos is a 24-year old bestselling author here in the Philippines. When he post on Facebook, his millions of fans instantly click "Like" as if what he posts is a newfound absolute truth. Admittedly, I am his fan but not to the point of liking everything. There is some sincerity in what Santos shares on Facebook and he knows it as he says in his third book that maybe advising people is what God wants him to do and if indeed it is, then he will gladly obey.

This book is like putting that role into action because not everyone has access to social media. There are some chapters here about Santos' conversations with close friends with broken hearts. There is also a chapter here that reminds me of the arguments between heart and brain (puso at utak) about moving on. This reminded me of the same conversation between puso at utak in his first book, Para sa Hopeless Romantic (4 stars). I also liked the metaphors of Puerto Galera, Nagtahan Bridge and Yeng Constantino. There is also the Hugotsyunaryo at the end of the book that I know young people would love to refer to.

Had I been in my teens or early 20's I would have given this book at least a 4-star rating.
Profile Image for Karen Jane H. .
3 reviews26 followers
Read
May 6, 2016
I would be biased if I say that the book is timely for me but i like the way it is written. pinag isipan, hindi lang basta-bastang idea ang sinusulat. Move on. Walang forever gives us hope. This book could help us awakens our sprouting expectation to someone. Others may foresee this book as something for those who are bitter and who can't move on, Yes it could be but this book would help you, if not, give you the idea na WALANG FOREVER NA MASAKIT (There is no forever pain), MOVE ON!

Spoiler alert!
Profile Image for jomaof ジョアナ マリ.
12 reviews4 followers
April 16, 2016
What I love about Marcelo may pusong babae siya alam niya kung anong nararamdaman ng isang babae... Parang babae ung author at hindi lalaki.. Magugulat ka nalang ang lalim ng mga hugot niya.. I admire him sa mga books niya..
Profile Image for Elizah Viray.
4 reviews
March 15, 2016
para lng to sa mga broken hearted... d ako makarelate hehe pero alam ko na pg na broken hearted ako hihi
1 review
December 16, 2016
Para sa mga nasawi sa pagmamahal. At umiibig ng mag-isa.
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
Read
July 19, 2016
pwede po bang mag basa
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 19 of 19 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.