Jump to ratings and reviews
Rate this book

Diary ng Chubby #1

Diary ng Chubby

Rate this book
I want a man who will stay beside me come what may. I want to grow old with that man, yet also growing as a person separate from him and sharing my growth and experiences with him.

Ako si Yuli. Mataba ako. Malaki ang tiyan pero hindi ako buntis. Kapag yumuko, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng mga tao base sa aking timbang. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng bilbil at baba ko.

Ito ang aking kuwento: ang pakikipagsapalaran ng isang babaeng maraming cellulite sa mundo kung saan galit ang mga tao sa fats, kung saan ang mga chakang boylet ay feeling utang-na-loob namin sa kanilang pansinin kami—excuse me po, kahit mataba ay may taste din—kung saan mas pinipili ng mga boylet ang mga chaka kaysa sa matataba—takot sigurong madaganan.

Paano kung sa paghahanap ko ng boylet ay isang bampira ang matagpuan ko? Puwes, buong puso kong ipapasipsip sa kanya ang mga fats ko. Puwede kaya?

Ito ang heavy-gat na kuwento ng buhay at pag-ibig ng babaeng nagtampisaw sa labas ng bahay noong araw na magsabog ng fats ang langit. Ito ang diary ng mataba, na pasosyalin natin ang tunog at gawing Diary ng Chubby.

384 pages, Paperback

Published October 3, 2014

5 people are currently reading
49 people want to read

About the author

Vanessa .

126 books457 followers
Vanessa is a Filipino writer. She self-publishes through Whimsical Books Ph.

FB: VanessaChubby

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
7 (36%)
4 stars
2 (10%)
3 stars
7 (36%)
2 stars
2 (10%)
1 star
1 (5%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Winter Aragon.
Author 3 books19 followers
March 19, 2018
Matagal-tagal noong huli akong nagbasa ng Filipino na nobela.

Sa umpisa pa lang ay nadala na ako sa istorya ni Yuli. Nakakatawa ang kwento niya mula sa pagiging single hanggang sa pinag-aagawan na siya ng tatlong lalaki. Ang haba-haba ng buhok nito ni Yuli, sarap gupitin.

Noong nabasa ko ang tungkol sa bampira at Carphatian Mountains, naalala ko ang paborito kong Dark Series. Miss Vanessa, fan din po ba kayo ni Christine Feehan?

Si Inday talaga ang pinakapanalong supporting character. Love her to the moon and back. Sa bandang gitna at malapit na sa dulo medyo nahabaan lang ako.

I enjoyed reading this book. I'm a new fan of yours, Miss Vanessa. :)
Profile Image for Shai.
950 reviews868 followers
April 20, 2018
Sabi ng friend/colleague ng sister ko ay nakakaiyak daw ang story nito. Naiyak nga ako sa kakatawa lalung-lalo na dun sa beginning ng bawat chapter. Dati ko pa talaga gustong basahin ito kasi nagtataka ako dahil sa laging kasama siya sa bestseller list. So nung nagkaroon ng chance na mabasa ko 'to, yun at di talaga ako nagsisi. Sobrang ganda at nakaka-aliw kasi ang story ni Yulli na pinag-aagawan ng dalawang boylet. Isama pa ang kuwelang sidekick niya na si Inday sa adventures ni Yulli at talagang super laugh trip ang mga eksena.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews