Jump to ratings and reviews
Rate this book

Colon

Rate this book
Isang hindi inaasahang bisita ang dumalaw sa huling araw sa lamay ng tumayong mga magulang ni Blesilda. Bitbit ng matanda ang isang lihim sa pagkatao niya na magdadala sa kanya mula sa kumportableng buhay ng call center executive sa Maynila patungo sa masalimuot na mga lansangan ng Cebu, sa kabukiran ng Manili sa North Cotabato, at sa kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong panahon ni Marcos, ng karahasan ng mga Ilaga sa Hilaga at Gitnang Mindanao, hanggang sa kasalukuyan sa patuloy na tunggalian ng mga kasaysayan, mga paniniwala, at mga imahinasyon sa lokasyon ng isang nawawalang bayan. Ang Colon ay nobela sa paghahanap ng identidad, ng pag-ibig, ng kayapaan at kalayaan, at ng mga pinatatahimik na naratibo ng mga tauhan na patuloy na naghahanap ng daigdig na matitirahan lamang sa pagtuklas at pagtakas.

204 pages, Paperback

First published January 1, 2016

14 people are currently reading
156 people want to read

About the author

Rogelio Braga

6 books29 followers
Rogelio Braga is an exiled playwright, novelist, essayist, publisher, and human rights activist from the Philippines. They had published two novels, a collection of short stories, and a book of plays before leaving the archipelago in 2018. Braga was a fellow of the Asian Cultural Council in New York for research on political resistance in theatre and performance across Southeast Asia in 2016. Their works were read and performed at the Cultural Center of the Philippines in Manila, Mercury Theatre in Colchester, National Theatre Studio, and Soho Theatre. Miss Philippines (New Earth Theatre) is their first play written entirely in the English language was recently awarded by the Writers' Guild of Great Britain in their inaugural New Play Commission Scheme. Braga currently lives and writes in London as a refugee under the Convention.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
56 (65%)
4 stars
20 (23%)
3 stars
7 (8%)
2 stars
2 (2%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 17 of 17 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
February 14, 2017
Isa sa pinakamatalinong akdang Pinoy na bagong labas. Marami sa mga bagong lokal na akda ay kadalasang tungkol sa pag-ibig at sa mga hugot tungkol sa kabiguan dito. Marami ring tungkol sa mga artista o sikat na tao. Bibihira ang katulad nito na tumatalakay sa mahahalagang isyu sa Pilipinas. Ito ay dahil sa maraming kalaban ang ganitong libro. Pipiliin mo bang magbasa ng isa o dalawang araw kung meron namang pelikula? At kung may pelikula, pipiliin mo ba yong masakit sa dibdib (kahit nakakapuno ng utak) o yong matatawa ka o kikiligin ka?

Ang Colon ay hindi tungkol sa bituka (kagaya ng una kong akala). Ito ay tungkol sa isang kalsada sa Cebu City na sinasabing pinakamatanda ngunit pinakamaikling national road sa Cebu. Dalawang beses na akong napasyal sa Cebu pero hindi ko inalam ang mga daan. Sa pagbabasa nitong akdang ito, parang gusto kong bumalik at masdan, damhin, namnamin kung ano ang meron sa kalsadang ito. Ganoon ang epekto sa akin ng akda lalo na yong parte na masusing inilalarawan ito ni Braga. Parang Ongpin lang ni Edgardo Reyes sa Sa Mga Kuko ng Liwanag (4 stars).

Pero yaon lang ang puwedeng paghahambing ng Kuko sa Colon. Ang Colon ay di kuwento nang nawalang pag-ibig. Nagsimula si Blesilda> na walang lovelife. Nagkaroon o halos nagkaroon. Ang Colon ay kuwento ng mga Moro at kung paano sila naging biktima ng naghaharing uri sa Pilipinas. Nariyan ang mga Kristiyanong panatiko na inaakalang may atas sila mula sa Simbahang Katolika na lipulin ang mga Morong naniniwala kay Allah. Nariyan ang mga kapitalista at oligarko na siyang nagpapatakbo ng ekonomiya at may malakas na kapit sa kung sinong nakaupo sa Malakanyang. Dito sa Colon sa pamamagitan ng mahusay na pagbubuo ni Braga ng kuwento at kung paano ang mga tauhan ay nagbigay buhay upang ilarawan ang sakit na ito sa relihiyon at lipunan, buong-buo ang diskurso ng Kristiyanismo laban sa mga Moro. Isang suliraning nais malutas ni Presidente Duterte bago raw matapos ang kanyang termino o ang kanyang buhay.

Bukod kay Blesilda, marami ring mga tauhan rito ang madaling matandaan at mahalin. Marami ring tagpo ang naiwan na sa aking isip at maaaring manatili hanggang ako'y nabubuhay. Ganoon magkuwento si Braga. Ang mga tauhan niya ay parang nakilala mong lubusan habang binabasa mo ang buhay nila. Ang mga pangyayari, kagaya ng pagpapatayin ang mga Moro sa loob ng kanila mosque ay parang nakintal na sa isip ko kahit wala ako roon o kahit nangyari yon bago pa ako naging tao.

Ang pinakamadaling panghikayat sa iyo upang basahin ito: mahirap bitawan. Sa simulang mabasa mo, parang gusto mo nang malaman ang mga susunod na mangyayari. Ulit, bihira ito sa Pinoy books. At kung may duda ka pa na nakakabobo ang mga lokal na akda lalo na kung nasusulat ito sa ating wikang Filipino, magdalawang isip ka na. Kakaunti pa ang kayaga ni Braga kung magsulat pero dumarami na sila.

Rogelio Braga, sa iyo na ang lahat ng bituin!
Profile Image for Haidie Sangkad.
1 review38 followers
August 24, 2016
A book for the Filipino millennials who are incognizant of what it was like to be a Moro in the hands of dictatorship. Rogelio Braga is easily one of my favorite authors after this novel.
1 review
October 30, 2016
This book gave me a serious crisis on being a Filipino for months. This is one of those books that after reading it will give you more questions than answers and the novel will linger in you for long. The book was written for an 'easy reading experience' like reading a suspense thriller novel following a single character. But after reading it then I realized that Colon is not a simple book. The novel happens in several periods (Martial Law, present time, several periods in the lives of characters, etc)--different periods intersecting with each other, its narration shifting in several points-of-view, layers and layers of stories supporting and contradicting each other--it was so complicated and nebulous but the storytelling made everything so seamless as if I was deceived by the book when I was reading it. Colon should be read by young Muslims/Moros and Filipinos --especially those who are living outside Mindanao.
Profile Image for Jehu Laniog.
2 reviews14 followers
March 22, 2016
"Para kaninong bayan ka lumalaban?"

Isa ito sa mga tanong na pumasok sa akin pagkatapos kong mabasa ang nobela ni Rogelio Braga. Mas pinatatag ng nobela na ito ang sagot sa hinuha ko tungkol sa bayan at kung paano tayo nagkakaroon ng iba't ibang bayan na pinagsisilbihan.

Palagi't palaging mayroong hiwa sa pagitan ng isang bansang ang kasaysayan ay ginamitan ng divide and conquer ng mga mananakop. Ang tanong ngayon ay paano pahihilumin ang hiwa na ito?

Ang nobela ni Rogelio Braga, tulad ng mga nauna niyang likha ay isang patunay na may mas malaki pang saysay ang panulat kaysa mang-aliw ng mambabasa. Na ang panulat ay makapangyarihan na sandata laban sa mga mang-aapi.

Ang Colon ay isang pagtawag ng muling pagtingin sa kasaysayan at sa lipunan. Basahin ito. kuwestyunin ang sarili, kuwestyunin ang lipunan at sa huli, maging isang mulat na mamamayan.
Profile Image for Camille Joyce L.
42 reviews
December 24, 2020
Napakahusay, sana ay mabasa natin itong lahat, mapa-Kristiyano o Muslim. Napakahusay talaga. Salamat, Rogelio, sa pagbibigay-buhay sa karahasang pinagdaraanan ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao.
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
January 23, 2018
Kakatapos ko lang ng Colon nitong nakaraang Linggo at sobrang gandang-ganda ako sa nobela. Sana mabasa ko rin ang Lihim ng Nakasimangot na Maskara. Ang lungkot-lungkot ko nung nabasa ko ang nangyari kay Aldo at sobrang nalungkot ako noong kinukwento na yung lihim ng pamilya niya. Sobrang kinikilabutan ako sa kasaysayan ng mga Ilaga at Moro na ilang beses kong kinakailangang huminto at huminga ng malalim habang binabasa ang libro dahil hindi ko matanggap ang mga nangyayari at masyadong mabigat sa puso. Lalong-lalo na doon sa parte na hinagisan nang hinagisan ng bomba ng mga Ilaga ang Masjid sa Manili. Sobrang kinikilabutan ako na maaalala ko ang eksena ng paglulublob ng paa sa planggana yung taas ng dugo na kumalat sa Masjid. Ang lungkot-lungkot ng basa ko sa Colon. Nakakakilabot ang kasaysayan.

Sana mabasa pa ito ng marami.
Profile Image for JM Juanerio.
18 reviews
February 6, 2017
Ang Colon ay isang nobela na hindi lamang isinulat upang aliwin ang mambabasa ngunit upang magpahayag ng katotohanan. Katotohanang pupukaw sa iyo bilang isang tao at bilang isang Pilipino. At dahil sa nakasulat ito sa wikang Filipino, tagos sa puso ang bawat salita habang binabasa mo ito. May mga pagkakataong maibababa mo ang libro upang huminga ng malalim, may mga pagkakataog gusto mong sumigaw at umiyak ngunit walang boses na lumalabas at walang luha na pumapatak, at may mga pagkakataong mapapamura ka sa galit. Matapos ang lahat, tatanungin mo ang sarili mo "bakit kaya wala akong alam tungkol sa mga ilaga?". Simple, ang katotohanan ay pilit na ikinukubli ngunit nasa sa atin na lamang kung ito ba ay ating aalamin o babalewalain na lamang. Para sa mga kapatid kong Moro/Islam, makamit nawa ninyo ang kapayapaan na na ninanais ng inyong mga puso.
Profile Image for Bianca Nagac.
64 reviews6 followers
July 1, 2019
Rogelio Braga, maraming salamat at inilathala mo ang makabuluhang kwentong ito.

Gustong-gusto ko kung paano itinahi ni Braga ang kwentong fiction at non-fiction sa librong ito. Bagaman hindi ako ganap na Muslim, relatable ang libro ito para sa isang Kristiyano. Matagumpay si Braga na ipaintindi at ipadama sa mga mambabasa ang sitwasyon ng mga kapatid natin sa Mindanao.

Hindi pa man ako nakakapuntang Cebu ay pakiramdam ko nakita ko na ito. Dahil iyon sa metikulosong paglalahad ni Braga kung ano ang environment sa Cebu. Eksaktong eksakto ito sa mga kwento sa akin ng nanay ko (dahil doon siya nag-kolehiyo).

Ito ang isa sa mga libro ko na hinding hindi ipapahiram kahit kanino. Mas mainam kung bibili mismo ang mga mambabasa ng kanilang sariling kopya. Ito ang klaseng libro na nararapat mailagay sa ating bookshelves.
Profile Image for Jane Marga.
203 reviews
May 1, 2020
Nahirapan akong bitiwan ang aklat hangga't hindi ko natatapos ang lahat-lahat sa nobela. Pero ang katotohanan sa labas ng aklat na tungkol sa mapait at madilim na kasaysayan ng mga Moro sa bansang ito, hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
Masakit, mahapdi, nakagigimbal ngunit mausisa at mapang-usig.
Lahat ay obserbasyon sa kasaysayan mula noon hanggang ngayon.
Hamon ito na basahin at pagkatapos ay palawakin ang pagtingin sa kung gaano kalalim ang pang-unawa natin sa kwento ng ating bayan at sa identidad ng ating lahi. Bakit patuloy ang hidwaan sa Mindanao? Bakit hindi nila matawag na Filipino ang mga sarili ng mga kapatid nating Muslim? Ano ang pinag-ugatan ng karahasan? May katapusan kaya?
At sa huli, ang tanong sa sarili: kaya ko pa rin bang tawagin ang sarili ko na Filipino matapos nito?
Profile Image for all the best, mart.
53 reviews2 followers
September 23, 2025
compelling themes & interesting topic, but too much exposition. i can't feel a thing. the author is too involved in calculating the narrative, instead of letting the characters drive it on their own. this makes them feel flat and unbearable to read. i feel like this could be shorter without all the unnecessary explanations that don't move the plot forward. this book is not inherently bad, only the writing style is not for me. i feel like a very good material is being wasted here. but the good thing is, i still learned a lot—mostly through my own research. this book was just a catalyst that sparked my interest in the lives and history of the moros in mindanao. DNF (pg. 38). i'd rather read a textbook. maybe one day, i'll get back to it and see it from a different perspective.
Profile Image for Cristiano.
14 reviews1 follower
February 21, 2025
finally finished. took me a while... agree with other *reviews that this is a good read for christians and muslims alike. goes over history of moro minorities in the philippines that seems to be erased from textbooks. 4.5+

would like to work with author to translate this book so more people are able to read it...
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Past Tenseee.
24 reviews
May 10, 2020
I read this in one-sitting! I've got to know more about the Muslim's way of living. It gave new perspective about the Moros and Filipinos conflict. An eye-opener for every Filipinos. I learned a lot of life lessons here. You should read this. A masterpiece, indeed!
Profile Image for strelitzia.
20 reviews9 followers
Read
April 18, 2023
My reading experience with this is quite similar to what I had with 'GAPÔ. It is informative and I learned a lot about the situation of the Moros, perspectives held towards the Filipinos, and the activities of the Ilagas.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Justin.
17 reviews
April 20, 2025
Long overdue review sa isa sa pinakapaboritong nobela na nabasa:

Kung naghahanap ka ng matalinong nobela, ito 'yon. 

At kung hinahanap mo ang iyong sarili — o nahanap mo na pero pakiramdam mo'y gusto mong hanapin uli — dito ka magsimula, sa gula-gulanit mong nakaraan; sa tagni-tagning gunita na siyang bumabalot (nang hindi mo alam) sa iyong pagkatao. 

---

Tao lang si Blessilda, ang pangunahing tauhan sa nobelang ito ni Braga. 

Pagsasatitik ito ng paghahanap niya sa kaniyang sarili, gayundin ang pagkuwestiyon niya rito buhat ng pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan na si Justin, isang historyador na nagtatapos sa kaniyang MA Thesis tungkol sa mga Ilaga—mga paramilitar ng estado, na ang tanging layunin ay sugpuin ang pakikibakang Moro sa katimugan (iyon ay, sa Visayas at Mindanao), o kahit yaong mga Moro mismo.

Sa 'paghahanap' na ito ay makakasalamuha ni Blessilda ang ilang tauhang makapagbabago ng kaniyang pagtingin sa mundong ginagalawan niya, gayundin sa mga mundong gumagalaw naman sa kaniyang paligid. 

---

Nababalot ang nobela ng karahasan, partikular ang danas ng mga kapatid na Moro sa katimugan sa kamay ng mga Ilaga, o, ayon sa nobela, sa mga "daga." Isinakasaysayan nito ang sistematikong inhustisya, mula kay Marcos hanggang sa pagbabanggaan ng pambansang kasaysayan (o national history, na madalas ay kasaysayan lang naman ng Kamaynilaan) at kasaysayang Moro; ang mga estereotipikong pagtanaw ng Kamaynilaan (noon, na marahil makikita pa rin magpahanggang ngayon) sa mga Muslim; at higit sa lahat, ang pagka-'Filipino' ng Morong identidad. 

Ang huling porma ng danas — o ang kabuluhan/kalul'wa ng nobela — ay pinakamatingkad (para sa akin) sa ika-labing walong kabanata. (Sa totoo lang, maaaring pumasa ang kabanatang 'to bilang maikling kuwento, e.) Sa naturang kabanata, si Ida, ang kumupkop kay Blesilda sa Colon, ay tahasang kinuwestiyon ang pangangailangan na maging 'Filipino' ng mga Moro—i.e., "Filipino-Muslim"—na parang ang kawalan nito ("Filipino") ay kawalan na rin ng kanilang identidad, o higit pa, ng kanilang lugar sa kapuluang ito, ng kanilang kasaysayan. 

Ngunit, litaw din sa nobela ni Braga na gagap niya ang (mga) karahasang dinanas ng ating mga kapatid na Muslim—sentral dito ang Manili massacre. Nalungkot ako nang sobra (at wala nang iba pang emosyon kundi ito, galit, at pagkamuhi) habang binabasa ang bahaging 'to: akala ng mga Moro'y handa nang makipagkasundo ang estado kaya't tinipon ang isang maliit na komunidad sa kanilang masjid (o mas kilala natin bilang "mosque"); at nang magawa iyon ay pinaulanan sila ng bomba at bala, iyon ay, binato ang una sa loob ng masjid, at ang makalabas nang buhay ay pinaulanan naman ng huli; at nang matapos ang putukan, ayon sa nagsasalaysay, ay mistulang lumalangoy ang mga bangkay sa sarili nilang dugo—na kung hindi mo pa rin maunawaan o lubos na maisip: kumuha ka ng palanggana, tumapak ka sa loob nito, buksan mo ang gripo at paabutin sa iyong bukong-bukong (ankle), ta's subukan mo pang magtampisaw gaya ng ginagawa mo nung bata ka habang iniisip na dugo 'yan ng iyong kapatid, ng iyong magulang, ng iyong anak. 

---

Kung may mairerekomenda akong nobela o libro na sana ay pulutin muli ng mga independent publisher para ilimbag, ito 'yon. Makabuluhan ang mga ipinupukol na polemiko ni Braga rito tungkol sa identidad, karahasan, inhustisya, at gayundin sa matagal nang digmaan at laban para sa kalayaan ng Muslim Mindanao. 

Hindi lang ito paglilibot sa Colon, Kamaynilaan, at Marawi; paglalakbay ito sa pasikot-sikot ng katauhang bumubuo sa atin. 

Kung manghilakbot ka rito ay mabuti; kung hindi, baka ikaw ang tinutukoy na "Filipino" sa nobela na dapat naming katakutan.
Profile Image for cosh.
25 reviews1 follower
December 6, 2022
taught me a lot of things about people and situations in mindanao. this is perhaps the book that awakened me on my perspective that is widely influenced by manila-centrism. the author's writing style is superb, as well. everything about this book is a chef's kiss. too bad i cant act upon the knowledge i get from here.
Profile Image for Sherfil Kate.
1 review
April 20, 2017
I grew up reading my books in English. But this book, Colon, made me realize that I was an alien in my country.

It made me cheer of Blesilda and Lolo Cali and Ida and Aldo the 'Loverboy'. The characters were animated in the figment of my imagination.

I just absolutely love this book!
Displaying 1 - 17 of 17 reviews

Join the discussion

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.