Ano nga ba ang talumpati? Bakit mahalaga ito noon, ngayon at kahit sa kinabukasan?
Ang talumpati ay isang katha para ipahayag sa harap ng publiko. Ito ay ukol sa isang mahalaga at napapanahong paksa. Marami itong layunin tulad ng pagbibigay-kabatiran, pagtuturo, panghihikayat, pagpapaganap o panlibang. Minsan ito'y nagpapatawa ngunit nagbibigay-kaalaman pa rin. Kung minsan ang pananalumpati ay tinatawag na pagdidiskurso.
Ang mga talumpating natipon ay makabuluhan para sa ating mga Pilipino. Iba't-iba ang ating minimithi, mga pangarap at katangian. Ngunit pare-parehong nais nating may matutunan. Upang sa ating matutunan, magagamit natin ito upang umunlad.
Basahin at matuto sa mga talumpating natipon at maging produktibong mamamayan para sa ating bayan!
Samot-sari ang mga tinipong mga sanaysay rito (bagaman ang iba naman ay mga tula)—mula sa impormasyonal, pangwika, politikal, at damdáming nasyonalismo. Nagustuhan ko ang “Ama Namin . . . Sambahin Ang Ngalan Mo . . . Amen” ni Victoria B. Villavicencio, “Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto, “Sa Kabataan” ni Onofre Pagsanghan, “Bayan Muna, Bago ang Sarili” ni Nora P. Siasoco, “Bakit Tayo Nagmamadali” ni Gemiliano Pineda, at “Ang Kabataan ang Magulang ng Bukas ay Nakatingin sa may Kapansanan” ni Teresita Suarez-Buensuceso.
Maraming mga mali sa pagbabaybay. May ilan na hindi umaalinsunod sa gramatika. Hindi tunog-naturál.