Jump to ratings and reviews
Rate this book

Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambúhay

Rate this book

88 pages, Paperback

First published January 1, 2016

9 people are currently reading
142 people want to read

About the author

Edgar Calabia Samar

34 books573 followers
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
22 (42%)
4 stars
17 (32%)
3 stars
9 (17%)
2 stars
1 (1%)
1 star
3 (5%)
Displaying 1 - 8 of 8 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 3, 2016
Unang limbag ng pangalawang edisyon ng kalipunan ng mga tula ni Edgar Calabia Samar. Una itong nalathala noong 2005 nang si Samar ay 24 na taong gulang pa lamang. Bale, 35 na siya noong nakaraang Pebrero. At edad talaga ng makata ang una kong pinagtuunan ng pansin!

Ang pinaka-nagustuhan ko sa aklat na ito ay 'yong pagkakaroon ng kuwento o frame story. Kumpara sa ibang koleksyon ng mga tula, hindi lamang tinipon ni Samar ang kanyang mga tulang nasulat para magkapaglabas ng ganitong koleksyon. Ang kuwento, diumano, ay tungkol kay Elias, halaw sa tauhan ni Rizal sa Noli Me Tángere (5 stars) at ang paghahanap nila kay Ligaya, na halaw naman kay Ligaya Paraiso, pangunahing tauhan ng kanyang tukayong si Edgardo M. Reyes sa obra nitong Sa Mga Kuko ng Liwanag (5 stars). Kagaya ng tauhan ni Reyes na si Julio Madiaga na nagaabang sa panulukan ng Ongpin at Mesiricordia (mga daan sa Chinatown), si Elias, ang makata ni Samar ay tumutula sa panulukan ng Espanya at Kundiman (mga daan malapit sa UST, Manila).

Ang kuwento ng aklat ay parang mga personang pinagsama-sama: si Samar ang makata, si Elias ni Rizal, si Julio ni Reyes o ang kahit sinong makata sa Pilipinas. Ang daloy ng kuwento ay inilalahad ng mga parirala't tanaga sa mga pahinang itim. Pagkatapos ay iniayos ang mga tula ayon sa konsepto ng aklat. Halimbawa, sa ika-12 pahina ay ipinakilala ang makata (si Elias) bilang "kaligtasan" ng kanyang bayan. Maaring isipin na si Elias ito na tumira sa gubat (Ibang Lupain) upang doon ay isagawa ang paglaban sa mga Kastila (salot) sa kanyang bayan. Maari ring isipin na si Julio ito na umalis sa probinsiya upang mapa-Maynila (Ibang Lupain) upang hanapin si Ligaya na kinuha ni Mrs. Cruz (salot) upang gawing babaeng parausan sa Chinatown. Maari rin kahit sinong makatang o manunulat na Pilipino na patuloy na humahabi ng haraya't prosa upang ipaglaban ang Panitikan sa mga talamak na akdang dayuhan (salot) sa wikang Ingles.

Hindi ko na itutuloy na bigyang interpretasyon ang mga paglalahad sa mga pahinang itim. Kung gusto ninyong sundan kung ano ang kuwento sa napakagandang koleksyong ito, hala't bumili ka ng aklat na ito at namnamin ang mahusay at makislap na mga tula ni Edgar Calabia Samar.

Marami akong paboritong tula sa koleksyon na ito pero ang pinakagusto ko ay itong "Panaginip."
PANAGINIP
Isang sipi sa magdamag
ningangatngat nitong ipis,
pitong pisi ng pangarap
na nagsalabid sa isip.
Ang tulang ito ay naroroon sa parte ng "kuwento" kung saan ay nahihilo (nalilito) na ang makata dahil sa mga nakayayanig na mga pangyayari. Ngunit hindi pa rin niya nakalimutan ang pagtula.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong mga tula, Egay!
Profile Image for upʞ.
26 reviews3 followers
September 25, 2020
Unang aklat ng mga tula na natapos ko ng buo at walang laktaw. Ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ay ang Mga Pagtakas sa Kamatayan. Parang sasapat ring maging pamagat ng isa pang aklat.
Para sa isang 24 years old, napakalalim na mag-isip ni Sir Egay Samar. May doctorate na rin sa panahong iyon. Kung kaya siguro ang tema ng Pag-aabang sa Kundiman ay ang pagbalik na agad sa pinagmulan, gayong unang aklat pa lang ito ng tula ni Sir Egay, sang-ayon sa sinulat ni G. Almario. Maagang nag-mature at naglakbay mag-isa. Sana ay masaya at masarap lagi ang ulam ni Sir Egay. 😁
Profile Image for Sha Hernandez.
226 reviews
March 21, 2016
4.5 out of 5 stars: Nangangailangan ng muli't muling pagbasa upang mas maparikit pa ang hiyas ng koleksyon bilang isang katangi-tanging tulambuhay
Profile Image for Mark Alpheus.
822 reviews9 followers
June 10, 2025
" . . . 𝑵𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒎𝒐, 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒎𝒂𝒔𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒕𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒏𝒖𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒐 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒍𝒊𝒈, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒑𝒂 𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕, 𝒂𝒚 𝒖𝒏𝒂 𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒏𝒊𝒃𝒊𝒕𝒊𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎?"

Sumaktong naisipan kong basahin ang librong Pagaabang sa Kundiman ni sir Edgar Calabia Samar pagkauwi galing sa siyudad, kung saan ako nagtatrabaho.

Sa unang tula pa lang, may kirot na sa dibdib. Bilang alam ko sa sarili ko na kung mabibigyan ng pagkakataong magtrabaho sa malayo, kapalit ang mas mataas na sahod, eh maaaring sundin ko iyon. Kahit kapalit rin nito eh ang mapalayo sa komportable, sa prisensya ng mga taong dahilan kung bakit mas makulay ang pag-iral.

"𝘍𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘸𝘦 𝘮𝘪𝘨𝘳𝘢𝘵𝘦, 𝘸𝘦 𝘮𝘶𝘳𝘥𝘦𝘳 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘰𝘴𝘦 𝘸𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯𝘥" (𝘌𝘹𝘪𝘵 𝘞𝘦𝘴𝘵, 𝘔𝘰𝘩𝘴𝘪𝘯 𝘏𝘢𝘮𝘪𝘥)

Isang mahalagang karanasan para sa akin habang binabasa ang libro ay ang pagninilay sa pag-alis, at kung paanong kalakip nito ang katotohanang hindi na tayo totoong makababalik.

Nagbabago ang mundo minu-minuto, mula sa kapaligiran, hanggang sa mga taong dating nakakasalamuha. Kaya totoo rin ang nasa preface ng libro na "kung minsan, isang paalam, ang pag-aalay", dahil ang pag-alay natin sa sarili para umalis at maghanap ng ikagaganda ng buhay, ay isang anyo ng paalam sa kinagisnan.

Habang nagbabasa, bumabalik rin ang isip ko sa mga linya ng kantang Kanlungan ni Noel Cabangon, na:

"𝘓𝘶𝘮𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯
𝘒𝘢𝘣𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵𝘢
𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘰′𝘵 𝘩𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯
𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘴𝘢𝘯?

𝘗𝘢𝘯𝘢-𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘔𝘢𝘪𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯?"

Hindi na, dahil ang kahapon ay mananatili sa nagdaan, sa alaala na lang ito umiiral.

Ang sarap-sarap basahin ng librong ito dahil marami akong napag-isipan. Lubos na pasasalamat kay sir Egay sa pagsulat at pagpapadala ng digital copy ng librong ito~
Profile Image for kaye ☆.
19 reviews
August 1, 2024
“Di laging dinidilig ng ulan ang pag-iisa. At nakilala ko noon ng pag-ibig.”


Self-discovery isn’t always rooted from hardship. Most often than not, it is found but overlooked in places we find the most comfort in — in places we are loved. Our self can be found in the people we love. They reflect us, and in them we can find growth as well.
Profile Image for Vicente.
20 reviews1 follower
December 20, 2025
Naalala ko pa noong 2016, ito 'yung time na sobrang hype ng Janus Silang. Bumili ako direkta kay Sir Egay (Edgar Calabia Samar) at ito nga, kasabay ng unang Janus, nakuha ko 'tong Pag-aabang sa Kundiman. Sobrang special nito sa akin kasi ito 'yung kauna-unahang signed book ko. May ibang feeling talaga kapag alam mong hinawakan at pinirmahan ng mismong author 'yung kopya mo, 'di ba?


​Sa totoo lang, kahit ilang taon na ang lumipas, iba pa rin 'yung tama ng mga tula rito. Kung pamilyar ka sa gawa ni Sir Egay, alam mong mahusay siya sa world-building, pero dito sa koleksyong ito, parang "soul-building" naman ang ginawa niya.
​Dalawang bagay lang talaga ang tumatak sa akin habang binabasa (at binabalikan) 'to: pag-alis at pag-iisa.


​Parang bawat pahina, laging may umaalis. Hindi lang 'yung tipong sasakay ng bus o eroplano, kundi 'yung pag-alis sa isang relasyon, sa isang memorya, o kahit sa dating bersyon ng sarili mo. Tapos laging kasunod nun, 'yung pag-iisa. Pero hindi siya 'yung malungkot na pag-iisa lang na gusto mong maiyak; parang mas malalim siya—'yung tipong kailangan mong maging mag-isa para marinig mo talaga 'yung sarili mong "kundiman."


​Nakaka-relate ako kasi minsan sa buhay, akala natin talo tayo kapag mag-isa tayo o kapag may nang-iwan sa atin. Pero sa libro ni Sir Egay, parang naging art form 'yung pag-iisa. It’s like saying, "Okay lang na mag-isa ka, doon mo mahahanap 'yung kanta mo."
​Ang ganda lang isipin na mula 2016 hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin 'tong librong 'to. Solid na investment, hindi lang dahil may pirma, kundi dahil sa bawat "pag-alis" ko rin sa iba't ibang stage ng buhay ko, parang laging nandiyan 'tong libro para sabihing normal lang ang mag-isa.
Displaying 1 - 8 of 8 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.