Ako si Bernice Brook. Hindi ako katulad ng mga ordinaryong tao. May mga nakikita ako na hindi n'yo nakikita—mga ligaw na kaluluwa. May lalaki, may babae, bata at matanda. Nag-uumpisa na rin silang dumalaw sa panaginip ko. Nagsimula iyon nang mawala ang lumang bookmark ko. Gabi-gabi, hindi ako pinapatahimik ng babaeng paulit-ulit kong napapanaginipan. Iba siya sa mga kaluluwang nakikita ko. Hindi ko matukoy. Basta ang alam ko lang, natatakot ako sa kanya... Pero hindi siya nakontento na sa panaginip ko lang manggulo. Maging sa realidad ay nagpapakita na rin siya sa 'kin. Lalo na tuwing kasama ko si Mark, ang nag-iisang lalaki na may epekto sa puso ko. At ang talagang sinusundan ng abaeng kaluluwa sa panaginip ko. Natatakot ako hindi lang para sa kaligtasan ko, pero lalo na para kay Mark. Kaya kailangan kong malaman ang pakay ng kaluluwang iyon... Bago pa mahuli ang lahat.
Ito ang unang beses na magre-review ako ng isang Filipino novel, and luckily, maganda ang napili ko. Bookmarked by baka_usagi is a story of love, friendship, and betrayal. Mula sa blurb niya, ang aakalain mo ay tipikal na kuwento lang siya ng isang babaeng nakakakita ng multo. It's much deeper than that, I'm telling you.
Joker symbolizes all the ending and beginnings that make up the human life. Nakakakita si Bernice Brook ng mga multo. “Invisible” siya sa school kung saan siya nag-aaral at sa tingin niya, dahil ito sa pagkakaroon niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa at ang pagpapakamatay ng kaibigan niyang si Abbie. Nagkakaroon siya ng di-mapalawinag na mga panaginip tungkol sa isang babaeng nagpakamatay. Paulit-ulit iyon hanggang sa tila naging puzzle pieces ang kanyang mga panaginip. Sa unang tingin, tipikal na paranormal at mystery ang mababasa mo pero mapapanganga ka na lang sa bawat tagpo. Twist after twist ang hilig ng writer. And I can say, nagawa niya ito nang maayos nang hindi nagmumukhang kumpul-kumpol ang mga detalye. Actually, na-figure out ko na ang sagot sa mystery sa kalagitnaan ng book pa lang, pero kailangan mo talagang mag-isip para malaman mo.
“Hindi ko kasi alam kung paano magkagusto. Paano ba?” Bernice Brooke. Such an odd name. But may reason kung bakit ganoon ang pangalan niya. She likes reading books and adores a particulatr writer, namely Mark Twain. Nakakakita siya ng mga multo, which something na hindi pa siya sanay. Mas pinili niyang maglagi sa lumang library ng school dahil nakakapasok ang mga multo roon. The thing with her is parang may kulang sa kanya. Isama mo pa ang misteryo sa pagkamatay ni Abbie. Her love story with Mark is not the true focus. It was an element integral to the story pero nandoon pa rin siya. Hindi lang puro kilig, dahil batid kong focus ng author ang mystery kaysa sa romance, isang bagay na gusto ko. Pero naroroon pa rin ang conflict para kay Bernice patungkol sa nararamdaman niya kay Mark. Hindi siya nawala hanggang sa dulo pero hindi siya `yong tipong ingungudngod talaga sa mukha mo. Sapat lang siya. Haha! Si Bernice ang tipo na nais malaman ang katotohanan kahit na takot siyang malaman ang nangyari. She's strong-spirited, which is gusto ko sa female characters. Hindi `yong lagi na lang kawawa.
“Kapag nalaman mo na ang lahat...hindi na kita puwedeng makita.” One time, nakilala na lang ni Bernice si Mark Twain, isa sa mga kaklase niya na kapangalan ng favorite author niya. Right from the start, may element na ng mystery sa kanya. Siya `yong tipo na gustong malaman ang katotohanan pero at the same time, may itinatago rin siyang lihim na integral sa mga kaganapan sa buhay ni Bernice. I like his character. Complex but easy to like. Alam mong marami siyang tinatago kaya maku-curious ka talaga sa kanya. Pangalan pa lang, eh, kakuwestiyon-kuwestiyon na! Haha! Buti na lang, nagawang mailahad ng author ang lahat-lahat patungkol sa kanya.
The story is complex. Masasabi kong napagtagpi-tagpi nang mabuti ng author ang bawat pangyayari sa kuwento. The mystery was deep, mapapaisip ka talaga. Lahat ay twisted. Halos lahat ay hindi mo aasahan. Though nahulaan ko na ang ibang mangyayari, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari sa story. Ang tanging problema ko lang ay sana nagkausap sina Bernice at Abbie. Sana nagkaroon sila ng masinsinang usapan na makakapag-resolve sa matagal na nilang alitan. Overall, this was an awesome read. Kahit mahirap basahin dahil sa formatting ng book, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong tapusin `to. Kudos to the author! ☺