Typewriter Altar is a story of the power of recollection, re-membrance, and redemption. It begins with the narrator’s recurring dream. Books with wordless pages are strewn everywhere in an empty, old house wherein a mood of abandonment reigns. In the dream, Laya thinks she can hear her parents’ voices, but silence would follow as soon as she attempts to trace these sounds. Always, she would wake up, and the emptiness of that house and those pages seem accusatory. We find out that Laya has abandoned her pen, and her dream of writing, because she opted to pursue domestic bliss. Ironically that dream is also unrealized—Laya, like many Filipinas of her age and class, does not have her own home, has a humdrum job, and secretly wishes her soul could wander somewhere else. This insight leads Laya into remembering her childhood home and her parents’ early years in marriage. In the work, memory bleeds into the then and the now, ushering the reader into a ringside glimpse of an artist’s life.
Luna Sicat-Cleto was born on January 29, 1967. She completed her AB in 1990 and her MA in 1999. The daughter of distinguished writers—Ellen Sicat won important awards while the late Rogelio Sicat remains to be one of the most remarkable fictionists in Philippine literature—Luna has garnered several literary awards of her own, including the Carlos Palanca Memorial Award for her short stories, essays, poems, and stories for children; the Gawad CCP for one-act play; and the Gawad Chancellor for her literary work. In 2005, she won the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award for Makinilyang Altar, published by the University of the Philippines Press. Her works have also been recognized as integral to the development of the tradition of women's writing in the country.
She is a professor at the Department of Filipino and Philippine Literature at the University of the Philippines, Diliman, where she is currently working on her Ph.D in Malikhaing Pagsulat.
Noong nakausap namin sa Pinoy Reads Pinoy Books si Eliza Victoria noong Nobyembre 2015, nabanggit niya na masarap pakinggan ang Tagalog na pagsasalita ni Luna Sicat-Cleto. Kaya naala-ala kong hindi ko pa nabasa itong unang aklat niya, ang Makinilyang Altar na matagal ko nang nabili.
Kung ang pagkakasulat ng aklat na ito ang pagbabasehan, totoo ang sinabi ni Eliza. Mahusay humabi ng mga salitang Tagalog si Sicat-Cleto. At hindi lang sa paggamit ng mga salita, sa pagbuo rin ng kuwento. Sa paglalahad ng kaniyang mga karanasan (creative non-fiction ito, sa hinuha ko) at sa pagpapasok ng elemento ng mga teknik ng panitikan: non-linear narration, shifting points-of-view, metaphors, alliterations, symbolisms (makinilya, halimbawa) at stream-of-consciousness. Bago ka magkaroon ng impresyon na baka show-off ang dating ng akda, na parang produkto ito ng isang workshop at ipinasok lahat ni Sicat-Cleto ang natutunan niya, nagkakamali kayo. Nalimbag ito noong 2002 na nanalo na siya ng mga Palanca awards sa ibang porma ng panitikan. Kilala na siya na magaling sumulat noong mamatay ang kanyang amang si Rogelio Sicat noong 1997 at iniisip ko na marahil itong aklat na ito ang kanyang paraan ng pagbibigay pugay sa kanyang ama at sa kanilang naging relasyon bilang mag-ama.
Ito ay kuwento ng isang manunulat na si Laya Dimasupil at ang kanyang relasyon sa ama na si Deo Dimasupil na isa ring manunulat at professor sa isang unibersidad. Nasa background ang kanyang ina, si Gloria Dimasupil at mga nakababatang kapatid na sina Bituin na mahilig sa payong at tubig at si Amor ang bunso. Dito pa lang, nako-konek mo na kung sino sila: Si Laya si Luna, si Deo si Rogelio at si Gloria ay si Ellen. Pati na ang kanilang mga trabaho o naging trabaho at kung sino sila ngayon, consistent sa kung ano ang nasa libro.
Matapang ang aklat: di tinagong mayroon Sid sa buhay niya kahit na mayroong asawang si Antonio. Maaring metaphor ito o simbolo ng kalayaan ng pagiging babae pero sa mga ordinaryong mambabasa (na kagaya ko), maari kong isiping may kalaguyo si Laya.
Mahirap bitawan ang aklat na ito. Bakasyon siguro kaya may panahong magbasa ng tuluy-tuloy. Pero kahit na, mahusay si Luna Sicat-Cleto. Parang naaala-ala ko si Fanny Garcia o si Mayette Bayuga, pawang mga mahuhusay na manunulat na babae sa kasalukuyan. Pero may kanya-kanya pa rin sila ng istilo: mas direkta ang prosa ni Fanny Garcia, mas mapaglaro ang kay Mayette Bayuga ngunit mas maemosyon ang kay Luna Sicat-Cleto. Nabasa ko na rin ang Mga Prodigal (2 stars) mga dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas at mas nagustuhan ko ito. Gusto ko rin ang aklat na iyon dahil sa pagtalakay nito sa usaping ng milyong-milyong OFW. Pero mas heartfelt at mas malalim ng diskusyon nitong Makinilyang Altar.
At muli, nais ko sanang maimbitahan si Luna Sicat-Cleto sa aming bookclub, ang Pinoy Reads Pinoy Books. Sana'y makasama ka namin, Ma'am. Marami akong nais maintindihan tungkol sa aklat mong ito!
Isang napakalalim at napakahabang buntonghininga ang nobelang ito ni Luna Sicat-Cleto. Ramdam ko ang hinagpis at luwalhati sa pagsusulat nito habang binabasa ko siya. Sa madaling sabi, catharsis.
Nabanggit ko sa aking review sa aklat ni Thomas Mann na hindi ako mahilig sa meta-writing at sa autobiography o memoir na nagbabalatkayong nobela, pero palalampasin ko ang librong ito dahil sa angkin nitong tapang, kapangahasan at tiwala sa mambabasa.
Napakahalaga sa isang manunulat na ihandog ang kanyang tiwala sa kanyang mga mambabasa---tiwalang mauunawaan nila ang kanyang saysay at salaysay, tiwalang hindi sila agad-agad na manghuhusga, at kung manghusga man, e magtiwalang naroroon pa rin at napananatili ang paggalang sa akda kundi man sa manunulat.
Nagulat ako dahil hindi pala kasintigas ng takatak ng makinilya ang panulat ni Mam Luna. Hindi pa kasi ako pamilyar sa kanyang mga akda kaya gano'n na lamang ang pagkamangha ko. Ito ang una niyang libro na nabasa ko. Paumanhin. Hahaha! Ang gaan pala niyang basahin, saka para bang walang pag-iimbot ang kanyang mga salita. Ibibigay niya lahat kung kinakailangan para mapanindigan ang kuwento.
'Yung pakiramdam ko pagkatapos basahin 'yung aklat na 'to e parang nakatulog ako nang mahimbing, nagising sa isang maaliwalas na umaga, at umiinom ng kape na tamang-tama ang timpla. 😊
What I've read is the English translation, hence, this rating only. Read the original Filipino instead. It is more rewarding and illuminating. Because, you know—English is crude and colonial. It can never match the poetic prowess of Filipino.
Nabasa ko ang Makinilyang Altar noong nasa college pa ako. Gusto ang bawat paglalarawan na ginawa ng manunulat sa kanyang akda. Tunay na naipakita at naipadama niya sa'kin ang pakiramdam ng isang anak ng manunulat. Sa kwento ilang beses akong lumuha damang-dama ko ang bawat eksena. Ang kalagahan ng espasyo iyon ang sa tingin ko ang pinamagandang natutuhan ko sa akdang ito.
Ilang linggo din ang lumipas bago ko napagpasyahang basahin ang librong ito ni Ma'am Luna. At nang nabasa ko ito ay talagang napakabilis, na umabot nga sa puntong natapos ko ito nang isang upuan. Ganun ako kung magbasa ng libro, kapag maganda ay umaabot lamang ako nang isang upuan upang ito ay tapusin. Ngayong taon, marami na akong nabasa, di na iilang mga nobela, aklat ng tula at maikling kuwento: mga local lit at foreign lit; physical book man o ebook. Pero sa dinami-rami ng mga nabasa ko ngayong taon, libro ni Sir RM Topacio-Aplaon at itong libro ni Ma'am Luna ang mga hindi ko makakalimutan.
Dumalo ako noon sa book discussion ni Ma'am Luna tungkol sa Makinilyang Altar na pinangunahan ng mga kasama ko sa samahang Pinoy Reads Pinoy Books. Hindi ko pa nababasa ang librong ito nung araw na iyon at tahimik lamang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Ma'am Luna tungkol sa libro at sa mga itinatanong ng mga kasama noong event. Mula na mismo kay Ma'am Luna ang pahayag na autobayograpiko itong unang nobela niya, at malaking bahagi nito ay halaw sa tunay na karanasan niya, ng kaniyang pamilya, ng kaniyang ama na isang kilalang tanyag na manunulat sa panitikang Filipino, ang sumulat ng maikling kuwentong Impeng Negro na binabasa ko noong high school, na si Rogelio Sicat.
Kaya ang tumimo na sa aking isip, habang binabasa ang nobela, ay buhay ito ni Ma'am Luna. Hindi man talaga ito ang buong tunay na naganap, dahil komo halaw lamang at hindi talaga ang siyang buong reyalidad kundi fiction pa ring maituturing, ay itinuring ko pa rin na ang mga karakter na nabanggit, ang kaniyang mga kapatid, ang kaniyang ina, at ang kaniyang ama at iba pa ay yaon talaga ang kanilang tunay na katauhan sa totoong buhay. Ipinakilala ni Ma'am Luna si Deo Dimasupil, na katulad ng apelyido nito sa kuwento'y hindi pasusupil sapagkat may paninindigan. May pride. Hindi natatakot ipaglaban ang tindig magmula noong bata. Litaw ang kaniyang protesta sa mga nagkukunwaring aktibista't manunulat na makabayan kuno. At ang kaniyang kristisismo sa kinabibilangang institusyon na tanyag sapagkat ito ang pangunahing pabrika ng mga lider, iskolar at intelekwal sa bansa subalit siyang pugad din ng mga mapagkunwari, oportunista at kanal ang tinataglay na ideolohiya. Dahil dito'y hinangaan ko si Deo Dimasupil. Hinangaan ko si Rogelio Sicat.
Sa akin ay siya ang naging mukha ng isang manunulat sa bansang hindi patas sa mga kauri niya. Na kung saan ay maaari mong pagkakitaan ang pagsusulat subalit hindi mo magagawang buhayin ang pamilya sa pamamagitan nito. Subalit siya na sa kabila ng kahirapan, ay hindi pumapayag na matapakan ng iba ang kaniyang katangi-tanging karangalan - ang kaniyang paninindigan. Siya na bagaman isang striktong ama't maselan sa kaniyang sariling espasyo'y sa buo pa ring makakaya, kahit sa ibang paraan at hindi man lubos na nararamdaman dahil hindi siya affectionate na ama't asawa ay pinapakita pa rin niya ang pagmamahal sa kaniyang asawang si Gloria, at sa kaniyang mga anak na sina Amor, Bituin, at Laya. Na malalaman din naman kalaunan ni Laya sa mga naisulat ng kaniyang ama na journal sa mga kwaderno.
Makinilyang Altar. Isang sagradong espasyo. Isang pisikal na maliit na espasyong misteryoso para sa musmos na si Laya. Isang espasyong hindi maaaring pasukin at hindi maaaring pakialaman sapagkat ito ay ang lugar na sagrado para sa kaniyang ama. Ang tanging espasyo, na kahit sarili mo man siyang asawa, o kahit sarili mo man siyang ama ay hindi maaaring pasukin. At dapat na lamang igalang, irespeto. Sa bagay na ito ay makasarili ang manunulat sa inangking espasyo niyang ito subalit kailangan dahil may sariling pakikibaka't sigwa ang isang manunulat. Hindi dapat pakialaman, nang sa gayon ay hindi matalo sa digmaan. Hindi biro ang pagiging manunulat, at bilang isang manunulat na mahal na mahal ang propesyong pinili ay sagrado para sa kaniya ang akto ng pagsusulat - at ang sagradong akto na ito ay nangangailangan din ng sagradong espasyo - malayo sa ingay - malayo sa manggugulo.
At lahat ng tao ay may kani-kaniyang sariling makinilyang altar. Hindi man manunulat pero lahat tayo ay may itinuturing na personal na espasyo, na bahagi na ng ating kaluluwa, na gusto nating tayo lang ang andoon at ayaw nating pasukin iyon ng iba - kahit pa ng mahal tayo't minamahal natin.
Marami pa akong gustong sabihin patungkol sa librong ito. Pero hindi ko na ito magawang idetalye pang lahat sa simple't maiksing paraan. Nais ko na lang na ang mga taong mahihikayat kong basahin ang librong ito ay maunawaan nila ang lahat ng ibig kong sabihin pagka-nabasa na nila itong nobela.
Isa lang ang sigurado ako sa aking sarili, yun ay ang sigurado akong babalik-balikan kong basahin ang nobelang ito.
"Intermission mula sa Makinilyang Altar: sa tahanan (tahan na) nila Laya Dimasupil, aligagang pangyayari: “Ilang linggo lang, kinailangan nang magreport sa trabaho ng aking ina. Isang umaga, pumasok siyang tangay ang sangkaterbang folder sa mesa, at nakasama sa mga iyon ang aking mga ginuhit. Noong hapong iyon, mataas na mataas ang sinat ni Bituin at nilalagnat ako. Berde na ang tingin ko sa paligid, nilalamig ako, palibhasa’y kumakapit ang lagnat sa buto. Pinainom ako ng gamot ng aking ama ngunit hinahanap ko ang yakap ng aking ina. Iyak nang iyak si Bituin, at natutulig na ang tainga ko sa sabayang pagmumura ng aking ama at uha ng aking kapatid. Natataranta na ang kinse anyos naming katulong, ayaw susuhin ni Bituin ang gatas na inimbak, kahit na nanggaling pa ito sa aking ina. Takipsilim na nang umuwi si Mama, at nakahinga na kaming lahat (hinga, pahinga, tahan na). Kahit pagod (Ma, pahinga ka muna), masaya niyang ikinukuwento sa aking ama ang nangyari sa opisina nang matuklasan niyang tumutulo ang gatas mula sa kanyang mga utong. Noong gabing iyon, masiglang-masigla si Bituin, at ayaw nang matulog. Mag-aalas dos na ng umaga’y gising pa rin ito’t humahagikgik, parang sumuso ng kape (Si Mama, minsan magkukwento, nang may bahid ng pag-aalala, na alas-dose na raw naririnig niya pa rin si Eve, tanging apo niya, anak ng ate ko. Pinangalan ng ate ko ang anak niya, si Eve, kay Mama, Evangeline, sa parehong paraang galing sa “Emiliana” ni Nanay, nanay ni Mama, ang “Emil” ko). Nakatulog na ang aking ina sa pagod, humihikbi na rin ang aking ama. Gising na gising naman kaming magkakapatid: nagkakaunawaan, ayaw pumikit, nangangambang aalis ang aming ilaw” (7)."
https://chopsueyngarod.wordpress.com/... "Si Laya: “Kapag umuuwi ako sa silid na iyon, magdaraan ang sinasakyan kong jeep sa isang squatters area, makikita kong pumapara sa sasakyan ang mga batang naninilaw ang buhok, bundat ang tiyan; sabay-sabay na naglalakad ang mga kabataang pormang istambay. Makikita ko ang mga kabataang ito na naninigarilyo sa mga kurba ng daan, na waring mga modelo ng sigarilyo o softdrinks. Paglampas ng kumpol ng mga barungbarong ay madaraanan ang mga magagarang bahay, na may mga malalawak na lawn na may bermuda grass. Pumapasok sa garahe o umuurong doon ang mga magagarang modelo ng kotse kagaya ng Ford Expedition, Mercedez Benz o BMW. At maririnig kong ikinukuwento ng isang katabi, madalas daw mag-shooting dito ang cast at crew ng tampok na soap opera. At idaragdag ng isa pa na ang karamihan sa mga homeowners ay nagtatrabaho sa Customs, at sasabihin naman ng katabi ng ‘oo nga,’ nakita niya na minsang lumabas sa bahay na iyon ang mismong batang-batang aktres. Kay kinis pala talaga ng balat! Sasabit sa jeep ang mga lalaking trabahador, sikyo at atchoy. Amoy sigarilyo ang kanilang mga kamiseta. Plastado ng pomada ang kanilang mga buhok. Bitbit nila ang mga bag nilang kanbas na naglalaman ng mga tools. At suot nila’y imitasyon ng mamahaling rubber shoes. Lalagpas ang jeep sa gate ng exclusive na subdivision at tataluntunin nito ang tulay. Mababa lang ito. Kapag tuloy-tulyoy ang buhos ng ulan, natatabunan ang tulay na ito ng tubig. Pagkaraan ng bagyo, pangkaraniwan nang makita ang mga lumulutang na bola ng basketbol, tsinelas, styrofoam, patay na aso o baboy at iba’t ibang kulay ng plastic. Ngunit kung kalmado ang panahon at maaraw, humihilera sa gilid ng tulay ang mga kabataang lalake na sumisisid sa ilog. Sa kabilang dulo ng tulay ay isa na namang kumpol ng mga dampa. Ngunit ang itsura ng mga bahay-bahay dito ay hindi na kasing rusing ng unang nadaanan. [Barbaza: ‘Bayan,’ a contraction of the plural ‘bahayan’ (a cluster of houses), is also structurally multiple and fluid. In bayan, the commonality that binds the members is primarily the shared space on which the houses are built, and the common space of the bayan speaks of Marx’s property as that which binds a being simultaneously to her fellow being and to earth—both of which are necessary for her reproduction].Maraming beerhouse na may sari-saring mga pangalan na nagpapahiwatig ng paraiso, libog at magagandang mga dilag. Mga hardware store, mga bakery at bilyaran, punerarya at paanakan. Pasingit-singit ang mga bahay-bahay na may video slot machine, dancing pad, karaoke, retail outlet ng balut, itlog, pabango, tela, klinika, atbp. Madalas na may nakaparadang police patrol sa tapat ng Muslim settlement, na balitang lugar ng droga at saksakan, kaya’t laging nag-aantabay ang mga pulis sa nagkakagulo doon."
Nauna kong nabasa ang aklat ni Ellen Sicat na "Paghuhunos" at "Unang Ulan ng Mayo" kaya nakita ko ang ilang alaala ni Laya, ang pangunahing tauhan dito sa aklat na "Makinilyang Altar" sa mga aklat ni Ma'am Ellen.
Sa copyright page ng aklat, nakasulat na ang akdang ito ay isang tekstong fiksiyunal at hindi dapat basahing autobiograpiya, ngunit hindi maiiwasang maikumpara ito sa tunay na buhay ng pamilya sikat. May ilang pagkakaparehas sa aklat ng mag-ina na hindi talaga maiiwasan dahil parehas na tahanan ang iniinugan ng kanilang mga alaala; parehas pa ng tema: Kay Ma'am Ellen, tungkol kay Gloria at sa asawa nitong manunulat na si Carlos, at nang mawala ito ay ang naging buhay niya bilang isa ring manunulat; at kay Ma'am Luna, tungkol kay Laya at sa ama nitong manunulat na si Deo Dimasupil. Nasa Makinilyang Altar din si Gloria na ina ni Laya.
Marahil dapat ko ring balikang basahin ang "Kapag Sumalupa ang Gunita" na naglalaman ng mga piling journal entry ni Rogelio Sicat dahil nabanggit din ito sa tatlong aklat sa katauhan ni Carlos/Deo.
Pakikipagniig — pakikipagtuos — pagdadalamhati — pakikipagkasundo — pagiging. Ganiyan maaaring mabalangkas ang kuwento ni Laya Dimasupil, isa sa pangunahing karakter sa nobelang Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto, at ang relasyon nito sa kaniyang ama na si Deo Dimasupil, isang manunulat, mandudula at aktibista, na sa nobela ay nagsisilbing Dalubguro at dating Dekano ng kanilang Dalubhasaan (o ngayo’y tinatawag na Kolehiyo) sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Isa itong buntong-hininga—malalim, banayad, malaya. Isinatitik at itinago (pilit man o hindi) ni Gng. Sicat-Cleto ang kaniyang mga hinagpis sa likod ng mabubulaklak na mga prosa, na waring kurtina na tinatakpan ang backstage ng isang dulaan, o waring ngiti na ikinukubli ang tunay na nararamdaman. Maaari ba, kung gayon, na mamuhay na lamang tayo sa patsadang ginagawa nating panakip sa katotohanan? Hindi lang ito paghahabi ng buhay nina Laya at Deo (at ni Gloria na rin, ang asawa ng huli), bagkus pagtatagpi-tagpi rin ito ng mga hindi masabing damdamin, ng mga salitang sana’y binitawan—ng mga pahinang gula-gulanit na’t ngunit nabibigyan pa ring kahulugan at kabuluhan ni Luna, may laman man ang mga ito o wala.
Sa pabalat ng libro, maaaninagan ang pigura ng isang babaeng nagmamasid sa di kalayuan mula sa kaniyang kinauupuang pasamano (window sill), kung saan ipinapakita rito ang masinsinang pagninilay at pag-aapuhap ni Laya sa kaniyang sarili — o sa dapat niyang maging; sapagkat, sa kabuuan ng kuwento ay mamamalas ng mambabasa ang pagbagtas din ni Laya sa daanan na minsan nang nilakaran ng kaniyang ama: mula sa kaniyang pagkabihag at pagsamba sa makinilyang altar, sa kaniyang pagiging propesora rin sa UP, sa pagiging manunulat, nobelista at mandudula, tungo sa pagiging malayò (distant) sa kaniyang sariling pamilya’t asawa. Mula rito ay sasalubong din sa iyo ang titulo: Makinilyang Altar; na batay sa pambungad na salita ng isa sa pinakakilalang Pilipinong manunulat na si Tony Perez, ay pumapatungkol sa “tatlong Makinilya: ang Makinilya ng kaniyang ama (Deo Dimasupil), ang Makinilya niya (Laya Dimasupil), at ang Makinilya ng Manunulat na Pilipino”, parunggit marahil sa kasasapitang habambuhay na pagsamba rito.
Gaya ng sabi niya, mauugat marahil ang simulain ng Makinilyang Altar sa kamusmusan pa lamang ni Luna; waring pagkabata pa lamang ay hinahabi na ng kaniyang isip ang mga salitang ilalagay sa bawat pahina ng librong ito; kaya’t higit makabuluhan na, bukod sa pag-aaral ng mga siniping bahagi ni Sicat-Cleto mula sa mga dyornal ng kaniyang ama, ay labis ding makatutulong sa pag-unawa ng mambabasa kung magkakaroon ng edisyong muli na isinasalaysay naman (sa pauna o panghuling bahagi man ng akda) ang buhay ni Luna. Ngunit, kontrobersyal din marahil ang ganitong atake o rebisyon sa kasalukuyang edisyon, sapagka’t hindi naman ito non-fiction o malikhaing talambuhay. Sa ganang ito kasi’y iniuugnay natin, halimbawa, si Roger bilang si Deo, si Luna bilang si Laya, si Ellen bilang si Gloria, na tiyak kong nakapamiminsala, hindi lang sa katotohanan, kundi pati na rin sa pagtanaw natin sa mga nabanggit; gayon, ganoon ba talaga kalupit si G. Rogelio? Ganoon ba ito kalayo sa sariling pamilya? At iba pang mga katanungan. Ngunit, at higit sa lahat, hindi naman maikakailang makikita rin na pinaghalawan talaga ni Sicat-Cleto ang kaniyang mga magulang at sarili; si Rogelio ay Dalubguro’t naging Dekano rin sa gitna ng pagiging Manunulat at Mandudula nito; si Ellen nama’y isang akawntant din na naging Manunulat kalaunan; magkaminsa’y nagkakaroon pa nga ng pagkakataon na, kung isasalaysay ang nobela, napaghahalo ang katotohanan sa hindi—nagiging Deo na si Roger o bise bersa, nagiging Roger si Deo, gayundin ang ibang karakter (i.e., nagiging Luna si Laya, nagiging Laya si Luna).
Binabalot ang librong ito ng mga makukulay na prosa ni Sicat-Cleto. Hindi ito kinapos sa pagsasalarawan ng mundong kinagagalawan ng pangunahing tauhan, gayundin ng kaniyang isipan (introspection/being introspective). Mahaba, malalim; binabalot ng kulay mula sa mga salita ni Luna ang madilim na siyudad na ginagalawan ni Laya. Hindi ito kinapos sa pagde-detalye ng pasikot-sikot, ng mga paliko-liko, ng panghi, ng alimuom—ng danas, implisito man o sab-tekstwal, ng mga marhinalisado at magpahanggang ngayo’y pinagsasamantalahan na uri o antas ng lipunan kung saan kabilang o kagaya ni Laya.
Bagama’t maigsi lang ang nobelang ito, binaybay nito ang mga nais sabihin ng isang manunulat na anak na nabubuhay sa anino ng kaniyang ama; ng asawang binuhay muli ang kabiyak mula sa kaniya; at ng isang amang nais humingi ng paumanhin. Ang nobelang ito’y pagsasatitik ni Cleto ng kadalisayan ni Luna, na siyang natuto sa mga depekto ng tao sa kaniyang buhay: ng kaniyang ama; ng kaniyang pamilya; lalo’t higit ang kaniyang sarili. At mula sa pagkatuto nito — mula sa pagkamatay ng kaniyang ama, na naging ikutang pangyayari (turning point) ng kaniyang personal na propesyunal na buhay; mula sa kaniyang (Laya) pagkahumaling sa mga sinusulat nito (Deo) simula noong ito’y bata pa lamang; mula sa kaniyang pagsalag sa lahat ng salita’t bigwas na natanggap nito; mula sa tahasang pangangaliwa niya sa kaniyang asawa; mula sa pagtanggap nitong kaya naman palang maging bukas ng kaniyang ama, ngunit pinipiling maging malamig, sarado, at konserbado sa kaniyang pamilya — ay isang Laya na binibigyang katuturan ang kaniyang ngalan: Laya — Malaya. Malaya mula saan? Malaya mula sa tanikala ng kaniyang ama, sa anino ng pagiging manunulat at mandudula nito. Malaya mula sa matagal nang kinukubling pakiramdam kay Sid. Malaya mula sa makinilya ng kaniyang ama, na sa pagkamatay nito’y dinala sa kaniyang hukay ang sakit ng kaniyang altar, na kung saan, sa pagkamatay na ito’y nabuhay naman ang manunulat na dapat maging: ang makinilya ni Laya na may sariling hubog, ritmo, at kaluluwa.
Very literary.The strength of this book lies with its languaguage. The words really sing, I must say. The whole book is poetic and insightful. I could not wait to read the Filipino version of this. I love how women and their narratives were given emphasis all throughout the novel. Even if the whole thing is relatively short, the novel has captured well the bits and pieces of the lives of a middle class family who navigates the world of the academe and creative writing. The fact that the entire novel is not plain prose but a mixture of scripts and poetry vividly reflects the the author and her characters' finesse in writing.
I only read the english version of Typewriter Altar and I am looking forward to read the original tagalog story.
While reading Typewriter Altar, it really feels so nostalgic. You somehow reminisced your childhood days. In this story, you encounter the writer's life. The typewriter that it seems the writer worship because of his so much love of writing and you will realized the importance of the time of being with our family. Being in those happy yet nostalgic moments that is already a bittersweet memory now.
Sana ay makahanap ako ng kopya ng 'Makinilyang Altar 'na libro dahil iba parin talaga kapag tagalog at orihinal ang pagkakasulat ng isang manunulat.
It is a poignant story of how people go through the pains of letting go, letting things in, and moving forward from the moments and memories that have happened and will happen.
The house is our space. An inhabitant’s world is first contained within the confines of their respective domestic spaces. These houses can take on the personalities of its inhabitants, reflecting their aspirations and goals, even holding their pains. But with the tendency to head towards promising dwelling spaces over the course of our lives, one’s consciousness regarding habitation and ownership can wear down with constant relocation. With all the changes which take place, in what ways can we commemorate our experiences and fortify the memories within our homes?
The Dimasupil family resided in a few houses as outlined by Laya. There are snippets of memories from her childhood home in Kamantigue Street in flood-prone Marikina, to their brief stay in Project 6, Quezon City and to the modest chalet inside the university campus. But the bungalow located in the foothills of Montalban, Rizal became the house which forged their consciousness. Relocating from an urban to a pastoral setting entails a ceremonial detachment of sort. For the city dweller, the distinctive chaos found in the inner city gets embedded. This characteristic takes a back seat when one moves to the slower, rustic setting located in the fringes of the urban landscape, where the atmosphere sets the tone for a nostalgic walk, of fond remembrances.