Jump to ratings and reviews
Rate this book

LABO: Koleksyon ng mga Malalabong Sanaysay ni TPC

Rate this book
A collection of essays written by Typical Pinoy Crap ( https://www.facebook.com/ExtremePinoy... ).

148 pages, Paperback

First published May 17, 2016

18 people are currently reading
179 people want to read

About the author

Typical Pinoy Crap

1 book11 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
28 (63%)
4 stars
11 (25%)
3 stars
2 (4%)
2 stars
1 (2%)
1 star
2 (4%)
Displaying 1 - 13 of 13 reviews
1 review
May 26, 2016
Book Review.
Kahit na diko alam kung tama ba tong ginawa ko XD.

Kakatapos ko lang basahin yung Libro. Pero bago ko nasimulan to tinitigan ko muna yung pinaka huling line sa book cover. Siguro mga 30mins. Ano bang ibig sabihin nun
Profile Image for Alvin John.
1 review
June 3, 2016
Uhmm..
Ano nga bang masasabi ko sa libro?

Simple ang nilalaman,mga karaniwang mga bagay na nangyayari sa ating lipunan na hindi nabibigyang pansin o kailangan ng atensiyon o maaaring nakikita ngunit takot ang iba sa atin na ipahayag ang kanilang mga nais iparating,takot sa magiging reaksyon ng madla tungkol sa kanilang saloobin o opinyon kaya't mas piniling maging tahimik na lamang sa mga pangyayari sa bansa.
Mula noong isinilang ka sa bansang kung tawagin ay perlas ng silangan.
Marami ng kashitan ang laganap,mga bagay na maselan kung tatalakayin kaya't minsan ipinagwawalang bahala na lamang ng pangkaraniwang tao.
Karaniwang sinasabi o typikal mo na maririnig sa mga bunganga nila ang mga katagang "Wala akong pakialam", "I dont care",bahala kayo sa mga buhay niyo", kanya-kanya tayo ng buhay walang pakialamanan.
Ngunit kakaiba ang awtor o ang utak sa likod ng obrang ito,espesyal siya sa kanyang pamamaraan.Isa siyang tao na handang tumindig sa harapan ng entablado upang sabihin ang kanyang saloobin at mga hinaing,handang sumigaw sa harapan ng mga taong ang utak ay sarado sa mga ganitong usapin.Handang imulat ang mga matang bulag sa katotohanan at mga tengang bingi sa mga isyu na dapat pakinggan.

"I fucking care",ika nga ng mismong awtor.
Karaniwan sigurong unang magiging impresyon mo sa libro ay mapapaisip ka at magugulumihan sa kanyang mga sanaysay at itinatalakay na nakapaloob sa libro.Mga usapin patungkol sa relihiyon,mga kaugalian ng mga Pilipino at marami pang iba na hindi kanais-nais na napupuna ng awtor na kung ikaw mismo ang magbabasa ay malalaman mo ang mga pinagsasasabi ko na mas lalong pang lumabo kasi nireview ko pa ang libro.
"LABO"ang pamagat ng libro ngunit garantisadong lilinaw ang iyong mga pananaw sa lugar na ginagalawan mo.

Simple ngunit importante ang mga tinalakay at nilalaman ng libro.

Ano pang hinihintay mo?
Umiskor ka na ng LABO.
Profile Image for danicatalyst.
259 reviews35 followers
June 9, 2016
Ang LABO: Koleksyon ng mga malalabong sanaysay ni TPC ay isang libro na tumatalakay sa mga isyu ng mga Pilipino tulad ng paniniwala, pag-iisip, asal, at madami pang paniniwala. Kung sarado ang isip mo, sensitibo at pikon ka, higit sa lahat fan ka ng shitty story sa wattpad, hindi ito ang librong para sa'yo. Pero kung gusto mong matawa, mapataas ang kilay, mapakunot ang noo, mapailing, mapatango, kwestyunin ang paniniwala mo, at matuto, walang mawawala sayo kung babasahin mo ang libro na ito.

Habang binabasa ko ang libro na 'to ganyan ang naramdaman ko. Natatawa ako sa mga isyu na halos araw-araw din kung mapuna ko sa mga tao sa paligid ko, napatango ako sa mga opinyon na nabasa ko kasi ganun din ang pagkakaalam ko, napataas ang kilay at napakunot ang noo ko sa ilang sensitibong isyu na tinalakay dito. Higit sa lahat kinuwestyon ko ang sarili kong paniniwala. At sa dulo ng librong ito masasabi ko na "di nasayang ang pera ko.".

Mahalagang mabasa ng mga kabataan na mahilig din magbasa yung parte ng libro na "SOME RANTS ABOUT TEEN BOOKS NOWADAYS", bilang mahilig ako magbasa at nangongolekta ako ng libro, sobrang na-appreciate ko itong isyu na ito. Huling bili at basa ko ng isang local print na libro ay college pa ako, 2010, Bob Ong at Kiko Machine lang yun. Feeling ko kasi yung mga nilalabas na libro ngayon di na sulit gastusan. Para ka na lang magtatapon ng pera. Gusto ko din yung "CONSUMABLE SHIT FOR SHITTY CONSUMERS", na konektado sa naunang isyu. I prefer John Green and Veronica Roth books than this shitty wattpad published books, sabi ng kakilala kong bata na nagbabasa sa wattpad, suportahan mo din dapat ang sariling atin. Mas mura naman di hamak ang wattpad books kesa sa paperback novels ni JG. Sa isip-isip ko at least di nasayang ang pera ko, may aral naman si Augustus Waters kumapara kay Ms. Pakangkang.

So nag rant na din ako sa sarili kong review, pero okay lang yun kasi sabi ni TPC sa part ng AN OUTCAST "I am angry because I fucking care.". XD

Ang bottom line ng review kong magulo, ang LABO ay ang klase ng libro na sigurado ako na irerekomenda ko sa mga kakilala ko, bata man o matanda, fan man ni John Green o ni Ms. Pakangkang. Matatawa ka na mapipikon ka— este matututo ka pa!

Sa sumulat ng libro na to, di talaga kita kilala. Haha ni-like ko lang ang page mo after ko makita sa page ng PAPEL at iorder yung libro mo. Salamat kasi binigyan mo/ninyo ulit ako ng dahilan para bumili at magbasa ng libro na gawang pinoy! I'm proud of you (mali yung proud to be pinoy eh! haha). Bilib ako sa paraan mo ng pag iisip, pero mas bilib ako sa tapang mo na isulat at i-publish ang libro na 'to, sa tapang mo na kwestyunin yung paniniwala ng karamihan at batikusin yung kaalaman ng mga tipikal na pilipino. Sana di ito ang huling libro mo na mababasa ko. Sana di masayang yung talento na meron ka. Chos!

*********_____**********

Dear TPC and Papel,
may reprint po ba ang libro? hindi ko alam kung mababasa ninyo ito, pero sana po ay maiayos yung mga typographical error tuladngmgasalitangmagkadikit, madami kasi, as in madami kaya pansin na pansin. yung libro din po na natanggap ko ay may punit na page. T_____T maliit na bagay lang naman pero sana sa susunod na prints maayos na para di makabawas sa quality ng libro. :) ayun lamang po, congrats sa successful na libro ninyo.

P.S.
Sino yung lalake sa likod nitong libro? Cute e. Tinanong ko lang naman walang halong paglalandi. XD

xo, Dani —
1 review
June 1, 2016
Nilagyan ko muna ng plastic cover bago ko binasa. Mahirap na... baka marumihan pa.

Ganito ko binasa ang LABO...
Tinitigan ang front cover at binasa. Hinanapan ko ng katuturan at pilit inintindi ang huling linya ng mga letra pero... malabo talaga. Haha. Pagdating sa likod, ang lapad ng ngiti ko. Totoong-totoo ang pagpapakilala ng awtor sa sarili niya. Nung binuklat ko na, gano'n pa rin ang ngiti ko dahil sa pirma at dedication ni TPC na, "Salamat Roxy Ganda". Hahaha. Okay ang font, maraming magkakadikit na salita pero naiintindihan pa rin naman, smooth lang sa mata.

Dito sa librong 'to ko naranasan na talagang mahulog sa pag-iisip. Nakita ko talaga ang mga tipikal na shit sa buhay ng mga Pilipino at ng bansang ito. Hangang-hanga ako sa kung paano pinangatwirananng awtor ang bawat bagay na binanggit dito. At dito ko naranasan na mapamura sa bawat reyalisasyong tumama sa pagkatao ko. Dito ko nakita ang sarili ko sa mga ekspresyong, "Ay tangina! Oo nga, 'no?!" at saka babasahin ulit para mas maunawaan nang maigi. Bilang mamamayan na bahagi ng isang bansang konserbatibo dahil nga itinuturing itong kristiyanong bansa, bilib ako sa tapang ng awtor na banggain ang mga tipikal din na shits pagdating sa paniniwala at relihiyon. At bilang isang kabataan na lumaki sa isang hardkor na Kristiyanong pamilya, alam ko ang pakiramdam kung paanong pilit na isinusubo sa'yo ang "tamang" katuruan at paniniwala na dapat isabuhay mo. Pero dahil isa rin akong indibidwal na may sariling pag-iisip, mas pinili kong tumayo sa kung ano ang "mas dapat" at "mas tama" na nakikita ko. Salamat sa librong ito na malaki ang naging tulong para mas mabuksan pa ang kaisipan ko sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko. 'Yung mga bagay na akala mo okay at normal, pero may mali at dapat pakialaman... para may mabago.

Sheet Booklawntz ang isa sa mga pangyayaring nakatala na sa "Pinakamasasayang Araw ng Buhay Ko". Hindi na 'yon mabubura magmula umpisa hanggang sa halos ayaw ko na ngang matapos pa. Hahaha.

Muli, sa awtor ng librong ito, maraming salamat sa'yo. Congrats. Sana makausap kita sa mga darating na pagkakataon. Aasahan ko pa ang mga susunod mong libro.

PS. Sa mga nakapila para hiramin ang librong 'to sa'kin, bumili rin kayo, mga brad! I swear, hindi sayang tupipti n'yo. kiki emoticon
Profile Image for Cris Paet.
1 review
June 12, 2016
Rebyu ng LABO ni TPC:

Okay nag-search pa ako paano gumawa ng book review. I'll do it my way na lang *nagkasa ng baril*

Inlab ako sa libro! Kumbaga sa unang kita kras ko na agad... hayuf kasi ang pabalat astigin pati 'yung titulo pumupukaw ng atensyon. Likod at harap ng libro ang sarap halikan... o siya punta na tayo sa nilalaman bawal ang mahabang shits.

Kahit hindi naniniwala ang awtor sa 'afterlife' sigurado 'ko magiging immortal siya sa pamamagitan ng libro niyang ito. Wala pa akong nababasang akda ni TPC, pero matapos kong basahin ang kaniyang libro ay masasabi kong hindi lamang ito basta pagsusulat dahil kasama rito ang salitang pagmumulat.

Hindi naman ito mga espesyal na mga kuwento, kung tutuusin ay mga ordinaryong kwento ito ng mga Pilipino na walang pumapansin. Bakit wala? E shits ito ng mga Pinoy e!, sino ba gustong masabihan ng 'Tangina ka Pinoy ka? Baluga ka! Mabaho! Bobo!' 'Di ba wala? Pero si TPC kaya niya 'yong ihatid sa'yo nang walang halong kaimpokritohan, babaligtarin niya mga pinaniniwalaan mo, hihimukin ka niya na gamitin ang laman ng bungo mo! Isa lang naman ang gusto ng libro e ang MAG-ISIP ang mga Pinoy! Ang alisin ang mga harang na nagpapaLABO sa kung ano ang dapat na totoong nakikita, naririnig o nababasa ng bawat isa sa atin.

Ngayon, kung isa ka sa mga Pinoy Shit na natatakot maharap sa salamin ng katotohanan. Uwe! Uwe! 'Di para sa'yo ang libro na'to. Pero kung isa kang Pinoy na handang masapak, mabugbog, matadyakan, masikmuraan ng mga salitang makakapagpalinaw sa maLABO mong mga pananaw... Hallelujah! Dapat ay may kopya ka nito!

- * - * - * -

Gusto kong pasalamatan ang awtor sa matapang na pagtalakay sa mga maiinit na isyu ng pagiging isang Pinoy lalo na ang isyu ng same sex marriage at LGBT!

Mabuhay ka TPC!
(*shit* favorite expression ko na yata ito!)

Thanks po Edilbert Estanislao :)
Profile Image for Jeremy Layson.
3 reviews3 followers
June 1, 2016
Kung may "coffee table book" na nilalagay sa ilalim ng coffee table (at doon na rin binabasa). Ito siguro yung matatawag kong "bus rides book". Dahil binabasa ko lang ang librong ito upang pampa-antok sa byahe.

Hindi iyon insulto, dahil ganun kong nakikita ang LABO. Yung tipong masarap at may laman kahit unti-untiin mo. Wala kang hinahabol na storyline eh, bawat isang pahina kaya kang pabilibin at kaya kang busugin. Ganyan ang epekto ng LABO para sa akin.

Wala kang ginagawa? Buklat ng LABO sa random page at magbasa. Tumatae ka ng pagkalaki-laki? Buklat ng LABO at hintayin ang kinabukasan.

Bawat isang ideya sa librong ito ay may mapupulot ka. Simple lang naman ang estilo ni TPC. Patatawanin ka sa pinagsasasabi n'ya, tapos sa huling talata sasampalin ka ng katotohanan. Minsan nga pagtatawanan mo yung ideya na sa bandang huli ikaw pala ang tinutukoy.

Social critic, oo, lagpas pa doon ang narating ni Edilbert. Dahil ito yung uro ng kritisismo na hindi mo kokontrahin sa una dahil isa ka sa laptrip rin. Pero pag nalaman mo kung sino ang tinutukoy, wala kanang panahon para bawiin ang mga halakhak mo, kahit nalaman mong dinidikdik sa mukha mo, "Putangina mo."
Profile Image for imawi - on reading hiatus 📖 .
40 reviews35 followers
October 3, 2016
It is a very good book for a starter. Precise & filled with humorous lines. So full of potential. Hindi mo pagiisipang nasayang ang 250 pesos mo at sana pinang jollibee mo nalang.

May isa lang akong gustong mag-improve sa next release (kung meron man) yung pagkakasunod-sunod ng mga bagay na dinidiscuss niya. From religion-to youth-to gay-back to religion-education-back to religion again. That's the only thing I want to get better. Story layout. Other than that, it was entertaining & refreshing to read. Another good fil novel added in my bookshelf! :)
Profile Image for Mariz Rovillos.
1 review1 follower
May 28, 2016
Pagkadeliver pa lang ng Xend, binasa ko na agad. Ang lupit ng librong ito! Ang tapang ni TPC para talakayin ang mga matitinding issue natin noon at nandito pa rin hanggang ngayon. Highly recommended na basahin at ibahagi sa iba. Sobrang sulit at maraming ipaparealize sayo ang librong 'to. Sana magkaroon 'to ng volume II !
Profile Image for Kuy Kuy.
1 review3 followers
May 27, 2016
Malupit 'to! Madaling maiintindihan ng mga bagito. Sobrang linaw ng pagkaka paliwanag niya sa mga bagay na ubod ng labo.
1 review
January 25, 2017
So... sa libro ni TPC.

Unahin ko yung nilalaman. Nung una, inasahan ko nang magiging dating nito ay katulad lang ng pakikipag-usap niya sa 'kin sa page niya. At hindi naman ako nagkamali dahil most of his topics ay galing din mismo doon. Hindi nawala ang sense of humor na hinahanap ko, at the same way na ganon pa rin kakisig ang paraan ng pananalita niya; mabait pero malupit. Tipong walang pinalampas ang librong 'to pagdating sa tipikal na baho ng bansa natin. Hindi ako sigurado, pero simula kasi noong nakatagpo ako ng isang maimpluwensiyang pag-iisip, parang luminaw lalo yung paningin ko na akala ko dati'y malinaw na. Though ang title ay "Labo". Dito sa librong 'to, dumulas lalo yung utak ko. Napakasimple kasi ng pagpapahayag niya sa napakakumplikadong sitwasyon ng bawat kuwento. Alam kong maraming magagaling sa ganoon, pero kaya ako humanga dito ay dahil sa edad ng author na kung tutuusin ay halos ka-edaran lang ng karamihan na fans niya. Isa na 'ko ro'n. Marami siyang sinabi, sinasabi, at sasabihin, na tingin ko e kailangan pa ata ng volume 2. Naks.

Pagdating naman sa spacings, fonts, at sizes, wala namang problema. Napasobra lang yata yung justification ng paragraphs kaya nagkadikit-dikit yung ibang words. Pero pulido pa rin naman kung tutuusin.

Sa cover, ang una kong naalala talaga, tbh, ay si Bob Ong sa libro niyang Stainless Longganisa dahil parehong white, gray, and black ang ginamit. Ayos 'yon. 'Yon nga rin yung gusto kong maging kulay ng libro ko e (kung sakaling palarin).

Para naman sa author, ayon. Congrats dito sa pinakauna mong/niyong baby. Sayang lang kasi 'di ako nakapunta ng booklawntz, gustung-gusto rin kitang mameet. Pero 'di bale, pareho naman tayong best in english noong prep.
10 reviews1 follower
September 27, 2016
Review ng LABO ni Typical Pinoy Crap

Disclaimer: Kung mataas ang pride mo bilang Pilipino, o isa ka sa mga close-minded ukol sa relihiyon, wag ka nang magbasa.

Nang mahawakan ko ang librong ito di ko alam kung ano ang aasahan ko. Base sa background ni TPC, alam kong tinitira niya ang mga mali sa kondisyon ng mga Pilipino (obvious rin naman sa title ng page niya eh). At times makikita ko ang sarili ko na umaagree sa karamihan ng mga opinyon niya, if not lahat sa mga nilalaman ng librong ito.

Gusto ko ang style ni TPC—damang-dama mo ang impluwensiya nito kay Bob Ong, na nagsaad rin ng kanyang opinyon sa Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino?, pero kung ang kay Bob Ong ay puno lamang ng kontentong nagmula sa Bobong Pinoy, ang nilalaman ng LABO ay kay TPC mismo—at mararamdaman mo ang rektang patama niya na minsan ay tatagos sa'yo mismo. Akala ko, pag binasa ko ang librong 'to, matutulad rin sa naging impression ko sa BBMAMP?, pero higit ang naging epekto nito sa aking paniniwala bilang isang Pilipino.

Maraming sanaysay ay naglalaman ng patama sa relihiyon, bunga rin ng atheism ni TPC. Hindi naman ako apektado dito, sa totoo nga ay umaayon ako sa mga solidong punto niya, ngunit nakakompila ito sa bandang dulo ng libro, na hindi ko masyado nagustuhan dahil umaabot sa pagiging gasgas ang opinyon niya. Hindi malaki ang epekto nito sa akin, dahil ang lahat ng iba pa niyang sanaysay ay totoong-totoo at ang aplikasyon ng lohika niya rito ang nagpapaganda sa nilalaman ng kanyang akda.

Sayang nga lang at hiniram ko lang ito sa kaibigan ko. Masarap itong basahin tuwing naaalala mo kung gaano kabobo minsan ang Pilipino.

5/5.
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
Want to read
May 30, 2016
=)))
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Marc Gianan.
1 review14 followers
June 1, 2016
Must read. Book is similar to Brain Droppings of George Carlin.
Displaying 1 - 13 of 13 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.