Jump to ratings and reviews
Rate this book

Family Album: Mga Piling Personal na Sanaysay/Salaysay

Rate this book
A personal narrative of the author about her family members in chronological order.

112 pages, Paperback

First published January 1, 2006

Loading...
Loading...

About the author

Fanny A. García

11 books35 followers
Fanny A. García is a prominent Filipino writer, educator, editor, and translator. She is recognized for her fiction, essays, creative non-fiction, and children's stories, and is an award-winning figure in Philippine literature.

García's works often reflect her social consciousness and are recognized for their literary merit.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (25%)
4 stars
3 (25%)
3 stars
5 (41%)
2 stars
1 (8%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Z666.
83 reviews26 followers
September 22, 2025
Totoo ang kamatayan, nangyayari ang buhay, at sa ubod at buod ng mga kaganapang ito pumipintig ang udyok na kilalanin, makipagkuwentuhan, at bumuo ng komunidad na may pagpapahalaga at pagtanaw sa karapatan ng ating mga kaakuhan. Sa Family Album ni Fanny Garcia, ang pagbuo’t pagwasak sa kahulugan ng estruktura (at estruktura ng kahulugan) ay nagsisimula sa ating tahanan.

Sa maliit na barong-barong sa tabing-ilog sa Malabon kung saan awtoridad ang matandang tatay at ang dahan-dahang pagmamalay ng bunsong anak ay pagkuwestiyon sa kaayusang ito. Sa subdivision sa pusod ng kalunsuran, sa bungalow ni Tiya Lina, kung saan ang babae ay laging dehado sa transaksyunal na relasyong mag-asawa. At sa bawat paglilipat-lipat ng bahay ng kamag-anakan ni Garcia, sa kaniyang bawat pagdalaw at pangungumusta, pakikinig at pagdamay, pagtunghay at pakikiluha, ay naimapapa ng manunulat ang totalidad ng mundong likha ng marahas na kaayusang patriyarkal at piyudal.

Ang mabuhay nang may puso. Ang umibig sa panahong tila imposible ang bagay na ito. Ang Family Album ay isang katedral ng tahimik na mga panalangin tungkol sa pagkawasak at lumbay, paghilom at pagkabuhay. Tinuturuan tayo ng libro na malalagpasan natin ang lahat ng mabibigat na hamon sa buhay sa pamamagitan ng lagi’t laging pag-unawa, pag-ibig, at paghahangad ng radikal na pagbabago.

(Gusto ko sanang magpahinga mula sa pagbabasa ng aking mga sanggunian para sa MA. Magaang pagbabasa lang sana ng mga personal na sanaysay. Pero may mga pagkakataong nagpupunas ako ng luha. Mahirap maging anak sa isang pamilyang laging nakabitin sa ere ang maipangkakain at maipambabaon bukas. Kaya mula sa isang pagal at pagod na ring anak, maraming salamat, Ma'am Fanny, sa paghahawan ng landas.)
Profile Image for bryan.
217 reviews27 followers
August 29, 2020
Napaiyak ako sa mga huling pahina ng libro. I imagine it took a lot of courage and strength from her to be so honest about what it felt like to lose your loved ones over the years — to see them suffer from a debilitating illness or old age — and to express your fears and insecurities about your special child's future when you're dead and gone.

Pinaka-uncomfortable na parte sa akin ay yung mga huling bahagi tungkol sa nanay niya. Natakot din ako para sa sarili kong mga magulang. Magiging kasingtapang at kasingtatag din kaya ako ng author kapag naging sakitin, nag-uulyanin, at malapit sa aksidente ang aking mga magulang? Kakayanin ko ba?

Naappreciate ko yung mga parteng nilalarawan ng author yung relasyon niya sa bawat mahahalagang miyembro ng pamilya at yung pagsali niya sa kilusan noong dekada setenta. Inakay niya ako sa bawat yugto ng buhay niya, sa mga masasayang alaala, sa mga araw na puno ng takot at pangamba. Hindi ko masasabing napasaya ako ng librong ito pero nag-iwan ito sa akin ng pag-asa, at sa tingin ko'y sapat na iyon.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews