What do you think?
Rate this book


148 pages, Paperback
Published July 23, 2016
.Masakit malaman na hindi ikaw ang pinakamagaling sa mata ng mga hurado pero ang mas mahalagang katotohanan, maikling oras ka lang naman tinitigan ng mga ito. Ang mas mahalaga, sa mas mahabang panahon, mula rehearsals hanggang sa huling segundo bago ang contest, ay hindi mo minata ang sarili mong kakayahan. Naniwala kang may pag-asa ka, kahit sa sarili mo lang mga mata. Dahil sa huli't huli, 'yong mga sariling mata mo rin naman ang pinakamatagal na tititig sa 'yo; ang mga sariling tenga mo ang pinakamatagal na makikinig sa 'yo; ikaw ang pinakamatagal na hurado ng sarili mo kaya lagi mong siguraduhing para sa 'yo, ikaw ang panalo.
------------------------------------------
Magtaas ka palagi ng kamay, para sa pagsubok at mas malaking hamon. Dahil kapag nakita ng Ginoo, Siya mismo ang aabot sa kamay mo, at magpapalipad sa iyo.
------------------------------------------
Kaya kung manipis ang pitaka mo, mas dapat kang magpamudmod ng kabutihan sa mga pulubi sa kaligayahan. Dahil karanasan ang iyong puhunan. Saya ang iyong pera.
------------------------------------------
Dahil kung ang buhay ay umiikot sa isang malaking tanong,
baka ang pinakamabisa talagang paraan para masagot ito
ay ang mabuhay din ng malaki, sagaran, lubusan.
Ang langhapin and bawat araw nang walang pagpipigil,
ang magmahal nang lubos at walang katapusan,
ang masaktan nang wagas at magpatawad paulit-ulit,
ang mangarap nang walang respeto sa realidad,
ang maglakwatsa sa bawat sulok ng planeta
kahit na alam mong sa dulo,
sa buhangin din ang balik ng buong mundo.
Baka kaya kailangan nating mabuhay nang malaki
ay para makilala ang nagbigay sa 'tin
ng kakayahang magtanong
kung bakit tayo nandito.
Baka?