Jump to ratings and reviews
Rate this book

Tat*lu*han: Tatlong Dula ng Pagibig sa Tag-sibol, Tag-araw, Tag-ani

Rate this book

90 pages, Paperback

First published January 1, 1975

2 people are currently reading
23 people want to read

About the author

Amelia Lapeña-Bonifacio

10 books3 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
7 (63%)
4 stars
2 (18%)
3 stars
1 (9%)
2 stars
0 (0%)
1 star
1 (9%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
August 14, 2016
#BuwanNgMgaAkdangPinoy
Aklat #13: TATLUHAN ni Amelia Lapena-Bonifacio
(Regal Publishing Co., 1975)

Si Amelia Lapena-Bonifacio ay isa sa matunog na pinagpipilian bilang Pambansang Alagad ng Sining sa 2017. Hindi ko lang alam kung sa tanghalan o sa panitikan. Maraming naisulat na aklat si Bonifacio. Ngunit siya ay mas sikat sa pagiging puppeteer. Sa katunayan, siya ay tinaguriang "The Grande Dame of Southeast Asian Children’s Theater." Kaya puwede siyang maging pambansang alagad ng sining sa panitikan at tanghalan kagaya ni Rolando S. Tinio. Isa rin sa dahilan kung bakit binasa ko ang aklat na ito ay dahil sa nabasa kong memoir niya noong isang taon, ang "Binondo, Once Upon a War" (Manila Times, 2014), na nagustuhan ko.

Ayon sa aking nabasa, ilang beses nang na-bypass si Bonifacio sa paghirang bilang Pambansang Alagad ng Sining. May politika rin naman kasi ang nominasyong at pagpili riyan. Depende rin kasi sa Presidente. Tingnan na lang ang kaso ni Nora Aunor na hindi pinili ni Dating Pangulo Noynoy Aquino dahil daw naging adik si Ate Guy.

Ang akdang ito ay binubuo ng 3 dula ng pag-ibig: ang "Tag-Sibol" ay komedya. Ito ay tungkol sa love triangle nina Ibyang, Leloy at Danny. Si Ibyang ay tindera sa kanilang maliit na restaurant kung saan nagmemeryenda sina Leloy at Danny sapagkat may gusto ang dalawang binatilyo sa dalagita; ang trahedyang "Tag-Araw" ay isang dula na ang setting ay Bondoc. Ito ay may dalawang tauhan lamang, sina Gayan at Olan. Ang dula ay ang diyalogo nila sa supposedly huling araw o gabi nila bilang magasawa; at ang komedya/trahedyang "Tag-Ani" na binubuo rin ng 4 na karakters pero ang main ones ay dalawang matanda na sisenta at setenta anyos na. Tatlong uri ng pag-ibig sa iba't ibang panahon ng buhay nila: sina Ibyang at Leloy na kapwa teenagers, si Olan at si Gayan ng nasa child-bearing age at ang dalawang unnamed na matanda on their twilight years.

Pinakagusto ko ang trahedyang "Tag-Araw" pero gusto ko rin ang ending ng "Tag-Ani" dahil unexpected. Naalaala ko sa dulo yong 1001 book na "House Mother Normal" ng English novelist na si B. S. Johnson. Ganoon pala yon. Nakakatuwa at nakakalungkot siguro talaga pag ganoon na ang edad ng tao.

Mahusay ang pagkakabalangkas ng tatlong dulang ito ni . Puwede pa rin silang ipalabas at magiging relevant pa rin sa mga manonood. Paging PETA!

Nabili ko lang ang aklat na ito sa halagang limang piso sa isang booth sa Manila International Book Fair (MIBF) noong isang taon (2015). Sa halagang limang piso, sandamakmak na ligaya ang naranasan ko. Salamat, Ma'am Amelia. Goodluck po sa National Artist award. Makukuha nyo rin po yan.

Pasensiya na rin po sa paggamit ko na larawan ninyo dito sa post.

#BuwanNgWikangPambansa
#PinoyReadsPinoyBooks

Profile Image for Manuel De Luna.
7 reviews1 follower
January 1, 2022
maikling babasahin pero masinsin.

nagustuhan ko itong TAT•LU•HAN ni Amelia Lapeña-Bonifacio dahil sa paunang salita bago ang mga dula. may mga pa-‘disclaimer’ na s’ya sa kung anong paraan n’ya nakikita ang tatlong dulang pag-ibig pati na rin ang formlist definition ng « one-act » na s’yang tumatawid sa tatlong dula.

Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.