I. Technical / Physical
Ano bang masasabi ko sa pabalat nitong sagi—este librong ito? Ito talaga yung unang nakapukaw sa pansin ko at ng anak ko. Tuwang-tuwa siya sa mga sahog na may mata, ilong, bibig, at iba pang mga parte ng katawan na dapat naman ay wala sila.
Pagdating sa teknikal na aspekto, sa tingin ko ay hindi ito masyadong pinapansin sa ganitong uri ng libro dahil ito ay isang komiks. Wala rin naman akong napansin na kapuna-puna sa aspektong ito ng libro.
II. Content
Hindi ako binigo nitong librong 'to. Ang sakit ng tiyan ko katatawa! Ang cute lang tingnan nung mga sahog, e. Favorite ko yung part na naging Spongebob si Gulaman tapos nagalit si Saging at naging Super Saiyan. Magandang gawing break sa pag-aaral ng Management at Advanced Accounting, at pagbabasa ng mga wasak na kuwento. At dahil nabitin ako sa ending, bawasan natin ng isang star yung rating nito. Haha!
——
Bumili na kayo tapos abangan ninyo yung pangalawang libro. LOL.